Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
XYRA
Miyerkules. Tinanghali ako ng gising. Nagmadali akong pumunta sa classroom. I missed the first subject. Nakita ko sina Selene at Clauss na kasunod ni Bryan sa paglalakad. Hindi nila ako napansin. Namumutla si Selene na tila kinakabahan. May sakit ba siya? Nagkibit-balikat ako at tumuloy sa loob ng classroom. Uupo na sana ako pero nilapitan ako ni Kyle. Pinapupunta ako ni Bryan sa office ng headmaster, ayon sa kanya.
Kinabahan ako dahil isang subject lang naman ang hindi ko napasukan ngayon pero bakit kailangan ko pang pumunta sa headmaster's office? "Bakit daw? Major offense na ba ang pag-absent sa isang subject?" kabadong tanong ko.
Natawa siya. Namangha siya sa ekspresyon ng mukha ko dahil napapraning na ako. Ngumisi siya at nang-aasar na nagsalita. "Walang pinapupunta sa headmaster's office dahil lang sa hindi naka-attend ng isang klase. Maybe you've done something terrible."
Dahil sa sinabi niya inalala ko lahat ng masasamang bagay na ginawa ko. Nataranta ako dahil naalala kong nakabangga ako ng isang abnormal na tao.
"Hala! Paparusahan ba nila ako?" hysterical kong tanong. Natawa si Kyle sa reaksiyon ko. Ginulo niya ang buhok ko. Ang hirap magsuklay at bakit ba feeling close siya? Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko.
"May mahalaga kayong pag-uusapan kaya ka pinapupunta roon. Bilisan mo na. Excused ka na sa klase," wika niya.
Napakunot-noo ako pero sinunod ko siya. Napansin ko si Akira na naglalakad sa unahan. Pareho kami ng direksiyon na tinatahak kaya tumakbo ako para maabutan siya. Sumabay ako sa kanya. Napatingin siya sa 'kin at ngumiti. Ngumiti rin ako. Tinanong niya kung saan ako pupunta kaya sinabi kong sa headmaster's office. Doon din siya pupunta kaya natuwa ako.
Nasa loob na sina Bryan, Selene at Clauss, pati si Mr. Williams. Mukhang kami na lang ang hinihintay. Umupo kami sa bakanteng upuan. Katabi ko si Clauss na mukhang bagong gising. Pinagmamasdan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata. Siguro, natulog siya sa klase kanina? Tumingin ako kay Mr. Williams nang magsalita siya.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinapunta rito. The truth is, the four of you will train together within two months. May mahalaga akong misyong ipagagawa kapag handa na kayo," wika niya.
Mataman akong nakinig. Malalim ang iniisip ng mga kasama ko lalo na si Selene.
"Aatasan ko kayong hanapin ang heaven power user. Mabigat ang misyon na ito dahil hindi lang kayo ang naghahanap sa kanya. Tiyak na hinahanap na rin siya ng mga Dark Wizards, at hindi dapat balewalain ang mga ito dahil sa taglay nilang lakas. You need to be stronger to be able to face them without fear," dagdag niya.
Dark Wizards? Ang mga evil power users na nabanggit ni Clauss dati. Hindi ko na napigilang magtanong dahil naiintriga ako. "Excuse me, anong mangyayari kapag natagpuan na namin ang heaven power user?"
Naalala ko ang sinabi ni Clauss. Dahil buo na kaming apat kailangan na naming hanapin ang heaven power user. Ibig sabihin ba na kapag nabuo na kaming lima, kami ang haharap sa mga Dark Wizards? Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang hindi na makatotohan. Nakakabaliw.
"Ang totoong layunin natin ay ang matagpuan siya at ilayo sa mga Dark Wizards. Hangga't maaari, madala niyo sana siya rito upang maipaalam sa kanya ang mga nangyayari at pumanig sa atin. Mahihirapan tayo kung sa Dark Wizards siya papanig dahil walang laban sa kanya ang mga elemental power users na kagaya niyo," sagot niya.
So, useless pala kaming apat pagdating sa heaven power user kaya natatakot ang headmaster na mapunta siya sa Dark Wizards? Pero sabagay, kung evil power users sila at pumapatay ng tao, kailangan talaga naming gumawa ng paraan para mapigil ang kasamaan nila. Matapos ipaliwanag lahat ay pinalabas na sina Clauss. Naiwan ako sa loob dahil may mahalagang sasabihin sa 'kin sina Bryan.
Kinabahan ako sa seryosong mukha ni Mr. Williams. Tahimik lang si Bryan na nakaupo sa isang tabi.
"Hindi ko na patatagalin. Gusto kong malaman kung nasa pag-iingat mo na ba ang magical rings?" tanong ni Mr. Williams.
Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Naalala ko ang sinabi ni Dad na huwag ipapaalam kahit kanino ang tungkol sa magical rings.
"Alam kong nagdadalawang-isip kang sumagot pero magtiwala ka sa amin. Mag-bestfriend kami ng Dad mo at alam ko na ibibigay niya iyon sa iyo. Alam niya kasing may hindi magandang mangyayari sa kanya," malungkot na wika ni Mr. Williams.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong nangyari sa Dad ko?" nag-aalalang tanong ko. Napalingon ako kay Bryan sa pagsagot niya. "Pumunta ako sa bahay niyo kahapon. Natagpuan ko ang ina mong umiiyak. She said that the Dark Wizards took your father away. He didn't tell them the whereabouts of the magical rings. Your house is a big mess. Halatang hinalughog ang lugar. Ang magandang nangyari lang ay ligtas ang Mom mo. Dinala namin siya sa bahay for her safety."
Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga nangyari. Nasa bahay lang ako noong linggo, 'di ba? At humiling pa nga ako sa maraming shooting stars? Nahuli na ba ako sa paghiling? Unti-unting naglandas ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang hikbing kumawala sa lalamunan ko. Napahagulgol ako. Sobrang bilis naman yata? Naramdaman ko ang paglapit ni Bryan at pagtapik niya sa balikat ko.
"Don't worry. Kaya ng Dad mo ang sarili niya. Ang kailangan lang naming malaman ay kung nasaan ang magical rings," wika ni Bryan.
"Dala-dala ko rito sa academy at nasa room ko. Itinago ko sa mga gamit ko dahil wala akong maisip na paglagyan," wika ko. Naasar si Bryan sa sinabi ko.
"You're reckless! Hindi mo ba alam na napakahalaga noon? And to think na may mga spies na nagkalat dito sa academy, kung saan saan mo lang itinatago iyon?" inis niyang wika.
"Spies?" takang tanong ko.
"Well, noong lunes ko lang nalaman na may spies pala rito sa academy. Anyway, hindi mo na kailangang malaman. Hahayaan naming ikaw ang mag-ingat sa mga magical rings pero siguraduhin mong hindi mo hahayaang makuha iyon mula sa iyo. And I'll give you some piece of advice, be careful with the persons you trust. Hindi mo alam kung kailan sila magiging ahas. Kung gusto mong mailigtas ang Dad mo mula sa mga Dark Wizards, ang mga magical rings lang ang makatutulong para matalo sila kaya alam mo na ang gagawin mo," wika ni Bryan.
Nanghihinang lumabas ako sa office. Dumiretso ako sa dorm. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Dad. Gusto kong makausap si Mom. Hindi ko lubos-maisip na nasa kamay na ng Dark Wizards si Dad. Naikuyom ko ang kamao. Gusto kong magalit at magwala.
I needed to secure the magical rings and became stronger. Matapos kong maitago ang black box, nagtungo agad ako sa training room. Umakto akong normal pero sa loob-loob ko, gusto kong umiyak. Halo-halo ang nararamdaman ko.
Napansin kong magkakahiwalay ang tatlo. Nasa isang sulok si Clauss na nakapikit pero halatang seryoso, katabi si Baby Clauss na natutulog. Si Akira naman, nakaupo lang sa isang tabi na nag-iisip ng malalim. Samantala, si Selene ay nasa isang sulok pero masama ang tinging ipinukol sa 'kin. Pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa pagitan naming apat. At kung magtatagal kami sa loob, pakiramdam ko sasabog ang training room anumang oras.
Hindi ko akalaing sobrang nakakabaliw ang presensya nila. Pakiramdam ko, tatakasan ako ng katinuan dahil makakasama ko sila sa training. Pakiramdam ko malulusaw ako dahil ako lang ang pinakamahina sa kanila.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" inis na tanong ni Clauss. Kinabahan ako sa tinig ni Clauss. Humakbang ako papasok pero iniisip ko kung pwedeng magsolo sa ibang training room.
"I think, ikaw ang nangangailangan ng matinding practice dahil ikaw ang pinaka-weak sa ating apat," Selene grinned at me. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya pero totoo naman kaya hindi na ako nagkomento. Napansin kong tumayo si Akira.
"If you need help, I'm willing to lend a hand," mabait na wika ni Akira.
I sighed in relief. Buti na lang may mababait na nilalang na kagaya niya. Hindi katulad nina Clauss at Selene na pakiramdam ko ay kakainin ako nang buhay anumang oras. Buti narito si Akira, hindi na ako masyadong natatakot. Ngumiti ako at nagpasalamat. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapang-uyam na tawa ni Clauss. Ano ba'ng problema niya? Sumungit na naman.
Napansin ko na nagtititigan na pala ng masama sina Akira at Clauss. Nakakatakot dahil mukha silang magpapatayan. Hindi dapat magsama sa training room sina Akira at Clauss dahil sasabog sila anumang oras. Naisip kong magbiro para mawala ang tensyon sa pagitan nila.
"Hoy, huwag nga kayong magtitigan ng ganyan. Bahala kayo baka bigla na lang kayong magkatuluyan.. hehe.." biro ko.
Pero hindi magandang biro ang sinabi ko dahil ako naman ang tinitigan nila ng masama. I'm dead. Dapat tumahimik na lang ako. Titig pa lang nila, nakakamatay na. Hindi yata ako makaka-survive dito. Iniisip ko pa lang na dalawang buwan kaming magsasama-sama, mabubura na sa blueprint ng architectural design ng WMA ang room na kinalalagyan namin.
Tumalikod ako dahil nakakatakot angmga tingin nila. Umupo ako sa isang sulok at nag-isip ng gagawin. Mababaliwakong makasama sila sa loob ng dalawang buwan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com