Chapter 11: You're Not A Good Actress
XYRA
Huwebes. Papunta na ako sa training room. I'm wondering if Clauss and Selene would be practicing today. Hindi sila nag-training kahapon. Clauss and Selene left the room without giving time to the training. They're not interested at all. They seemed like they were pissed off.
Clauss, with that fierce and serious look upon his face that made him look even more dangerous. And Selene, with the irritated expression because she's not used to seeing me around. Parehong wala sa mood ang dalawa kahapon. Napabuntong-hininga ako habang tinatahak ang daan patungo sa training room.
I'm praying that they won't show their faces in training today. Pakiramdam ko kasi sasabog ang training room, maging ako ay kasamang sasabog kapag magkakasama kami. They look like dragons that don't intend to show any mercy for their prey. Lahat ay nagpapalakasan, ayaw magpatalo sa isa't-isa. Gustong tumaas ng mga balahibo ko sa katawan kapag naiisip ko ang mga nakakabaliw nilang kapangyarihan.
But I didn't have the time to be intimidated now. Hindi dapat maapektuhan ang training ko. My father is waiting for me. Kailangan kong lumakas. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa kanya. I got a little paranoid and imagined insane things. Naiisip ko na baka pinapahirapan si Dad. Gusto kong umiyak pero pinigil ko.
Pagpasok ko sa loob ng training room, wala pang katao-tao. Ako ang unang dumating. Alas-otso lang ng umaga kaya hindi na kataka-taka iyon. Malalakas na ang mga kasama ko kaya hindi na nila kailangang magsanay ng maaga. Dahil wala pang tao, napagdesisyunan kong subukang kontrolin ang hurricane blades. Hurricane blades ang naisip kong itawag sa technique ng pinagsamang air blades at hurricane.
I concentrated on merging the hurricane with air blades. Ngayon mas madali ko nang nagagawa ito. Hindi na ako nahihirapang maglabas ng parehong pressure ng hangin para sa dalawang technique. But when I release the technique, the hurricane blades wouldn still go rampaging around the room. I stopped it and made it vanish. It would cause too much damage inside if I let it run loose.
"Easy. You have to be careful when releasing such dangerous technique."
Napalingon ako kay Akira. Kapapasok lang niya. Napatingin ako sa isang sulok ng training room. Nandoon na si Clauss at nakaupo. Hindi ko napansin ang pagpasok niya. Clauss was glaring at me intently. Why did I have this feeling that I've done something wrong? Ibinaling ko ang paningin kay Akira na naglalakad palapit sa 'kin. Hindi ako sanay sa tingin ni Clauss. It's as if his eyes could see right through my soul.
"Hindi ko napansin na nakapasok na pala kayo," usal ko. Manhid ba ako o mahina lang talaga?
"You're occupied by your thoughts. Maybe you're thinking of other things aside from mastering the technique?" wika ni Akira.
Napatungo ako. He's right. I'm thinking that if I mastered the hurricane blades, it might help me rescue my father. Sa tuwing iniisip ko iyon, hindi ko namamalayan na nagagalit ako. I didn't want to admit it so I looked at Akira and faked a smile. Ayaw kong idamay siya sa mga problema ko.
"Magsasanay na ba kayo?" pag-iiba ko ng usapan. Nagkibit-balikat si Akira at lumapit sa 'kin, malapit na malapit. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. He smiled at me. I'm not good at reading people's expressions but I got his message. His smile was saying that everything will be alright... or was it just my imagination? Marahang ginulo niya ang buhok ko at bumulong, "Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. I'm always here for you."
I was touched by his kind words. I felt like crying but I held my tears back. I didn't want to be a crybaby anymore. That would only show how weak I am. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Still, I didn't feel like sharing my personal problems, but I really appreciated his kindness.
Nagulat kami dahil sa malakas na pagsabog sa isang parte ng training room. Napalingon kami ni Akira sa direksiyon ng pagsabog. Apoy iyon na tumama sa pader ng training room. Napansin ko si Clauss na papalabas ng training room, kasunod ang natatakot na si Baby Clauss. Nagtaka ako sa ikinilos niya. What was that explosion about?
Napatingin ako sa pader na umaapoy pa rin. Halos mabutas ang pader pero hindi naman tumagos sa kabilang room. Clauss is acting strange today. Or is he always like that?
"Hey, you're occupied again. Care to share your thoughts?" tanong ni Akira. Napalingon ako kay Akira na nakangiti sa 'kin. Hindi na siya nabigla sa inasal ni Clauss. Umiling ako. "I think kailangan na nating mag-training?" hindi siguradong wika ko.
Tumango siya at sinabing tutulungan ako sa training. Hindi ako tumanggi at tinanggap ko ang alok niya. I really want to be strong. Hindi na bumalik si Clauss sa training room buong maghapon. Si Selene naman, sumilip lang at umalis na.
Tinuruan ako ni Akira ng mga basics. Mas magiging madali ang pag-kontrol sa mga mahihirap na techniques kung alam ko na ang basics. This time, I did the training right. Hindi nagmamadali at hindi pabaya.
Hindi ako hinayaan ni Akira na maghalo ng kahit anong technique hangga't hindi pa nagagawa nang maayos ang bawat isang technique. It helped me a lot. Mas naging madali na para sa 'kin ang pag-intindi sa kapangyarihan ko.
The day ended peacefully. Walang sumabog na training room dahil wala ang mga taong pwedeng magpasabog nito. Sa tuwing nakikita ko sina Akira at Clauss na magkasama sa loob ng training room, pakiramdam ko ay may tensyong namamagitan sa dalawa. I could feel that anytime they will collide and explode.
"Hihintayin na lang kita sa dining hall. It's already time for dinner. Mauna na ako sa iyo. Okay?" wika ni Akira.
Hindi ko na namalayan ang oras. Tumango ako sa kanya. I'm still meditating. I'm trying to establish a stronger connection with the air element. I needed to concentrate a little more. Tahimik na lumabas si Akira kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa.
Nang matapos, tumayo ako at maglalakad na sana palabas sa training room pero napatigil ako. Nakita ko si Clauss na nakasandal sa pader at nakahalukipkip malapit sa pinto. How come I didn't notice him enter the room again? He didn't even make a sound. He's looking at me intently and started to walk towards my direction.
It felt strange. Pakiramdam ko galit siya sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag. Nakaramdam ako ng kaba sa unti-unting paglapit niya. Nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang baywang ko at hinila papalapit sa kanya.
"Hoy! Ano bang problema mo Clauss?" natatarantang tanong ko.
"Nothing. But I think you do have one," he smirked. He's looking at me seriously and dangerously.
"Ano bang sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako, hindi na nakakatuwa," inis na wika ko.
"Yeah, right. Hindi ka dapat matuwa. There's always room for sadness and anger so you don't need to pretend that you're always happy. There's always a time to cry. You're not being yourself right now. Nasaan na ang stupid crybaby na nakilala ko?" seryosong tanong ni Clauss.
Napaawang ang mga labi ko. What's his point? I faked a laugh. "Ano bang sinasabi mo? Look who's talking!"
Sinubukan kong itulak siya palayo pero hindi ako nagtagumpay. It's awkward to be close to him. Naging matalim ang tingin niya sa 'kin na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Nabigla ako nang isubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya.
"If you want to cry then cry. You're not a good actress to hold those tears back. I'm giving you the privilege to cry on me, only for this day. I just remembered you call me your friend, right? You can cry on my chest. I don't want to see your ugly crying face anyway," he smirked.
What's wrong with this man? Palagi na lang niya akong nakikitang umiiyak. I couldn't help but cry against his chest. Hindi ko akalaing sensitive siya sa feelings ng iba. O hindi lang talaga ako magaling magtago ng nararamdaman? I silently cried while he gently touched my hair.
"And because you're ruining my clothes, you have to replace it," he smirked.
Was he making me laugh? Dahil sa gusto kong matawa hindi ko na napigilan na hampasin ang dibdib niya. I heard him chuckle.
"You're pitiful," he whispered.
"Yeah, right. You're comforting and insulting me at the same time. What a shame." I sobbed and laughed at the same time.
"Who said I'm comforting you? I just said that you can cry just this once. But I never said that you'll be free from insults, weak and ugly crybaby," he smirked.
At dahil sa sinabi niya, hinampas ko muli ang dibdib niya habang patuloy lang sa pag-iyak. Hinapit niya 'ko papalapit sa kanya. I heard him sigh. Mga ilang minuto rin kaming nanatili sa puwestong iyon hanggang sa unti-unti na akong tumigil sa pag-iyak.
~~~
Friday. Maayos akong nakatulog noong gabi. Hindi ko akalaing kay Clauss pa ako iiyak. Nagiging mabait na ba si Clauss? Naglalakad na ako papunta sa training room at nagulat ako dahil may kung anong dumapo sa ulo ko. Pinilit kong kapain ito pero may biglang kumagat sa daliri ko. Napasigaw ako sa gulat at hinipan ang daliri na nakagat.
Nakita ko si Baby Clauss na lumipad sa harap ko at tuwang-tuwa sa nangyari sa 'kin. Nainis ako. Tinangka ko siyang hulihin pero lumilipad siya at umiiwas. Tinatawanan niya ako. Lilitsunin ko siya nang tustado kapag nahuli ko siya. Magiging ulam siya mamaya sa 'kin.
Kung saan-saang pasilyo ako napadpad dahil sa paghabol ko sa kanya. At dahil nahihirapan na ako, nakaisip ako ng paraan para mahuli si Baby Clauss. I released an airball and trapped Baby Clauss inside it. Pumapalag siya sa loob ng airball kaya natawa ako.
Kinuha ko ang air ball at pinagmasdan siya. Binelatan ko pa siya. Naasar siya. Hindi na siya pumalag sa loob pero sumimangot. Nagbuga siya ng apoy pero mahina pa rin. Pero masasabi kong mas malakas na kaysa dati. Improving.
"Nasaan ang pangit mong amo?" tanong ko.
Napangiti ako dahil nagawa kong insultuhin si Clauss kahit man lang sa harap ni Baby Clauss. Hindi naman nag-respond si Baby Clauss. Siguro hindi niya naiintindihan? Humiga siya at pumikit. Napailing ako. Kundi lang cute si Baby Clauss, nalitson ko na siya.
Naglakad ako patungo sa training room habang hawak sa dalawang kamay ang airball kung saan natutulog si Baby Clauss. I stopped walking. I heard weird sounds coming from the training room. May naririnig akong pagsabog.
When I opened the door, I felt a strange and strong force blowing me away. Napahawak ako nang mahigpit sa hamba ng pintuan habang hawak sa kaliwang kamay ang airball. Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng pwersa pero pinilit kong aninagin ang nangyayari sa loob.
I was shocked when I realized what's happening inside. Two strong forces were colliding. The forces from Akira's shockwave earth fox and Clauss' fire phoenix were battling with each other.
Bakit sila nag-aaway? I could see the cracks on the walls due to the strong forces coming from their powers. They're both insanely strong. And now, the problem is, how could I enter the room? Halatang walang balak magpaawat ang dalawa sa paglalaban.
CLAUSS
I did not intend to fight Akira but I had no choice. He challenged me as a man. I couldn't turn that down. I was dazed when he released an earth fox that could produce strong shockwaves. Hindi ko matandaan na nailabas na niya iyon kahit sa examinations. So, he'd gotten stronger now?
I was thrilled when I saw his technique. I released my fire phoenix. So far, this is still my strongest technique. I still haven't mastered the other techniques I'm working on. My fire phoenix and Akira's earth fox battled with each other and that produced an insane force. Kahit ako ay muntik nang tumalsik sa lakas ng puwersa na nagmumula sa banggaan ng kapangyarihan namin.
Alam kong hindi lang para masubukanang technique niya kaya ako hinamon ni Akira. I could feel his intentionsthrough his attacks. There's something behind those glaring eyes. Isang mensahena gusto niyang iparating sa 'kin. Nagselos siya sa ginawa kong pagyakap kayXyra kahapon. Alam kong nakita ni Akira iyon. I couldn't blame him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com