Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: Air vs. Earth


XYRA

Alas tres ng madaling araw nang magising ako. Wala akong matinong tulog dahil hindi mawaglit sa isip ko ang pagnanakaw ng halik ni Clauss sa 'kin. Nagpasya akong lumabas sa tent kahit madilim pa sa labas. Balak kong maligo sa waterfalls. Nagdala ako ng towel at damit na pampalit. Inaantok pa ako pero hindi na ako makatulog. Nagwala na naman ang puso ko nang maisip si Clauss. Naaasar ako.

Nakarating ako sa waterfalls. Namangha ako sa ganda ng lugar dahil sa mga alitaptap sa paligid na nagbibigay liwanag doon. Nakasuot ako ng t-shirt at cotton shorts nang magdive sa tubig. Malamig ang tubig kaya medyo nanginig ako. Makalipas ang ilang minuto ay nasanay rin ako sa temperatura ng tubig.

Tuwang-tuwa ako sa paglangoy nang mapansin ko ang isang pigura ng tao. Dahil sa liwanag na nagmumula sa mga alitaptap nakilala kong si Selene 'yon. Aanyayahan ko sana siyang maligo pero biglang nagbago ng galaw ang tubig sa waterfalls. Naalerto ako. Huli na nang maramdaman ko ang humihilang puwersa sa 'kin pailalim sa tubig.

"Shit!" naibulalas ko bago ako nahila pailalim. Large whirlpools occurred and pushed me to drown at the bottom of the waterbed. Hindi ko magamit ang kapangyarihan sa ilalim ng tubig. Hindi ko na rin kayang pigilin ang paghinga.

Pinilit kong lumangoy paitaas pero pilit akong hinihila pailalim. Namanhid ang kaliwa kong paa kaya hindi na ako makalangoy nang maayos. Hindi ko na napigilan ang pagbuka ng bibig. Bumibigat na ang pakiramdam ko at unti-unting nawalan ng malay.

Someone save me please...

CLAUSS

Hindi naging maayos ang tulog ko. Bakit ba bigla kong naisipang halikan si Xyra? Hindi ko alam kung anong pumasok na katangahan sa utak ko. Basta ang alam ko, masaya akong makita si Xyra pagkalipas ng dalawang buwan.

Nakarinig ako ng kaluskos sa tent ni Xyra na katabi ng akin. Napakunot-noo ako nang marinig ang tunog ng zipper ng tent niya. Narinig ko ang mga yabag niya palayo. Gusto ko siyang sundan pero nahihiya ako. Tinakpan ko ng unan ang ulo at pinilit bumalik sa pagtulog. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata para alisin siya sa utak ko pero hindi ako mapakali sa higaan. Napilitan akong lumabas sa tent. Nakita ko si Selene na naglalakad palayo kaya sinundan ko siya nang tahimik.

Tumigil siya malapit sa waterfalls. Naagaw ang pansin ko ng babaeng naliligo roon, si Xyra. Tuwang-tuwa siyang lumalangoy. Daig pa niya ang bata. Aalis na sana ako sa lugar dahil baka mapagkamalan pa akong namboboso pero napansin ko ang pagbabago ng daloy ng tubig. Kinutuban ako ng masama.

Nakita ko ang paglubog ni Xyra sa tubig at ang whirlpool na lumamon sa kanya. Natitiyak kong kagagawan iyon ni Selene. Napatakbo ako kay Selene para patigilin siya.

"What do you think you're doing? Shit! Stop it, Selene!" sigaw ko. Nagulat si Selene sa pagsigaw ko. Napansin ko si Akira na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi pa rin pinapatigil ni Selene ang whirlpool kaya naaasar na ako. Matagal nang nakalubog sa tubig si Xyra.

"Akira, stop Selene! I'll try to save Xyra!" sigaw ko kay Akira.

Tumakbo ako papunta sa waterfalls at nag-dive. Hindi ko akalaing malalim 'yon. Pinilit kong hanapin si Xyra pero hindi ko siya makita. Kakapusin ako ng hininga kapag lumangoy pa ako sa ilalim. Medyo madilim kaya nahihirapan akong hanapin si Xyra. Lumangoy ako paitaas upang mag-ipon ng hangin sa baga bago muling sumisid pailalim. Iniiwasan ko ang madala ng mga whirlpools.

Malalim na ang nalalangoy ko nang makita ko si Xyra. Wala na siyang malay pero ang nakakapagtaka hindi siya lumulutang paitaas. It's as if there's a force holding her in the bottom. Unti-unting nawala ang mga whirlpools. Nagsimula nang lumubog si Xyra. Lumangoy ako patungo kay Xyra at hinila siya paitaas. Natitiyak kong maraming tubig na nainom si Xyra.

Nang makaahon, inihiga ko siya sa lupa. Mabagal ang paghinga niya. May pinagtatalunan naman sina Selene at Akira sa 'di kalayuan. Papalapit na sa 'min si Bryan na pupungas-pungas at walang kamalay-malay sa nangyari.

Kailangang mabigyan ng CPR si Xyra pero hindi pwede si Selene. Hindi naman ako papayag na si Akira at Bryan ang mag-CPR kay Xyra. Ako na lang ang natitira pero nagdadalawang isip ako. Dahil ayaw kong mamatay si Xyra, nagpasya akong gawin 'yon. Akmang ilalapit ko na ang bibig kay Xyra nang bigla akong pinigilan ni Bryan.

"Bakit ganyan ang itsura niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Bryan.

"Nalunod siya. Kailangan niya ng CPR," inis kong wika.

"Shit! Ganun ba? Tumabi ka na diyan ako na ang gagawa," wika niya at pilit akong itinutulak.

"Ano ba! Umalis ka na nga rito. Kaya ko na," naaasar kong wika.

"Asus! Gusto mo lamang makahalik kay Xyra," pang-aasar niya.

"Mukhang ikaw ang may gusto!" inis kong wika habang namumula.

"CPR ang gagawin ko, walang halong malisya," sabi ni Bryan.

"A-Ako rin naman!" tinabig ko si Bryan. Natawa siya na medyo ikinaasar ko pero umalis din naman. I started to pump Xyra's chest then gave her mouth-to-mouth resuscitation. Pinipilit kong alisin sa isip ang malisya. Mamamatay na ang tao kung anu-ano pa'ng iniisip ko. Paulit-ulit lang ako sa ginagawa. Maraming tubig ang lumabas sa bibig ni Xyra.

Again, I pumped Xyra's chest then gave her air through her mouth. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang nagmulat at napaubo. Inilayo ko agad ang mukha kay Xyra. Nanlalaki ang mga mata niya. Bakit ba naman kasi kung kelan ko siya binibigyan ng hangin saka siya magmumulat?

XYRA

I woke up. My eyes widened when I realized that Clauss' mouth was touching mine. Napaubo ako sa pagkagulat. Napalayo siya sa 'kin.

"W-what are you doing?" nag-aakusang tanong ko. 'Di ba nalunod ako at nawalan ng malay? Bigla kong naramdaman ang panlalamig ng katawan. Napatingin ako sa sarili. Basang-basa ang damit ko kaya halos kita na ang hubog ng katawan at brassiere ko. Sumisikat na ang araw. I covered my upper body with both hands in embarrassment.

"Nalunod ka. Binigyan lang kita ng CPR," bored niyang sabi.

"What? CPR? Meaning you touched my chest?" naghi-hysterical na tanong ko. Hindi lamang iyon! Pati labi ko! Pero bakit ito agad ang pinoproblema ko?

"Don't shout as if I did something wrong! Flat-chested ka kaya wala akong nahawakan. Tomboy ka yata eh," he smirked.

What the hell? Hindi ako flat-chested! Bulag ba siya? Naasar ako. Sisigawan ko sana siya pero tumayo siya at nilayasan ako. Babangon sana ako pero bumalik siya dala ang towel ko. He wrapped my body with that towel and carried me like a newly-wed bride. Nanlaki ang mga mata ko. Nagwala ako sa pagkakabuhat niya.

"Ano bang ginagawa mo!" sigaw ko.

"Huwag ka ngang maingay kung ayaw mong ibagsak kita. Nakakabingi ka na," he grimaced. Hindi na ako nakaangal dahil halatang galit siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng kaliwang paa ko. Napansin ko sa 'di kalayuan si Akira na hawak-hawak si Selene, tila pinipigilan siya. Ipinasok ako ni Clauss sa tent at pinaupo. Minasahe ko ang kaliwang paa na pinulikat. Nagulat ako nang tinabig ni Clauss ang kamay ko at siya ang nagmasahe sa paa ko.

"Masakit ba?" nag-aalalang tanong ni Clauss. Natigilan ako. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko kaya napatango lang ako. Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Ayaw ko sa nararamdaman kong ito. Mabuti na lang involuntary muscle ang puso kundi kanina pa akong namatay sa pagpipigil na patibukin ito.

~~~

Alas diyes ng umaga. Kasama ko si Akira ngayon. Tinanong niya kung maayos na ako kaya tumango ako. Kanina pa kami nag-uusap. Wala ba kaming balak maglaban?

"Magsisimula na ba tayo?" tanong ko.

"Kung ready ka na eh di magsimula na tayo," nakangiti niyang wika. Sa tingin ko, hindi seseryosohin ni Akira ang laban. Naghagis ako ng mga solid air spears kay Akira pero iniilagan lang niya. Akira released earth spikes towards my direction but it was weaker than the earth spikes he used when he fought with Clauss. Kayang-kaya itong pigilan gamit ang air shield lang.

"I think we need to be serious. Don't worry. May healing candies naman tayo," wika ko. Nag-isip siya bago tumango. "Then, be ready I won't hold back" seryosong wika niya. Napangiti ako. Magsisimula na talaga kami.

CLAUSS

Magkasama kami ni Selene sa open field.

"Why did you do that?" seryosong tanong ko.

"Do what?" namamaang-maangang tanong niya.

Gusto kong mainis sa inaasal niya. Napabuntong-hininga ako. Matagal ko ng kasama si Selene simula pa nang napadpad siya sa Dark Wizards Academy. Ako rin ang nagpapatahan sa kanya sa tuwing umiiyak siya dahil namimiss niya ang mga magulang. Nakakaawa siya at naaalala ko kay Selene ang kapatid na si Claudette. Kapatid lang ang turing ko kay Selene pero dumistansiya ako nang magtapat siya sa 'kin. Ayaw ko siyang paasahin. Hindi ko alam kung paano siya pagsasabihan ngayon nang hindi siya masasaktan. "You just tried to drown Xyra to death. Buti nasagip siya," wika ko.

"Why do you care about her? Alam mo namang isa siya sa mga didispatsahin natin kapag nagsimulang gumalaw ang mga Dark Wizards. Pinapaaga ko lang!" inis niyang wika.

"Watch your mouth, Selene! Baka may makarinig sa 'yo! Damn! Huwag mo akong galitin!" mahinang sabi ko. Masyado siyang pabaya. Tumahimik siya at napasimangot.

"Tapusin na natin ang laban dahil baka hindi na ako makapagtimpi sa 'yo," galit kong wika. Ayaw kong kalabanin si Selene pero naaasar ako. Kailangang turuan siya ng leksyon para matauhan. Nasaktan si Selene sa sinabi ko.

I didn't want to hurt her but she left me no choice. Mas malakas ako sa kanya kaya walang magagawa ang tubig niya sa 'kin. I would just dry her water up. Kung mas malakas sana si Selene baka mapatay niya ang apoy ko.

"Get ready, Selene," seryoso kong wika. Mapait siyang napangiti bago inihanda ang sarili.

I surrounded Selene with my blazing fire. A burst of water came out from Selene and extinguished that fire. I released my fire phoenix. Selene released her water snake. I directed the fire phoenix to attack her but the water snake tried to swallow it. Wala akong balak na patagalin ang laban kaya habang naglalaban ang water snake at fire phoenix, inilabas ko ang seven-headed fire dragon. It attacked Selene with the fire inferno technique.

Selene tried to dodge the attack using the tsunami coming from her water dragon, but it was no use. The fire inferno was as hot as hell that could burn anything into ashes. It's hell fire. Her tsunami was all sucked up by my technique. At dahil wala nang pumipigil sa apoy, dire-diretso nitong nilamon ang kanang braso ni Selene. Nawala ang water snake at dragon niya dahil sa sakit na naramdaman niya. Itinigil ko ang pag-atake dahil nakita ko kung gaano katindi ang pasong natamo niya sa buong kanang braso.

Agad akong lumapit sa kanya. I went too far. "H-Hey, I'm sorry," natatarantang wika ko. Hinang-hina si Selene. Halata sa mukha ang iniindang sakit.

"Hang on. Dadalhin kita kay Xyra," wika ko. Sinalo ko si Selene nang mawalan siya ng malay. I carried her to where Xyra was. Kailangan ni Selene ang healing candy.

XYRA

I released my air eagle. Inilabas naman ni Akira ang earth fox niya. I didn't know how to stop the shockwaves. Ang magagawa ko muna ay dumepensa habang nag-iisip ng counterattack.

The earth fox produced a strong shockwave but I released a large wall of air to dodge it. I directed an attack towards Akira using my air eagle. It released a big hurricane to damage him. He dodged it using his earth shield. Akira produced a high-magnitude earthquake that caused the ground to shake and to crack. Nahati ang lupa na kinatatayuan ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumipad.

Nakita ko ang mga malalaking tipak ng lupa na tumatalsik sa ere. Doon tumatalon at tumatapak si Akira para maabutan ako. A large mass of soil was directed to hit me. I tore it to pieces through the use of my wind tornado. Dahil nakaisip ako ng kapilyahan, sinira ko ang lupang tinatapakan ni Akira. Nahulog si Akira pababa. Tutulungan ko sana siya pero nakatalon siya sa isa pang tipak ng lupa bago tuluyang bumaba sa lupa. Napailing siya. Nakangiti akong bumaba sa lupa. Nang-aasar akong nagtanong. "Suko ka na?"

"No. Alam mong mas malaki ang advantage ko kaysa sa 'yo," wika niya. Binelatan ko siya. Natatawang napailing siya. Lumapit sa 'kin si Akira na ikinakunot-noo ko.

"May dumi ka sa pisngi," wika niya. Napahawak ako sa pisngi. Napailing siya. "Not there. Here," wika niya sabay punas sa mukha ko gamit ang daliri. Napatigil siya bigla sa ginagawa kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya.

Matiim siyang nakatingin sa 'kin na ikinailang ko. Ramdam ko na unti-unting lumalapit ang mukha niya sa 'kin. Nahigit ko ang paghinga. Pipigilan ko sana siya pero biglang may nagsalita sa likod namin. Nakahinga ako nang maluwag. Lumingon ako sa likod. Nakita ko si Clauss na buhat si Selene. Clauss was looking dangerously at me. Why was he looking at me like that?

"Where's the healing candy? Selene needs it, now," iritableng wika niya.

Agad akong lumapit sa kanila at ibinigay ang candy. Isinubo ni Clauss ang healing candy sa walang malay na si Selene. Nag-aalala si Clauss kay Selene base sa pagmamasid ko. Unti-unting gumaling ang paso ni Selene sa braso. Daig pa ang third degree burn ng pasong natamo niya.

Tinabig ako ni Clauss. "Tabi," utos niya. I shivered from the coldness of his voice. Naglakad palayo si Clauss at tinahak ang daan pabalik sa tent. Nasaktan ako sa ginawa niya. Gusto kong maiyak sa hindi malamang dahilan. Nilapitan ako ni Akira at niyayang bumalik. Tahimik na sumama ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong mainggit kay Selene. Maghapong nasa tabi niya si Clauss at nagbabantay. I sighed. I went to the waterfalls and sat on the big flat stone. Yakap-yakap ko ang mga tuhod na pinapatungan ng baba ko.

"You seem so far away."

Narinig ko mula sa likod ko. Tumabi si Akira sa 'kin. Nakakunot-noong tiningnan ko siya. "What do you mean?" tanong ko.

"I mean, your thoughts are so far from here," nakangiting wika niya.

"Ah, akala ko ako," wika ko.

"Pwede rin. Hindi kasi kita maabot," nagbibirong wika niya. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. I thought I needed a hug.

"Akira, sorry but can I hug you?" biglang tanong ko. Nagulat si Akira pero hindi nagsalita. Hinila niya ko palapit at niyakap. I hugged him back. I'm sad because I miss my Dad. I miss my mom. And the funniest thing is that I also miss Clauss. For what reason? I couldn't tell.

Akira's hug is comforting but itdoesn't feel like home. It's different back when Clauss hugged me in thetraining room. Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Akira nang maalala iyon.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com