Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Air vs. Fire


XYRA

Alas diyes ng umaga. I'm standing in front of my tent, waiting for Clauss. I am wearing a simple white dress, above the knee, and a pair of cycling shorts underneath. Naliligo si Clauss kaya hinihintay ko siya. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin. Kahapon nang bumalik kami ni Akira, naramdaman ko agad ang masamang aura mula kay Clauss. Halata sa aura niya na handa siyang pumatay anumang oras. It's scary as hell. Blanko ang ekspresiyon niya sa tuwing mapapatingin ako sa kanya. I'm not used to it.

Umalis na sina Akira at Selene para maglaban. Si Bryan naman, nanonood sa dalawa dahil baka magpatayan sila. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hanging tumama sa balat ko. Napayakap ako sa sarili at napabuntong-hininga.

Napalingon ako kay Clauss na naglalakad patungo sa tent niya. When I saw him, my jaw almost dropped. He's walking sexily and gorgeously towards my direction. Gusto kong batukan ang sarili dahil pinupuri ko si Clauss sa isipan.

Nakatungo siya habang pinupunasan ng towel ang buhok. And the most breathtaking part, he's just wearing his black pants and nothing else to cover his torso. I got a chance to steal a glimpse of his six-pack. I never thought that he was that hot. Or maybe I already had the idea but I never thought I would witness it firsthand. My oh-so-innocent eyes!

I am mesmerized by his coolness, and at the same time, his hotness. Kinuha niya ang puting polo na nakapatong sa ibabaw ng tent. He slowly wore his polo. Sinimulan niyang ibutones ang polo mula sa baba paitaas. Napaiwas ako ng tingin. He saw me looking at him! Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko. He's teasing me while fastening the buttons on his shirt. Nakakahiya ang ginawa kong pagtitig sa pagbibihis niya. Hinayaan niyang nakabukas ang natitirang butones sa bandang itaas at isinampay ang towel sa kung saan. Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa kanya na medyo naiilang. Tatanungin ko sana kung saan kami maglalaban pero nagulat ako sa tanong niya.

"Do you find me attractive?" he asked, teasingly.

"W-what do you mean?" I stammered. It sucks! I'm really affected by his presence. Matiim siyang tumitig sa 'kin. Humakbang siya papalapit pero napatigil na parang natauhan. Tumalikod siya sa 'kin.

"About you and Akira..." wika niya.

"Me and Akira?" napakunot-noo ako. Nanahimik siya sandali.

"Ah, never mind. Follow me," utos niya. Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kanya. Fire appeared below his feet. He didn't bother to walk because he's levitating with the use of that fire. He increased his speed. Lumipad at sumunod si Baby Clauss sa kanya.

Kinakabahan ako sa magiging laban namin. I flew fast to follow him. Tahimik akong sumunod sa likuran niya. Napailing ako sa nakakailang na sitwasyon namin.

CLAUSS

Kahapon pa ako naaasar dahil sa mga bagay na hindi ko gustong masaksihan. I saw Akira kiss Xyra. Or were they really kissing? Hindi ko alam dahil nakatalikod si Xyra. Kung hindi ko inaalala si Selene baka nasugod ko na si Akira. But why the hell would I do that? I'm confused about what I really feel.

Lalo akong naasar nang makita kong magkayakap ang dalawa malapit sa waterfalls. Inutusan ako ni Bryan na hanapin sila upang maghapunan. Mariing ikinuyom ko ang kamao pero pinigilan ko ang sarili na lapitan sila. Hindi ko alam kung sinagot na ni Xyra si Akira. Nabibilisan ako. Gusto kong mapamura. Bumalik ako sa tent at sinabi kay Bryan na hindi ko nakita sina Xyra.

Gusto ko sanang tanungin si Xyra kanina pero nag-alinlangan ako. Hindi ako handa sa maririnig. Nakarating kami sa isang dry land at tumigil na ako roon. Humarap ako kay Xyra. Seryoso akong nakatingin sa kanya habang bumababa siya sa lupa.

"Shall we start?" I asked, coldly.

XYRA

Tumango ako kay Clauss. Pumunta si Baby Clauss sa isang sanga ng puno at doon dumapo.

"Wait, Clauss. Galit ka ba sa 'kin?" lakas-loob kong tanong. Nag-iwas siya ng tingin. Nakumpirma kong galit siya dahil sa reaksiyon niya. Pero ano'ng dahilan?

"Wala akong karapatang magalit sa 'yo," matigas ang ekspresiyon ng mukha niya. Gusto kong mapailing dahil halata naman na galit siya. I directed an invisible air spear in his direction by waving my right hand. Nagkaroon ng maliit na hiwa sa braso niya. Nakita ko ang dugo na lumabas mula roon.

"You're cheating," he smirked. He was annoyed. I smiled at him, innocently.

"Let's start. I remembered you told me that my fire will not be able to touch you, right? I'm hoping that you're not just blabbering nonsense," wika niya.

Napangisi ako. "I'm glad you still remember because I'm dead serious about it." I'm provoking him. He grimaced. Inihanda ko ang sarili.

He released his fire phoenix while I released my air eagle. They both flew in the air. I shot the hurricane blades towards Clauss' direction. He managed to avoid it using a big wall of fire. I used the air eagle to penetrate the wall by flapping its wings. It produced a large amount of high-pressured air bombs but the fire phoenix dodged it by producing explosive fires.

Pinaglaho ni Clauss ang fire wall. I used the air behind Clauss and formed air spikes. I targeted Clauss' back. Hindi ko kailangang mag-alala kay Clauss dahil sa healing candies. Dahil mabilis ang reflexes ni Clauss at malakas ang pakiramdam niya, naiwasan niya ang tira ko. Tumalon siya sa likod ng fire phoenix. Nakasakay siya sa fire phoenix na paikot-ikot na lumilipad sa ere.

Pinaulanan niya ako ng fireball. Lumipad ako para umiwas pero may isang dumaplis sa braso ko. Umuulan ng apoy kaya nahihirapan akong umiwas. Ramdam ko ang mahapding paso ko sa braso. Tumigil na si Clauss sa pagpapaulan ng apoy kaya bumaba ako sa lupa. Binalot ko ng cool air ang brasong napaso para maging manhid ito pansamantala.

Pinalibutan ako ni Clauss ng wall of fire na gusto akong lamunin ng buhay. Napangiti ako dahil oras na para gamitin ko ang mga nalalaman. Naglahong parang bula ang wall of fire na sumugod at tutupok sana sa 'kin.

I told him. His fire wouldn't touch me. Puno ng pagtataka ang mukha ni Clauss habang nakatingin sa 'kin. Nakasakay pa rin siya sa fire phoenix. Dahil sa kapilyahang taglay, pinaglaho ko rin ang fire phoenix niya kaya nahulog siya. He released fire below his feet to slowly land on the ground. He's dumbfounded. He couldn't figure out what's happening. He's confused.

Tumatalino na ako. I secretly laughed, evilly. Dumapo ang air eagle sa balikat ko. I directed a big tornado towards his direction. Napigilan ito ni Clauss gamit ang double fire dragon. Hindi ko hinayaan na makapag-isip pa si Clauss kaya inilabas ko agad ang air dragon ko. I targeted his double fire dragon. Gustong lamunin ng double fire dragon ang air dragon ko pero hindi nito magawa.

Why? Dahil tinanggal ko ang oxygen-content ng air dragon ko para hindi malamon ng apoy. The primary content of fire is oxygen, heat and fuel. Naglaho ang fire phoenix niya kanina dahil inalis ko ang oxygen content nito. I could manipulate air even in a fixed area. Even the oxygen content of his fire.

Nahihirapang kalabanin ng double fire dragon ang air dragon ko. Naramdaman ko ang apoy sa lupang kinatatayuan ko kaya napatalon ako palayo roon. I directed an air spear towards his direction. Hindi ko inaasahang tatama iyon sa pisngi ni Clauss kaya nagtamo siya ng hiwa. Naaasar na pinahiran niya ang dugong tumulo mula roon.

Naramdaman ko na may paso pala ang kaliwang binti ko. Binalutan ko iyon ng cool air. Sabay na naglaho ang double fire dragon at air dragon.

"How did you do that?" salubong ang kilay na tanong ni Clauss.

"Do what?" Pa-inosenteng tanong ko.

"Don't play innocent," he grimaced. Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Napalunok ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"I reduce the oxygen content of your fire to extinguish it," paliwanag ko. Tila nakuha ni Clauss ang paliwanag ko. Patuloy pa rin siya sa paglapit. Inilabas niya ang seven-headed fire dragon na ikinalaki ng mata ko. Ngayon ko lang nakita ang technique.

Hindi ako natinag dahil may oxygen content pa rin lahat ng apoy niya kaya magagawa ko'ng dumepensa. Hindi ako kinakabahan sa apoy ni Clauss kundi kay Clauss mismo.

CLAUSS

Nakalimutan kong may oxygen content ang apoy. Walang magagawa ang apoy ko sa kanya pero gusto kong subukan ang fire inferno kaya inilabas ko ang seven-headed fire dragon. Kinakabahan siya sa paglapit ko. Her air eagle went in front to protect her.

My seven-headed fire dragon released the fire inferno towards Xyra but the air eagle dodged it for her. And as expected, the air eagle vanished and was engulfed by the fire inferno. Now, the fire was targeting her. Nahagip ang kanang kamay niya bago tuluyang nawala ang fire inferno. Napangiwi siya sa sakit. May ginawa siya sa paso niya para mawala ang sakit.

Ilang dangkal na lang ang layo ko kay Xyra. I let my seven-headed fire dragon vanish in the air. Nagtatakang napatingin siya sa 'kin.

"Maybe you're right that I couldn't touch you with my fire. But you're quite wrong, too. Want me to prove it? Then let my fire touch you," I seriously said.

I pulled her closer and claimed her lips without warning. I made a huge igloo of fire and there's no way out of it. Nabigla siya. Nanigas ang buo niyang katawan. I smiled while my lips were on hers. I started to move my lips to get some free access inside. I didn't bother to close my eyes because I'm entertained by the look in her widely-open brown eyes. I wanted to witness her priceless and cute reaction.

XYRA

Hindi ako makagalaw sa pagkagulat. Nakangiti ang mga mata niya sa 'kin. He's amused by my reaction. Naipit ang mga kamay ko sa pagitan ng mga dibdib namin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinilit kong kumawala sa yakap niya. Pero sa ginawa ko, mas lalong diniinan ni Clauss ang paghalik sa 'kin. Maybe I did the wrong move because he's aggressively kissing me now.

Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod. Napakapit ako nang mahigpit sa polo ni Clauss. Lalo niya akong hinapit papalapit. He teasingly bit my lips and it made me open my mouth. Wala na akong lakas para tumutol.

He slowly kissed me like he's asking me to respond. And I did. He gave me gentle and tender kisses at first. I slowly moved my lips, responding to his every move. A soft moan slipped from my throat. I felt his tounge slip inside my mouth. The sensation was new to me. His playful kiss sent shivers down my spine. Unconciously, I wrapped my arms around his nape and pulled him even closer. I responded the way he wanted me to. I heard him moan. But he suddenly stopped and pulled away, looking at me intently. My face flushed. It's embarrassing.

"Do you love Akira?" seryosong tanong niya.

Nagulat ako pero sumagot agad. "Yes, of course I love him." He suddenly changed his expression. It became darker and scary. Binitawan niya ako at tumalikod, akmang aalis na pero hinawakan ko ang kamay niya.

"I love him because he's my friend. Why?" takang wika ko. Nabigla ako nang humarap si Clauss. Maaliwalas na ulit ang mukha niya.

"Hindi kayo?" naniniguradong tanong niya.

"Anong hindi kami?" takang tanong ko. Napakamot siya sa ulo na parang nahihiya. Cute.

"Hindi mo siya boyfriend?" nahihiyang tanong niya. Malakas akong tumawa.

"No. What made you think that we're in a relationship?" I laughed hard. This guy is insane. Nagulat ako dahil hinapit na naman niya ako palapit sa kanya. Hinalikan niya ako sa leeg na ikinagulat ko. Nanlambot ang mga tuhod ko. What is he trying to do?

"Good. Then let's continue," he said while smiling. Hindi na ako nakatutol nang halikan niya akong muli sa labi. What the hell. At dahil pinagpapawisan na ako sa loob ng fire igloo ni Clauss, gumawa ako ng malaking cool airball na pumalibot sa 'min. I responded to his kisses willingly. Now, I'm confused about my feelings for Clauss. Kaibigan pa rin ba ang turing ko sa kanya?

~~~

Nagamot na ang mga sugat namin. Bago kami bumalik sa tent, nagulat ako sa paglabas ng isang blue egg sa harap ko. Nang mapisa ang itlog, may lumabas na isang maliit na baby blue dragon. Kumurap-kurap siyang napatingin sa 'kin at napangiti. Sobrang cute niya.

"Waaah.. Ang cute mo!" bulalas ko, sabay kuha sa baby dragon. Inilapit ko siya sa mukha para tingnang maigi. Lumapit si Baby Clauss sa 'min. Titig na titig siya sa baby dragon ko. Nagulat ako dahil biglang bumuga ng apoy si Baby Clauss. Muntik nang matamaan ang baby dragon ko. At dahil doon, napansin kong naiiyak ang baby dragon ko. Gusto kong matawa sa itsura niya. Narinig kong napatawa si Clauss.

"Mana sa amo. Iyakin din," pang-aasar niya. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Clauss kaya napasipol siya na napapangiti. Nakakaasar.

"Shhh... tahan na," wika ko. Pinapatahan ko ang baby dragon pero lalong lumakas ang pag-iyak niya habang nakadapo sa kamay ko.

"Akin na nga. Ako ang magpapatahan," wika ni Clauss. Kinuha niya sa kamay ko ang baby dragon. He started to pat the head of the baby dragon. Nilalaro pa ito ni Clauss. Nagtatakang tinitigan siya ng baby dragon. Tumahan ito at masayang tumingin kay Clauss.

"See? Hindi ka kasi marunong," he smirked. Pinigilan kong mapangiti.

"Now it's my turn to name your dragon," he grinned. Napalunok ako. Alam ko na ang ipapangalan ni Clauss sa baby dragon ko. Balak niyang gumanti.

"Her name, from now on, would be 'Baby Xyra'," nakangising wika niya. I blushed. I found it sweet. Kinuha ko kay Clauss ang baby dragon ko. Nauna akong naglakad. Natatawang sumunod si Clauss. Si Baby Clauss naman ay dumapo sa balikat ko habang nakatingin sa baby dragon ko. Tinatakot ni Baby Clauss si Baby Xyra. Umismid kay Baby Clauss si Baby Xyra pero halata namang natatakot. Napangiti ako.

Nang makabalik kami sa tent, nakita ko sina Selene at Akira kasama ang mga baby dragons nila. Brown ang kay Akira at green naman kay Selene. Ang cute nilang lahat. Tahimik lang ang baby dragon ni Akira samantalang mukhang suplada naman ang kay Selene.

"Check your IDs. Bahagi ito ng pagsusulit kaya tumaas ang level niyo," wika ni Bryan.

Level 35 na ako at si Selene. Si Akira ay Level 37. Level 40 naman si Clauss. Natuwa ako dahil lumakas na ako. Hindi na namin napag-usapan ni Clauss ang tungkol sa halik. Nahihiya akong itanong kung ano na ba talaga kami. Baka umasa lang ako sa wala.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com