Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Island of Gods

XYRA

Nakabalik na kami sa Wonderland. Kanina pa naghahabulan sina Baby Clauss at Baby Xyra. Tinatakot ni Baby Clauss si Baby Xyra. Naiiyak na nga ito. Napapailing ako. Pinagbigyan ko na lang si Baby Clauss dahil ngayon lang ito nakakita ng kauri.

"Bakit ka nga pala nagalit sa 'kin?" pangungulit k okay Clauss.

"Hindi mo pa rin nakakalimutan?" inis na tanong niya. Tumango ako. "Bakit nga kasi?"

"Ang kulit. Kaya ako nagalit dahil... pangit ka!" pang-aasar niya. Napasimangot ako. I heard him chuckle. Tiningnan ko siya ng masama. Hinalikan niya ako tapos sasabihin niyang pangit ako? Pinagtitripan lang ba niya ako? Nahihiya akong magtanong. Baka sabihin niyang napaka-assuming ko.

"Ewan ko sa 'yo! Mabuti pa si Akira, mabait! Ikaw, ang sama ng ugali mo!" wika ko, sabay irap. Tinawag ko si Baby Xyra na sumunod agad sa 'kin. Nagmamartsang tinungo ko ang dorm. Naaasar talaga ako kay Clauss.

Sinabihan na nga niya akong flat-chested tapos sasabihan pa akong pangit! Ibibili ko siya ng malinaw na malinaw na salamin. Isang dosena pa!

CLAUSS

Hindi na nakita ni Xyra ang pagbabago ng ekspresiyon ng mukha ko. Nainis ako sa sinabi niyang mabait si Akira.

Inis na pumunta ako sa dorm ko. Sumunod sa 'kin si Baby Clauss. Tuwang-tuwa ito dahil may mga kasama na ito. Humiga ako sa kama. Gusto ba niya ng mabait? Napasabunot ako sa ulo. Bakit ko ba iniisip iyon?

Pinilit kong matulog. Tutal pagod naman ako sa nangyaring one-on-one fight. Pagod nga ba? Napailing ako habang nakapikit. Naalala ko na naman ang mga labi ni Xyra. Hindi ako makakatulog kung siya ang nasa isip ko.

XYRA

Dire-diretso akong humiga sa kama. Asar pa rin ako hanggang ngayon. Napaka-insensitive ni Clauss! Nagtataka namang nakatingin sa akin si Baby Xyra. Dumapo siya sa unan ko at humiga roon. Napangiti ako. Ang saya dahil may baby dragon na rin ako. Naalala ko tuloy ang training na pinagdaanan ko.

--FLASHBACK--

Lumabas ang air goddess mula sa'kin. May pagtataka sa mga mata niya habang nakatingin sa buong isla. Mapapansin din ang pangungulila at tuwa mula roon. Napansin ko na unti-unting kumalma ang silangang bahagi ng isla kung nasaan ang teritoryo ng air goddess. Nawala ang mga hurricane at tornado na nagwawala sa paligid. Naging banayad ang pag-ihip ng hangin.

Sinabi ko sa air goddess ang pakay ko. Gusto ko'ng maging malakas para sa Dad ko. At para wala na ring mapahamak sa kahit sino na mahal ko at malapit sa'kin. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa magiging laban namin nina Clauss. Marahan siyang napailing at ginulo ang buhok ko.


"Masyado ka pa talagang bata. Hindi mo naman sila kailangang talunin para mapatunayan lamang na malakas ka na. Being strong is not all about your skills, it's about how strong your heart is. Hangga't alam at ginagawa mo pa rin kung ano'ng tama, ibig sabihin malakas ka na." Napatango ako. Naglakad naman ang air goddess at tumingin sa iba't ibang parte ng isla. Hindi siya natutuwa sa pagwawala ng bawat elemento. Lumingon muli sa akin ang air goddess.


"Pero tuturuan pa rin kita dahil nararamdaman ko ang nalalapit na laban na kahaharapin mo. Not just the one-on-one fight between the elemental power user but the fight between the evil power users. Nararamdaman ko na ang bawat galaw nila. Sound could travel through air. I could hear every voices. I could smell the bloodlust war they're plotting through the air I breathed."


Halata ang pag-aalala sa mukha ng air goddess habang nakatingin sa akin. Pero kapagkuwan ay ngumiti rin siya. Kinakabahan ako sa sinasabi niya. "But you don't have to worry, I'm on your side. Hangga't nanatiling malakas ang puso mo, hindi ka nila matatalo. Don't ever think of giving up or else I'll leave your side."


Napatango ako. Nagsimula na kami sa training. Nalaman ko rin na konektado pala ang hangin sa tatlong elemento.

"Without air there's no life on earth. Without hydrogen and oxygen there is no water. Without oxygen there's no fire."

Ang galing, 'di ba? Daig ko pa ang nag-aaral ng science. Physics, Chemistry at Biology. Halo-halo na. All-in-one.

"Kaya ko ba'ng gawing hangin ang tubig?" Curious na tanong ko sa air goddess. Mahinang natawa lamang ito sa tanong ko.


"No. There's a strong force binding them together. Liquidized na iyon kaya hindi na maaari. Unless you'll use fire, then you can turn water back to air."

Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Akala ko pwede. Bobo lang. Nagsimula muna ako sa pagkontrol ng temperatura ng hangin. Madali lamang iyon. Sinabi sa akin ng air goddess na ang buong isla ang magsisilbing training ground ko. Ibig sabihin, lahat ng elemento na nasa isla ay gagamitin ko sa training.

Kinakabahan ako dahil nakakatakot ang pagwawala ng bawat elemento sa bawat dako. Una naming tinungo ang lugar kung nasaan ang elemento ng tubig. Kailangang subukan ko ang pagkontrol ng temperatura ng hangin.

And because the air could freeze the water to it's freezing point, the place will be a good training ground for controlling air temperature. Lumipad ako patungo sa kanlurang bahagi ng isla. Iniwasan ko'ng mapadako sa ibang teritoryo dahil bilin iyon ng air goddess. Sobrang taas ng lipad ko. Nang marating ko ang water element teritory, dahan-dahan akong bumaba sa ere. Napansin ko na konti lamang ang lupang nakapalibot dito. At nagwawala talaga ang bawat parte ng tubig.

Nasa itaas na ako ng tubig nang maramdaman ko ang water tornado na patungo sa direksiyon ko. Twin water tornado iyon na nasa likod at harap ko. Lumipad ako paitaas pero nakakagulat dahil sumusunod ang mga ito sa akin. Sinubukan ko'ng gamitin ang cool air pero masyado silang mabilis. Nakailag ako pero nadaplisan naman ang kaliwang braso ko. Umagos ang dugo mula roon. Ang nakakagulat pa, hindi pa rin sila tumitigil sa pagsunod sa akin.

Lumipad ako ng mabilis at nakalabas sa teritoryo ng elemento ng tubig. Sa pagkagulat ko, biglang may malalaking tipak ng lupa ang nagliparan sa direksiyon ko. Damn! Tila ba may buhay ang bawat bagay sa isla at sinusugod ako. Napadako na pala ako sa earth element teritory nang hindi ko napapansin.

Even though I'm flying in air, I could still feel the shaking ground beneath me. Umiwas lamang ako sa mga bagay na lumilipad sa direksiyon ko. Pinilit kong makabalik sa teritoryo ng air goddess. Ramdam ko pa rin ang kirot sa kaliwang braso ko kaya napahawak ako rito.


"I forgot to tell you, as long as the elements sensed unfamiliar form of life in their teritory, they will continue attacking it until it become lifeless. Wala ang mga gods para kontrolin sila kaya nagwawala sila ng ganyan. You need to be careful. Avoid the middle part of this island. Hindi lamang halata pero nagwawala rin ang heaven power sa lugar na iyon. Tiyak na uubusin noon ang lahat ng lakas mo kapag napadako ka roon."


Shit! All part of this island was dangerous! I need to be more careful. Akala ko safe ang middle part, hindi pala. Ang tahimik kasi ng lugar na iyon.


"May makikita kang bukal sa pinakadulo ng isla. That could heal all your wounds in an instant. Don't worry, you're safe there."

 
Napatango na lamang ako. Kailangan ko'ng harapin ang water element para matutunan ko na agad ang sunod na technique. I flew high again then went back to the western side of the island. Habang pababa ako sa water element teritory, naramdaman ko agad ang tsunami mula sa likod ko. Damn! I flew fast to avoid the tsunami. Pero bigla kong naisip na bakit ba kanina pa ako iwas ng iwas? I turned to the tsunami's direction and started to release a large amount of cool air towards its direction. Konting parte lamang ang naging yelo sa tsunami. Hindi na ako nakaiwas nang tuluyan akong lamunin ng tubig.

Nadala ako hanggang sa whirpool. Damn! I went in circle and suddenly felt that I couldn't breathe. Napatakip na lamang ako sa bibig ko. Pakiramdam ko ay bibigay na ako. Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa akin paitaas. Napaubo na lamang ako. Iniligtas ako ng air goddess.

Napabuntong-hininga siya. "Let me teach you more."

Itinuro niya sa akin kung paano ako makapaglalabas ng mas pulidong cool air. Madali ko naman iyong nakuha. Itinuro na rin niya sa akin ang paggawa ng hot air. Pumunta ako sa bukal para maligo. Pwede raw kasi. Naghilom agad ang sugat. The water was relaxing, too. Nakakatanggal pagod. Parang pakiramdam ko kahit anong oras pwede na akong magtraining.

The next three days, I already learned to make a powerful cool air that could freeze a tsunami. Tinuruan din ako ng air goddess kung paano gumawa ng air dragon na pwedeng maglabas ng cool air. I followed her instructions but when I released the air dragon, it didn't want to follow me. Ako ang inaatake nito. Nagulat pa nga ako nang maglabas pa ito ng explosive air bombs na may air blades kapag sumasabog. Napuruhan ako sa binti at braso. Nagwawala ito pero napigilan agad ng air goddess.

Nabatukan naman ako ng air goddess. Sinabi niya na gamitin ko ang utak ko. Naku. Naalala ko tuloy si Clauss. Nakakaasar. Bakit ko ba biglang naisip si Clauss? Naramdaman ko ang pagkirot ng mga braso at binti ko.

I stood up and didn't mind the pain. Saka ko na lamang daw kontrolin ang air dragon sabi ng air goddess dahil talagang mahirap daw kontrolin iyon. Nagulat ako nang maramdaman ko na hindi ako makahinga. Parang nauubusan ako ng hangin sa baga. Napahawak na lamang ako sa leeg ko sa sobrang sakit. Napapangiwi ako.

Napabuntong-hininga ang air goddess. Unti-unti kong naramdaman ang pagbalik ng hangin sa paligid ko. Nagtatakang napatingin ako sa air goddess. Nagtatanong ang mga mata ko. Bakit niya ginawa iyon? Pagod na ba siya na turuan ako? Ngumiti siya sa'kin.


"That's your next lesson. You can't defeat the defenses of earth. That's the only way. Although, for me, it's not a fair one but we have no choice. Reduce the oxygen content of air to defeat your opponent.

Napakamot naman ako sa ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Napangiti na rin ako sa air goddess at tumango.

Days passed, I managed to control the oxygen content on a fixed area. At dahil doon hindi na rin ako nahirapang gamitin iyon sa fire element. Noong una nahirapan ako dahil sobrang laki ng apoy pero unti-unti rin naman akong nagtagumpay na patayin iyon. Hindi naman ang buong apoy sa forest ang napatay ko kundi ang mga apoy lamang na sumusugod sa direksiyon ko kapag napapadako ako roon.

Nagawa ko rin maglabas ng air eagle. Nakokontrol ko siya pero nahirapan talaga ako sa air dragon. Nakakaasar ang sobrang pagkapasaway niya. Minsan natutulog lamang at hindi ako sinusunod. Minsan naman nagwawala at ako ang inaatake. Ang dami ko ring sugat na natamo sa pasaway na air dragon na iyon. Buti na lamang may bukal kung saan napapagaling lahat ng sugat ko. Halos ligawan ko na nga ang air dragon para lamang sumunod sa akin. Pero bago ko siya napasunod ay nakalaban ko muna siya.

Sa huling araw, ayaw pa rin niyang sumunod. Napilitan na akong gamitin ang air eagle ko para kalabanin siya. The next thing I knew, the air dragon released explosive air bombs to eliminate me but the air eagle act as a shield. Nanonood lamang ang air goddess sa laban. I directed my hurricane blades to the air dragon's direction but it's no use. Naglabas din ito ng hurricane pero mas malaki para matalo ang hurricane blades ko.

Damn! The air eagle produced a whirlwind that could cut everything like a knife. The air dragon just ate the whirlwind to my surprise. The air dragon produced air spikes that sliced my arm's skin. I screamed in pain. I threw invisible air spear towards its direction but it's no use. Damn! Paano ba lumaban ng hangin sa hangin? Nagulat ako dahil bigla na lamang ako nagkaroon ng mga hiwa sa iba't ibang parte ng katawan ko. Napaluhod ako. Maraming dugo ang dumadaloy mula sa mga sugat ko. Mukhang ibinalik ng air dragon ang invisible air spears ko pero mas marami.

Pinilit kong tumayo. Hindi ako dapat sumuko. I heard the air goddess chuckled. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"You can have your air dragon now. Inutusan ko lamang siya na huwag kang sundin para malaman ko kung madali ka bang sumuko. At mukhang tama naman ang pagpili ko sa'yo." The air goddess smiled sweetly at me. I lost consciousness afterwards. Pagod na pagod ako.

--FLASHBACK ENDS--

Natigil ang pag-alala ko sa training dahil sa biglang pagpasok nina Frances. Lumapit kasi sila sa kama ko at dali-daling lumapit sa natutulog na baby dragon ko. Ginising talaga nila. Ang cute pa naman ni Baby Xyra habang nagmumulat ng mata. Parang walang kamalay-malay sa nangyayari na tumingin kina Frances. Tuwang-tuwa ang mga ka-roommate ko kay Baby Xyra.

Nilaro nila si Baby Xyra na halatang walang magawa. Napailing na lamang ako habang napapangiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com