Chapter 17: Who's Jealous, Me?
XYRA
Wednesday. Naglalakad ako papunta sa room nang makita ko sina Akira at Troy. Humabol ako sa kanila. Sumunod sa 'kin si Baby Xyra na nagmamadali sa paglipad.
"Akira, saan kayo?" tanong ko.
"Hello, Xyra," nakangiting bati ni Troy. Ngumiti ako at bumati rin.
"Pinalipat kami ni Bryan ng section kaya magkaklase na tayo simula ngayon," nakangiting sagot ni Akira. Nagulat ako pero napapalakpak sa tuwa. Magiging kaklase ko na sina Akira at Troy. Napansin kong nakadapo ang baby dragon ni Akira sa balikat niya. Tahimik itong nakatingin kay Baby Xyra. Nakangiti naman dito si Baby Xyra.
"Ano'ng pangalan ng dragon mo?" masigla kong tanong. Nag-isip siya sandali.
"Ano ba ang pangalan ng sa 'yo?" balik-tanong ni Akira. Nahiya akong sabihin ang pangalan ng baby dragon ko. Si Clauss naman kasi! Gumanti pa.
"Baby X-Xyra..." I said, pouting. Malakas na natawa sina Troy at Akira sa sinabi ko kaya nainis ako.
"Ano pala ang pangalan ng dragon ni Clauss?" tanong ni Troy.
"Baby Clauss," agad kong sagot habang nakangiti. Hindi inaasahan ni Troy ang sagot ko. Natigilan siya pero makalipas ang ilang segundo, tumawa siya. Napansin kong seryoso ang mukha ni Akira.
"Baby Akira na lang ang ipangalan mo sa kanya para pare-pareho tayo," natatawang mungkahi ko. Pumayag siya. Ngayon ko lang napagtanto na ang weird pala ng mga pangalang ibinigay namin sa mga baby dragons.
Kinukulit ni Baby Xyra si Baby Akira. Tinabihan nito si Baby Akira na mukhang mahiyain. Natawa ako dahil sinisiksik nito si Baby Akira. Kapag umuurong si Baby Akira, sumusunod naman si Baby Xyra. Nagtawanan kaming tatlo dahil sa kakulitan ni Baby Xyra. Ang cute nila.
Pagpasok namin sa room, napatingin sa 'min ang mga kaklase. Natuwa sila nang makita ang mga baby dragons. Pero nagtataka rin sila. Ma-awtoridad na nagsalita si Kyle. "Simula ngayon, magiging kaklase na natin sina Akira at Troy. Pinalipat sila rito ni Bryan." Nagkagulo ang mga babae sa sobrang tuwa. Hinikayat pa nila na tumabi sa kanila sina Akira.
Tiningnan ko ang reaksiyon ng dalawa. Hindi nila pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa kanila. Sila na ang gwapo. Napalingon ako sa direksiyon ni Clauss. Nakahalukipkip siya habang masama ang tingin sa 'kin. Nakaramdam ako ng kaba kaya napahawak ako sa braso ni Akira.
"Saan ka nakaupo?" bulong ni Akira. Nawala ang atensiyon ko kay Clauss. Itinuro ko sa kanya kung saan. Kami lang nina Frances ang nakaupo sa isang row, dalawa pa ang bakante.
"Doon kami uupo. Ayos lang ba?" tanong ni Akira. Tumango ako. Nang maalala kong nakahawak ako sa braso ni Akira, napabitaw ako bigla. Katabi ko si Akira. Sa dulo naman nakaupo si Troy. Nagbubulungan ang mga kaklase ko pero wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila. Pakiramdam ko matutunaw ako sa kinauupuan. Ramdam ko ang mga titig mula sa likuran ko, mula kay Clauss. Hindi tuloy ako mapakali sa buong klase.
"May problema ba?" tanong ni Akira. Umiling ako at pilit na ngumiti. Nagtataka siya sa inaasal ko. Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Agad akong lumabas sa room at pumunta sa CR. Iniwan ko muna si Baby Xyra kina Frances. I needed to breathe.
Nang makarating sa CR, ilang beses akong huminga ng malalim. May nagawa ba akong masama kay Clauss? Lumabas ako sa CR makalipas ang ilang minuto. Dire-diretso akong naglakad pabalik sa classroom. Nabigla ako nang may biglang humila sa 'kin papasok sa isang empty room. Mabilis na sumara ang pinto. Sisigaw sana ako pero may nagtakip sa bibig ko at isinandal ako sa pader.
Kinabahan ako. Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko, si Clauss. Nakakatakot ang tingin niya sa 'kin. Inalis ni Clauss ang kamay na nakatakip sa bibig ko.
"ANO BA ANG---!" Sinigawan ko siya pero muli niyang tinakpan ang bibig ko kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin.
"You're too loud," he hissed with irritation. Kumalma ako. Inalis ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Hindi siya nagreklamo.
"Bakit ba kasi?" I whispered, softly. An evil grin formed on his lips. Pero biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya at matalim akong tinitigan. Problema niya?
"Bakit kailangang katabi mo pa si Akira?" iritableng tanong niya. Napakunot-noo ako. May problema ba kung katabi ko si Akira?
"Masama ba'ng tabihan si Akira?" balik-tanong ko kay Clauss. Para kaming tanga na nagbubulungan sa loob ng isang may kadilimang kwarto. Nakasandal ako sa pader at ang lapit-lapit sa 'kin ni Clauss. Namula ang mukha ko. Ramdam ko ang mainit na hininga ni Clauss na dumadampi sa mukha ko habang nagsasalita nang pabulong. Nanlambot ang tuhod ko pero hinapit ako ni Clauss sa baywang. Napahinga ako nang malalim. Nahalata ba niyang nanghihina ako?
"Yes, it's bad. Sa susunod huwag kang tumabi kay Akira," iritableng wika ni Clauss.
"B-Bakit naman? Saan naman ako uupo? Nakakahiya kung paaalisin ko sila," I hissed. Kung hindi lang imposible, iisipin kong nagseselos si Clauss dahil sa ginagawa niya ngayon.
"Tsk, you're irritating. Sundin mo na lang ako. Tumabi ka sa 'kin sa susunod," wika niya. Ang bossy naman niya. Naaasar tuloy ako.
CLAUSS
Naasar ako nang makitang magkasama sina Akira at Xyra. Lalo akong naasar nang magkatabi pa sila sa upuan. Gusto ko silang sunugin gamit ang tingin. Naaasar ako sa nararamdaman ko. I could smell her scent because we're too close. Mukhang hindi ko mapipigilan ang sarili pero naaasar pa rin ako kina Xyra at Akira.
"Paano kung ayaw ko?" naghahamong bulong niya. Masama ko siyang tiningnan. Ang lapit-lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa kaya bigla akong napangisi. Kung anu-ano ang pumapasok ngayon sa utak ko. My index finger touched her lips. Napapitlag siya. Napangiti naman ako.
"Then you'll regret it," seryosong wika ko habang nakatingin sa mga mata niya.
XYRA
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako sa banta niya. Pero hindi ako dapat magpatalo.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Siguro nagseselos ka kay Akira, ano?" nang-iinis na wika ko. Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. "Who's jealous? Me? No way!"
"YES WAY! You're jealous! Absolutely jealous!" napataas din ang boses ko. Masyado siyang defensive. Binibiro ko lang naman siya. Napangiti ako ng nakakaloko. Halatang naiirita siya sa ngiti ko.
"Don't smile like that. I'm not jealous," kalmadong wika niya.
"You are! Siguro may lihim kang pagtingin... kay Akira," I said, laughing. Naasar siya sa sinabi ko.
"Ano naman sa 'yo kung magselos ako?" tanong ni Clauss na ikinabigla ko. "At wala ako--" Naputol ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw ko.
"WHAT? M-May gusto ka nga kay Akira?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Clauss. Napasimangot si Clauss.
"You're weird. Sit beside me next time. If you don't do what you're told then I'll kiss you right in front of the whole class," he said in a dangerous warning tone. Natakot ako pero nagtapang-tapangan ako.
"No! You can't. Hindi mo kaya iyon!" naiinis na wika ko.
"Of course, I can. Let me give you a demonstration first." Before I knew it, he already claimed my lips. Natigilan ako. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya. Dahil may naalala ako, hinawakan ko ang mukha niya palayo sa 'kin. Tinakpan ko ang bibig niya. Napakunot-noo siya.
"Bakit mo ako hinahalikan? 'Di ba, sabi mo pangit ako? Huwag mo akong halikan! Naku! Pangit pala ha!" inis na wika ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansing ngumiti ang mga mata ni Clauss. I felt that he's smiling even though I'm covering his mouth. Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya. He was really smiling a big smile. Nadagdagan ang kagwapuhan ng mokong. Nakakaasar!
"Binibiro lang kita," natatawang wika niya. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong. "You're beautiful. And I don't like Akira. I actually like... you. And I'm jealous. It sucks."
Napaawang ang mga labi ko. Napakapit ako ng mahigpit sa polo niya. I wanted to melt like ice cream because of his soft, sweet voice. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. May gusto siya sa 'kin? Hindi ko napigil ang kilig na nararamdaman. Seriously?
"W-What?" The thought that he likes me refused to sink in. He smirked. "Stupid, I don't want to repeat myself." Nawala ang kilig na nararamdaman ko sa biglang pagbabago ng mood ni Clauss. Napaka-bipolar! Asar!
"Aisshh! Nakakainis ka, Clauss! Binibiro mo na naman ako!" Muntik na akong maniwala sa sinabi niya. Pinaghahampas ko ang dibdib niya sa sobrang frustration na nararamdaman. Pinigilan naman niya ang dalawa kong kamay na humampas sa dibdib niya.
"Hey, I just said that I don't want to repeat myself. Pero hindi ko sinabing hindi totoo ang sinabi ko kanina," naaasar niyang wika. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Imposible! Nananaginip lang ako!
"Nananaginip ba ako? Wait ha! Gigising lang ako." Kinurot-kurot ko ang mukha. Nasasaktan ako pero hindi pa rin ako magising. Sa tingin ko, nananaginip lang ako dahil imposibleng maging kaklase ko sina Akira at Troy. Pagtingin ko kay Clauss, napansin ko na nakasimangot siya. Nanlaki angmga mata ko dahil walang babalang sinakop niyang muli ang mga labi ko. Totoo batalaga ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com