Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Caught in Action

XYRA

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa hinahalikan ako ni Clauss ngayon kundi dahil sa sinabi niyang gusto niya ako. He held my face with one hand to deepen the kiss. His other hand was wrapped around my waist. He's kissing me passionately and I couldn't help but respond.

I moaned. Damn! This man is driving me crazy. His tounge is asking for entry so I let him invade inside. He groaned while playing with my tounge. Napahawak ako sa magkabilang balikat niya. He's supporting me with his arms but I still felt weak.

Nakarinig kami ng malakas na ingay kaya napapitlag at napatigil ako. Biglang kong naitulak si Clauss. Naasar siya pero hindi naman nagreklamo. Halatang ibinalibag ang pinto dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa pader. Halos mabingi ako sa lakas. Napalingon kami sa pintuan.

A sexy and beautiful girl was intently staring at us with her arms crossed. I didn't know her. Hiyang-hiya ako dahil nahuli niya kami ni Clauss. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Parang gusto kong matunaw sa kahihiyan. Kung pwede lang na mawalang parang bula, nagawa ko na.

"What are you doing?" Seryosong tanong ng magandang babae.

"Nakita mo na tapos nagtatanong ka pa," asar na sagot ni Clauss. Kahit kailan hindi talaga siya matinong sumagot. Halatang naasar ang babae sa pagiging pilosopo ni Clauss. I was speechless. Hindi ko alam kung paano ako magdadahilan.

"Follow me. You'll be punished because of the malicious act you've committed inside the academy. Those moans are irritating to the ears," she said, disgusted. Malicious act? Moans? Embarrassing! Ang lakas naman ng pandinig niya! Naglakad na palabas ng room ang magandang babae.

Napatakip ako sa mukha ko. "Clauss! This is all your fault." Gusto ko'ng maiyak. Baka kumalat ito sa loob ng academy. Mai-issue pa tuloy ako!

"Huwag ka na ngang magmukmok diyan," inis na wika ni Clauss. Hinawakan niya ako sa wrist at hinila na palabas sa room para sumunod sa babae. Nakakaasar talaga siya. Wala man lang pakialam sa nararamdaman ng iba. Hindi pa nga ako nakakahuma sa kahihiyang naganap, hinila na agad ako. Couldn't he be more gentle? At ang sakit ng pagkakahila niya sa akin.

"C-Clauss..." mahinang tawag ko.

"What?" iritableng tanong ni Clauss. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin. Ang sama niyang makatingin. Napaka-bipolar talaga.

"M-masakit," mangiyak-ngiyak na sabi ko. Biglang lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya. "Sorry," wika niya. Binitawan niya ang wrist ko pero nagulat ako nang kamay ko na mismo ang hinawakan niya. Napatitig ako sa kamay namin. Holding hands? Bakit ba ang sweet niya minsan pero madalas ay hindi? He's so unpredictable.

"Hey. Tara na," inis na wika niya. Hinila na naman niya ang kamay ko. Napasimangot ako. Ang hirap niyang intindihin. Sumabay ako sa paglalakad niya. Kailangan ba talagang magkahawak-kamay kami? Sinubukan kong alisin ang kamay ko pero lalong hinigpitan ni Clauss ang hawak.

"Clauss, baka may makakita sa 'tin. Baka kung ano'ng isipin nila. Bitiwan mo na kaya ang kamay ko?" nag-aalalang wika ko.

He smirked but he followed me. Binitiwan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi naman dapat.

"Sino pala ang babaeng iyon?" tanong ko.

"She's Noryka. Public Information Officer ng Student Council. She's got the power of sound. Ang Student Council ang nagpaparusa sa mga estudyante. Pero kapag naulit muli ang kasalanan, sa guidance na nila dinadala," he answered, casually.

Sound? Kaya siguro niya narinig ang mga moans? Aish! Nakakahiya! Si Clauss kasi! Pero bakit ba si Clauss ang sinisisi ko? Kasalanan ko rin naman. Pero basta si Clauss talaga ang dapat sisihin! Tinukso niya ako! Ginulo pa niya ang puso ko!

Gusto ko sanang itanong kung ano ba ang status namin pero nakakahiya. Sinabi lang niya na gusto niya ako. Hindi naman niya sinabing mahal niya ako. Mukhang hindi naman siya interesado sa nararamdaman ko para sa kanya. 'Di sana'y tinanong rin niya ako, di ba?

Tumigil kami sa harap ng Student Council Office. Napalunok ako. Mapaparusahan na kami. Napansin ko sina Selene at Akira na parehong nakasimangot na naglalakad patungo sa direksiyon namin. May dalawang magagandang babae na nakabantay sa kanila sa magkabilang gilid. Napakunot-noo ako.

"Clauss sino ang dalawang 'yon?" tanong ko.

"They're the Peace Officers of the Student Council. The girl on the right is Lara. She can temporarily seal someone's power ability. Kapag ginamit niya ang kapangyarihan sa 'yo, hindi mo magagamit ang power mo sa loob ng isang oras. The one on the left is Karleen. She has the ability to turn anyone or anything into stone," napilitang sagot ni Clauss. Napatango ako.

"Bakit dala mo ang dalawang 'yan?" takang tanong ni Noryka.

"They're fighting destructively inside the academy. They need to be punished," sagot ni Lara.

"Bakit narito sina Clauss?" takang tanong ni Karleen pero halatang natutuwa. Crush niya siguro si Clauss?

"Because of a malicious act they committed," sagot ni Noryka.

Nanlaki ang mga mata nila. Maging sina Akira at Selene ay nagulat. Namula ako. Napansin ko si Clauss na parang walang narinig. Wala man lamang siyang naging reaksiyon. Nakakainis siya. Ako lang ang apektado rito.

"What do you mean by malicious act?" mataray na tanong ni Selene. Ang sama ng tinging ipinukol niya sa akin.

"They're ki—" Hindi na naituloy ni Noryka ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig niya. Bumulong ako na huwag sabihin kina Selene. Tiyak na magkakaroon ng World War III. Baka lunurin na naman niya ako.

Masama kong tinitigan si Clauss. Kumunot-noo lang siya sa akin. Binitawan ko na si Noryka. Napalingon kami sa dumating. Si Troy na pinipingot sa tainga ng isa pang magandang babae.

"Aray naman, Neptune! Patakasin mo na kasi ako," nakasimangot na wika ni Troy.

"Anong patakasin? Pinagbigyan na kita noong una. Sabi mo hindi na mauulit pero ginawa mo pa rin," iritableng wika ni Neptune.

"Ano'ng nangyari diyan?" takang tanong ni Karleen.

"Tumatakas palabas sa academy," sagot ni Neptune na hindi tinitigilan si Troy.

"Sino naman siya?" bulong ko kay Clauss.

"Bakit ba kanina ka pang tanong nang tanong?" asar na bulong ni Clauss.

"Sagutin mo na lamang kasi," asar kong wika.

"She's Neptune. Vice President of the Student Council. She has the ability to control sand," he smirked.

Naunang ipinasok ni Neptune si Troy sa office kaya sumunod kami. Napansin ko ang isang sexy at magandang babae na nagtatakang napalingon sa amin.

"Sino siya?" bulong ko kay Clauss. Napasimangot si Clauss. Halatang asar na asar na sa pagtatanong ko. "Ang kulit mo. She's Jonica. The President of the Student Council. The Illusionist. She has the power to create illusions."

Ang cute ng mga powers ng student council officers.

"Puro babae ba sila?" takang tanong ko.

"Hindi. May lalaki rin," walang ganang tugon ni Clauss. Inirapan ko siya.

"Any problem?" tanong ni Jonica.

"They violated some rules and committed unforgivable acts," sagot ni Noryka.

Nakahinga ako nang maluwag. Buti hindi malicious acts ang ginamit na salita ni Noryka.

"Ano ba'ng ginawa nila?" nakakunot-noong tanong ni Jonica. Naman! Bakit kailangan pang itanong? Pwede ba'ng parusahan na kami agad para tapos na? Malalaman nila ang ginawa namin ni Clauss. Damn!

"Selene and Akira were fighting and caused damages inside the academy," sabi ni Lara.

"Tumatakas si Troy palabas ng academy," inis na wika ni Neptune.

"Clauss and Xyra were kissing inside a dark, empty room," walang gatol na wika ni Noryka. Nice. I'm doomed. Napayuko ako. Pakiramdam ko kasing pula na ng hinog na kamatis ang mukha ko. Gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan.

"Yeah, she's my girlfriend. There's nothing wrong with kissing her, right?" bored na wika ni Clauss. Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Clauss. What was he talking about? Anong girlfriend? Napatingin ako sa reaksiyon ng mga kasama namin. Gulat na gulat sila. Masamang nakatitig sa 'kin si Selene. Siguradong hindi na niya ako tatantanan simula ngayon.

"Ano bang sinasabi mo?" asar na tanong ko kay Clauss. Nagkibit-balikat siya at biglang inilapit ang mukha sa mukha ko. Napaatras ako. Nakangiti siya sa 'kin. Bigla niya akong dinampian ng mabilis na halik sa labi kaya natahimik ako at namula.

Damn! Ang laki ng problema ko. Tiyak na dudumugin ako ng mga babaeng may gusto kay Clauss. Makakalaban ko na naman si Selene. Ginulo ni Clauss ang buhok ko. Hinila niya ako palapit sa kanya. Inakbayan niya ako.

"It will be alright. Ako'ng bahala," bulong niya.

Natatakot ako pero pakiramdam ko secured ako sa sinabi niya. Napabuntong-hininga ako at hindi na muna pumalag. Kakausapin ko siya mamaya tungkol dito.

CLAUSS

Naiiyak na si Xyra. Alam kong kasalanan ko kung bakit kami narito kaya kailangan kong bumawi. Sinabi ko na girlfriend ko siya para hindi siya masyadong mahiya. Iyon lang kasi ang magandang dahilan para maging valid ang paghalik ko sa kanya.

Napabuntong-hininga si Jonica bago nagsalita. "I have no choice but to punish you. Ikukulong namin kayo sa punishment room sa loob ng isang oras. It's not an ordinary room. It can drain your strength and that may torture you."

Walang nagsalita. Hindi ako mahihirapan sa sinasabi niyang room. Madalas kong sinasalo ang parusa para kay Selene na ibinibigay ng mga Dark Wizards noon. She was a stubborn brat when she was a kid. Naaawa ako kaya ako ang pumapalit sa pwesto niya kapag pinaparusahan siya. Now, I'm worrying for Xyra.

"Hindi ba pwedeng ako na lang ang parusahan?" tanong ko kay Jonica.

"No. Lahat kayo mapaparusahan," wika niya. Binuksan na ni Jonica ang room at pinapasok na kaming lahat. Wala kaming kakaibang nararamdaman sa loob. Inalis ko na ang pagkakaakbay kay Xyra.

"Hindi ko pa binubuksan ang switch na nasa labas ng room. One hour kayo sa loob. Don't use your powers. Lalo lang kayong masasaktan at mahihirapan," seryosong wika ni Jonica bago tuluyang isinara ang pinto.

Ilang segundo ang nakalipas nang maramdaman ko ang puwersa na pilit nagpapahina sa 'min. Umupo ako sa isang tabi at isinandal ang likod sa pader. Mahina pa ito kumpara sa parusa ng mga Dark Wizards. They also drain force and strength but it's a lot stronger. Mas masakit.

Hindi ako masyadong naaapektuhan dahil sanay na ako. Bumagsak sa sahig ni Xyra. Halatang nahihirapan siyang huminga at pinagpapawisan. Maging sina Selene, Akira at Troy ay nahihirapan. They're resisting the force that's why they're in much pain. I sighed.

"Don't resist. It's futile. Mas lalo kayong mahihirapan," I said, calmly. Lumapit ako kay Xyra at niyakap siya.

"I'm sorry," I whispered softly in her ears. Hawak pa rin niya ang dibdib at naghahabol sa paghinga. I kissed her forehead. Kung pwede lang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman niya ay nagawa ko na. It's my fault in the first place.

"C-Clauss..." nanghihinang wika niya bago nawalan ng malay. Wala nang malay ang lahat ng kasama ko sa loob. Halatang hindi sila sanay sa ganitong parusa. Ipinikit ko ang mga mata ko habang yakap pa rin si Xyra.

~~~

Iminulat ko ang mga mata. Wala na ang puwersang nagpapahina sa 'min. Tulog pa rin si Xyra kaya napangiti ako. Ang inosente niyang tingnan. Napalingon ako kay Akira dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa 'min. Tama ako. Gising na siya pero tulog pa rin sina Troy at Selene.

"I thought you didn't like her," seryoso niyang wika.

"People change," I said plainly. I saw a glint of pain in his eyes. Wala akong magagawa. Minsan kailangan talagang may masaktan. Hindi sa lahat ng oras magiging masaya ang isang tao.

"Are you serious with her?" tanong niya. "If not then just let her go. Masasaktan lang siya sa ginagawa mo."

Nanatili akong tahimik. Am I serious with her? Hindi totoong girlfriend ko siya. At kahit maging seryoso ako sa kanya, alam kong masasaktan ko pa rin siya. Hindi nila ako kakampi sa simula pa lang. Darating ang panahon na kailangan naming maglaban, sa ayaw at sa gusto ko.

"Take Xyra to her room. Ako na ang bahala kay Selene," wika ko kay Akira. Nagulat siya sa sinabi ko. Isinandal ko si Xyra sa dingding. Binuhat ko si Selene.

"Why? I can bring Selene to her room if that's what you're worried about," takang tanong ni Akira.

"I'm not serious with Xyra. She's not my girlfriend," seryosong sabi ko. Mabibigat ang aking mga hakbang nang lumabas ako sa Student Council Office. I must not be selfish. She doesn't deserve me. She needed someone who could protect her and it's not me.

XYRA

Nagising ako habang buhat-buhat ni Akira. Akala ko si Clauss pero hindi pala. Nasaktan ako. Masakit din pala ang umasa.

"Akira..." tawag ko. Napatingin siya sa 'kin. Nawala ang kaninang seryosong mukha niya at ngumiti sa 'kin.

"Gising ka na pala," sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad. Nasa tapat na kami ng dorm ko. Ibinaba niya ako at ginulo pa ang buhok ko kaya napalabi ako.

"Magpahinga ka na sa loob," nakangiting wika ni Akira. Tumango ako pero naalala ko ang baby dragon ko.

"Si Baby Xyra?" nag-aalalang tanong ko.

"Kasama nina Frances. Mamaya babalik na sila rito kaya hindi ka dapat mag-alala." Tumango ako sa kanya at nagpasalamat bago pumasok sa loob. Ibinagsak ko ang sarili sa kama.

Paano kung kumalat ang sinabi niClauss na girlfriend niya ako? Nakakaasar siya! Wala man lang siyang pakialamsa 'kin. Hindi man lang niya ako nagawang ihatid dito. Ano na ba'ng statusnamin ni Clauss? I sighed in frustration. Maybe, it's complicated? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com