Chapter 19: The Dare
XYRA
Friday. Nakadapo sa balikat ko si Baby Xyra. Habang naglalakad papunta sa room, iniisip ko kung tatabi ba ako kay Clauss o hindi. Baka totohanin niya ang banta na hahalikan ako sa loob ng klase. Napabuntong-hininga ako. Ang gulo ni Clauss.
Pagpasok ko sa classroom, wala si Clauss. Si Baby Clauss lang ang nakita ko na natutulog sa upuan niya katabi ang baby dragon ni Selene.
Napalingon sa 'kin lahat ng kaklase ko. Kinabahan ako. Kakaiba ang tingin nila. Mali ba ang naisuot kong uniform? Sa tingin ko hindi naman. Tsinek ko ang zipper ng palda ko baka bukas pero hindi naman. Ano'ng problema nila? Agad akong tumabi kina Frances. Nandoon na sina Troy at Akira.
"Ano'ng meron?" bulong ko kay Frances.
"Boyfriend mo na raw si Clauss. Hindi man lamang nagsasabi," she pouted.
"What? Hindi ko siya boyfriend," I laughed, nervously. Ang bilis kumalat ng tsismis.
"Si Clauss daw mismo ang nagsabi kaya imposibleng hindi totoo 'yon," takang sabi ni Frances.
"Joke lang 'yon. Ni hindi nga niya ako nililigawan. Paano namang mangyayari 'yon?" natatawang sabi ko.
"Grabe naman, Xyra! Sa gwapong 'yon magpapaligaw ka pa? Kung ako sa 'yo, hindi na ako magpapaligaw. Susunggaban ko na agad," kinikilig na sabi ni Frances. Napailing ako. Baliw na siya.
Paano na ako ngayon? Malaking problema ito. Ihinabilin ko kay Akira si Baby Xyra na nakikipaglaro kay Baby Akira. Lumabas ako ng room. Nagtungo ako sa CR pero pagpasok ko pa lang pinagtitinginan na ako ng mga babae.
I could see mockery, envy and even anger in their eyes. Pumasok agad ako sa loob ng cubicle. Balak ko sanang tingnan ang sarili sa salamin pero nakakatakot sila kaya dito ako dumiretso. Umupo ako sa toilet bowl at napahilamos sa mukha. May narinig akong nagsalitang babae. Tila ba ipinaparinig sa akin ang mga sinasabi.
"Sa tingin ko hindi totoong boyfriend niya si Clauss. Siguro gawa-gawa lang niya 'yon."
"Siguro nga. Nakita ko si Selene at Clauss na magkayakap kanina. Baka si Selene talaga ang girlfriend ni Clauss?"
Hindi ko inaasahan ang sinabi ng babae. Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat.
"Talaga? Tara na. Mahuhuli na tayo sa klase. Sa daan na lang tayo magkwentuhan."
Lumabas ako nang makaalis sila. Tiningnan ko ang mukha sa salamin. I could see bitterness in my eyes. Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin pero halatang hindi ako masaya. I sighed. Naglalakad na ako pabalik sa classroom nang mapatigil ako.
Napalingon ako sa isang room. Nakaawang ang pinto at pamilyar ang taong nasa loob. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sumilip. Si Clauss 'yon na nakayakap kay Selene. Nakakarinig ako ng hikbi. Umiiyak si Selene at pinapatahan siya ni Clauss.
Ayaw ko mang aminin, nakaramdam ako ng inggit at selos. Paalis na ako pero nagulat ako nang biglang hinalikan ni Selene si Clauss sa labi. Napako ako sa kinatatayuan. It hurts. Napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko.
"That's bad for your heart, you know," napapailing na wika ni Troy.
"Bakit ka narito?" pabulong na tanong ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
"Tatakas sana ako pero nagtaka ako kung ano'ng sinisilip mo kaya pumunta ako rito. Bumalik ka na sa room. Hindi ka naman siguro masukista para saktan ang sarili mo," wika niya. Napakunot-noo ako. Halata bang nasasaktan ako?
"Madali kang basahin," wika niya. Napapitlag ako nang may pinahid siya sa gilid ng mata ko. Luha? Hinila ako ni Troy patungo sa room kaya hindi na ako nakaangal.
"Pasok na. Nagmamadali ako. Bye," wika niya. Iniwan niya ako sa harap ng room. Nanatili ako sa tapat ng pinto. Napalingon ako sa lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. It's Clauss. Parang hindi niya ako nakikita at dire-diretsong pumasok sa room. Ang sakit. Nangilid ang luha sa mga mata ko.
Hindi ako pumasok sa room at naglakad palayo. Cutting classes na ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakatungo ako habang naglalakad. Bakit ba ako nasasaktan? Gusto ko na ba si Clauss? Ano ba'ng inaasahan ko sa kanya? Na babatiin niya ako kapag nakikita niya ako?
Pumasok ako sa isang empty classroom. Umupo ako sa arm chair sa gilid ng bintana. Nakakalumbabang tumingin ako sa labas. Maganda ang tanawin pero hindi sapat 'yon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Siguro hindi totoong gusto ako ni Clauss. Dahil kung gusto niya talaga ako, ipaparamdam niya sa 'kin. Hindi katulad ng ginagawa niya ngayon.
CLAUSS
"Clauss, pwede ba tayong mag-usap?" nag-aalangang tanong ni Selene. Kumunot ang noo ko. Naglalakad na kami papunta sa room.
"Tungkol saan?" takang tanong ko.
"Can we talk, privately?" mahinang sambit ni Selene.
"Sige," sagot ko. Tahimik akong sumunod sa kanya. Pinapunta na namin sina Baby Clauss sa room. Pumasok kami sa isang empty room. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Selene," I said with a warning tone.
"Clauss, alam mo namang mahal kita. Girlfriend mo ba talaga si Xyra? Bakit kailangang siya pa? Hindi ba pwedeng ako na lang?" she said with a pleading voice. Napabuntong-hininga ako. Ang higpit ng yakap niya sa akin kahit pilit kong inaalis. Nanatili akong tahimik.
"Clauss, mahal mo ba si Xyra?" tanong niya. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Niyakap ko siya para patahanin. Mahal ko ba si Xyra? Gusto ko siya pero hindi ako sigurado kung mahal ko na ba siya.
"Selene, ito ba ang pag-uusapan natin? Alam mong ayaw ko sa mga babaeng iyakin kaya tumahan ka na," asar na wika ko.
"'Yon na nga, Clauss. Ayaw mo sa mga babaeng iyakin pero bakit si Xyra, nagustuhan mo? Pinilit kong maging malakas para mapansin mo. Bakit si Xyra pa ang napansin mo?" wika niya sa pagitan ng paghikbi.
"Selene, alam mong kapatid lang ang tingin ko sa 'yo," mahinang wika ko. Lalong lumakas ang paghikbi niya. Ayaw kong sabihin pero kailangan. I patted her back. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hinihingi niya.
"Maraming lalaki na mas bagay sa 'yo, Selene. You're beautiful and you deserve someone better," wika ko.
"I want you," wika niya. Ang tigas talaga ng ulo niya. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Aggressive kiss but I didn't respond. Siya na rin ang kusang tumigil nang mapansin na hindi ako gumagalaw. Umiyak siya.
"I'm pathetic, right?" mapait na tanong niya.
"Yes, you are," walang gatol na sabi ko. She needed to realize that. I didn't want her to be like this. She's really pathetic.
"Don't close your heart, Selene. You'll find someone who can love you back," I said. I kissed her on the forehead and left. Habang papunta sa classroom, napansin ko si Xyra na nakatayo sa tapat ng pinto ng classroom. Bakit hindi pa siya pumapasok? Nag-iwas agad ako ng tingin nang akmang lilingon siya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin. Kailangan ko munang itanong sa sarili kung mahal ko na si Xyra.
THIRD POV
Napatakbo si Selene sa likod ng academy. Napasandal siya sa dingding habang umiiyak. Napaupo siya sa lupa. Bakit hindi siya magawang mahalin ni Clauss kahit ano'ng gawin niya? Ginawa naman niya lahat para mapansin nito.
Napayakap siya sa tuhod. Nagulat siya nang may biglang sumulpot na babae sa harapan niya. Nababalutan ito ng itim na usok. Mahaba ang tuwid at itim na buhok at maganda ito. She's wearing a black dress. Her black eyes were staring blankly at her.
"Who are you?" inis na wika niya. Selene has a bad feeling about this.
"I'm Jeanne. Kung gusto mong makuha ang lalaking mahal mo, kailangang mawala ang sagabal. Kill Xyra and you'll get Clauss," makahulugang wika nito.
"Damn! Ano ba ang alam mo? Hindi madali ang sinasabi mo! Magagalit lang lalo sa 'kin si Clauss!" sigaw ni Selene. Mala-demonyong ngumisi si Jeanne sa kanya. Tumindig ang mga balahibo niya sa katawan. Nakakatakot ito na tila gusto niyang manginig.
"I'm sure about this. I came from the future. I traveled to the past to meet and help you. Do you believe in parallel worlds? I've traveled through different worlds and time and I discovered one thing, Clauss will be yours if there's no Xyra existing in this world."
"Is that your power? To travel through parallel worlds?" takang tanong niya.
"Not really. Think about it. You got 99% chance of winning his heart if Xyra would die," she said.
Selene knotted her forehead. "What about the 1%?"
"With that 1%, you'll lose your 99% chance if Xyra's still alive," she said, mysteriously. Hindi alam ni Selene ang iisipin. Ngumiti si Jeanne nang makahulugan bago naglahong parang bula sa itim na usok. May narinig pang tinig si Selene bago ito tuluyang naglaho.
"Heed my advice. If you fail to kill Xyra, you'll die because of her."
~~~
Nakatulala si Xyra habang nakatingin sa labas ng bintana. Nagulat siya nang makulong siya sa loob ng isang malaking waterball na lumutang hanggang sa gitna ng classroom. Natakpan niya ang bibig dahil gustong kumawala ang natitirang hangin sa baga niya. Nakita niya si Selene. Madilim ang mukha nito. Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. Tila wala ito sa katinuan.
Pinilit niyang lumabas sa loob ng waterball pero hindi niya magawa. Tila nasa loob siya ng isang kulungan. Halos maubusan siya ng hininga pero nagpasalamat siya nang biglang nawala ang waterball. Bumagsak siya sa sahig. Tiningnan siya nito na tila gusto siyang patayin.
Naramdaman niya ang tubig na unti-unting sumasakal sa kanya. Hindi niya pwedeng gawing yelo iyon dahil siya ang mahihirapan. Napahawak siya sa tubig na sumasakal sa leeg na kasing tigas ng bakal at unti-unting humihigpit.
"A-ano ba'ng kailangan mo?" kapos-hiningang tanong niya. Napangiwi siya sa sakit.
"I want you dead," mariing wika nito.
"W-Why? Wala naman akong kasalanan sa 'yo." Halos wala nang boses na lumalabas sa bibig niya. Pinilit niyang magpakawala ng air spear at tinamaan nito si Selene. Medyo lumuwag ang pagkakasakal sa kanya kaya medyo nakahinga siya. Masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya dahil sa natamong sugat sa tagiliran. Tila manhid na ito sa sakit. Wala itong naging reaksiyon.
"Inagaw mo sa akin si Clauss kaya pagbabayaran mo ito," galit nitong wika. Naramdaman niya ang pag-ikot ng tubig sa loob ng katawan niya. Gusto ba nitong pasabugin ang buong sistema niya? Nakaramdam siya ng kirot sa loob ng katawan.
Kaya niya ring gawin kay Selene ang ginagawa nito dahil may oxygen-content ang dugo ng tao pero hindi niya magagawang patayin ito. Hindi niya kaya. Alam niyang may water-content ang katawan ng tao pero hindi niya akalaing gagamitin ni Selene ito laban sa kanya. Humahapdi na ang buo niyang katawan. Tila nauubusan siya ng tubig sa katawan.
"A-Ano ba'ng gusto mong g-gawin ko para tigilan mo na ako?" hirap niyang tanong.
"I want to kill you pero hindi pwede. Mapapasama ako kay Clauss. Nakita mo ba ang forest na may signboard na 'Enter and You'll Die''? Pumasok ka roon at kapag nakalabas ka pa ng buhay saka kita titigilan. Pero kung hindi mo ako susundin, ako na mismo ang tatapos sa 'yo ngayon," mala-demonyong ngumisi ito.
Napangiwi siya at napayakap sa sarili. Pinagpawisan siya ng malamig. Tila hinahalukay at binubutas ang katawan niya. Sinasakal pa rin siya ng tubig. Nahihirapan na siya at hindi na makapag-isip ng matino. Tila may sumasabog na internal organs sa loob ng katawan niya.
"O-Oo na. G-Gagawin ko na. P-Pupunta ako sa loob ng f-forest," nahihirapang wika niya. Ngumisi si Selene. Itinigil nito ang ginagawa. Napahiga siya sa sahig. Ramdam niya ang sakit. She's sure that she's bleeding internally.
"Tomorrow night. Be sure to enter the forest or else I'll come for your life," wika ni Selene.
Nanghihina siyang tumango. Lumabas siSelene. Hindi siya makagalaw. Pakiramdam niya mamamatay siya kung hindi pa siyamagagamot. Pero paano siya makakaalis? Nanghihinang ipinikit niya ang mga mata.Sana may dumating para tulungan siya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com