Chapter 2: Forge your Own ID
XYRA
Naghihintay na ako kay Bryan sa examination room. Kahapon, nalaman ko na sa exam na ito, may nakukuhang level ang mga estudyante. It is indicated on their ID cards to see if they're improving. The maximum level in this examination is level 50. Sa ngayon, si Clauss ang may pinakamagandang ID sa buong academy. Clauss' ID is a shiny, burning red card with a red dragon holding a large fireball. Level 31 na siya.
Whereas, Selene already reached level 25 and her ID is a shiny, green card with a green dragon surrounded by water as the background. Nabanggit nina Frances ang isa pang estudyante na may dragon sa background ng ID. Si Akira Kouji, third year mula sa kabilang section. He's an earth power user who has reached level 29. His ID card is a shiny, golden brown one with an earth dragon surrounded by thick earth like walls.
I looked around the examination room. It was almost as huge as a coliseum with a battlefield-like stage in the center. Nakatayo ako sa stage nang dumating si Bryan.
"I'll give you a small background about this Academy first," wika niya nang makalapit sa 'kin. Tahimik akong nakinig. "Wonderland Magical Academy is registered as a normal school. Tago ang lugar na ito, malayo sa mga ordinaryong tao para maiwasan ang gulo. We're extraordinary and it's human nature to judge others who are different from them. Some might call us demons, witches and monsters. That's why this academy was established, to help students control their powers and live a normal life as much as possible."
"But there's a problem. There's one academy with a goal that opposes ours. It's the Dark Wizard's Academy. They're evil, greedy of power. They want and plan to annihilate ordinary humans and even power users, too. We're here to prevent that from happening. Dalawampung kilometro mula rito, sa likod ng malaking bundok na tinatawag na North Mountain, makikita mo ang Dark Wizard's Academy," dagdag niya.
Napakunot-noo ako sa pagkalito. Tinawanan ako ni Bryan dahil nahalata niya na naguguluhan ako. "Anyway, you'll understand soon. Sa ngayon, kailangan mo munang mapalabas ang ID mo. I will leave you here for four hours. Try to discover your power ability. If you can't release your power then your last chance will be on the monthly examination, ten days from now," sabi niya, at naglakad na palayo.
Wala akong ideya sa gagawin ko. Akala ko tutulungan niya ako. "Wait! Hindi mo ba ako bibigyan ng advice o tips man lang?" desperadang tanong ko.
He turned to me. "Advice? Concentrate and feel it. When you feel like there's something different and unusual with you, that will be your first clue on what your ability is. Use your mind, body and emotions. These could help you," he said and left.
Hindi na ako nakapagtanong pa. Paano ko gagamitin ang isip ko? Huhulaan ko ba? Kailangan ko bang isipin na kaya kong lumipad? Na kaya kong maglabas ng apoy at tubig katulad nina Clauss at Selene? I sighed in frustration. Umupo ako sa sahig. I closed my eyes and tried to concentrate but I couldn't.
Wala akong maramdamang kakaiba sa 'kin. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at sumigaw ng malakas na parang nababaliw. May tumawa sa 'di kalayuan na ikinagulat ko. I opened my eyes and looked around. Nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa 'kin. Ngayon ko lang siya nakita. Natitiyak kong hindi kami magkaklase.
"Need any help?" he sneered.
"You'll help me?" I asked, doubtfully. To my surprise, he nodded. He sat in front of me, grinning.
"What's your name?" tanong ko.
"Troy Kazuoko, ice controller. Third year, second section," sagot niya. Sinabi ko ang pangalan ko at inilahad ang kanang kamay para makipagkamay. Tinitigan lang niya ang kamay ko. Napapahiyang ibinaba ko ang aking kamay. "Paano mo ako matutulungan? Bibigyan mo ako ng tips?" tanong ko.
"Tips? Alam mo ba na biglang lumalabas ang kapangyarihan natin kapag nasa bingit ng kamatayan o nasa isang mapanganib na sitwasyon? Nati-trigger nito ang ability natin. Dahil lumalabas ang will na maipagtanggol natin ang sarili at maka-survive. Lumalabas din ang kapangyarihan kung galit ka. Gusto mo bang subukan?" nakangising tanong niya.
"Don't tell me, you plan to scare me to death just to release my power ability?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa siya ng malakas.
"Well, that's the easiest way. Dapat may dahilan ka kung bakit mo gustong ilabas ang power mo. Hindi ka dapat napipilitan lang. Hindi mo dapat ginagawa ito dahil pinagagawa sa 'yo para lang matanggap ka sa academy na ito," seryosong wika niya.
I'm speechless. Naisip ko na wala talaga akong dahilan para gawin ito. "Paano kung wala namang dahilan?" tanong ko.
"Madali lang ang sagot diyan. Huwag ka nang pumasok dito," wika niya. He stood up and walked towards the exit. I'm curious about his reasons so I asked him. "What's your reason then?"
Natigilan siya sa tanong ko pero sumagot naman. "Dahil gusto kong protektahan ang mga taong mahal ko."
I bit my lips. That's too serious. He wished me luck and left. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari nang binully ako sa dating university. Sa tingin ko, tama si Troy na lumalabas ang kapangyarihan kapag napapahamak na. Ipinikit ko ang mga mata ko.
~~~
Tahimik akong lumabas sa examination room. Hinang-hina ako at gusto kong umiyak. Nagbalik-tanaw ako sa nangyari sa examination room kanina.
Halos apat na oras na pero wala pa rin akong nararamdamang kakaiba. Nakapikit ako at pinipilit mag-focus. Nanlamig ang katawan ko dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin. Nagmulat ako, iniisip kung saan nanggaling ang hanging 'yon. Nakita ko si Bryan na naglalakad palapit. Nakakunot-noo siya.
"Handa ka na ba?" tanong niya.
Hindi pa ako handa. Wala pa akong clue kung ano ang kapangyarihan ko. Umupo si Bryan sa isang upuan. "Mukhang alam ko na kung ano ang kaya mong gawin pero kailangan ko pang kumpirmahin. Nakita ko kanina."
Napakunot-noo ako. Wala akong naramdamang kakaiba pero sinasabi ni Bryan na alam na niya. "Ano'ng nakita mo?"
"Discover it for yourself. Kapag nagawa mo sa pagsusulit na ito, malalaman mo at makukumpirma ko naman ang nakita ko. Lalabas na rin ang ID mo. Magsimula na tayo?" wika niya.
Bakit hindi na lang niya sabihin sa 'kin kung ano ang kapangyarihan ko? Hindi siguradong napatango ako. Pumikit ako at nag-concentrate muli pero wala talaga akong maramdaman. Tatlumpung minuto na ako sa ganoong posisyon pero wala pa rin akong napapalabas na ID.
Narinig kong nagsalita si Bryan kaya nagmulat ako. "That's enough. You failed." Nanlumo ako. "Hindi mo mapapalabas ang power mo kung ganyan ang gagawin mo. Hindi mo ba nararamdaman na parang may tumatawag sa iyo? Dapat maramdaman mo na parte siya ng buo mong pagkatao at hindi pinipilit lang," dagdag niya.
Naasar ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya hindi niya dapat ako pagsabihan.
"Your second chance will be on June 30. Don't worry. I'll send you a tutor," usal niya.
"Sino?" tanong ko.
"Clauss Park," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napasigaw. "W-what?" Nakaramdam ako ng takot. Baka tustahin ako ni Clauss at gawing roasted chicken.
"You heard it right. Si Clauss ang magtuturo sa iyo. You still have ten days to discover your ability," wika ni Bryan.
"Baka hindi pumayag si Clauss?" nag-aalalang tanong ko pero ipinagdadasal ko talagang huwag pumayag si Clauss.
"Don't worry. Ako ang bahala sa kanya," wika niya. Naiwan akong natitigilan. Hindi ko pa rin lubos maisip na si Clauss ang magiging tutor ko. Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan dahil napansin ko ang isang lalaki na nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Lalagpasan ko sana siya pero kinausap niya ako.
"How's your examination?" tanong ng lalaki.
Nakakunot-noong nilingon ko ang lalaki. May kapangyarihan ba siyang bumasa ng isip ng tao kaya nalaman niya ang tungkol sa exam ko? Natawa siya. Napansin kong gwapo siya. Lalaking-lalaki siyang tumawa at malakas din ang dating. Ipinaling ko ang ulo dahil sa tumatakbo sa isip ko.
"Don't get me wrong. Nabalitaan kong may mag-eexam na transferee kaya pumunta ako rito. I'm Akira Kouji, earth controller from third year, second section," pakilala niya.
Inilahad niya ang kamay na tinanggap ko naman. "Xyra Buenafuerte, third year, first section. My power is unknown," wika ko.
Natawa siya sa pagbibiro ko. Napansin ko na hindi pa niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang dahan-dahang nagtanggal noon. Napakamot siya sa ulo. Medyo napangiti ako sa itsura niya na parang nahihiya.
"Hindi ako nakapasa sa exam. Pupunta na ako sa room ko," paalam ko. Tumango siya. Tinalikuran ko siya at naglakad na patungo sa room. Papasok na sana ako sa loob ng room pero may nabangga ako, si Clauss.
Masama ang tinging ipinukol niya sa 'kin. Palabas siya ng room. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," he hissed. Gwapo siya kaya lang ay suplado. Mahinang humingi ako ng paumanhin. Wala akong balak makipag-away. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Bryan. Nilampasan ako ni Clauss. Naalala ko ang panyo niya kaya hinabol ko siya. Napatigil si Clauss sa paglalakad. Lumingon siya sa 'kin nang maramdaman ang paghabol ko.
"What?" inis niyang tanong.
"Ibabalik ko lang ang panyo mo," wika ko. Iniabot ko ang panyo niya pero tinitigan lang ito ni Clauss. Hindi siya natutuwa na ibinabalik ko ang panyo niya.
"Sa iyo na. Nasingahan mo na yan tapos ibabalik mo pa sa akin. Baka mahawa pa ako sa pagiging clumsy mo," aroganteng wika niya.
Naasar ako sa sinabi ni Clauss. Gusto ko siyang suntukin pero pinigil ko ang sarili. Naiwan akong natitigilan sa hallway nang umalis siya. May narinig akong bulung-bulungan na na-reject ako ni Clauss. Napailing ako. Hindi naman ako mukhang humahabol sa lalaki para pag-usapan. Lalo akong naasar. Bumalik ako sa classroom na naiinis.
Pumasok ako sa loob ng room. Natahimik lahat. Maraming nagtanong sa 'kin kung nakapasa ba ako. Umiling ako at nagtuloy-tuloy sa upuang katabi ni Frances. Marami ang nagdiwang dahil nanalo raw sila sa pustahan. Naasar ako dahil pinagpustahan ako ng mga kaklaseng walang magawa sa buhay.
"Ayos lang yan. May second chance pa naman," sabi ni Wanda.
"Hindi naman 'yon ang iniisip ko. Ang magiging tutor ko ang problema ko," inis kong wika. "Tutor?" sabay na tanong nina Wanda at Frances.
"Si Clauss ang magiging tutor ko," matamlay na wika ko. Napasigaw nang malakas sina Wanda. Napalingon ang buong klase sa kanila. Nag-peace sign sila. Napatakip ako sa tainga dahil sa malakas na sigaw nila.
"Hindi ba pwedeng kayo na lang ang magturo sa akin?" pakiusap ko. Nagkatinginan sina Wanda at Frances at sabay na umiling. Napabuntong-hininga ako. Pumasok si Clauss sa classroom at lumapit sa 'kin na ikinagulat ko. Ang sama ng aura ni Clauss.
"Be ready tomorrow. I'll teach you. But I want to make it clear to you that I don't babysit. Huwag kang lalampa-lampa," he smirked.
Namula ang mukha ko sa sinabi ni Clauss. Napahiya ako sa sarili. "Ano ba'ng problema mo? Kung ayaw mo akong turuan, eh di huwag!" inis kong wika kay Clauss.
"Kahit gustuhin ko mang gawin 'yan, hindi pwede," he grimaced. Naglakad si Clauss palabas ng classroom at hindi na ako nakapagsalita pa. Tahimik ang buong klase habang nakatingin sa 'kin.
Nagsalita si Jake. "Maghanda ka. Hindimagiging madali ang training mo. Baka sunugin ka niya pagkatapos." Malakassiyang tumawa. Napailing ako. Tiyak na kasing init ng impiyerno ang training ko bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com