Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Enter and You'll Die

XYRA

Saturday night. Cyril healed me yesterday. Buti na lang nakita ako ni Xander sa room kaya natawag niya agad si Cyril. My internal organs were damaged. Kung hindi ako nagamot ni Cyril tiyak na pinaglalamayan na ako ngayon. Hindi ko ipinaalam sa kanila ang pinag-usapan namin ni Selene.

Konti lang ang mga estudyante ngayon dahil nagsi-uwian na ang iba. Naka-white dress ako na hanggang tuhod at suot ko ang aking doll shoes. Habang naglalakad sa hallway, kinakabahan ako. Kanina pang sumusunod si Baby Xyra kahit sabihan kong bumalik na ito sa dorm. Naaasar na ako sa kakulitan nito. Hindi ito pwedeng sumama dahil mapapahamak ito.

"Bumalik ka na sa dorm," wika ko sa matigas na tono. Kinabahan ito sa itsura ko. Nagtitigan kami. Malungkot na lumipad ito pabalik sa dorm. Gusto kong mag-sorry pero saka na lang kapag nakalabas ako ng buhay sa forest.

Nakita ko si Selene. Nakahalukipkip siyang tumingin sa 'kin.

"Buti marunong kang tumupad sa usapan. Huwag kang mag-alala, kapag nakalabas ka ng buhay, titigilan na kita," she smirked.

"Siguraduhin mong titigilan mo na ako pagkatapos nito," seryosong wika ko.

"Iyon ay kung makakalabas ka pa ng buhay," she grinned, devilishly. Hindi pa iyon ang magiging libingan ko. Kailangan ko pang iligtas ang dad ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay.

"I gotta go. Excuse me," wika ko.

"Goodluck. And by the way, stay there for five hours. Saka ka lang pwedeng lumabas kapag nakatagal ka ng limang oras sa loob," she said. Napailing ako. Naramdaman ko na sumunod siya sa 'kin. Sinisigurado niya na papasok talaga ako.

~~~

Napalunok ako habang nakatingin sa entrance ng forest. Nagdasal ako. Sana walang multo o nakakatakot na nilalang sa loob ng kagubatan.

Pagpasok ko sa entrance ay may naramdaman na akong kakaiba. Tila ibang dimensiyon ang pinasukan ko. May naririnig akong alulong hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa gubat. Sinubukan kong humakbang palabas. May naramdaman na naman akong kakaiba. Napagtanto kong may invisible barrier pala na bumabakod sa buong forest. Wala na akong naririnig na alulong mula sa labas ng barrier.

Bakit hindi ako naaapektuhan? Para saan ang barrier? Para ikulong ang masasamang elemento? Kinikilabutan na ako sa naiisip. Itutuloy ko pa ba?

"Scared already?" Selene smirked. Malayo siya sa kinaroroonan ko habang nakaupo sa isang tabi. Hindi ko siya pinansin. I slowly entered the barrier. Pagpasok pa lang, nakakatakot na mga alulong na ang narinig ko. Iba't-ibang huni ng ibon ang narinig ko. Pagtingin ko sa itaas, isang grupo ng mga uwak ang nakatingin sa 'kin. Kung nasa labas ako ng barrier, tiyak na hindi ko sila makikita. Nanlilisik ang mga matang bumulusok sila pababa sa direksiyon ko. Tumakbo ako para umiwas.

May ilang tumama sa barrier. Nasaktan sila nang lumapat doon. Ito siguro ang dahilan kung bakit naglagay ng barrier. Tumigil ako sa pagtakbo. Gumawa ako ng pana at sibat gamit ang hangin. I shot each one of them. Marami sila kaya nagpakawala ako ng mga air spikes. Pinatamaan ko sila hanggang maubos at bumagsak sa lupa.

Kailangan kong mabuhay kaya kailangan kong lumaban. Pumasok ako nang tuluyan sa gubat. May kadiliman ang paligid. Ang tanging nagbibigay liwanag sa buong kagubatan ay ang mapanglaw na liwanag mula sa bilog na buwan. Nakakatakot tingnan ang mga puno.

Kakaiba ang itsura nila. Normal silang tingnan sa labas pero ngayon, tila may buhay sila at nanonood sa bawat galaw ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan dahil tila nag-uusap sila.

Tila nagbubulungan sila pero ihip ng hangin lang ang tanging naririnig ko. Bigla akong napatid kaya napasubsob ako sa lupa. Napansin kong gumalaw ang ugat ng puno para patirin ako. Namamalikmata ba ako? Umupo ako at kinusot ang mga mata. Pagtingin ko sa mga ugat, gumagalaw talaga ang mga ito.

Nagulat ako nang may humila sa paa ko paitaas. Nakabitin akong patiwarik ngayon. Nakapalibot sa dalawang paa ko ang sanga ng isang puno. Kita na ang damit panloob ko dahil nalilis ang suot ko. Bakit ba nakalimutan kong magsuot ng shorts? Napansin kong tila tumatawa ang punong humila sa 'kin. Mas manyak pa ito kay Clauss. Pero tumatawang puno? Daig ko pa ang naka-drugs ngayon.

Inis na nagpakawala ako ng air spear para putulin ang sanga. Naputol ang sanga. Nahulog ako pababa pero napigilan ko ang tuluyang pagbagsak sa lupa. Lumipad ako. Nasaktan ang puno sa ginawa ko. Nagwawala ito sa galit.

Sinugod ako nito gamit ang mga sanga pero naiwasan ko lahat. Ngunit hindi ko napansin ang sanga na umatake mula sa likod ko kaya nadaplisan ang laylayan ng suot ko. Tiyak na lalabas ako sa gubat na sira-sira ang damit.

Patuloy sa pag-atake ang puno. Umikot ako sa puno habang lumilipad para pagbuhul-buhulin ang kanyang mga sanga. Nagtagumpay ako. Halos hindi na nito maigalaw ang bawat sanga nito. Nagulat ako nang lahat ng puno na nakapaligid sa 'kin ay sumugod na rin. Paano nila nagagawang pahabain ang mga sanga nila?

Lumipad ako sa ibang mga puno. Talagang nagpapahabol ako para magkabuhol-buhol ang mga sanga nila. Patuloy ako sa paglipad at pagbubuhol ng mga sanga. Hanggang sa wala nang mga sanga ang humahabol pero natawa ako sa itsura ng mga puno. Magkakabuhol sila. Hindi nila mabawi ang sariling sanga na nakabuhol sa ibang puno.

Umupo ako sa isang sanga at naramdaman kong umalon iyon. Pinapaalis ako ng puno pero hindi siya makagalaw dahil nakabuhol ang sanga niya sa katabing puno. Nagulat ako nang magsalita ito.

"Umalis ka sa sanga ko," inis na wika ng puno. Nanlaki ang mga mata ko. Nagsasalitang puno?

"Paano ka nakapagsalita?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba'ng pakialam mo? May isang power user na gumawa nito sa amin at hindi ko alam kung paano'ng nangyari," sabi nito. Ano raw ang pakialam ko, pero sinagot din naman niya ang tanong ko. Napangiti ako.

"Ano'ng nginingiti mo diyan? Alisin mo na ang pagkakabuhol-buhol namin," muling wika ng puno.

"Okay lang 'yan. Group hug muna kayo," natatawang wika ko sa kanila. Muling umalon ang sanga na kinauupuan ko. Natatawa ako dahil halatang pinapaalis ako.

"Sige aalisin ko ang pagkakabuhol niyo pero mangako muna kayo na hindi niyo na ako susugurin," wika ko. Hindi nagsalita ang puno. Napailing ako. Bakit ba kailangang labanan pa nila ako? Wala naman silang mapapala.

"I'm an air element controller. Kapag sinugod niyo akong muli, aalisin ko na ang carbon dioxide sa hangin para mamatay kayo. Ano? Pakakawalan ko ba kayo?" wika ko.

"S-sige. Hindi ka na namin susugurin," napipilitang wika ng puno.

"Good. Ikalat niyo sa buong kagubatan na hindi dapat ako sugurin ng kagaya niyo, kung hindi lahat kayo ay patay sa akin," nagbabantang sabi ko para matakot sila.

"S-sige," sagot nito. At dahil pumayag sila, tinanggal ko ang pagkakabuhol-buhol nila. Medyo nahirapan ako. Tumulong ang ibang puno sa ginagawa ko kaya napadali ang lahat.

"Saan ka ba pupunta? Delikado sa gubat na ito. Bumalik ka na sa pinanggalingan mo," sabi ng isang puno. Mabait naman pala sila.

"Wala akong pupuntahan. Kapag nakatagal ako ng limang oras dito, saka lang ako pwedeng bumalik sa pinanggalingan ko," sabi ko. Nakaisang-oras at kalhati na ako.

"Ikaw ang bahala. Pero tiyak kong hindi ka na makakalabas dito nang buhay dahil naamoy ka na nila simula pa lang ng pumasok ka rito," nag-aalalang sabi ng isa pang puno.

"Ano'ng tinutukoy mo?" takang tanong ko. May narinig akong mga alulong. Nakakatakot at nakakapanindig-balahibo.

"Umalis ka na habang may oras pa," taboy ng punong kinauupuan ko. Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Ang problema, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Papalapit na ang mga alulong kaya binilisan ko ang pagtakbo. Naririnig ko ang iba't-ibang huni ng mga ibon na tila ba ipinapaalam sa mga umaalulong kung nasaan ako.

Then, I heard a loud growl. Napatigil ako sa pagtakbo nang may sumulpot na isang wolf sa harap ko. Naglalaway ito at halatang gusto akong kainin. Umalulong ito nang malakas. Tila ngumisi ito sa akin. Kakaiba rin ito katulad ng mga puno. Nagsasalita rin kaya ito? Nagulat ako nang bigla akong sunggaban nito. Nakaiwas agad ako at napagulong sa lupa. Halatang gutom ang wolf na kaharap ko.

Tumalon itong muli patungo sa 'kin pero nagawa kong umiwas. Nahagip nito ang laylayan ng dress ko. Napunit iyon. Nagpakawala ako ng whirlwind sa direction nito pero agad itong nakaiwas. Malakas ang pakiramdam nito. The wolf growled. Muli akong sinunggaban pero nagpakawala agad ako ng air bombs kaya dumistansiya ito sa 'kin. Galit na umalulong ang wolf. Tila nagtatawag ito ng mga kasama.

Nagpakawala ako ng hurricane blades nang sumugod itong muli. Hindi na nito naiwasan iyon. Nasaktan ang wolf at malakas itong umungol. May mga hiwa ito sa katawan at lumalabas ang dugo mula roon. Gumugulong na ito sa lupa dahil sa sakit. Nakaramdam ako ng awa. Sinubukan kong lumapit dahil ramdam ko ang sakit sa mga ungol nito.

Nang makalapit ako, nagulat ako nang bigla akong tinalon nito at kinagat sa braso. Sobrang sakit ng pagkakabaon ng mga matutulis na ngipin nito. Magpapakawala sana ako ng air spears pero nagulat ako nang magsilabasan ang maraming wolves na sumunggab agad sa 'kin. Napasigaw ako sa sobrang sakit. May kumakagat sa hita, sa kamay, braso at tiyan ko.

Bakit ba ako nagpauto sa isang wolf? I almost forgot that wolves are deceivers. They would trick you until they could eat you. Malakas akong napasigaw sa sobrang sakit ng mga kagat nila. Naliligo na ako sa sariling dugo. They wanted to eat me badly. Tila pinupunit ang bawat parte ng katawan ko sa paghila nila. I released my air eagle. The air eagle released air blades in the wolves' direction. Lumayo sila sa 'kin.

Napansin ko na marami pang wolves ang nakaabang para lapain ako. Napapalibutan nila ako. Hindi ko alam kung magagawa ko silang labanan lahat. Nanghihina na ako pero pinilit kong makatayo. My air eagle released a big hurricane and attacked the wolves. Kaunti lang ang natamaan sa atake. Sinunggaban nila akong muli. Naiwasan ko ang nasa harapan pero hindi ang nasa likuran. Nakagat ako ng tatlong wolves kaya napasigaw ako nang malakas.

I released my air dragon and attacked the wolves biting me. Agad silang lumayo. Sira-sira na ang suot ko. Halos makita na ang undergarments ko. Umaagos ang masaganang dugo sa mga sugat ko. Pinilit kong lumipad paitaas hanggang sa hindi na nila ako maabot. Nanghihina na ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. Anumang oras, babagsak na ako sa lupa. Natitiyak kong hinihintay na lang ng mga wolves na bumagsak ako habang nakatingala sila sa 'kin. Tila naghihintay sila ng isang hinog na prutas na bumagsak sa lupa.

Gamit ang natitirang lakas, pinilit kong alisin ang oxygen-content ng hangin kung nasaan sila pero nahirapan ako. Nanlalabo na ang paningin ko. Naramdaman kong unti-unti akong nahulog pababa sa lupa. Mukhang dito na ako mamamatay.

CLAUSS

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Selene. Ngiting-ngiti siyang bumati sa 'kin kaya nagtaka ako. Mukhang maayos na siya. Tinanguan ko siya at naglakad na patungo sa dorm. Hindi ako mapakali. Madaling araw na pero hindi ako makatulog.

Napansin ko ang isang maliit na bagay na palipad-lipad sa isang bahagi ng hallway. May kadiliman kaya hindi ko maaninag. Nagtaka ako nang lumipad patungo roon si Baby Clauss. Sumunod ako sa kanya. Nakita ko si Baby Xyra na takot na takot at hindi mapakali.

Nahihirapan itong lumipad na tila nasasaktan. Bumagsak ito sa sahig. Ano'ng nangyari sa kanya? Agad ko itong nilapitan. Inilagay ko ito sa kamay. Nahihirapan itong huminga. Tila kinakausap ito ni Baby Clauss.

Nasaan si Xyra? Bakit pinapabayaan niya ang baby dragon niya? Dadalhin ko sana sa dorm ni Xyra ang baby dragon pero pinigilan ako ni Baby Clauss. Napakunot-noo ako dahil tila natatakot din ito. Lumipad ito na tila nagsasabing sundan ko siya.

Sumunod ako. Dinala ako nito sa harap ng forest. Nagtatakang napatingin ako kay Baby Clauss na tila may itinuturo. Napatingin ako kay Baby Xyra na nahihirapan na. Bakit ba ito nagkakaganito? Wala akong nakikitang sugat ditto. May biglang pumasok sa utak ko. Hindi kaya konektado ang nararamdaman ng mga baby dragons sa mga masters nila? Napatingin ako sa forest.

"Pumasok ba si Xyra sa forest??" takang tanong ko kay Baby Clauss. Tumango-tango ito. Napamura ako. Ano namang katangahan ang pumasok sa utak niya? Sa nakikita ko sa baby dragon niya, tiyak na nahihirapan si Xyra ngayon.

Inilapag ko sa isang tabi si Baby Xyraat pinabantayan kay Baby Clauss. Nagmamadaling pumasok ako sa loob ngkagubatan. Sana maabutan ko pa siyang buhay. Kinakabahan ako. Bakit ba laginiya akong pinag-aalala? Nakakaasar na siya. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com