Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Rescued

CLAUSS

Sinundan ko ang mga alulong ng mga wolves. Nakapasok na ako sa kagubatang ito dahil nagtataka ako kung bakit ipinagbabawal ang pagpasok dito. Nakaengkwentro ko na ang mga kakaibang nilalang na nandito. Teritoryo ito ng mga lobo.

Bakit kasi hindi nag-iisip si Xyra? Bakit ba napakatanga niya? Ibinigay niya sa 'kin ang natirang healing candy at palagi ko itong dala. Nagtanong ako sa isang puno. Natatandaan ako nito. Takot ito dahil binalak kong sunugin ang buong kagubatan nang makalaban ko ang mga lobo. Dahil doon, hindi na nila ako kinakalaban kapag pumupunta ako rito para magsanay.

Itinuro nito sa akin kung saan nagtungo si Xyra. Tumakbo ako. I even used my fire to speed up. Lalong lumalakas ang mga alulong. Tila nagpipiyesta sila. Lalo akong nagmadali. Nang makarating ako sa kinaroroonan nila, napalingon ang mga lobo sa 'kin. Natakot ang mga wolves sa pagdating ko at nagsilayuan. Nakita ko si Xyra na nakapikit sa ere habang bumubulusok pababa.

I jumped with the help of fire underneath my feet. I caught her in my arms. Dahan-dahan akong bumaba sa lupa. Punong-puno ng dugo at sugat ang katawan niya. Tiyak kong nakalaban niya ang mga wolves. Tinitigan ko nang matalim ang mga wolves na nagsitakbuhan palayo. Napaupo ako sa lupa habang yakap siya sa mga braso ko.

Kulay dugo na ang suot niyang sira-sira. Dalawa lang ang natirang healing candies. Isinubo ko ang isa sa bibig niya. Unti-unting naghihilom ang mga sugat niya. May ilang sugat ang hindi gumaling dahil malalim ang sugat. Kailangan pa niya ng isang healing candy.

Unti-unti siyang nagkamalay. Nagtatakang tingin ang ibinigay niya sa 'kin. Halatang hindi niya inaasahang makita ako. Nakakatuwa ang mga mata niya kapag nagugulat. Hindi ko naiwasang mapangiti.

"C-Clauss?" takang tanong niya.

"What? You're really stupid. Minsan, hindi masamang gamitin ang utak," naiinis na wika ko. Nakakaasar ang katangahan niya. Bakit ba sa kanya pa ako nagkagusto? Iyakin na, ang tanga-tanga pa. Napangiti siya. Napamura ako sa isip. Bakit may pakiramdam ako na gusto ko siyang halikan? Bigla akong napangisi. May naiisip akong kalokohan. Gusto kong mapailing sa naiisip pero pwede naman sigurong subukan, 'di ba?

XYRA

Nagmulat ako ng mga mata. Si Clauss agad ang nakita ko. Naramdaman ko na naghihilom ang mga sugat ko. Nalasahan ko pa ang candy sa bibig ko. Mabuti dumating siya para iligtas ako.

"C-Clauss?" nag-aalangang tawag ko. Paano niya nalaman na nandito ako?

"What? You're really stupid. Minsan hindi masamang gamitin ang utak," naiinis na wika niya. Napangiti ako. He is still the same arrogant guy who always calls me 'stupid'. Kailan kaya siya magiging mabait?

Napangisi siya na tila may binabalak na hindi maganda. Napalunok ako kaya nalunok ko rin ang healing candy. Buti maliit na lang ito kundi nabulunan na ako. Ano ba'ng iniisip niya?

"Pa—" Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mga mata ko dahil sinakop na niya ang labi ko. At dahil hinang-hina pa ako, hindi ako makagalaw. I felt his lips tasting mine. Mabilis niyang naipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Napapikit ako at napakapit sa kanya. May naramdaman akong bilog na bagay na inilagay niya sa dila ko. Hindi ko alam kung ano pero matamis. Tumigil siya sa paghalik na ipinagtaka ko naman. Natatawang tumingin siya sa akin.

"Masarap ba?" tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko. He even winked. Tinatanong ba niya kung masarap ang halik niya? Namula ang mukha ko sa hiya. Malakas siyang natawa. He pinched my nose.

"I mean, masarap ba ang healing candy with a kiss?" he asked. Bakit ang landi ng boses niya? Ibig sabihin, healing candy pala ang matamis na nalalasahan ko? Shit! Tiyak na mapulang-mapula na ang mukha ko ngayon. Nalunok kong muli ang healing candy. Naghilom na nang tuluyan ang mga sugat ko. Bakas ng dugo na lang ang nakikita ko sa aking katawan.

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko nalasahan. Pwedeng isa pa?" I asked. He chuckled. Dahil sa ginawa niyang pagtawa, ako na mismo ang humila sa kanya. Hinalikan ko siya na ikinagulat niya. He moaned. Wala na akong pakialam kung ano'ng iisipin niya. I realized how much I love him.

Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin. He responded and deepened our kiss. My hands played with his hair. A moan slipped from my throat when he slid his tounge inside my mouth. Damn! This guy is really driving me crazy. I love everything about him. Kahit ang pagiging suplado niya ay gusto ko rin. Kahit hindi ko siya maintindihan minsan. Kahit magulo siyang kausap, mamahalin ko pa rin siya.

Baliw na ba ako? Wala na ba ako sa katinuan? I responded to his kisses passionately. Humiwalay siya sa akin dahil parehas na kaming kinakapos ng hininga. Ngumiti siya sa akin. Binigyan ako ng tatlong magkakasunod at mabilis na halik sa labi.

"Xyra," paos na wika niya. Nagulat ako. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko. My lips parted open. Bakit ang sweet sa pandinig nang bigkasin niya ang pangalan ko? Natawa siya sa reaksiyon ko.

"What?" he asked, amused.

"Ngayon mo lang kasi ako tinawag sa pangalan ko," I answered while pouting.

"Talaga?" takang tanong niya na tila ba nag-iisip. "No, you're wrong. I already called you by your name before. You were not paying attention," napapailing na wika niya.

Napakunot-noo ako. Hindi naman talaga niya ako tinatawag sa pangalan ko. Nakalimutan ko na ba o hindi ko lang talaga narinig? "When?"

"When I said 'Baby Xyra'," he winked. Mahihimatay na yata ako. Nakakaasar talaga siya. Hindi ko maintindihan kung seryoso ba o nagbibiro lang siya.

"But seriously, Xyra..." wika niya. Nag-aalalangan siya kaya natawa ako. First time! Si Clauss? Hindi makapagsalita?

"Ano?" inip kong tanong. Nabaliktad yata ang sitwasyon ngayon. Ako na ang naiinip. Napangiti siya. "Be... Be my girl."

Biglang tumigil sa pagpa-process at pag-absorb ng data ang utak ko. Kumunot-noo ako. "A-ano?"

"Are you deaf?" he smirked. I could see embarrassment and irritation in his eyes.

"Ulitin mo kasi," namimilit kong wika.

He looked at me, irritated. "Once is enough for a wise man." Nakakaasar talaga siya.

"Ulitin mo. Bobo ako eh," I pouted, but he smiled.

"Fine. B-be my g-girl," sabi niya na nauutal at hindi makatingin sa akin. Lihim akong napangiti. I cupped his face and turned it to face mine.

"Ano? Hindi ko maintindihan," nang-aasar na wika ko. Halatang naaasar na siya sa akin kaya napangiti ako nang todo. Kumunot-noo siya at nahalatang pinag-titripan ko na siya.

"Siguro naman maiintindihan mo na 'to," sabi niya at bigla akong binigyan ng halik sa labi. Torrid kiss. Humiwalay ang labi niya sa akin at ngumiti.

"Ano? Naintindihan mo na ba?" tanong niya na nang-aasar. Napatango ako. I pouted. Madaya siya.

"Ano na ang sagot mo?" inip na tanong niya. Kailangan pa ba ng sagot? Ilang beses na kaming naghahalikan dito. I grinned.

"Ito ang sagot ko," wika ko. Hinila ko siya palapit sa akin at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

"Naintindihan mo ba?" nakangiting tanong ko. He pouted. Ang cute niya.

"Hindi eh. Pwedeng isa pa?" he grinned. Bigla akong may naalala.

"I thought once is enough for a wise man?" nang-aasar kong wika. He chuckled. Grabe, hindi na talaga ako nagpaligaw, ha? Inalalayan niya akong tumayo. Malapit nang mag-umaga. Nabatukan ko siya dahil nakangisi siya habang nakatingin sa katawan ko. Sira-sira na kasi ang suot ko, kita na talaga ang undergarments. At puro dugo pa ako sa katawan. Nice. Pang-horror ang itsura ko.

"Wala nang kwenta ang damit mo. Hindi na nga rin maituturing na basahan 'yan," nang-aasar niyang wika. I pouted and hugged my body. Natawa siya. Lumapit siya sa akin. I was stunned when he totally ripped my clothes off. Now I'm just wearing my undergarments. Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya. Napayakap ako sa katawan. Don't tell me that he wanted to do the 'thing' right now? Hindi pa kaya kami kasal! Boyfriend ko pa lang siya, 'di ba?

"Wait! C-Clauss, ano'ng balak mo?" kabadong tanong ko. Nagsimula na siyang maghubad ng polo. He grinned at me and bit his lower lip sexily. Inaakit niya ba ako? What the hell!

Tumalikod ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. He chuckled. I was surprised when he hugged me from behind. Lalo akong kinabahan. Nanghina ako nang lumapat ang labi niya sa balikat ko. Damn!

"C-Clauss! Huwag kang ganyan!" kabadong sabi ko. Mahina siyang tumawa. Ihinarap niya ako sa kanya. Hindi ako naka-angal. Nakahubad na siya. Hawak niya sa isang kamay ang polo. Nakangisi siya. Napatingin ako sa six-pack abs niya. Nagiging makasalanan na yata ako.

"Bakit, ano ba ang iniisip mong gagawin natin?" he asked with his sexy, teasing voice. Namula ang mukha ko at tumawa siya. Napatakip ako sa mukha ko. Nakakahiya. Naramdaman ko na isinuot niya sa akin ang polo niya. Napakunot-noo akong tumingin sa kanya.

Ito ba ang binabalak niya kanina? Nahihiya ako dahil pinag-isipan ko siya ng masama. Siya mismo ang nagsuot sa akin ng polo niya. Para akong batang binibihisan. Ibubutones ko sana ang polo pero tinabig niya ang kamay ko at ginawa niya 'yon para sa akin. May kahabaan ang polo pero halos makita pa rin ang undies ko.

"Okay na?" nakangiting tanong niya. Tumango ako. Naalala ko si Selene.

"Clauss, gusto mo rin ba si Selene?" mahinang tanong ko. Mahal ba ako ni Clauss? Ang alam ko gusto lang niya ako. 'Yon naman ang sinabi niya, 'di ba?

"Yeah, I like her. Why?" kunot-noong tanong niya. Nasaktan ako sa sinabi niya.

"Gusto mo pala siya, bakit mo pa ako gustong maging girlfriend?" asar na tanong ko. Nawala ang pagkunot ng noo niya at nang-aasar na ngumiti sa akin.

"Ano ngayon kung gusto ko siya? Bakit? Nagseselos ka?" tanong niya.

Nakakaasar! Napaka-insensitive! I started to walk away from him but he stopped me. Hinila niya ako at niyakap. Pilit akong kumawala sa kanya pero mas hinihigpitan pa niya ang yakap niya. Gusto kong mapaiyak.

"Ang slow mo talaga. I said I like her but I didn't say that I love her. She's like a sister to me. How could I love two women at the same time? Ano'ng tingin mo sa akin, dalawa ang puso?" natatawang wika ni Clauss. Napatigil ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Is he trying to tell me that he loves only me?

"Hindi. Pwede rin naman na salawahan ka lang," I joked. Napailing siya sa sinabi ko. Kinurot niya ang pisngi ko.

"I love you even though you're stupid," he whispered, softly. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya. Pati ba naman sa pagsasabi ng 'I love you', nang-iinsulto pa rin siya? Hindi na yata siya magbabago.

"I love you too even though you're arrogant and insensitive," ganti ko. I laughed. He knotted his forehead but smiled. Madalas yata siyang ngumiti ngayon. Sayang walang camera. He gave me a fast kiss on the lips. Before I knew it, he's already carrying me like a newly-wed bride.

"Hey, Clauss! Kaya kong maglakad!" wika ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama. Tumahimik ako. Natawa ako sa kalandiang naiisip ko. Nagtatakang tumingin siya sa akin habang naglalakad palabas sa kagubatan.

"What?" inis niyang tanong. Umiling ako habang nakangiti.

"Para kang baliw diyan," nakasimangot na sabi ni Clauss. Ang sweet niya talaga. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. Hinawakan ko ang abs niya habang nang-aasar na nakatingin sa kanya. He groaned. Galit siyang tumingin sa akin. Natakot ako kaya itinigil ko ang ginagawa. Problema niya? Nagtatakang tiningnan ko siya kaya napailing siya.

"Don't do that again or else you'llregret it," he said in a warning tone. Tumango ako na parang bata. Pumikit ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang isang Clauss Park. Baka panaginip lang ito? Kinurot-kurot ko ang pisngi. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Napangiti ako. I know this is not a dream. It's real.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com