Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: The Mission

XYRA

Sunday. Hapon na akong nagising. Ang ganda ng gising ko. Iba pala ang pakiramdam kapag may boyfriend. Hindi ko mapigilan na kiligin. Masakit pa nang konti ang katawan ko pero ayos lang. Naligo agad ako at nagbihis. Gutom na ako. T-shirt at pedal pushers lang ang isinuot ko. Kasama ko si Baby Xyra na masiglang lumilipad.

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Selene. Halatang hindi niya inaasahang makikita ako. Hinila niya ako papasok sa isang room. Kinabahan ako. Palipad-lipad si Baby Xyra na umiiwas sa baby dragon ni Selene.

"Selene, akala ko ba hindi mo na ako guguluhin kapag nakalabas ako nang buhay sa forest?" matapang kong tanong.

"Paano ka nakalabas nang buhay? Did you cheat?" galit niyang tanong. Gusto ba talaga niya akong mamatay? I think I didn't cheat. She didn't give any rules, just the five-hour rule, right?

"Clauss saved me," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. I didn't have to lie. I saw a glint of pain in her eyes. Gustong-gusto talaga niya si Clauss.

"Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa usapan natin?" mahina pero mariing tanong niya.

"No, wala akong sinabi sa kanya," sabi ko. Ano kaya'ng magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang boyfriend ko na si Clauss? Magagalit kaya siya? Malamang.

"Then you're lucky," she smirked. She's disappointed.

"Selene, boyfriend ko na si Clauss," wika ko. She needed to know. I didn't want to hide it, too. I could tell that she's hurt. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Napapitlag kami nang may magsalita mula sa pintuan.

"What's up?"

Napalingon kami ni Selene sa bukana ng pintuan. Nagtatakang nakatingin sa 'min si Akira. Nahalata kong namutla si Selene. Dali-dali siyang lumabas ng room at tinabig pa si Akira. Napakunot-noo ako.

"May ginawa ka ba sa kanya?" takang tanong ko kay Akira. He smiled, shyly. Napakamot pa siya sa ulo.

"Wala naman. Isang bagay lang na hindi niya madaling makakalimutan," he said, then winked at me. Natawa ako. Napansin ko na bagay sila ni Selene.

"Kayo na raw ni Clauss?" seryosong tanong niya. Lumapit na ako sa kanya. Tumango ako bilang sagot. He smiled and hugged me. Hindi ako nakagalaw sa pagkagulat.

"Kapag pinaiyak ka niya, sabihin mo sa 'kin. Babangasan ko talaga ang pagmumukha niya," seryosong bulong niya. Natawa ako sa narinig. He's really a good friend.

"Yeah, sure," natatawang sabi ko. Napatigil ako sa pagtawa dahil sa nagsalita. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Akira. Seryosong boses ni Clauss ang narinig ko. Paglingon ko sa kanya, nakasimangot siya.

"Ipinapatawag tayo ni Bryan sa headmaster's office. Nasabi ko na rin kay Selene dahil nakasalubong ko siya," wika niya. Matalim niya akong tinitigan. Nakakatakot siya. Napairap ako sa kanya nang hindi sinasadya. Tumalikod siya at naglakad palayo. Nakakainis siya.

"Habulin mo na," wika ni Akira. Tumango ako at tumakbo para sabayan si Clauss. Humabol din si Baby Xyra pero sa ulo ni Clauss pumatong. Si Baby Clauss naman, naaasar na pinapaalis si Baby Xyra. Nang makasabay ako sa kanya, nakasimangot pa rin siya. Pero nakakaasar dahil ang gwapo pa rin niya.

"Clauss," tawag ko. Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Ang hirap naman niyang maging boyfriend. Hinawakan ko siya sa kamay habang naglalakad kami kaya nilingon niya ako. Gusto lang pala ng holding hands.

"Bakit kailangan mo pang magpayakap kay Akira?" asar na sabi niya. Nagseselos pala siya kaya napangiti ako. Ang sarap niyang asarin.

"Yakap lang naman. Saka friendly hug lang 'yon," pa-inosenteng wika ko. Lalo siyang naasar. He smirked and whispered, "You're really stupid. Siguro sa 'yo friendly hug, pero sa kanya ba friendly hug 'yon?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Ano'ng ibig niyang sabihin?

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin. Lumipad palayo sina Baby Xyra at Baby Clauss. Tila naglalaro ng habulan.

"Ako lang ang yayakap sa 'yo ng ganito, okay? Bawal kang yakapin ng kahit na sinong lalaki," bulong niya. Kahit boyfriend ko na siya, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto kong matuwa at kiligin. Bakit kinikilig ako sa kasungitan niya? Baliw na siguro ako.

"Kahit si Dad, hindi pwede?" natatawang tanong ko.

"That's a different story. My girl is really stupid. Pero sa tingin ko, mas tanga ako dahil na-in-love ako sa isang tangang katulad mo," he smirked. Hindi ba niya kayang maging sweet na lang at tanggalin na ang panglalait? Biglang nag-ingay ang tiyan ko. Natatawang kumalas siya sa 'kin kaya namula ako. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Ginulo niya ang buhok ko at hinila papunta sa canteen kasunod ang mga baby dragons namin.

May mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa amin. Magyakapan ba naman kasi sa gitna ng hallway?

"Teka, akala ko ba pupunta tayo sa office ng headmaster?" tanong ko.

"Eat first," he commanded. Ang bossy niya talaga. Sinamahan niya ako sa pagbili ng pagkain. Siya pa nga ang nagbayad ng binili ko. Hindi siya bumili ng pagkain niya dahil nakakain na siya. Masaya pala kapag may boyfriend, libre sa pagkain. Napangiti ako.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" supladong tanong ni Clauss. Nakasimangot siya. Umiling ako pero nakangiti pa rin. Umupo na kami sa isang table. Magkaharapan kami ni Clauss. Nailang ako dahil sa tingin niya sa akin. May balak ba siyang tunawin ako?

Tumungo ako. Susubo na sana ako pero ramdam ko pa rin ang titig niya. Hindi ko magawang sumubo. Tumingin ako sa kanya. Kumunot-noo ako sa kanya pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Kumain ka na," utos ni Clauss.

"Pa'no ako kakain? Nanonood ka," I pouted. Natawa siya.

"Masama ba'ng panoorin ka?" nang-aasar niyang tanong.

"Nakakailang. Huwag mo na akong tingnan. Hindi ako matatapos sa pagkain kapag pinanood mo ako," sabi ko. Nagkibit-balikat siya. Kumalumbaba siya at nilaro si Baby Clauss. Kumakain din kasi si Baby Xyra. Itinuloy ko ang pagkain ko. Hindi na niya ako pinanood.

Pagkatapos kumain, dumiretso na kami sa headmaster's office. Kami na lang ang hinihintay. Iniwan namin sa labas ang mga baby dragons. Umupo kami sa bakanteng upuan.

"Dahil tapos na ang training, ibibigay ko na sa inyo ang misyon na hanapin ang heaven power user," seryosong wika ng headmaster.

"May clue na po ba kayo kung sino ang heaven power user?" tanong ni Akira. Tahimik kaming nakikinig. Napansin kong seryoso si Clauss. Ano kaya ang iniisip niya?

"We have a list of persons who have the potential to acquire the heaven's power," seryosong sagot ni Bryan. Iniabot niya ang list kay Akira. Binasa niya nang tahimik ang list. Napakunot-noo siya.

"Any problem?" takang tanong ni Bryan.

"Felicity Montaverde? Pamilyar sa akin ang pangalan," sabi ni Akira na tila nag-iisip. He snapped his fingers in the air like he remembered something important.

"She's the childhood friend of Troy. Nabanggit siya ni Troy sa akin pero hindi niya sinabing may kapangyarihan si Felicity. Sabi ni Troy, ordinaryong tao lang siya na galit sa mga power users," seryosong sabi ni Akira.

"Really? Pero tina-target siya ng mga Dark Wizards. Hindi madaling mahalata ang heaven's power kaya hindi natin masasabi na ordinaryong tao lang siya. Where's Troy?" sabi ni Bryan. Napakamot sa ulo si Akira. "He's not here in the academy but I can call him."

"You can do that later. Isama niyo siya dahil tiyak na matutulungan niya kayo," wika ni Bryan. Napatango si Akira.

"Beware of the Dark Wizards. Don't let your guard down while on the mission. Tiyak na may magmamanman sa inyo kapag nagsimula na kayo sa misyon. Bring the heaven power user here. Kailangan namin siyang makausap," sabi ni Mr. Williams.

Tumango kami sa sinabi ng headmaster. Nagtanong ako dahil naalala ko si Dad. "Kapag nagawa ba namin ang misyon, may tsansa na bang matalo namin ang mga Dark Wizards?"

"Kung magagawa niyo ang misyon, tiyak gagawa ng paraan ang mga Dark Wizards para bawiin ang heaven power user. Magsisimula na rin ang laban sa pagitan ng dalawang academy. There's a chance for us to win this war but there's also the possibility of losing. Hindi natin hawak ang tadhana," sagot ni Bryan.

I sighed. Maybe he's right. Nagtatakang napatingin sa akin si Clauss. Ngumiti ako sa kanya nang pilit. Hindi nga pala niya alam ang problema ko.

"Bukas niyo na sisimulan ang misyon. Isama niyo na si Troy. He'll be a big help. Iwanan niyo na muna kay Bryan ang mga baby dragons niyo dahil hindi niyo sila pwedeng dalhin. Hindi sila pwedeng makita ng mga ordinaryong tao. Nakahanda na ang mga gamit niyo para sa misyon," sabi ni Mr. Williams.

"Go and pack your things. Xyra, maiwan ka muna rito. May mahalaga akong sasabihin sa 'yo," sabi ni Byran. Tumango ako. Nagtataka si Clauss pero tahimik siyang lumabas.

"Xyra, bring the magical rings. Don't let them know that you're keeping it. Kung hindi kayo magtagumpay sa misyon, at least ibigay mo sa heaven power user ang white ring. Ikaw na ang magpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng singsing," sabi ni Bryan.

"How about the other rings? Hindi ba dapat ibigay ko na kina Clauss ang ibang rings?" tanong ko.

"No. Hindi ako sigurado kina Clauss. Just keep it. Narinig ko na boyfriend mo si Clauss? Totoo ba?" tanong nito. Namula ang mukha ko pero tumango ako. Napabuntong-hininga si Bryan.

"Sana mabago mo siya. I'll give you a piece of advice. Don't trust him too much. You don't know the real him," wika niya. Kinabahan ako. Parang may laman ang mga salitang binitiwan niya.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"You'll know soon enough. I still need to confirm if he's on our side," wika niya. Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Tahimik lang ang headmaster at malalim na nag-iisip.

"He won't betray us," matigas kong wika. Even though he's unpredictable and arrogant, kahit minsan masama ang ugali niya, alam kong hindi siya traydor.

"Sana nga," he said bitterly. "You can go. Huwag mong kalimutan ang mga habilin ko sa 'yo," wika ni Bryan. Naguguluhang lumabas ako sa headmaster's office. Ano ba'ng ibig sabihin ni Bryan?

Nakita ko sa 'di kalayuan si Clauss. Nakasandal siya sa dingding at nakapamulsa. Lumilipad sa harap niya sina Baby Xyra at Baby Clauss. Tila hinihintay niya ako. Tinitigan ko siya bago lumapit. Pilit kong inalis sa isip ang sinabi ni Bryan. Alam kong sa 'min siya nakapanig. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Let's go?" tanong ni Clauss. Tumango ako at sabay kaming naglakad. Naguguluhan talaga ako. Napabuntong-hininga ako na napansin niya.

"May problema ba?" takang tanong niya.

"Clauss, kung mapahamak ako sa mga Dark Wizards, ililigtas mo ba ako? Will you fight for me?" Hindi ito ang gusto kong itanong. I wanted to ask him if he's capable of betraying me. Umurong lang ang dila ko. Tumigil siya sa paglalakad at seryosong tumingin sa 'kin.

"I will fight for you, of course. Pero kapag dumating ang oras na hindi ko 'yon nagawa, tiyak na may mabigat akong dahilan. But whatever may happen, always remember that I love you," he answered while looking directly into my eyes. I could feel his sincerity and seriousness.

"Thanks," tanging nasabi ko. Inihatid niya ako sa dorm ko. Sa kabila ng sinabi niya, hindi niya ako binigyan ng kasiguraduhang lagi niya akong ililigtas. Tila sinabi niya na darating ang oras na hindi niya ako magagawang iligtas. Ngayon ko naalala na wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan niya. Wala akong alam na kahit ano tungkol sa buhay niya.

~~~

Monday. Kinuha ko ang magical rings sa pinagtaguan ko. Ilalagay ko na sana sa loob ng bag nang mapansin ako ni Wanda.

"What's that box?" takang tanong niya.

"Ah... wala naman," wika ko. Agad kong isinilid ang box sa loob ng bag at isinukbit iyon. Nagtatakang nakatingin sa 'kin si Wanda pero ngumiti siya kapagkuwan. Ngumiti rin ako at nagpaalam. Ramdam ko na nakasunod ang tingin niya sa akin hanggang sa makalabas ako. Bakit kaya?

Napansin ko ang mga masasayang estudyante na naglalakad sa hallway. Magic Festival ngayong week. Sayang naman dahil may misyon kaming dapat tapusin. Gusto kong maranasan ang Magic Festival ng Wonderland. Sana matapos namin nang maaga ang misyon para makaabot kami sa festival.

Naghihintay na sina Clauss sa entrance ng academy. Ako na lang ang hinihintay nila. Kasama namin si Troy. Kay Felicity muna kami pupunta. Kailangan naming makasigurado na siya nga ang heaven power user. Para kaming magka-camping sa itsura namin. Sana mahanap na namin kaagad ang heaven power user para mailigtas ko na agad si Dad. Kamusta na kaya siya? Sana hindi siya pinahihirapan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com