Chapter 23: The Heaven Power User Search
XYRA
Sinabi ni Troy na sa isang baryo malayo sa lungsod nakatira si Felicity. Pinatay ng mga Dark Wizards ang mga magulang ni Felicity. Balak siyang kunin ng mga ito pero nailigtas siya ni Troy. Dinala siya ni Troy sa mga kamag-anak niya. May dadaanan kaming kagubatan bago makapunta sa baryong tinutukoy ni Troy. May dala kaming tent kung sakaling walang matulugan.
"Matagal na akong hindi nakakalapit sa kanya kaya binabantayan ko siya mula sa malayo. Galit siya sa mga power users. Nagalit siya sa 'kin nang malaman niyang power user ako," malungkot na sabi ni Troy. Naawa ako kay Felicity. Nag-alala ako para kay Dad. Sana hindi nila maisipang patayin si Dad. Sana hindi pa ako huli para iligtas siya.
"Yesterday, I went back to our old house. I met someone who claimed to be Felicity's brother. Nakita ko siyang pumasok sa lumang bahay nina Felicity. Inakala kong magnanakaw siya kaya nakausap ko siya. Gusto niyang malaman kung nasaan si Felicity pero nagdalawang-isip akong sabihin sa kanya. Matagal nang patay ang kapatid ni Felicity. Baka patibong ito ng mga Dark Wizards," sabi ni Troy.
"Paano kung totoo pala ang sinasabi niya?" tanong ko. Umiling si Troy at nagsalita. "Imposible, dahil sabi sa 'kin ni Felicity noong bata pa kami, wala na ang kuya niya."
"Maybe we should meet him before we go to our destination. Sa tingin ko, hindi gagamit ng ganoong taktika ang mga Dark Wizards. Baka totoo nga na kapatid niya si Felicity," seryosong sabi ni Clauss. Halatang nagdadalawang-isip si Troy.
"You don't have to worry, Troy. Marami kang kasama. Let's hear his story first. Kung kapatid nga siya ni Felicity at kung si Felicity talaga ang heaven power user, matutulungan niya tayo," wika ni Akira. He patted Troy's shoulder. Tahimik si Selene na tila malalim ang iniisip. Nakakapanibago siya. Hindi na niya ako masyadong tinatarayan. Napapansin ko na madalas silang mag-away ni Akira habang naglalakad. Ano kaya'ng meron sa kanila?
"Sige, puntahan natin siya. Sinabi niyang hihintayin niya ako hanggang sa magbago ang isip ko," sagot ni Troy. We headed towards Felicity's old house. Sana si Felicity na ang hinahanap namin para hindi na kami mahirapan. Magkasabay kaming naglalakad ni Clauss. Nahuhuli kami sa mga kasamahan. Tila malalim ang iniisip niya. May problema ba siya? Napalingon siya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo niya. Napangiti ako. Nasasanay na ako sa ganitong reaksiyon ni Clauss. Hindi na talaga siya magbabago.
"Why?" takang tanong niya. Umiling ako. Marami akong gustong itanong tungkol sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Parang masyado nang huli para kilalanin pa siya. Kung kailan boyfriend ko na siya saka ako magtatanong ng tungkol sa kanya.
"Alam kong gwapo ako. You don't have to make it more obvious," he grinned. Ang hangin niya. I pouted. I looked away and whispered, "Yabang. Akala ko ako lang ang may kapangyarihang maglabas ng malakas na hangin, ikaw rin pala."
Mahina siyang tumawa at inakbayan ako. Pasimple pa ang mokong pero hindi ko naman inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin. Naglakas-loob akong magtanong sa kanya, "Clauss, ang parents mo? Nasaan sila?"
"They're gone," walang emosyong sagot niya. Sumeryoso ang mukha niya.
"I'm sorry to hear that. May kapatid ka?" tanong ko.
"Yeah. I have a younger sister," seryosong sagot ni Clauss.
"Nasaan siya? May powers ba siya? Pumapasok ba siya sa academy?" sunud-sunod kong tanong.
"She's a mind reader. Pero hindi siya pumapasok sa academy," sagot niya. Mind reader? Gusto ko ang power na 'yon. Pwedeng gamitin kay Clauss para malaman ko ang iniisip niya. Napangiti ako.
"Para ka na namang baliw diyan," nakasimangot na sabi ni Clauss.
"Madalas niyang basahin ang iniisip mo?" tanong ko.
"Yes, and that sucks," napapangiting sagot ni Clauss, pero malungkot ang ngiting 'yon.
"Nasaan siya?" tanong kong muli. Ang kulit ko pero kailangan kong malaman.
"Inside a tower guarded by evil witches," natatawang sagot niya. Nagbibiro ba siya? Pero malungkot ang tawa niya.
"Si Rapunzel ba ang kapatid mo?" biro ko. Nagkibit-balikat si Clauss. Inalis niya ang pagkaka-akbay sa 'kin at hinila niya ako. Nahuhuli na pala kami sa paglalakad.
CLAUSS
Ramdam ko na tila may sumusunod sa 'min kaya hinila ko na si Xyra para sumabay kina Akira. Kumikilos na ang mga Dark Wizards. Akala ko ba kami ang magdadala sa heaven power user sa DWA? Talagang naninigurado si Enzo kaya may inatasan pa siyang iba.
Napag-usapan na namin ni Selene ang plano pero hindi ako sigurado sa gagawin. Inaalala ko si Xyra. Sumakay kami sa isang bus patungo sa lugar nina Troy. Magkatabi sina Selene at Akira sa bus at tila may pinagtatalunan. Si Xyra naman halatang inaantok. Inihilig ko ang ulo niya sa balikat ko. I kissed her forehead when she closed her eyes to sleep.
"Sleep well," I whispered. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari pagkatapos nito. Pinanood ko siyang matulog. Gusto ko sanang matulog pero hindi pwede. Alam kong may nakasunod sa 'min kahit nasa bus kami.
I sighed. Pero sa tingin ko, makakatulong sila para mas mapadali ang misyon namin ni Selene. Pwede ko silang gamitin para hindi makahalata sina Xyra at Akira sa gagawin namin. Kailangan ko itong gawin kahit ayaw ko. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito pero pipilitin kong hindi mapahamak si Xyra sa gagawin ko.
XYRA
Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Pagmulat ko, ang nakasimangot na mukha agad ni Clauss ang nakita ko.
"Kanina pa kita ginigising," inis na sabi ni Clauss. Napakamot ako sa ulo ko. Inayos ko ang sarili. Inalalayan niya akong bumaba sa bus. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya. Sweet na ewan.
Ilang metro pa ang nilakad namin bago kami tumigil sa harap ng isang abandonadong bahay. We went inside without permission. May lumabas na lalaki mula sa isang kwarto na takang tumingin sa 'min. Nagulat ako dahil natatandaan ko siya. Siya ang nabangga ng sasakyan namin. Si Xavier. Napatingin siya sa akin na tila inaalala kung saan ako nakita. Nakakunot-noo siya pero kapagkuwan ay ngumiti sa 'kin.
"Hey, ikaw 'yong babaeng nasiraan ng sasakyan, 'di ba?" tanong niya. Ang astig niyang magtanong. Hindi ba dapat ang tanong niya ay kung ako ang babaeng nakabangga sa kanya? Tumango ako. Nagtatakang tumingin ang mga kasama ko sa 'kin.
"Kilala mo siya?" kunot-noong tanong ni Clauss.
"Oo. Nabangga ko kasi siya pero nasira naman ang sasakyan ko. Wala nga siyang galos," I pouted. Napatango si Clauss. Nakakunot-noong tumingin siya kay Xavier.
"Power user ka?" tanong ni Akira kay Xavier.
"Yes. I'm Xavier Montaverde. Bakit kayo nagpunta rito?" tanong niya. Napalingon siya kay Troy.
"Paano mong magiging kapatid si Felicity? Ang sabi niya sa 'kin patay na raw ang kapatid niya," sambit ni Troy. Napabuntong-hininga si Xavier bago nagsalita, "Umupo muna tayo." Sira-sira na ang gamit sa loob pero pwede pa namang upuan ang sofa.
"Nalunod ako sa ilog at hindi na nila nakita. May nagligtas sa 'kin. Nagkaroon ako ng temporary amnesia. Nang maalala ko na lahat, bumalik ako rito pero wala na sila. Patay na ang parents ko pero walang nakakaalam kung nasaan ang kapatid ko. Hinahanap ko siya ngayon pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Hanggang sa malaman kong alam ni Troy kung nasaan siya. Ayaw niyang ipaalam sa akin dahil hindi siya sigurado kung totoo ang sinasabi ko," malungkot na pagkukwento ni Xavier. Tahimik kaming nakikinig. Parang totoo naman ang sinasabi niya. Nagkatinginan kaming lahat. Lahat kami ay nag-isip.
CLAUSS
Kunot-noong tiningnan ko si Xavier. Pamilyar sa 'kin ang mukha niya. Natitiyak kong hindi ko siya nakikita sa DWA kaya imposibleng kasabwat siya ng Dark Wizards. Saan ko nga ba siya nakita? Pilit kong inaalala. Kung titingnang mabuti, tila hindi siya nagsisinungaling.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ko.
"North Mountain," maikling sagot ni Xavier. North Mountain? Sina Lolo Carding at Jiro lang ang nakatira roon. Hindi kaya siya si Jiro? Napansin ko ang pagkakahawig nila.
"Are you Jiro?" tanong ko. Nagtatakang napatingin sa 'kin ang mga kasama ko. Nagulat naman si Xavier. Naguguluhang tumango siya. Tama ako. Siya ang batang nakilala ko noon sa North Mountain na kasama ni Lolo Carding.
"It's me, Clauss. Where's the old man?" I asked. Nagulat siya pero naalala ako. Malungkot siyang ngumiti bago nagsalita. "He already passed away. He was killed." Nagulat ako. Kahit matanda na siya alam kong malakas pa siya. His power was the ability to boost his own strength and his body was hard as steel.
"Who killed him?" seryosong tanong ko. Tahimik ang mga kasama ko pero halatang gusto na nilang magtanong tungkol sa pinag-uusapan namin.
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay ang mga Dark Wizards. He even transferred his power ability to me before he died," malungkot na wika ni Xavier. Kaya pala siya nagkaroon ng power ability. Naikuyom ko ang kamao. Talagang walang awa ang mga Dark Wizards. Kahit na ang dating professor ng kanilang academy ay pinatay nila. I gritted my teeth. Kailan ba matitigil ang kasamaan nila? Hinawakan ni Xyra ang kamay ko. Tila pinapakalma niya ako. I took a deep breath and sighed.
"Kung ganun ay kapatid mo talaga si Felicity?" tanong ko kay Xavier. Tumango siya. Kahit isang araw ko lang siyang nakalaro sa North Mountain, alam kong hindi siya magsisinungaling. After all, his teacher was the good old man.
At ito na ngayon ang dilemma ko. Can I betray my friend? May balak akong masama sa kapatid niya. Things are getting complicated now. Sana hindi si Felicity ang heaven power user.
XYRA
"Balak naming pumunta kay Felicity. Sasama ka ba?" I asked Xavier.
Napakunot-noo siya sa akin. "Bakit niyo siya pupuntahan?"
Nagkatinginan kami. Sasabihin ba namin sa kanya? Ayos lang sigurong sabihin sa kanya dahil power user din siya at kapatid niya si Felicity.
"We're from Wonderland Magical Academy. We suspect that she's the heaven power user. We need to bring her to the academy. Maraming dapat ipaliwanag sa kanya," I said. He needed to know it. Tila nagulat siya sa sinabi ko. He seemed like he's thinking about something.
"Ano'ng ipapaliwanag niyo sa kanya?" takang tanong ni Xavier.
"Na kailangan siya para matalo ang mga Dark Wizards. Na hindi dapat siya mapunta sa mga ito," sagot ko. Nag-isip siya saglit.
"I think we need to go now," sabi ni Akira. Tumayo siya at tumayo na rin kaming lahat. Si Xavier ay tila nag-iisip pa rin.
"Are you going with us?" tanong ni Akira kay Xavier. Tumango si Xavier at tumayo na rin. Hinayaan namin siyang ayusin ang mga gamit na dadalhin niya bago umalis. Hindi ko alam kung ano ang gumugulo sa isip niya ngayon. Tahimik lang siya. Ipinakilala namin ang mga sarili namin sa kanya. May ilan siyang katanungan kaya sinasagot naman namin. Napansin ko na tila ang lalim ng iniisip ni Clauss. Tila may gumugulo sa isipan niya. Sana may kakayahan akong basahin ang laman ng isip niya para hindi ako nanghuhula.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com