Chapter 24: Targeted
XYRA
Alas-diyes na ng gabi nang makapasok kami sa kagubatan bago sumapit sa baryo nina Felicity. Wala kaming matutulugan sa baryo kaya kailangan naming matulog sa loob ng gubat. Naghanap kami ng mapagtatayuan ng tent.
May napansin akong mga kaluskos sa 'di kalayuan pero hindi ko na lang pinansin. Baka mga hayop lang na pakalat-kalat sa loob ng kagubatan. Pero nakakatakot pa rin dahil baka may mababangis na hayop dito. Tinulungan ako ni Clauss sa pagtatayo ng tent ko.
Ang baliw na si Clauss, ipinahiram ang tent niya kay Xavier. Sa tent ko raw siya matutulog. Damn! Kinakabahan tuloy ako. Hindi naman ako maka-angal. Bakit hindi na lang sila magtabi ni Xavier? Tutal, long lost friends naman sila.
"You look nervous. Don't worry, I'll be gentle tonight," he teasingly whispered in my ears. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. He chuckled. He really likes to tease me.
"B-Bakit hindi ka tumabi kay X-Xavier? F-Friends naman kayo?" nauutal kong tanong.
"A lover is better than a friend," nang-aasar niyang bulong. Niyakap niya ako mula sa likod. Ipinatong pa niya ang baba sa balikat ko. He was smiling big when I turned to him.
"Hey lovebirds, tama na 'yan. Baka langgamin kayo. Wala namang inggitan mga 'dre," sabi ni Troy. Natawa kami ni Clauss. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin. Hinila niya ako para kumain. Nagluto sina Akira at Selene. Hindi ko akalaing magluluto silang dalawa. Hindi naman siguro lalagyan ng lason ni Selene ang pagkain ko? Hindi na niya ako pinapansin.
Tahimik kaming kumain. Napapansin ko na tila may nakatingin sa 'min. Guni-guni ko lang ba 'yon? Pasimple kong inilibot ang paningin sa paligid. Wala akong napapansing kakaiba sa kagubatan. Parang normal, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Clauss. Ngumiti ako sa kanya at umiling. Itinuloy ko na ang pagkain. Matapos kumain, kami na ni Selene ang naghugas ng pinggan sa malapit na ilog. Tahimik lang siya.
Ang nakakapagtaka, pwede naman niyang gamitin ang ability para hugasan ang mga pinggan. Bakit kailangan pang lumayo kami sa tent? May binabalak ba siyang masama? Pero wala akong nararamdamang kakaiba.
"Selene?" Nagtangka akong kausapin siya. Hindi kasi ako sanay ng may kaaway. Hindi siya umimik nang tawagin ko siya. Napabuntong-hininga ako. May bigla kaming narinig na pagsabog sa 'di kalayuan. Napatayo ako. Akmang tatakbo ako para tingnan ang nangyayari pero pinigilan ako sa kamay ni Selene.
"Stay here," mariin niyang wika. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Why? Baka kung ano na ang nangyari sa mga kasama natin," nag-aalalang sambit ko.
"I don't really want to stop you. Gusto na nga kitang pabayaan kundi lang hiniling ni Clauss na samahan kita. Inutusan niya akong huwag kang paalisin dito. Siya na raw ang bahala kung anuman ang mangyari ngayon," she smirked.
"Ano ba'ng nangyayari?" tanong ko. Hindi na ako nagpumilit umalis. Hindi ko alam kung bakit nagtitiwala ako kay Selene matapos ang mga nangyari sa amin. Hindi niya ako sinagot at itinuloy lang ang paghuhugas ng pinggan. Umupo ako para tulungan siya. Pero nag-aalala ako sa nangyayari kina Clauss ngayon.
"Don't worry. Clauss knows what to do," mahinang sabi ni Selene. Gusto kong mapangiti. She's different now. Nagbabago na ba siya?
CLAUSS
I calculated that there were three people following us. Nahalata rin nina Akira kaya wala na akong nagawa kundi ang tumulong sa kanila na hulihin ang mga ito. Inutusan ko si Selene na ilayo muna si Xyra.
I targeted the farthest spy. I had to gather information from them. I needed to know why they were here. Naka-black cloak siya at nakasuot ng hood. Miyembro nga sila ng Dark Wizards. May narinig akong pagsabog sa direksiyon ni Akira. Napapalaban na sila.
I surrounded my target with fire. Bigla siyang nawala. Naramdaman ko na nasa likod ko na siya kaya agad akong tumalon palayo sa kanya. Muntik na akong matamaan ng hunter knife na hawak niya. Teleportation ba ang kaya niyang gawin? Bigla siyang nawala muli. Lumingon ako sa paligid pero hindi ko siya makita at maramdaman.
May naramdaman akong humawak sa mga paa ko. Napatingin ako sa baba. May kamay na humihigit sa akin pailalim sa lupa. Hindi teleportation ang power ability niya. I think he has the ability to manipulate space and dimension.
Unti-unti akong lumubog sa lupa. I released fireballs and threw it towards his hands. Binitiwan niya ang mga paa ko at nakatalon ako palayo. Tiyak na napaso siya. Biglang naglabasan ang mga hunter knives mula sa iba't-ibang direksiyon upang patamaan ako. Tumalon ako para umiwas. Napansin ko na sa lupang babagsakan ko ay may mga nakausling patalim. I released fire beneath my feet and leaped high to avoid it. I landed safely on the other side. I silently smirked. Mahirap kalabanin ang mga taong hindi nakikita. What a coward.
I needed to concentrate. Lahat ng bagay na nakapaligid sa akin ay teritoryo niya. Kahit ang hangin ay pwede niyang pagtaguan. I closed my eyes and concentrated to feel his presence. I had to know where his hiding place was.
I noticed that the air pressure above me was different from where I was standing. Because he's manipulating space and dimension, it's also affecting his hiding place. At dahil nasa mid-air siya, nagbago ang air pressure at movements ng hangin sa ibabaw ko. Sa taas siya nagtatago at naghihintay ng pagkakataon na sugurin ako. I opened my eyes and grinned.
Naramdaman ko na malapit na siyang sumugod kaya inilabas ko ang seven-headed fire dragon ko. It released the fire inferno upward, towards the spy's direction. Napasigaw sa sobrang init at sakit ang spy. Bumagsak siya sa lupa. I let the fire vanish. Hindi ko pa siya pwedeng patayin dahil kailangan ko pa ng impormasyon mula sa kanya. Second-degree burn pa lang naman ang natamo niya kaya makakapagsalita pa siya. I sat down to face his scared face.
"H-Hindi mapapalampas ni Enzo ang ginawa mo," nahihirapang wika ng lalaki. Napangisi ako. As if I would still let him leave after this.
"Ano'ng kailangan niyo? Bakit niyo kami sinusundan?" seryosong tanong ko. Lumingon ako sa paligid. Buti malayo ako sa iba. Pagak na natawa ang lalaki sa tanong ko. Halatang walang balak na sagutin ako. I released my double fire dragon.
"Will you tell me now or you want to die?" tanong ko, pero wala naman talaga akong balak buhayin siya. I grinned. I could see fear in his eyes.
"T-Target namin ang may hawak ng magical rings," takot na sagot ng lalaki.
"Sino?" nakakunot-noong tanong ko. Sino ang may hawak ng mga magical rings?
"A-Ang babaeng madalas mong kasama at katabi," sagot niya. Napamura ako. Na kay Xyra ang mga magical rings? Fuck! Mapapahamak siya.
"Saan mo nakuha ang impormasyon?"
"K-kay Wanda," sagot niya. Napakunot-noo ako. Kay Wanda? Akala ko ba magkaibigan sila? What the hell!
"Alam na ba ni Enzo?" inis na tanong ko. Nahihirapang tumango siya. I stood up. I released a big fire to eat his whole body. I heard his loud screams but it didn't stop me. It's safer this way. I didn't want to kill but I had to. Umalis ako nang maging abo na siya. Tiniyak ko ring walang nakakita sa ginawa ko. Hindi pwedeng makarating kay Enzo ang nangyaring ito.
Nasa panganib na ang buhay ni Xyra. Bakit siya pa ang kailangang mag-ingat ng mga magical rings? Naglakad na ako pabalik sa pinagtayuan ng tent namin. Nandoon na sina Selene at Xyra. Kababalik lang din nina Troy, Akira at Xavier.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Xyra. Ngumiti ako sa kanya at umiling. She's in danger. I have to protect her. Lumapit ako sa kanya at tinakpan ang magkabilang tainga niya na ipinagtaka niya. Sinigurado kong wala siyang maririnig.
Lumingon ako kina Akira at nagtanong. "Kamusta?" Kailangan kong makasigurado na wala na ang mga spies. Magiging problema kapag may nakatakas sa kanila. Tiyak na makakarating kay Enzo ang mga nangyari.
"I took care of him already. He accidentally died," kibit-balikat na sagot ni Akira. Agad na siyang pumasok sa tent niya. Napalingon naman ako kay Troy.
"Same, but we killed him on purpose. He's with the Dark Wizards. Baka target niya si Felicity," seryosong sabi ni Troy. Napatango ako. Tumingin ako kay Xyra. Halatang nagtataka siya sa pinag-uusapan namin kaya natawa ako. Inalis ko ang kamay ko sa tainga niya.
"Matulog na tayo?" I whispered. Kinakabahan siya. Ang sarap talaga niyang asarin. Pumasok na sa kanya-kanyang tent ang mga kasama namin. Kami na lang ang naiwan sa labas. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan kaya hindi ko na napigilan ang pagngiti. I pinched her nose.
Hindi ko alam kung bakit kailangang siya pa ang magtago ng mga magical rings. Hindi siya titigilan ni Enzo. Hindi ko alam kung dapat ko bang kunin sa kanya ang mga magical rings. Mapapahamak siya kung hindi ko ito gagawin.
I sighed. Hinila ko na siya papasok sa tent. She has no choice. Magkatabi kaming matutulog ngayong gabi. I secretly smiled. Gusto ko siyang asarin ngayong gabi.
XYRA
Bakit kailangan pang takpan ni Clauss ang mga tainga ko? Halatang ayaw niyang iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila. Naguguluhan na tuloy ako. Pero bigla akong kinabahan dahil sa ibinulong niya. Nakakainis siya! Bumilis ang tibok ng puso ko. Aatakihin yata ako sa puso. Pakiramdam ko malapit na akong maghingalo.
Nagulat ako nang hilahin na niya ako papasok sa tent. Nang makapasok na ako sa loob, isinara niya ang tent. He lit a small fire inside. Nakalutang ito sa bandang gitna at itaas ng tent. Maliit lang ang apoy kaya mukhang ligtas naman. Hindi makakasunog.
He grinned at me. Here he goes again. Nagsisimula na naman siyang manakot at mang-asar. Hindi ako makagalaw. Nakaupo lang ako. Inayos ni Clauss ang hihigaan namin at siya pa talaga ang naunang humiga. Feel na feel niya ang pagkakahiga sa loob ng tent ko. Siya pa ang gumamit ng kumot. Nag-iisa lang 'yon. Asar!
Napilitan na akong humiga. Wala nang arte. Inaantok na rin ako. Tuwid na tuwid ang pagkakahiga ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko siya nililingon. Daig ko pa ang nakahiga sa kabaong.
"Baka ma-stroke ka diyan," he chuckled. Napaka-insensitive niya. Nakakakaba kayang tumabi sa kanya sa pagtulog. Napapitlag ako nang niyakap niya ako at hinila papalapit sa kanya. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Wala naman siguro siyang gagawing masama.
"What?" natatawang tanong ni Clauss. Umiling ako at umiwas agad ng tingin. Iniunan niya ang braso niya sa ulo ko at kinumutan ako. Gentleman naman pala siya kahit hindi halata. Ang lapit namin sa isa't-isa. I could feel his breath on my face. Alam kong nakatingin siya sa 'kin. Nakakailang. Nakakakaba. He gave me a fast kiss on my cheek that surprised me.
"Really nervous?" he whispered, teasingly. He even bit my earlobe. Napalingon ako sa kanya at inirapan siya. Tinawanan niya ako.
"Clauss naman," I pouted. Kailangan ba talaga akong biruin ng ganito?
"What? I said I'll be gentle," he said. He smiled, then winked. Hindi yata ako makakatulog ngayong gabi dahil sa kaba. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. Nasaktan siya at napasimangot. Ang cute niya, nakakainis.
"Huwag mo nga akong biruin," I whispered. Kumunot-noo siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya. Matiim siyang tumingin sa 'kin. Napalunok ako dahil pilyo siyang ngumiti. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinarangan ko ang mukha niya gamit ang aking mga kamay.
"Clauss!" sigaw ko.
"Huwag ka ngang maingay. Baka marinig nila tayo. Baka isipin nila may ginagawa tayong masama," nakasimangot na bulong niya. Tumahimik ako at napasimangot din. Inalis niya ang kamay ko na nakaharang sa mukha niya.
Inilapit na naman niya ang mukha habang matiim na nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako. Pakiramdam ko ngumingiti ang mga mata niya. He's really enjoying this. Marahang lumapat ang labi niya sa labi ko. Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko. He moved his lips slowly, like he's teasing me. Napapikit ako at sinundan ang galaw ng labi niya. But suddenly, he stopped. Nagmulat ako ng mga mata at nagtatakang tumingin sa kanya. Binitin ako. Nakakainis, inaasar lang yata niya ako tapos nagpadala naman ako.
His eyes were smiling at me. I swear I could kill him. He's playing with me. I hate it. Inirapan ko siya. I could see amusement in his eyes. Nakakaasar talaga siya. He cupped my face and turned me to face him. "Xyra, ayaw kong mapahamak ka. I'll do anything to protect you as long as I still can. Sana hindi ka magalit sa mga magiging desisyon ko," he said, while intently looking at me. I didn't get what he's talking about. Napakunot-noo ako.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"I mean, I love you. That's the simplest word a stupid person like you can understand. I can't explain any further," he smirked. Ang sungit talaga. Ang hirap niyang intindihin.
"But, what do you mean by decisions?" Nagtataka pa rin ako. Ano ba kasi ang sinasabi niya? Umiling siya. Walang babalang sinakop niyang muli ang labi ko. He savored my lips with burning passion. I softly moaned. After a few seconds, our lips parted for air. He hugged me tight.
"Goodnight," he whispered. I hugged him back. He's acting strange. Ang hirap niyang basahin.
"I love you and I will always believein you," I whispered. His breathing was already stable. Tulog na agad siya?Narinig kaya niya ang sinabi ko? Sana narinig niya. Ipinikit ko na ang mga matako. I need sleep and strength for tomorrow's mission.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com