Chapter 26: Mission Unaccomplished
XYRA
Aatakihin sana ako ng halimaw pero pinigilan ito ng ice shield ni Troy. Pero pilit na tinitibag ng halimaw ang shield. Halatang ako ang gusto nitong atakihin. Masyadong malakas ang halimaw at nagkakaroon na ng crack ang ice shield ni Troy. Ilang segundo pa ay may mga tipak na ng yelo na tumatalsik sa direksiyon ko dahil sa sunud-sunod na malalakas na paghampas at pagsuntok nito sa ice shield. Lumilipad ako para mabilis na umiwas. Wala na akong pakialam kung may makakita mang ibang tao. Hindi na rin naman normal ang halimaw sa harap ko.
Inihanda ko ang sarili. Nang tuluyang matibag ang ice shield, napansin ko si Clauss na lumampas sa kinaroroonan namin. Gusto ko siyang tawagin pero nagmamadali siyang tumungo sa direksiyon na tinakbuhan nina Akira at Felicity. Mas mabuti na sumunod siya kina Akira. Kailangan niya silang tulungan.
Nagulat ako sa malakas na paghampas ng halimaw sa aking tagiliran. Malakas na tumama at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Bakit ba nawala ang atensiyon ko sa halimaw? Masakit ang katawan ko. May natamo akong mga hiwa sa kaliwang braso kung saan natamaan ng matutulis at mahahabang kuko ng halimaw. Dumadaloy sa mga sugat ko ang masaganang dugo.
Ang tanga ko naman kasi. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak ang brasong dumudugo pero agad akong dinamba ng halimaw at sinugod. Agad akong nakalipad palayo para umiwas.
Habang nasa ere, tinalian ko ang sugat ko ng panyo para mapigilan ang pagdudugo. Mahigpit ang pagkakatali ko. Buti dala ko ang backpack kung nasaan ang healing candies na ibinigay ni Cyril bago kami umalis. Limang piraso lang iyon kaya hindi pwedeng sayangin.
Napansin ko si Troy na kalaban ang isang lalaki na biglang nawawala at lumilipat sa iba't-ibang lugar. Teleportation ba ang power niya? Halatang inuubos niya ang oras ni Troy. Madali niyang naiiwasan ang mga atake ni Troy.
Samantala, si Xavier ay nakikipaglaban sa lalaking gumuguhit. Mula sa isang pahina ng sketch pad, may muling lumabas na halimaw. May isang malaking mata sa pinakagitna ng ulo nito, may mahabang dila at matutulis na ngipin. Mahahaba rin ang mga kuko nito at mabalahibo rin katulad ng nauna. Mas nakakatakot ito kaysa sa kaharap ko ngayon.
Nagulat ako nang mag-iba ang kulay ng kapaligiran. Unti-unting nilamon ng itim na puwersa ang buong paligid. Nawala ang mga bahay at nilamon ito ng kadiliman. Pero kahit madilim ay kapansin-pansin na nakikita pa rin namin ang bawat isa. Nasa ibang dimensiyon na ba kami? O darkness ang power ng isa sa mga kalaban namin? Pero tila hindi naman galing ang puwersa sa lalaking nag-teteleport o gumuguhit. Imposible namang galing ito kay Xavier.
The monster, targetting me, growled at my direction. Nalipat ang atensiyon ko rito. Humanda ako upang sumugod. Napansin ko ang isang magandang babae na nakaupo sa isang tabi at pinagmamasdan kami. Sa tingin ko ay kasing edad namin siya. Napansin ko rin ang itim na puwersa na nagmumula sa kanya. Kung ganun ay siya ang nagpadilim sa buong paligid. Kakampi ba siya o kaaway? Mukhang wala siyang balak na lumaban. Napaka-inosente ng mukha niya.
Inalis ko ang atensiyon sa kanya. Inihanda ko ang sarili dahil akmang susugod na naman ang halimaw na nasa baba. Aktong tatalon ito para maabot ako. I released my hurricane blades towards his direction but he avoided it fast. Hindi ko akalaing mabilis itong kumilos.
Tumalon na ito patungo sa 'kin kaya agad kong inilabas ang air eagle. The air eagle flapped its wings to release air blades and hit the monster. Nagtamo ito ng mga sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. Halatang nasaktan ito dahil sa pagsigaw nito. May halong galit ang sigaw nito. Lalong nanlisik at namula ang mga mata ng halimaw. The monster gritted its teeth and growled. Mas humaba at tumulis ang mga kuko nito. Nakakatakot talaga.
Bumaba ako mula sa pagkakalipad pero agad naman akong sinugod ng halimaw. Nagulat ako dahil mas maliksi na itong kumilos kaysa dati. Pinagsalikop nito ang mga kamay at itinaas iyon para ihampas sa akin. Halatang gusto akong durugin gamit ang malakas na puwersa nito. Nang hahampasin na ako ng malakas, agad kong itinaas ang dalawang kamay ko at inilabas ang air shield para pigilan ito.
Napangiwi ako sa lakas ng puwersa ng halimaw nang hampasin nito ang air shield. Pakiramdam ko ay matitibag na nito ang air shield kaya lalo akong naglabas ng puwersa na makakapagpatibay sa depensa ko. Naglabas din ako ng malakas na hangin na may kasamang air blades para paliparin at pahinain ang halimaw.
Hindi ko ito nagawang mapalipad. Ngunit malakas na sumigaw ito dahil nasaktan sa mga hiwang natamo galing sa air blades. Lalo nitong hinahampas nang malakas ang aking air shield. Pakiramdam ko ay hihina ang depensa ko anumang oras. Lalo akong napangiwi at pinagpawisan. Maraming tumatalsik na dugo mula sa halimaw pero lalo lamang itong nagagalit. Napansin kong ang mga dugo mula sa halimaw ay nagiging punit-punit na papel pagkatapos.
Tila baliw na tuluy-tuloy sa pagsuntok at paghampas ang halimaw sa air shield ko na patuloy ko lang pinatitibay. Napapagod na ako dahil sa dugong dumadaloy mula sa sugat ko. Nakadagdag pa sa panghihina ko ang air power na inilalabas ko ngayon. Sa tingin ko, wala na sa katinuan ang halimaw na nasa harap ko.
Nagpasya na akong ilabas ang air dragon ko. I directed air bombs in its direction. Sa ginawa ko, nagawa kong pasabugin ang katawan ng halimaw. Dinig na dinig ko pa ang napakalakas na sigaw nito dahil sa sakit. Biglang naglaho ang halimaw. Sumabog sa ere ang mga punit na punit na papel. Napahinga ako nang malalim at ibinaba na ang mga kamay ko.
Iginala ko ang paningin sa paligid upang malaman kung ano na ang nangyari sa mga kasama ko. Halos patapos na sila sa sariling laban nila. Nang tatapusin na sana nila ang mga kalaban, biglang nawala ang mga ito sa tulong na rin ng lalaking nag-teteleport.
Nabaling ang atensiyon ko sa babaeng nakaupo at nakatingin sa amin. Tumayo ito at pinagpag pa ang suot na simple black dress. Unti-unting nawala ang dilim na bumabalot sa paligid. Tinitigan ako ng babae bago tumalikod at naglakad paalis. Nagpasalamat ako dahil wala siyang balak na lumaban.
Naalala ko sina Felicity. Lumipad ako nang mataas para makita kung nasaan na sila. Nakita ko sila sa pinakadulong bahagi ng baryo na malapit na sa gubat. Napansin ko na nasa isang tabi si Felicity. Sina Akira at ang lalaking nagtangkang lumapit kay Felicity ay naglalaban. Samantalang sina Selene at Clauss ay hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Bumaba ako para sabihin kina Xavier at Troy kung nasaan sila Clauss. Hindi ako nag-aksaya ng oras. Pinalutang ko na sila para mabilis kaming makarating sa dulo ng baryo. Lumipad kami patungo kina Clauss.
Bakit hindi tinutulungan nina Clauss at Selene si Akira? Nakakunot-noo ako habang lumilipad. Napahawak ako sa braso ko dahil kumikirot iyon. Lalong bumubuka ang mga hiwa sa braso ko. Puno na rin ng dugo ang panyo. At napamura ako nang mapansin na panyo pala ni Clauss ang nagamit ko. Mamamantsahan pa tuloy ito. Napabuntong-hininga ako.
CLAUSS
Sinundan ko sila hanggang sa dulo ng baryo. Tumigil sa pagtakbo si Akira at humarap kay Jigger. Nagulat siya nang makitang may electromagnetic laser na tatama sa direksiyon nila. Itinulak ni Akira si Felicity sa isang tabi bago siya umiwas sa laser. Natumba si Felicity at napaupo sa lupa. Nanginginig siya sa takot. Nakita ko ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata. Napasabunot pa siya sa ulo.
Now, what should I do? Tutulungan ko ba si Akira? Pero kailangan ko munang makasiguro na hindi si Felicity ang heaven power user. Kung si Felicity nga ang heaven power user ay hindi dapat ako makialam kay Jigger. Mapapasama ako kay Enzo.
Nakita ko si Selene na tumatakbo patungo sa 'min. Nakatingin siya sa akin at nagtatanong ang mga mata. Halatang walang alam sa nangyayari. Naguguluhan din siya kung bakit narito si Jigger.
Samantala, nahihirapan naman si Akira sa laban nila. Nabubutas kasi ng laser ni Jigger ang depensa ni Akira. Nagulat ako nang makarinig ng mga sigawan ng mga tao mula sa baryo. Napalingon ako sa likod. Isang bahagi ng baryo ang nababalot ng kadiliman. Nag-alala ako dahil alam ko na 'yon ang lugar kung nasaan sina Xyra. Damn! I'm here and I couldn't do anything. I'm useless!
Nagliliparan sa iba't-ibang parte ng baryo ang mga bagay na gawa sa metal. Lumulutang ang mga ito sa ere. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagsisigawan ang mga tao sa baryo. Tiyak na kagagawan ito ni Jigger. Electromagnetism ang power ni Jigger, dahilan upang pati bagay na gawa sa metal ay magamit din niya. Lahat ng mga bagay na ito ay lumipad sa direksiyon ni Jigger. Nagpatong-patong ang mga metal hanggang sa maging hugis robot ito. Malaking robot na gawa sa metal.
Inilabas naman ni Akira ang kanyang earth golem. "Ano'ng tinatayo-tayo mo diyan, Clauss?" Galit na sigaw sa 'kin ni Akira. Lumingon sa akin si Jigger at ngumisi. Nagsalita si Jigger sa nang-aasar na tono. "Ano nga ba ang itinatayo-tayo mo diyan?" Ipinapahiwatig ni Jigger na siya dapat ang tulungan ko. Tiningnan ko siya ng masama.
Napalingon ako kay Selene. May pag-aalinlangan akong nakita sa mukha niya. Hindi rin niya alam ang gagawin. I sighed. Napatingin ako kay Felicity. Ano ba ang gagawin ko? Babalik na ba ako sa mga DWA? Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-desisyon.
Napansin ko ang paglabas ng electromagnetic laser mula sa ulo ng robot ni Jigger. Pinatamaan nito si Akira pero nasangga ng earth golem ang laser at naibaling sa ibang direksiyon. Sa direksiyon ni Felicity tatama ang laser! Damn! Napatingin sa papalapit na laser si Felicity at nakaramdam ng matinding takot. Tatakbo sana ako para iligtas siya pero napasigaw si Felicity ng malakas. "NO!"
Napako ako sa kinatatayuan dahil sa biglang pagkawala ng laser na tatama dapat sa kanya. Biglang nahimatay si Felicity at bumagsak sa lupa. Napakunot-noo ako. Siya ba talaga ang heaven power user? Napalingon ako sa likod ko dahil naramdaman ko ang presensiya nina Xyra.
Nagulat sina Troy at Xyra. Si Xavier naman ay halatang hindi makapaniwala sa nangyari. Si Felicity na ba talaga ang heaven power user? Napalingon ako kay Felicity na walang malay. Wala na akong magagawa kundi gawin ang misyon ko, ang totoong pakay ko rito.
Naalerto ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa tabi ni Felicity at agad na binuhat ito. Iyon ang lalaking kasama ni Jigger. Mabilis itong nawala at nag-teleport patungo sa tabi ni Jigger—pero hindi na niya buhat si Felicity. Humawak sa balikat ng lalaki si Jigger. "We're done here," nakangising sabi ni Jigger. Nagkawatak-watak ang robot at walang buhay na bumagsak sa sahig.
"Ano'ng kailangan niyo sa kapatid ko?!" galit na sigaw ni Xavier. Pinalibutan ko ng apoy sina Jigger. Akmang susugurin na rin sila ng earth golem ni Akira pero nawala sila agad. Laking gulat ko nang bigla silang sumulpot sa harap ko. "What was that for?" nakangising bulong ni Jigger bago sila muling naglaho. Napamura ako.
Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Jigger na nasa harap na ni Xyra. Nakaramdam ako ng galit nang halikan ni Jigger sa labi si Xyra. Naikuyom ko ang kamao. I released my seven-headed fire dragon. I swear I could kill him right here, right now. I released my fire inferno towards his direction.
XYRA
Hindi ako makapag-react sa mga nangyayari. Si Felicity talaga ang heaven power user? Siya talaga ang hinahanap namin? Hindi rin makapaniwala ang mga kasama ko sa nakita nila. Walang makapagsalita sa 'min hanggang sa tuluyan na siyang mabuhat ng sumulpot na lalaki na nakalaban ni Troy.
Tatakbo sana ako patungo sa lalaki para pigilan ito pero bigla itong nawala at sumulpot sa tabi ng lalaking kalaban ni Akira. Napatigil ako. Hindi na buhat ng lalaki si Felicity. Nasaan na si Felicity? Ang bilis naman yata nilang nailayo si Felicity?
Nagtaka pa ako nang bigla silang sumulpot sa harap ni Clauss. Inihanda ko ang sarili ko para sugurin sila pero bigla rin silang nawala agad. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot nila sa harapan ko. Nagulat pa ako dahil hinalikan ako sa labi ng lalaking nakalaban ni Akira. Naramdaman ko pa ang pag-ngiti niya habang nakalapat ang labi niya sa labi ko. Itutulak ko sana siya pero bigla silang nawala. I was stunned and shocked. What was that?
Naramdaman ko pa ang paglampas ng mga ice spikes sa magkabilang gilid ko. Napako ako sa kinatatayuan dahil sa apoy na papunta sa direksiyon ko na handa na akong lamunin. Sobrang lapit na nito. Pinilit kong bawasan ang oxygen content nito pero hindi ako nagtagumpay. Napapikit ako ng mariin at naghintay na lamunin ng apoy.
Ilang minuto ang nakalipas, wala akong naramdamang kahit ano. Nagmulat ako. Nakita ko ang galit na mukha ni Clauss. Nakakuyom ang mga palad niya. Tila gusto na niyang pumatay. Nakakatakot ang itsura niya. Napabuntong-hininga siya at pilit kinakalma ang sarili. Inilagay niya ang mga kamay sa loob ng magkabilang bulsa ng pantalon niya. Tinalikuran ako at naglakad palayo. Galit ba siya sa akin?
Napalingon ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Xavier. "Shit! What the hell!?" Nakita ko pa na sinasabunutan niya ang ulo niya. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya. Halatang hindi alam ang gagawin. Maging si Troy ay ganun din. Frustration was registered all over his face.
"X-Xavier," mahinang wika ko. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Wala na sila. Nagtagumpay na silang kunin si Felicity.
"Dapat kasi inamin ko na sa inyo na ako ang heaven power user! Ang tanga-tanga ko!" sigaw ni Xavier na ikinagulat naming lahat. Nagtatanong ang mga matang napatingin kami sa kanya. Nakita ko pa ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.
"Anong sinabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
"Ako ang heaven power user! Hindi si Felicity! Kung sinabi ko sana ng maaga, hindi na sana napahamak ang kapatid ko! Ang gago ko! Ang tanga!" paninisi ni Xavier sa sarili. Naalala ko ang nangyaring pagkawala ng laser kanina.
"Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng laser?" tanong ko. Malungkot siyang umiling bago sumagot. "I planned to project a nullification shield for her but before I could do that, the laser already vanished. Hindi ko rin maintindihan kung paano nangyari iyon."
Napakunot-noo ako. May kapangyarihan si Felicity? Bigla akong may napansin. Iginala ko ang paningin sa paligid. Where's Troy? Kanina nandito lang siya, 'di ba?
"Si Troy?" takang tanong ko. Lumingon ako kina Selene at Akira. Wala na si Clauss at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
"He ran away," walang ganang sagot ni Selene.
"Where did he go?" nag-aalalang tanong ko.
"As if I know," naaasar na sagot ni Selene. I sighed. Hindi siya maaasahan ngayon.
"I think he's planning to save Felicity all by himself. Kilala ko siya," seryosong sagot ni Akira.
"Bakit hindi mo siya pinigilan?" inis kong tanong. Mababaliw na yata ako sa sitwasyon. Susugod siyang mag-isa sa Dark Wizards Academy? Hindi niya kaya. Mapapahamak lang siya.
"Kahit gawin ko 'yon, hindi siya magpapapigil," pagkikibit-balikat ni Akira. Nahilot ko ang ulo na nagsimula nang sumakit.
"I'll go there, too," determinadong sabi ni Xavier kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi ka pwedeng sumugod doon basta-basta. Kailangan ka pa naming dalhin sa academy. Marami kang dapat malaman kung ikaw talaga ang heaven power user," natatarantang wika ko.
"Kailangan na ako ng kapatid ko. I'm sorry," wika niya. Tumakbo na siya palayo. Dapat maibigay ko ang white magical ring sa kanya. Ang bilis niyang tumakbo kaya kinailangan ko pang lumipad. Nahawakan ko siya sa braso kaya napatigil siya.
"Wait. May ibibigay ako sa iyo. Please," wika ko. Napakunot-noo siya pero naghintay siya. Kinuha ko sa bag ang box at ang white magical ring. Iniabot ko ito sa kanya: "Keep or wear this. This is a magical ring and that's the only way to win against the Dark Wizards," seryosong sabi ko. Kahit halatang naguguluhan siya ay tinanggap niya iyon.
"Thanks," sabi niya, bago nagmamadaling tumakbo paalis. I sighed. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko siya sa gagawin niya. Problema na nga si Troy, dumagdag pa si Xavier. Ibinalik ko sa bag ko ang magical rings at bumalik kina Selene at Akira. Nasaan kaya si Clauss?
Babalik kami sa academy na may dalangmasamang balita. Mission not accomplished. To top it all, it's a total failureand disaster.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com