Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27: Magical Festival

XYRA

Huwebes. Alas-otso ng umaga, nasa loob kami ng opisina ng headmaster upang ipaalam ang nangyari sa misyon. Nasa labas ang mga baby dragons na tuwang-tuwa sa pagbabalik namin.

"Now, tell me. What happened to your mission?" seryosong tanong ni Mr. Williams. Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin alam kung sino ang magsasalita at magpapaliwanag kung bakit hindi namin kasama ang heaven power user.

"We just failed," kibit-balikat na sagot ni Clauss. Halatang ayaw niyang magpaliwanag. Natatakot naman akong sabihin na sumugod sina Troy at Xavier sa Dark Wizards Academy. Tiyak na mapapagalitan kami.

"Obliviously. Why did you fail?" asar na tanong ni Bryan. Hindi na nagsalita pa si Clauss. Tumahimik na siya.

"Because of the Dark Wizards. Bigla silang dumating at kinuha si Felicity. Siguro akala nila si Felicity ang heaven power user pero hindi pala. Si Xavier ang tunay na heaven power user, ang kapatid ni Felicity," sagot naman ni Akira.

"Bakit kayo lang ang bumalik? Nasaan si Troy at si Xavier?" takang tanong ni Bryan.

Umiwas kami ng tingin. Paano namin sasabihin na pinabayaan namin silang sumugod sa Dark Wizards Academy? Pero mas makabubuting malaman ni Bryan kung nasaan sila. Baka sakaling matulungan niya sina Xavier. Tumingin ako kay Bryan at napalunok.

"Sumugod silang dalawa sa Dark Wizards Academy para iligtas si Felicity," mahinang wika ko. Wala akong nakuhang reaksiyon mula kina Clauss. Napatayo si Bryan sa pagkagulat. Hindi maipinta ang mukha niyang tumingin sa 'min. Halatang galit siya.

"Bakit niyo sila hinayaan? Mapapahamak sila!" galit na sigaw ni Bryan. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng opisina. Hindi mapakali. Napatungo ako. Alam kong mapapahamak sila pero hindi ko sila nagawang pigilan. Kung ako ang nasa kalagayan nila, baka sumugod na rin ako nang hindi nag-iisip.

"Shit! Kapag nalaman nila na si Xavier ang heaven power user, katapusan na natin. Kung magpapadala naman ako ng tutulong para sa kanila, tiyak na iisipin ng mga Dark Wizards na naghahamon tayo ng laban. Bakit kasi hindi niyo sila pinigilan?" inis na sabi ni Bryan. He's upset.

"Naibigay mo ba sa heaven power user ang ipinabibigay namin?" kalmadong tanong ni Mr. Williams, pero tila may kakaiba sa kanya. Tumango ako bilang sagot.

"Wala na tayong magagawa ngayon. Ipagdasal natin na huwag silang mahuli at mapahamak. Mag-iisip kami ng magandang hakbang para tulungan sila. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos," seryosong wika ni Bryan. Tahimik lang kami. Gusto ko sana silang tulungan pero mas makabubuting sundin si Bryan.

"You can go now. Thanks for the hard work," sabi ni Mr. Williams. Tumayo kaming apat para umalis pero nagsalita si Bryan. "Clauss, you stay. I need to talk to you."

Nagtaka ako. Ano'ng pag-uusapan nila? Papagalitan ba siya? Gusto ko sanang kausapin si Clauss. Kahapon pa niya ako hindi pinapansin. Hindi ko alam kung galit siya sa 'kin. Muling umupo si Clauss. Lumabas kaming tatlo nina Akira. Agad na lumipad ang mga baby dragons patungo sa 'min. Nagtataka naman si Baby Clauss dahil hindi lumabas si Clauss. Napangiti ako.

Tumigil ako sa hallway na napansin ni Akira. "Hindi ka ba sasabay sa 'min?" tanong ni Akira. Umiling ako. Hihintayin ko ang paglabas ni Clauss.

"Lumabas ka mamaya. Magical festival ngayon. Masisiyahan ka sa mga games," wika ni Akira. Kumaway si Akira para magpaalam. Gumanti ako ng kaway. Umupo ako sa gilid ng hallway para maghintay. Ipinatong ko ang baba sa tuhod at niyakap ang mga binti. Tila nagmumukmok ako sa itsura ko. Lumipad si Baby Xyra sa tapat ng mukha ko at nagtatakang tumingin sa 'kin. Si Baby Clauss naman ay humiga sa sahig.

Sana kausapin na ako ngayon ni Clauss. Ipinikit ko ang mga mata dahil napuyat ako kagabi. Inaantok pa ako kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

CLAUSS

Isang oras ang nakalipas nang lumabas ako sa opisina ng headmaster. Hindi ko inaasahang alam nila na mula ako sa mga Dark Wizards. Ang nakapagtataka ay nanahimik sila. Napapailing akong naglakad sa hallway nang mapansin ko si Xyra na nakaupo sa isang tabi.

Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa kanya. Hindi ko matanggap na hinalikan siya ni Jigger. Alam kong hindi ginusto ni Xyra ang nangyari pero nakaramdam pa rin ako ng selos. Hindi ko mapapalampas ang ginawa ni Jigger. He'll be dead when we meet again. Naikuyom ko ang kamao. Napabuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili.

Lumapit na ako kay Xyra at napansing natutulog siya. Nagising si Baby Clauss at masayang lumipad sa ulo ko. Katabi niyang natutulog si Baby Xyra na nagising din. Umupo ako para tingnan ang mukha ni Xyra. Napaka-inosente niyang matulog kaya hindi ko napigilang mapangiti. I touched her face using the back of my hand. Dahil sa ginawa ko, nagising siya. Nagtatakang napatingin siya sa akin.

Ngumiti ako kaya napangiti rin siya. "Hindi ka na galit sa akin?" she innocently asked. Umiling ako at ginulo ang buhok niya kaya napasimangot siya. Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kanya. "Tara na," yaya ko sa kanya.

"Saan?" takang tanong niya habang tinatanggap ang kamay ko.

"Magical Festival ngayong linggo. Maraming booths sa labas. May mga games din. Hindi mo ba gustong maranasan ang Magical Festival ng academy?" nakasimangot kong tanong. Napangiti siya nang maluwang at excited na tumayo.

"Gustong-gusto! Dalian na natin!" sabi niya. Hinila niya ako palabas. Napailing pero napangiti ako. Para siyang bata. Sumunod sa 'min ang mga baby dragons. Kailangan kong sulitin ang araw na ito. Tiyak hindi na kami magkakasama ni Xyra ng matagal.

Paglabas namin, manghang-mangha siya sa mga nakita. Maraming booths mula sa bawat section ang ginagamitan ng mga power abilities. May haunted house, wedding booth, cafe, tindahan ng mga stuffed toys, may mga rides at kung anu-ano pa. May nakita rin akong jail booth. Tiyak na may nakakalat na mga magical runes sa paligid. Kung sinuman ang lumabag sa anumang kondisyon na nakalagay doon ay makukulong. Ang baduy pero kailangang mag-ingat, mahirap nang makulong.

"Wow! Ang saya naman dito!" sabi ni Xyra. Nakakatawa ang itsura niya. Para siyang bata na nakapunta sa isang amusement park. Nagkalat ang mga estudyante na nag-eenjoy sa Magical Festival.

"Ano'ng masaya? Ang baduy nga," nang-aasar kong wika. Tinitigan niya ako ng masama at inirapan. Napailing ako. Baduy naman talaga.

"Ewan ko sa 'yo," inis na wika niya. Nagmartsa siya palayo at iniwan ako. Napakamot ako sa ulo at napapangiting sumunod sa kanya. Ang sarap talaga niyang asarin. Sina Baby Clauss at Baby Xyra naman ay lumipad sa kung saan at naglibot na rin.

XYRA

Ang saya naman ng Magical Festival ng Wonderland. Nakita ko ang isang haunted mansion. Gabi na sa paligid nito at maliwanag ang malaki at bilog na buwan. Nagliliparan sa paligid ang mga uwak na may mapupulang mata. Paano nila nagawa 'yon? May nakita pa akong mga kaluluwa na paikot-ikot sa mansion. Nakakatakot sigurong pumasok doon. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon kay Clauss na kasunod ko.

"Clauss, paano nila nagawa 'yan?" tanong ko habang nakaturo sa haunted mansion. Hindi sila agad makapagtatayo ng mansion sa harap ng academy. Ang bilis naman? Todo effort.

"Si Jonica ang may gawa niyan. She's the illusionist, remember? Huwag ka ng magtaka kung bakit may mansion dito. About the ghosts and scary creatures inside that, may isang power user na kumokontrol sa mga ghosts. Ang multo na makikita mo ay totoo o maaaring ilusyon lang. You can't tell. Mahirap tukuyin kung alin ang ilusyon at kung alin ang hindi," nananakot na paliwanag niya.

Nagtayuan ang mga balahibo ko at napayakap sa sarili. Narinig ko ang malakas na sigawan mula sa loob ng haunted mansion. Hinawakan ni Clauss ang balikat ko. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. He grinned, evilly. Tila balak niyang pasukin ang haunted mansion.

"Tara," nang-aasar na yaya ni Clauss.

"S-Saan?" natatakot kong tanong.

"Sa haunted mansion," he grinned. Papatayin ba niya ako sa takot? Hinila niya ang kamay ko pero pilit kong binabawi iyon.

"C-Clauss, ayaw ko diyan," nagmamakaawang tanggi ko habang napapailing.

"Ako'ng bahala sayo. Trust me," he winked. Wala akong nagawa dahil hinila na niya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano kung totoong multo na pala ang nakikita ko at hindi na ilusyon? Natatakot ako. Hinigpitan ni Clauss ang paghawak sa kamay ko. Like he's assuring me that everything will be fine. I shouldn't be scared because he's by my side. Bumili siya ng ticket.

"Bawal gumamit ng power abilities. May mga magical runes sa loob. Kapag nilabag niyo ang rule, makukulong kayo sa jail booth. Nasa likod ng mansion ang exit. Hanapin niyo na lang. Bawal ding bumalik sa entrance, kasama sa rule 'yan," paalala ng nagbabantay bago kami pumasok. Lalo akong natakot. Paano kung kumakain pala ng buhay ang mga multo diyan?

Hinila na ako ni Clauss papasok sa loob ng haunted mansion. Pagpasok namin, mapanglaw ang liwanag mula sa mga kandila. Napahigpit ang hawak ko kay Clauss. "C-Clauss, a-alis na tayo rito," nanginginig na sabi ko. Tinawanan niya ako. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Maraming paintings ng mga tao sa dingding pero ang kapansin-pansin ay ang mga umiikot nilang mata na nagiging pula.

Napasigaw ako nang bigla silang naglabasan sa paintings at lumipad papunta sa 'min. Napayakap ako kay Clauss habang siya naman ay tawa ng tawa. Nakakainis siya! Gusto ko nang umiyak.

"Nasa entrance pa lang tayo," sabi niya. 'Yon na nga! Nasa entrance pa lang kami pero nakakatakot na ang nakikita ko. Tiyak na mai-stroke na ako bago makalabas dito. Hinampas ko siya sa dibdib.

"Halika na. Bawal bumalik. Makukulong tayo," wika niya. Bumalik na sa paintings ang mga multo. May kumindat pa nga sa 'kin. Kinilabutan ako. Tanging hagdan pataas lang ang makikitang daan kaya umakyat kami. Sa second floor nakakalat ang magugulong gamit. Maagiw pa sa lugar. Nagulat ako nang may narinig akong nahulog at kumalampag. May nakita akong white lady. May kabaong pa kung saan may natutulog na mummy. Natatakot na nagsisigaw ako. Biglang bumangon ang mummy kaya hinila ko para tumakbo si Clauss. Naaasar ako kay Clauss dahil tinatawanan niya ako. Ang lakas ng trip. Napapikit ako habang tumatakbo dahil pakiramdam ko may sumusunod at nakatingin sa 'kin.

"Easy. Hindi ka nila kakainin. Mananakot lang sila," natatawang sabi ni Clauss. Hindi ko siya pinansin pero bigla akong nabangga at nauntog. Nang magmulat ako, isang zombie pala ang kaharap ko. Nagsisigaw na naman ako. Mahihimatay yata ako sa takot. Naiyak na ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Ang nakapagtataka, biglang umalis ang zombie na tila natakot. Takang napalingon ako kay Clauss. Patuloy ako sa pag-iyak. "Ano'ng ginawa mo?"

"Tinitigan ko lang siya ng masama," pagkikibit-balikat niya. Kaya pala hindi siya natatakot, siya pala ang kinatatakutan. "Tahan na. Lalo kang pumapangit," wika niya. Pinunasan niya ang luha ko. Inirapan ko siya pero natawa lang siya. Hinapit niya ako sa baywang at mabilis na hinalikan sa labi.

"Ako lang dapat ang hahalik sa 'yo, kuha mo?" bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. Problema niya? Hindi ako makagalaw pero panira sa moment ang mga multo na nasa likuran namin.

"Clauss, alis na tayo. Natatakot na ako," mahinang sabi ko. Ang adik ng mga multo. Tila nang-aasar. Hinila ako ni Clauss para maglakad. Ang nakakapagtaka, alam niya kung nasaan ang exit. Pinag-tripan lang yata ako ni Clauss. Asar! Buti nakalabas ako ng buhay sa haunted mansion. Hindi na talaga ako babalik doon.

Nakasalubong namin si Kyle na tila problemado. Nagliwanag ang mukha niya nang makita kami. Lumapit siya sa amin. "Buti nakita ko kayo. Kailangan ko ng tulong. Kulang tayo ng members sa calvary battle. Made-default ang section natin kapag kulang."

"Anong laro ba 'yon?" takang tanong ko.

"Gumawa kami ng sariling rules sa game. Kailangan mong sumakay sa balikat ng isang ka-team mo. May nakataling red na tela sa ulo mo dahil red team tayo. Pati ang kalaban mo may tela sa ulo pero ibang kulay. Kailangang makuha mo 'yon para manalo," paliwanag ni Kyle.

Parang madali naman. "Sino ba'ng kailangan mo? Si Clauss ba?" tanong ko.

"Pareho kayo," nakangiting sambit ni Kyle. "Sino'ng bubuhat sa 'kin?" gulat kong tanong. Itinuro niya si Clauss na walang naging reaksiyon. Ayaw ko ngang sumali. Nakakahiya.

"Please?" nagmamakaawang pakiusap ni Kyle. Nagdalawang-isip ako. Hindi naman siguro papayag si Clauss. "Si Clauss ang tanungin mo," nag-aalangang sabi ko kay Kyle.

"Bakit ako?" nakasimangot na tanong ni Clauss. Napansin ko nakasuot ng red jersey si Kyle. "Kyle, kailangan bang nakasuot kami ng red? Hindi kami nakapula, eh," palusot ko.

"Madali lang 'yan. Sali na kayo, please. Para sa section natin," nagmamakaawang sabi niya. Nagulat ako sa biglang pagsang-ayon ni Clauss. Ano ba ang nakain niya ngayon? Hindi ko na ipapakain sa kanya ulit. Wala na akong nagawa. Sumunod kami pero ang nakapagtataka ay tumigil kami sa harap ng wedding booth. May kinausap si Kyle. Lumapit sa 'min ang magandang babaeng kinausap niya.

"Okay, I'll change their clothes into red. Pero kailangang bumalik sila sa wedding booth ko para magpakasal. Deal?" nakangiting wika ng babae. Ano'ng sinabi niya? Magpakasal?

"Ayos lang ba sa inyo?" nag-aalangang tanong ni Kyle. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya naman. Ang daming estudyante rito.

"Yeah, sure," bored na sagot ni Clauss. Ngumiti ang babae at may tinawag pang isang magandang babae. "Put magical runes on them. Kapag hindi sila sumunod sa deal, makukulong sila." Tumango ang inutusang babae. She closed her eyes and chanted a magical spell. May wristband na namuo sa wrist ko. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat. Ganoon din ang nangyari sa wrist ni Clauss. Wala talaga kaming lusot.

In one snap of a finger by the wedding booth girl, our clothes were changed into red. Hindi na kami naka-maong. Naka-shorts na kami na red at may rubber shoes pa talaga. Hinila agad kami ni Kyle patungo sa field para sa game. May isang malaking bilog sa ground. May mga runes din doon na katulad ng nasa wrist ko.

"Sa loob ng bilog na 'yan ang laban," sabi ni Kyle.

Nag-announce ang referee na kailangan nang maghanda ng bawat team. Nagdalawang-isip ako. Nakakahiyang sumakay sa balikat ni Clauss. Baka sabihin niya ang bigat-bigat ko. Napakamot ako sa ulo. Awkward.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com