Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Surprise Visit

XYRA

Friday. Huling araw na ng Magical Festival. Naka-blue dress ako na above-the-knee at naka-blue na doll shoes. Wala kaming sasalihang game ngayon. Maglilibot lang kami sa mga booths. Nang makalabas ako sa dorm, nakita ko agad si Clauss na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Tila hinihintay talaga ako. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

"Kanina ka pa?" tanong ko. Umiling siya at ngumiti. Para siyang bagong gising dahil medyo magulo ang buhok niya pero ang gwapo pa rin niya. Nakabukas pa ang unang dalawang butones ng polo niya na parang nang-aakit ang dating. He's wearing a white polo, black pants and shoes.

"Satisfied?" nang-iinis niyang tanong sa 'kin. Iniiwas ko ang paningin sa kanya. Sinusuri ko na pala siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Namula ang mukha ko at dahil sa kahihiyan ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Mahina siyang natawa sa reaksiyon ko pero humabol siya para sumabay sa 'kin at hinawakan ako sa kamay.

"Siguro kailangan kong magbigay ng picture ko sa 'yo," natatawang sabi niya. Inirapan ko siya. Sobrang obssessed na ba ako sa kanya para bigyan niya ng picture?

"Ewan ko sa 'yo. Inaasar mo na naman ako," I pouted. Tumawa siya. Kailan kaya siya magbabago? Wala na yata siyang pag-asa. Napailing ako. Hindi ko kasama si Baby Xyra dahil nauna na siyang umalis kasama sina Frances. Tuwang-tuwa siya sa nakikita sa Magical Festival.

"Si Baby Clauss?" takang tanong ko. Nagkibit-balikat siya. "Sumunod kay Baby Xyra nang makasalubong namin," sagot niya. Kaya naman pala hindi niya kasamang naghihintay. Nakalabas na kami. Katulad kahapon ay nagkakasiyahan ang mga estudyante dahil sa mga booths na kanilang pinupuntahan.

"Saan tayo?" I asked Clauss.

"Ikaw ang bahala. Saan mo ba gustong pumunta?" balik-tanong niya. Napakamot ako sa ulo. Hindi talaga siya maaasahan sa mga bagay na katulad nito. Wala akong nagawa kundi maglakad-lakad na muna. Baka sakaling may makita akong booth na agaw-pansin.

May nakita akong mga food stalls na may mga tindang fishballs at iba pang street food. May siomai at siopao rin. Na-miss ko ang mga ganoong pagkain. Hinila ko si Clauss sa isang food stall na may mga fishballs. "Gusto mo niyan?" nakasimangot niyang tanong. Nakangiting tumango ako sa kanya.

"Huwag kang bumili niyan. Hindi yata masarap," nakasimangot niyang sabi. Nahawa ako sa nakasimangot niyang mukha. Ano'ng hindi masarap? Halatang hindi pa siya nakakatikim kaya niya nasabing hindi masarap. "Masarap kaya 'to. Tikman mo," sabi ko.

Kumuha ako ng stick at tumuhog ng fishball. Isinawsaw ko pa sa maanghang na sawsawan saka ko itinapat sa bibig niya. Hindi naman bumubuka ang bibig niya at tinitigan lang ang fishball. "Tikman mo, hindi ka naman mamamatay dahil diyan," natatawang sabi ko.

He smirked. Halatang nagdadalawang-isip siya pero dahan-dahan din niyang ibinuka ang bibig. Kakainin na sana niya pero iniiwas ko sa kanya ang fishball at sa bibig ko isinubo. Ako ang kumain at nag-thumbs up pa ako sa kanya dahil sa sarap. Naiinis na tumingin siya sa 'kin na tila gusto akong patayin. Natawa ako sa itsura niya at nag-peace sign.

Tumuhog ulit ako ng fishball at itinapat muli sa bibig niya pero ayaw niyang tanggapin. Masama pa rin ang tingin niya na tila hindi na nagtitiwala. "Seryoso na 'to. Isubo mo na," natatawang sabi ko pero hindi pa rin niya ibinubuka ang bibig. Napakamot ako sa ulo ko. "Joke lang talaga 'yong kanina. Hindi ko na uulitin 'yon. Sorry," muling sabi ko. Makalipas ang ilang segundo, kinain din niya ang fishball. Nakakunot-noo pa siya habang ngumunguya.

"Masarap, 'di ba?" masiglang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya bago nagsalita. "Pwede na." Inirapan ko siya. Pwede na? Ayaw pang aminin na masarap talaga. Kumuha siya ng sariling stick at tumuhog ng fishball. Itinapat niya sa bibig ko para subuan ako. Nang akmang isusubo ko na, binawi niya at siya ang kumain. Natatawa siyang tumingin sa 'kin. Gumanti ang mokong at naisahan ako. Nakakainis! Nauto niya ako.

Ilang minuto kaming nagtagal doon bago muling naglibot. May nakita pa akong stall ng cotton candy kaya nagpabili ako kay Clauss. Buti hindi siya kumontra at ibinili ako. Para akong batang tuwang-tuwa. Nasabihan pa niya akong mukhang tanga na naman. Grabe talaga siya. Kung hindi ko lang siya mahal, nasuntok ko na siya sa mukha.

May nadaanan kaming booth na nagbibigay ng libreng stuffed toy kapag naasinta ang limang red dots na umiikot sa ere gamit ang mga laruang baril. Napansin kong may kalakihan ang mga bala kahit laruan lang 'yon. Ang cute ng mga stuffed toys dahil may Angry Birds, teddy bear na may iba't-ibang size, Hello Kitty at kung anu-ano pa. Kanina pa maraming sumusubok pero wala pa ring nananalo. May daya siguro kaya hindi nila matamaan?

"Gusto mo ba niyan?" tanong sa 'kin ni Clauss habang nakatingin sa mga stuffed toys. Umiling ako. Mapeperahan lang siya. Tiyak na hindi madaling maaasinta 'yon.

"Sigurado ka?" takang tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Wala naman akong gagawin sa stuffed toy. Hindi ko naman makakain 'yon. Hinila ko siya sa tapat ng isang ferris wheel. Sobrang taas nito. Tiyak na kitang-kita ang magandang view mula sa itaas.

"Dito na lang tayo sa ferris wheel. Mukhang madaya ang game na 'yon," sabi ko. Natawa siya at bumili ng ticket.

"Hindi madaya 'yon. Bawal mandaya dahil may mga magical runes para sa mga ganoong booth. Kung gaano kamahal o kalaki ang gusto mong kunin na stuffed toy, ganoon din kabilis ang pag-ikot ng mga red dots. Automatic 'yon. Hindi pwedeng makialam ang nagpapalaro dahil hindi na sila papayagang magtayo ng ganoong booth sa susunod na Magical Festival," paliwanag niya sa 'kin. Astig pala pero mahirap pa rin. Hindi kasi ako asintado. Saka limang red dots ang kailangang tamaan. Ang dami kaya.

Tumigil na ang ferris wheel at isa-isa kaming pinasakay. Habang tumataas na ang ferris wheel, namamangha ako sa mga nakikita. Makulay ang buong academy dahil sa iba't-ibang booths na nakapalibot dito. Kitang-kita rin ang mataas na bundok sa likod ng academy. Napalingon ako kay Clauss dahil naramdaman ko na nakatitig siya sa 'kin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Wala lang. Mukha ka lang kasing ewan sa itsura mo," he chuckled. Naiinis na binatukan ko siya kaya napahimas siya sa ulo niya pero nakangiti pa rin. Ang cute niya. Magkatabi kami sa upuan kaya inakbayan niya ako at niyakap. Nagulat ako kaya hindi agad ako nakapag-react.

"Problema mo?" mahinang tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang yakapin. Masama ba?" nang-aasar na tanong niya. Hindi ako umimik. Feel na feel ko kasi. Hinayaan ko lang siya. Naramdaman ko na dinampian niya ng halik ang ulo ko. Kakaiba ang ikinikilos niya kaya napakunot-noo ako.

"Sigurado ka bang wala kang problema?" nag-aalinlangang tanong ko, pero hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang tahimik habang nakayakap sa 'kin hanggang sa bumaba na kami. Hindi ko tuloy na-enjoy ang view mula sa itaas. Ang adik lang. Wala kaming ginawa sa ferris wheel kundi ang magyakapan.

Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Alam kong hindi mahilig magsalita si Clauss pero may kakaiba talaga sa kanya ngayon. Hindi ko lang matukoy kung ano. Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. Gulat ang nakarehistrong ekspresiyon sa mukha niya. Bigla siyang namutla.

Nagtatakang nilingon ko ang kanyang tinitingnan. Tatlong lalaki na ngayon ko lang nakita ang tinitingnan niya. Mapapansin na gwapo ang lalaking nasa gitna at malakas ang dating pero nakakatakot ang aura niya. Naglakad sila papalapit sa kinaroroonan namin. Dahil doon, nagsimulang magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Bakit pakiramdam ko lumalapit sa 'kin si Kamatayan? Gusto kong manginig sa takot. Sino ba sila?

Tuluyan na silang nakalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ako makagalaw, maging si Clauss. The guy in the middle grinned evilly at us. I could see death by just looking at him. His dark and evil eyes were looking at me intently. Napahigpit ang hawak ko kay Clauss.

"May girlfriend ka na pala?" nakangising tanong niya kay Clauss. Clauss didn't respond for a minute. He looked confused. Halatang hindi niya alam ang sasabihin at isasagot.

"What are you doing here?" mahina pero mariing tanong niya sa lalaki.

"Paying a surprise visit. Balita ko kasi nagkakasiyahan kayo rito," he laughed. I could sense mockery in his deep baritone voice. Gusto kong manlamig dahil sa naramdaman kong takot. Unti-unting naging kulay abo ang paligid. Tumigil sa paggalaw ang lahat ng mga estudyante. Tila tumigil ang oras para sa kanila. Napansin ko sa isang tabi sina Akira at Selene na halatang nagulat din. But they didn't freeze like the others. Tila may sarili kaming mundo dahil kami lang ang nakagagalaw. Hindi ko alam kung paano nangyari ito.

Mula sa likod ay narinig ko ang mga yabag ng isang taong tumatakbo. Lumingon ako. Nakita ko si Bryan na nag-aalala. Halata rin ang galit sa mga mata niya.

"What do you think you're doing here?" malakas na sigaw ni Bryan sa lalaki. The guy just gave him an evil smile.

"Nothing important. I just want to confirm something with my own eyes," he said. He looked at me and winked. What was that for? "Ikaw ba ang girlfriend ni Clauss?" he asked me directly. I couldn't open my mouth to speak. I was dumbfounded and trembling unconsciously.

Unti-unting binitawan ni Clauss ang kamay ko. "N-No. She's not. Nagkakamali ka. She's not my girlfriend," seryosong wika ni Clauss na ikinagulat ko. I felt like my heart was shattered to pieces. I was not prepared to hear those words from him.

"What do you think you're saying, Clauss?" sigaw ni Akira pero ikinulong siya ni Selene sa loob ng isang malaking waterball. "I'll take care of him," sabi ni Selene bago naglakad palayo sa 'min. Nakasunod sa kanya ang waterball kung saan nakakulong si Akira. Pilit niyang hinahampas ang waterball para makalabas pero halatang nauubusan na siya ng hininga. Tuluyan na silang nakalayo at nakapasok sa loob ng academy.

Hindi ako makagalaw at makapag-react. Somehow, I managed to gather all the strength left in me. I turned my back from them and ran away. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa likod ng academy. Naramdaman kong tumutulo na pala ang luha ko. Pilit kong pinupunasan ang mata ko habang tumatakbo pero patuloy sa pag-agos ang masaganang luha mula roon.

I hate it. Again, I'm being such a crybaby. I hate myself for being this weak. I couldn't even ask him why he said that. Napatigil ako sa pagtakbo dahil nakita ko ang isang babaeng nakasandal sa isang puno at nakahalukipkip. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko pero kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nagawa ko siyang makilala. She's wearing the same black dress back when I first saw her in Felicity's village. Sobrang itim ng buhok niya, maging ang mga mata niya. She's staring blankly at me but even so, she's still beautiful. Dito ba siya pumapasok? Bakit ngayon ko lang siya nakita?

"Crying?" she asked blankly. Lumapit siya sa 'kin pero napaurong ako ng ilang hakbang. Dire-diretso lang siya. Tuluyan na siyang nakalapit sa 'kin at nagulat ako nang punasan niya ang mga luha sa mata ko gamit ang mga kamay niya. But her eyes were still blank and lifeless. And then, she suddenly disappeared before my eyes. Lumingon ako sa paligid pero hindi ko na siya maramdaman. She's nowhere to be found.

Naisip kong pumunta sa loob ng training room at doon magmukmok. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sa likod ng academy ako dumaan at dumiretso na sa training room. Umupo ako sa isang tabi habang yakap-yakap ang mga binti ko. Isinubsob ko ang ulo ko sa mga tuhod. I cried hard. Lahat ng sinabi ni Clauss kanina ay paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko mula sa kanya. Sobrang nasasaktan ako.

CLAUSS

Hindi ko pinigilan si Xyra nang tumakbo siya palayo. It's better that way. Ayaw kong mapahamak siya kay Enzo. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagpunta rito. Ngayon lang niya ginawa ito. At alam ko na kung bakit. He's here to confirm if Xyra is really my girlfriend. Alam kong ayaw niyang magkaroon ng dahilan para hindi matuloy ang mga masasama niyang binabalak. Tiyak na kapag nakumpirma niya na girlfriend ko nga si Xyra ay babalakin niyang patayin ito. Katulad ng mga ginawa niya sa mga magulang namin ni Claudette.

He's here to destroy everything important to us, to me. Pwede rin niyang gamitin si Xyra para tiyakin na susunod talaga ako sa lahat ng ipag-uutos niya. Maaari niyang gawin kay Xyra ang ginagawa niya ngayon kay Claudette at ayaw kong mangyari 'yon. He laughed at what I said. He smiled wickedly.

Sinugod ni Bryan si Enzo gamit ang isang itim na bagay mula sa lupa. Ngayon ko lang napagtanto na isa pala siyang shadow controller. Nakatalon si Enzo para iwasan ang biglaang pag-atake ni Bryan. He looked in my direction while in mid-air. He mouthed something at me without a sound, but I clearly understood it. Bago siya tumuntong sa lupa, naglaho na siya pati ang mga lalaking kasama niya.

Bumalik na sa dati ang kulay ng paligid. Nagsimulang gumalaw ang mga estudyante at nagpatuloy ang kasiyahan nila. Halatang walang alam sa kung ano'ng nangyari kanina lang. Alam kong wala na si Enzo sa paligid kaya nakahinga ako ng maluwag. Nanatili akong nakatayo. Naramdaman ko ang pagtapik ni Bryan sa balikat ko.

"Find her," sabi niya bago naglakad palayo. Sinunod ko siya. Pumasok ako sa loob ng academy at sinubukang hanapin si Xyra. Pumunta ako sa girls' dormitory, empty classrooms, library, garden at canteen pero wala siya. I wanted to panic. I suddenly remembered that I haven't checked the training rooms yet.

Nagmamadali akong tumungo sa mga training rooms. Napansin ko ang isang training room na nakaawang nang kaunti ang pinto. Sinilip ko ang loob at nakita ko si Xyra na nakasubsob ang mukha sa mga tuhod at humihikbi. Nanatili akong nakatayo sa labas. Nasasaktan akong makita siya sa ganoong ayos. I sighed deeply.

Naalala ko ang sinabi ni Enzo kanina. "Return now or she'll die." I have no choice but to leave the academy now. Hindi ko alam kung sino'ng tinutukoy ni Enzo na mamamatay. Si Xyra ba o si Claudette? Pinababalik na niya ako at wala akong lakas para tumutol. Gusto ko sanang magpaalam nang maayos kay Xyra pero alam kong hindi niya ako maiintindihan.

Naglakad ako palapit sa kanya at tumabi sa kinauupuan niya. Napalingon siya sa 'kin. Hilam sa luha ang mga mata niya kaya napailing ako. Takang nakatingin siya sa' kin pero halata sa mga mata ang hinanakit na nararamdaman. I hugged her but she pushed me away.

"I'm sorry," I whispered. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. I knew she'll be hurt but this will also hurt me as well.

"I hate you!" sigaw niya. Hinampas niya ako sa dibdib. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Hinayaan ko lang siya hanggang sa mapagod siya.

"I love you. I needed to do that. Please understand," mahinang bulong ko habang mahigpit ko siyang niyayakap. Alam kong darating ang oras na maghihiwalay kami pero hindi ko akalaing ganito pala kasakit ang mararamdaman ko. She looked at me with confused eyes. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. I kissed her wet cheeks.

"Hindi kita maintindihan..." naguguluhang sabi ni Xyra. Napangiti ako. I gave her a fast kiss on her lips. Magulo ang mga pangyayari kaya hindi na niya kailangan pang maintindihan.

"I have a favor to ask you," seryosong sabi ko.

"Ano 'yon?" kunot-noong tanong niya.

"Take care of Baby Clauss for me. I'll be out for a while," seryosong sabi ko.

"Saan ka pupunta?" naguguluhang tanong niya.

"I'll be out to save another special princess," I chuckled but there's no humor in my voice. Naaasar na tumingin siya sa 'kin.

"Kaya pala hindi mo inamin na tayo dahil may iba kang babae! Niloloko mo lang pala ako!" sigaw niya. Malakas na naman niyang pinaghahampas ang dibdib ko. Umiyak na naman siya. Natawa ako sa itsura niya. Lalo siyang nainis at napaiyak sa pagtawa ko.

"Come on. I'm referring to my sister. Hindi ko inamin na girlfriend kita dahil gusto kong protektahan ka. That man earlier was Enzo, the leader of the Dark Wizards," seryoso kong wika. Tumigil siya sa paghampas at naguguluhang tumingin sa 'kin. Hindi niya makuha ang sinasabi ko. She's so slow, really.

I kiss her all of a sudden. This time, I kiss her torridly and hungrily because I am afraid to miss her while I am away. I closed my eyes. I'm afraid that I'll run to where she is because I would be longing for her presence. I am afraid that I'll choose to be selfish and be with her forever without thinking of the consequences of my actions. I never thought that I'd be such a coward. I have never been like this until I met her. Dati ang tangi ko lang kinatatakutan ay ang mawala ang kapatid ko pero ngayon natatakot na rin akong mawala siya. But I thought it would be better this way. For both of us and for other people's sake.

Naramdaman ko ang pagtugon niya sa halik ko. She wrapped her arms around my nape and responded with the same intensity. I don't want to let her go but I have to. Kung pwede lang na lagi ko siyang makasama, nagawa ko na. I hugged her tigthly and deepened the kiss. I don't want to miss this moment. I want to make this kiss memorable for both of us. My tounge slipped and wandered inside her mouth. I suddenly felt her tongue find mine and play with it. I moaned because of her sudden playful action. Maybe this would be the last time that I would get to kiss and hug her.

Naramdaman ko ang paglandas ng luha sakaliwang mata ko. Hindi ko namalayan na tumulo na pala iyon. Titigil sana siyasa paghalik dahil tila naramdaman niya na nabasa ang pisngi niya pero pinigilanko siya. I cupped her face and lightly brushed the tears away with it. I didn'twant her to see me crying, not even for a second. Not here and not now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com