Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: The Arrogant Tutor


XYRA

Miyerkules. Dinala ako ni Clauss sa isang training room pagkatapos ng klase. Natatakot ako kay Clauss. Alam kong masisigawan niya ako. Tahimik at seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Kinabahan ako. Napansin ko na hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga tao at wala siyang kaibigan. Umupo si Clauss sa sahig at sumandal sa dingding. Ang presko ng pagkakaupo niya na tila wala siyang balak turuan ako. Naglakas-loob akong magtanong, "Anong gagawin ko?"

Kumunot-noo siya. "Gawin mo ang dapat mong gawin," wika niya bago pumikit. Napailing ako. Napakawalang kwenta ng tutor ko. Masisiraan ako ng ulo kay Clauss. Inis na umupo ako sa sahig na parang nag-yoyoga at pumikit. Nagmulat ako nang magsalita si Clauss.

"Do you believe that these powers we possess are gifts from gods? May mga spirits sa likod nito. Concentrate at subukan mong ikonekta ang sarili sa kanila. We're the chosen ones kaya natin nakuha ang kapangyarihang ito."

Binibigyan niya ako ng lecture pero nakapikit siya. "I'll give you a short history for now. Subukan mong isipin at intindihin lahat ng sasabihin ko," sambit niya.

Tahimik akong nakinig. Malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Makinis ang mukha at matangos ang ilong. Mukha siyang mabait sa ganoong ayos. Ang cool niyang tingnan pero bigla siyang nagmulat. His deep black eyes glared at me and it took my breath away.

"Don't stare at me," he hissed. Ramdam pala niya ang pagtitig ko. Namula ang mukha ko sa hiya. Baka isipin niya na interesado ako sa kanya.

"Matagal na ang kwentong ito. Makinig kang mabuti dahil wala na akong balak ulitin ito. Sasabihin ko kung bakit biglang nag-exist ang mga power users na katulad natin," wika niya. I nodded.

"Decades ago, wala talagang power users. Ang nag-eexist lang ay ang five gods at ang mga taong sumasamba sa kanila. These are the god of fire, god of air, god of water, god of earth, and god of nothingness. Sila ang nagbabalanse sa lahat," paliwanag niya.

"Ano'ng god of nothingness?" takang tanong ko.

"It's the god who acquires the power of heaven, null or void. Siya ang may kakayahang mag-disable sa kapangyarihan ng apat na elemento. Siya ang nagbibigay ng kapayapaan sa mga alitan kung may umuusbong man," sagot niya.

Napatango ako. Ayos din pala itong magkwento.

"May dumating na group of evil people. They deceived these gods. Gusto nilang makuha ang kapangyarihan ng mga ito. Masasabing nagtagumpay sila dahil na-acquire nila ang ilan sa mga kapangyarihang gusto nila. Pero hindi nila nakuha lahat dahil matatalino ang mga gods. Nawala lahat ng gods. Hinati ng mga ito ang kapangyarihan na meron ang bawat elemento at ibinigay sa mga taong napili nila. Kaya may spirit sa bawat kapangyarihan na taglay natin. Naniniwala sila na ang mga taong napili nila ang susugpo sa kasamaan. This academy believes that each power user acquired a small portion of the gods' powers. Pero limang tao lang talaga ang nakakuha sa kapangyarihan nila," kwento ni Clauss.

"Sino naman ang mga evil people na ito?" tanong ko.

"The Dark Wizards. They're annihilating humans and power users para lalo silang lumakas. Hinahanap din nila ang taong nagtataglay ng heaven power. Naniniwala silang matatalo sila kung hindi nila mapapatay o makukuha ang kapangyarihan nito," sagot niya.

"May hinahanap din ang academy na ito. They're looking for the four elemental power users. Naniniwala silang natagpuan na nila ang tatlong elemento. Fire, which is mine. Water for Selene and Earth for Akira. Hinahanap nila ang air power user. Pagkatapos nilang mabuo ang apat na ito, hahanapin nila ang heaven power user kung saan nagtatago ang god of nothingness para tuluyang matalo ang Dark Wizards. Hindi ko na alam ang ibang binabalak ng academy na ito kaya hanggang dito na lang ang masasabi ko sa iyo," wika ni Clauss.

"Nakuha mo ba ang sinasabi ko? You must know the spirit hiding inside your soul. Kailangang magkaroon ka ng koneksyon sa kanya para matulungan ka niya. Hindi mo lang siguro napapansin pero tinatawag ka niya," dagdag ni Clauss. Napatango ako dahil wala akong maisip na sabihin.

Tumayo si Clauss na akmang aalis na. Nagulat ako dahil tapos na agad ang training kaya nataranta ako. "Saan ka pupunta?" agad kong tanong.

"Aalis na. Tapos na ang briefing ko ngayon. Ikaw na lang ang makakatulong sa sarili mo. Discover your power. Bukas na tayo magsisimula ng totoong training. Kapag hindi mo pa nalaman ngayon ang kaya mong gawin, you're dead tomorrow. Pipilitin kong palabasin 'yan, by all means," he smirked.

Natakot ako sa sinabi niya. Lumabas na siya. Napatingin ako sa relo. Alas-sais na ng gabi. Pumunta muna ako sa dining hall para kumain.

CLAUSS

Hindi ko akalain na magkukwento ako kay Xyra. Dumiretso ako sa dining hall. Lumapit sa 'kin si Selene.

"Tinuturuan mo raw si Xyra?" takang tanong niya.

"Yes. And that doesn't concern you," bored na sagot ko.

"It concerns me. Kapag nalaman nila na may tinutulungan ka rito we're both dead," nakataas ang kilay na wika ni Selene.

Napailing ako. Alam ko iyon. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman siguro malakas ang ability niya. She's weak," wika ko. Nagkibit-balikat si Selene bago umalis. Napabuntong-hininga ako. Ipinagdadasal ko na sana hindi malakas ang kapangyarihan ni Xyra para hindi siya madamay sa gulo.

Nakita ko si Xyra na pumasok sa dining hall. Ang nakakapagtaka, nilapitan siya ni Akira habang kumukuha ng pagkain. Iniiwas ko ang paningin sa dalawa dahil wala naman akong pakialam sa kanila.

XYRA

Magkasabay kaming kumain ni Akira. Nagkwentuhan kami at lumabas ang kakulitan ko. Pagkatapos kumain ay agad akong bumalik sa training room. Akira volunteered to come with me but I refused.

Naupo ako, pumikit at sumandal sa pader. Sobrang tahimik kaya sa tingin ko magagawa ko nang malaman ang ability ko. Tiyak na makakapag-concentrate ako nang maayos. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakapikit.

Hindi ko rin alam kung paniginip ba ang nangyayari sa 'kin. Nahulog ako sa isang malalim na lugar, sa isang lugar na mukhang paraiso. Napapalibutan ako ng maraming bulaklak. Malakas ang ihip ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Nasaan ako? Nanlamig ang katawan ko dahil sa malamig at mabining boses na narinig ko. May tumatawag sa pangalan ko.

"Xyra... Xyra..."

Pilit kong pinakinggan ang tinig. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses kahit natatakot ako. May nakita akong kweba sa 'di kalayuan. Doon nanggagaling ang boses na tumatawag sa 'kin. Nag-alinlangan ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng kweba. Baka mapahamak ako.

"Xyra..."

Naramdaman kong kusang iginiya ako ng hangin papunta sa kweba. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Malamlam ang liwanag sa loob. Nakakatakot. May nakita akong babaeng nakatalikod. Nakasuot siya ng puting damit. Nakakulong siya sa isang makapal na pader na hangin. Parang tornado na paikot-ikot ang hangin. Humarap ang babae sa 'kin. Napakaganda niya. Mukha siyang diyosa. Napansin ko na nakakadena ang mga paa niya. Ngumiti siya sa 'kin. Inilahad niya ang mga kamay na tila gusto niyang abutin ko 'yon. Dahan-dahang lumapit ako sa babae. Ang ganda ng pagkakangiti niya kaya hindi ko inisip na maaaring masama siya.

"Matagal na kitang hinihintay, Xyra..." bulong niya sa hangin.

Natatakot akong abutin ang kamay niya dahil nasa loob iyon ng tornado. Sinabi niyang huwag akong matakot. Ipinasok ko ang kamay sa hangin. Hindi ako nasaktan. Malapit ko nang maabot ang kamay niya pero...

"Hoy! Gising!" Nagulat ako at napamulat. Panaginip lang pala. Napatingin ako kay Clauss na nakasimangot.

"Bakit dito ka natulog?" inis na tanong niya.

"Bakit mo ba ako ginising? Nakakaasar ka naman! Seryosong natutulog ang tao! Sayang malapit ko nang maabot ang kamay ng magandang dilag! Panira ka!" inis na sigaw ko.

"Tomboy ka ba?" takang tanong ni Clauss.

"Anong tomboy? Gusto mong makatikim ng suntok ng tomboy? At saka bakit ka ba narito?" sigaw ko.

"Tanghali na po kasi at hinahanap ka na nina Wanda. Hindi ka daw po umuwi sa dorm niyo. Nag-aalala na po sila sa iyo. Pumunta ka na nga doon," he made a face.

Hindi ko alam kung matatawa ako kay Clauss pero... nakakainis! Hindi ko pa rin alam ang kapangyarihan ko! Patay ako mamaya kay Clauss! Pumunta agad ako sa dorm para maligo at magpalit ng damit. Kinulit ako nina Wanda kung bakit hindi ako umuwi kagabi. Ipinaliwanag ko na nakatulog ako sa training room. Nakahinga sila nang maluwag at binatukan ako kaya napahimas ako sa ulo. Half-day kami ngayon kaya matuturuan ako ni Clauss, after lunch.

Pero iniisip ko pa rin kung sino ang babaeng nakita ko sa kweba. Ano kaya'ng mangyayari kung nahawakan ko ang kamay niya? Naaasar ako kay Clauss. Malapit na talaga iyon, eh!

Pagkatapos kumain, nagpunta na kami sa loob ng training room.

"Ready ka na ba?" tanong ni Clauss. Umiling ako kaya naasar siya.

"Ano bang ginawa mo kagabi? Nakatulog ka na nga rito tapos wala pa ring nangyari?" inis na wika ni Clauss.

"Wala akong ginawa. Nanaginip lang ako. Peace!" natatawang wika ko.

Bigla akong binato ni Clauss ng fireball. Pinilit kong iwasan ang fireball pero bigla rin itong nawala bago lumapat sa 'kin. Nakakatakot si Clauss. Walang awa.

"Dadaanin ko sa dahas ang paglalabas ng kapangyarihan mo kaya humanda ka. Simulan na natin?" nakangising tanong ni Clauss. Mukha siyang demonyo. Napalunok ako. Balak niya ba akong patayin? Naglabas si Clauss ng bow and arrow na gawa sa apoy.

Nagpaulan siya ng apoy sa direksiyon ko sa pamamagitan ng pagpana sa 'kin. Tumakbo ako palayo kay Clauss habang takot na takot na umiiwas sa mga palaso. Halos madapa na ako pero patuloy pa rin si Clauss sa pagpana sa 'kin. Napapaiyak na ako. Hindi ko na kayang tumakbo at umiwas dahil pagod na pagod na ako. Napatigil ako sa pagtakbo pero pagharap ko, nasa likod ko na ang arrow ni Clauss at malapit na akong tamaan. Nanigas ang katawan ko at hindi nakagalaw. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinintay na tamaan ng apoy na palaso.

CLAUSS

Naaasar ako kay Xyra. Takbo lang siya nang takbo pero hindi niya naiisip na gamitin ang kapangyarihan para makaiwas sa mga atake ko. Nagulat ako nang tumigil siya. Nasa likod na niya ang fire arrow ko. Matatamaan na siya kaya pinatigil ko ang arrow at pinaglaho itong parang bula. Napailing ako. Masusunog siya nang wala sa oras. Nagmulat si Xyra at napaiyak. Walang lugar ang awa sa puso ko pero hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon kay Xyra.

Ibinulsa ko ang mga kamay at naglakad papunta sa pinto. Ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak dahil naaalala ko ang bunso kong kapatid na babae. Si Claudette na lang ang pamilya ko kaya siya na lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at pumapasok sa WMA. Bago ako umalis sa training room, lumingon ako kay Xyra.

"If you think those tears are pitiful, then grow stronger so you won't cry like that again. Bukas na natin ituloy ang training. Gawin mo na lang ang magagawa mo ngayon," wika ko.

XYRA

Nakalabas na si Clauss. Naiinis ako sa sarili dahil wala man lang akong nagawa. Tama si Clauss. Kailangan kong maging malakas. Pero, paano?

"Xyra..."

Nagulat ako sa tinig na tumawag sa 'kin sa loob ng training room. Ito ang boses sa panaginip ko. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakitang kahit sino. Dahil sa takot lumabas agad ako sa training room. I'm really a coward. Nakasalubong ko si Selene.

"Mukhang mahirap ang training mo, ah," nang-iinsultong sabi ni Selene. Pinunasan ko ang luha sa mga mata at hindi siya pinansin. Nilampasan ko siya at dire-diretsong naglakad. Nagulat ako dahil sa tubig na biglang sumakal sa leeg ko. Iniharap ako ni Selene sa kanya.

"Sa susunod kapag kinakausap kita, huwag mo akong tatalikuran," mataray niyang wika.

Napangiwi ako. Humihigpit ang pagkakasakal ng tubig sa leeg ko. Napasigaw ako dahil wala pa akong balak mamatay. Isang malakas na puwersa ang biglang nagpatalsik kay Selene. Tumama ang likod niya sa isang basurahan. Napangiwi si Selene na halatang nasaktan. Nawala ang tubig na sumasakal sa leeg ko. Nagulat siya maging ako. Hindi ko matukoy kung anong puwersa ang lumabas mula sa 'kin dahil biglaan ang pangyayari. Nilapitan ko si Selene para tulungan pero tinabig niya ang kamay ko.

"You'll pay for this!" nanggagalaiting sigaw ni Selene. Tumayo siya at inis akong iniwan. Lumabas ba ang kapangyarihan ko? Bakit hindi ko matukoy kung ano iyon?

Biyernes. Hindi ko pa rin alam ang kapangyarihan ko. Ang tanga-tanga ko. Dumating na si Clauss, halatang bagong gising. Naga-gwapuhan ako kay Clauss kahit ayaw ko mang aminin. Napailing ako. Wala dapat akong panahon para purihin siya sa sitwasyon ko ngayon. Tiyak na mamaya lang tutustahin na niya ako.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Clauss.

Nagulat ako sa tanong niya. Gusto kong matuwa dahil inaalala pala niya ako. Tumango ako bilang sagot kay Clauss.

"Lumapit ka sa akin. Mukhang hindi madadaan sa dahas ang pagtuturo sa 'yo. Bilisan mo dahil madali akong mainip!" inis na utos ni Clauss.

Kinabahan ako kaya nagmadali akong lumapit sa kanya. Nang makalapit ako, napatid ako sa sariling paa at natumba papunta kay Clauss kaya parehas kaming bumagsak sa sahig. Nakatuon ang dalawang kamay ni Clauss sa sahig at napaupo. Samantalang ako ay natumba sa harapan niya. Parehong nanlalaki ang mga mata namin sa gulat.

Nahalikan ko si Clauss sa labi at hindi ko alam ang gagawin. Nagulat ako nang biglang nabalot ng apoy ang katawan ni Clauss. Nataranta ako. May biglang lumabas na malakas na puwersa na nagpalipad kay Clauss palayo sa 'kin. Tumama ang likod ni Clauss sa pader. Hindi siya nawalan ng malay pero nasaktan siya. Napasimangot si Clauss at napahimas sa bandang likod. Napailing siya bago tumayo.

Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang puwersang lumabas mula sa 'kin. Ito ang puwersa na nagpatalsik sa mga nambubully sa 'kin sa dating university na pinasukan ko. Ito rin ang puwersa na nagligtas sa 'kin sa pagkakahulog sa loob ng classroom dahil sa kagagawan ni Jake. Ito ang dahilan ng panlalamig ko sa loob ng examination room. At ito rin ang nagpatalsik kay Selene. It's the wind. It's air. I'm the air element controller.

"So, that's it? That's your power?" ani Clauss. Natakot ako na baka masunog ako ni Clauss kanina kaya bigla akong nagpanic. May maliit akong paso sa magkabilang braso at nasunog din ang laylayan ng suot ko. Lumapit si Clauss sa 'kin. Nagtaka ako nang ilahad niya ang kamay sa 'kin. Tinulungan niya akong makatayo. Tiningnan niya ang braso kong napaso. Napailing siya.

"Come," sabi ni Clauss sabay hila sa 'kin. Saan niya ako dadalhin? Balak na ba niya akong patayin dahil sa ginawa ko? Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Napansin ko ang kamay ko na hawak ni Clauss. Ayaw ko mang aminin pero nakaramdam ako ng kakaibang saya na hindi ko maipaliwanag.

Napatingin ako sa room na tinigilan namin. Section Two, third year. Binitawan ni Clauss ang kamay ko. May tinawag siyang babae sa loob na agad lumabas. Nakita ako ng babae kaya agad siyang lumapit sa 'kin. Tiningnan niya ang paso ko. Itinapat niya ang kamay sa paso ko at ginamot 'yon. Nagpakilala sa 'kin ang babae bilang si Cyril kaya ipinakilala ko rin ang sarili. May kakayahang magpagaling si Cyril kaya namangha ako. Nagpasalamat ako sa kanya matapos magamot ang sugat ko. Napansin kong wala na si Clauss kaya bumalik ako sa training room. Pero wala siya roon.

Umupo ako sa gilid at pumikit. Mas mabuting hindi ko muna makita si Clauss dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Napahawak ako sa labi. Si Clauss ang first kiss ko. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. Pilit kong binura sa isipan ang nangyari kanina at itinuon ang pansin sa kapangyarihan ko. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

"Xyra..."

Muli akong napadpad sa mala-paraisong lugar sa panaginip ko. Ngayon, hindi na ako natatakot kaya nagtuloy-tuloy ako sa loob ng kweba. Nakita kong muli ang babae na nakakadena ang mga paa at nakakulong sa makapal na pader na hangin. Nakangiti siya sa 'kin. Inilahad na naman niya ang mga kamay. Siya ba ang goddess of air? Tinanggap ko iyon. Nahawakan ko nang tuluyan ang mga kamay niya. Biglang nawala ang wall of air na pumapalibot sa kanya. Nasira na rin ang mga kadena sa paa niya.

"Mabuti naman at dumating ka na," wika niya. Napansin kong nasa labas na pala kami ng kweba at gumuho na iyon. Nakalutang kami sa hangin. Hawak niya ang kamay ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Ang ganda ng lugar na iyon. Banayad ang ihip ng hangin at namumukadkad ang mga bulaklak.

"Parte ito ng puso mo. Matagal na akong nakakulong dito. Mabuti naman at napakinggan mo na ang pagtawag ko sa iyo," nakangiting wika niya sa 'kin. Hinaplos niya ang mukha ko at hinipan iyon.

"Accept my power. Gamitin mo ito sakabutihan. Tutulungan kita," bulong niya sa 'kin. Iminulat ko ang mga mata koat napagtanto na nasa training room ako. Kailangan ko nang ayusin ang trainingko bukas. Umihip ang banayad na hangin sa mukha ko kaya napangiti ako.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com