Chapter 31: Altered
CLAUSS
Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto ni Jigger. Iniiwasan kong makahalata si Jigger. Nakangisi siya habang pinoposasan kaming dalawa ni Selene. Naaasar ako sa itsura niya. Pakiramdam ko may masama siyang binabalak.
"Follow me," nang-aasar na utos niya. Tahimik kaming sumunod kay Jigger. Nagtaka ako dahil tumigil kami sa tapat ng kwarto ni Selene. Binuksan ni Jigger ang pinto at inutusan si Selene na pumasok sa loob. Hindi siya maaaring lumabas hangga't hindi sinasabi ni Jigger. Nagtatakang sumunod si Selene pero hindi tinanggal ni Jigger ang posas niya. Jigger even locked the door from the outside.
"Ano'ng binabalak mo?" inis kong tanong. Nakangising sumagot ito, "We know that you formed an alliance with them, with Bryan. We're not going to test you because we're going to punish you."
Napatigil ako sa paglalakad dala ng pagkagulat. Namutla ang mukha ko dahil alam na nila ang binabalak namin. Nag-alala ako sa maaaring mangyari kay Claudette dahil sa kapabayaan ko. Tumawa nang malakas si Jigger. "We're not naive, Clauss. Kung nagtataka ka kung paano namin nalaman, malalaman mo kapag nakarating na tayo sa underground cell."
I gritted my teeth. Hindi ako nagsalita. Kailangan kong malaman kung hanggang saan ang nalalaman nila Enzo. Itinulak ako ni Jigger para magpatuloy sa paglalakad. Tahimik akong nag-isip. Hindi ko magagamit ang special ability dahil sa iron handcuffs.
Tumigil sa dulo ng pasilyo si Jigger na ipinagtaka ko. Dead end na ang tinigilan namin. May itinulak na brick si Jigger sa pader, isang switch. Bumukas ang pader. It's a secret door. Ngayon ko lang mapapasok ang underground cell. Naglakad kami pababa ng hagdan. May mga lampara na nakadikit sa dingding na nagbibigay liwanag sa buong pasilyo. Iginala ko ang paningin sa bawat selda upang hanapin si Felicity. Walang kabuhay-buhay ang mga mukha ng mga nakakulong doon. Parang tinakasan na sila ng pag-asa. Maging ang kalusugan nila ay hindi rin naaalagaan. Ang papayat nila.
Ang daming selda sa underground cell. Hindi ko nakita kahit saan si Felicity. Mapapansin na lahat ng mga nakakulong ay nakaposas ang mga kamay. Mga power users sila. Malapit na kami sa pinakadulo ng underground cell nang mapatigil ako. May nakilala akong isang pamilyar na mukha sa isang selda.
Duguan ang mukha niya. Nagulat din siya nang makita ako. Nag-iisa siya sa selda. Nakataas ang mga kamay na nakaposas sa magkabilang gilid ng pader. Pinahirapan siya base sa itsura nito. Si Mr. Robin Williams ang taong 'yon. Nagtatanong ang mga matang napalingon ako kay Jigger. Ngumisi si Jigger bilang sagot.
Itinulak ako ni Jigger para pumasok sa katabing selda ni Mr. Williams. Sinubukan kong sipain siya pero nakailag si Jigger. Mariing hinawakan ako ni Jigger sa balikat mula sa likod ko at malakas na itinulak sa pader. Napangiwi ako sa lakas ng paghampas ko sa pader. "Don't try to resist. Tandaan mo nakasalalay sa 'yo ang buhay ng kapatid mo," matalim niyang wika. Humarap ako sa kanya at masamang tiningnan siya. Pasalamat siya dahil nakaposas ako.
Inalis niya ang posas sa kanang kamay ko at ikinabit ang posas na nakakapit sa pader. Ganoon din ang ginawa niya sa kaliwang kamay ko. Maging ang dalawang paa ko ay pinosasan din niya.
"Paano niyo siya nahuli? Kailan pa?" nagngangalit kong tanong. Nakausap pa namin si Mr. Williams nang bumuo kami ng plano ni Bryan.
"We kidnapped him while you were on your mission. Someone with a cloning ability took his place. Siguro naman alam mo na kung paano namin nalaman ang lahat?" Jigger grinned evilly. Napamura ako sa isip ko. Alam na nila ang buong plano namin.
Jigger suddenly punched me hard on the right side of my face. Nalasahan ko ang dugo mula sa gilid ng bibig ko. Hindi ko ipinakita kay Jigger na nasaktan ako sa ginawa niya. Walang ganang tiningnan ko siya. Nainis si Jigger sa ginawa ko kaya sinuntok niya akong muli sa kaliwang bahagi naman ng aking mukha. I spitted blood on the floor and mockingly looked at Jigger.
"Is that your best shot? So gay and weak," nang-aasar kong wika. Nagalit si Jigger sa sinabi ko at akmang susuntukin akong muli nang may biglang pumigil sa kamay niya. But I'm not thankful because it's Enzo. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Enzo. He's really evil.
"Jigger, tama na 'yan. Kailangan ko pa siya," seryosong sabi ni Enzo. Nagpapigil si Jigger at tumayo sa isang tabi. Tiningnan ako ni Jigger ng masama na tila nagsasabing humanda ako sa susunod na makakuha siya ng pagkakataon.
"It's sad that you're going against me. Why not be one of us? I'll give you power," nakangising sabi ni Enzo habang nakahalukipkip. I smirked. I didn't want to be one of them. I wanted my freedom, our freedom.
"I don't want to be a devil like you," mariing sagot ko. Natawa si Enzo nang malakas.
"And now you're calling me a devil? Hindi ka ba nag-aalala sa maaaring mangyari sa kapatid mo?" naghahamong tanong ni Enzo. Natahimik ako pero tiningnan ko siya ng masama. Gusto kong sunugin si Enzo pero hindi ko magawa dahil sa iron handcuffs na pumipigil sa ability ko. I gritted my teeth.
"Mukhang mahihirapan akong kontrolin ka ngayon," napapailing na wika ni Enzo pero bigla itong napangisi. "But I know a better way to control you now."
"Don't you dare touch my sister!" sigaw ko. Natawa si Enzo ng nakakaloko. "Of course I won't do that. She's still useful to me."
Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. I felt the urge to kill Enzo right now. I looked sharply at him. Pinilit kong kumawala sa iron handcuffs pero ako lang ang nasasaktan. Tumatawa lang si Enzo. "What are you planning to do?" galit na sigaw ko.
"I'll alter your memory. Ihanda mo na ang sarili mo dahil tiyak na hindi mo na sila maaalala pa. Titiyakin ko na ako lang ang kikilalanin mo. Sayang naman ang kapangyarihan mo kung hindi ko mapapakinabangan," mala-demonyong sagot ni Enzo.
"Damn you, devil! I'm gonna kill you!" sigaw ko nang lubusang maintindihan ang binabalak niya. Lumabas ng selda si Enzo habang malakas na tumatawa, kasunod si Jigger. Nagpupuyos ako sa galit. Jigger locked the cell.
"She'll be here in an hour. She's the memory manipulator. Just wait patiently, Clauss," natatawang pahabol ni Enzo.
"Damn you!" galit kong sigaw kay Enzo. Narinig ko ang malakas na pag-echo ng tawa niya sa buong pasilyo ng underground cell. Nanlumo ako. I suddenly want to cry. Iniisip ko sina Claudette at Xyra. I am helpless and useless right now. I screamed in anger. I want to kill Enzo and get out of here.
Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko nang may nagsalita sa katapat na selda. Nalipat ang atensiyon ko sa lalaking naka-kadena ang buong katawan habang nakaposas ang mga kamay at paa. May bahid ng dugo ang kasuotan niya. Ang mukha at braso niya ay may sugat at hiwa pero mukhang malakas pa rin siya. Nakikisimpatyang tumingin siya sa 'kin.
"Sino ka?" mahinang tanong ko.
"George Buenafuerte. But it's not the time for this friendly introduction. Makakalimutan mo rin naman ako," napapailing at natatawang wika niya. Napakunot-noo ako. "Buenafuerte?" takang sambit ko.
"Yes, any problem?" tanong niya sa 'kin.
"By any chance, do you know Xyra Buenafuerte?" umaasa kong tanong. Saglit siyang nagulat pero napalitan din ng kalungkutan.
"Yes, she's my daughter. How come you know her?" malungkot niyang tanong. Nagulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin sa ama ng babaeng mahal ko. I bit my lips. Pakiramdam ko ay umurong bigla ang dila ko.
I kept quiet for a minute. I was trying to find the right words to say. When I finally found my voice, I spoke softly. "She's a special girl I met in WMA. She's someone I don't want to forget, someone I'm afraid to lose and hurt," sagot ko, at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata. Napatungo ako. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang ama ni Xyra.
Mahinang natawa ang ama ni Xyra. "So, to make it short, you love my daughter?" tanong niya. Napaangat ako ng tingin para tingnan siya sa mga mata. "Yes, I do love her. At natatakot ako sa maaaring mangyari sa 'kin ngayon," nanlulumong sagot ko.
Xyra's father smiled at me and spoke assuringly. "You don't have to be afraid or even worry, young man. Even if you lose your memory, you still have your heart. No one can ever alter or change your heart's content. Kahit dumating pa sa puntong hindi mo na makilala ang sarili mo, hindi pa rin nito mababago ang laman ng puso mo."
I bit my lower lip. I do hope my heart would help me survive. I really want to cry this time. I have never been this weak and helpless in my entire life. I couldn't imagine life without my memories. It's too dark and too sad.
May narinig akong mga yabag na papalapit sa selda namin. Isang babaeng nakasuot ng black cloak ang tumigil sa harap ng selda ko. Inalis niya ang hood na nakatakip sa ulo niya at binuksan ang selda. Naaawang tumingin siya sa 'kin pero nawala rin ang emosyon mula sa mukha niya. I want to run and hide. I am afraid but I couldn't do anything about it.
"I'm sorry. I'm going to check your memory before altering it. Hindi ko dapat galawin ang mga techniques mo sa pakikipaglaban. 'Yon ang kailangan ni Enzo sa 'yo. He needs your power," seryosong wika ng babae. Itinaas niya ang kamay na halos katapat ng ulo ko. Napapikit ako nang mariin. Gusto kong magwala pero hindi 'yon makakatulong. Naglandas ang luha sa mga mata ko. I'm helpless.
"Nakapanghihinayang. These memories are like treasures to you, right?" mahinang wika ng babae. Nagtatakang nagmulat ako at tumingin sa kanya. Malungkot siyang ngumiti bago nagsalitang muli. "But, I still have to do this. You have to suffer, but I assure you you'll find your way out."
Napapikit ako nang maramdaman ang kakaibang puwersa na humihigop sa mga alaala palabas sa isip ko. Napangiwi ako at napasigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Pinagpawisan ako at halos magwala na dahil tila binibiyak sa sakit ang ulo ko. Unti-unting nawawala ang mga alaala ko. Unti-unting naglaho ang mukha ni Xyra. Sunod-sunod pang naglaho ang iba't-ibang mukha mula sa memorya ko. Maging ang mukha ni Claudette ay nawala rin.
Gusto kong iuntog ang ulo sa pader dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. I screamed so loud that my screams echoed inside the underground cell. I felt that my brain was absorbing something. May pumapasok na bagong alaala sa utak ko. Nakaramdam ako ng matinding pagod. Unti-unting nawalan ako ng malay. It's totally dark. I hope that I'll be brought back to light again.
XYRA
Dumiretso ako sa opisina ni Bryan, kasunod nina Baby Clauss at Baby Xyra. Hiwalay ang opisina niya kay Mr. Williams kaya hindi na ako nahiyang kausapin siya.
"Bryan, about Clauss and Selene... I found out they're from the Dark Wizards. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" diretsong tanong ko kay Bryan pagpasok sa opisina niya. Hindi inaasahan ni Bryan ang tanong ko. Itinuro niya ang upuang nasa harapan at sinabing umupo ako. Sinunod ko siya. Sina Baby Clauss at Baby Xyra naman ay palipad-lipad lang.
"I'm sorry if I didn't tell you earlier. Ayaw kong magkaroon ng dahilan upang magalit ka kay Clauss," sagot ni Bryan habang nakatingin sa 'kin.
"Why? Ano ngayon kung magalit ako sa kanya?" takang tanong ko.
"I knew that you have the potential to change him. Kailangan natin ang kapangyarihan niya. Hindi siya maaaring mapunta sa Dark Wizards kaya hinayaan kong mapalapit siya sa 'yo," paliwanag niya.
"What? You're insane! Your plan didn't work at all! He's now back on the Dark Wizard's side!" malakas kong sigaw.
"Calm down. He needed to go back because of his sister. He's on our side, secretly. Inutusan ko siyang bantayan lahat ng kilos at plano ng mga Dark Wizards para makapaghanda tayo sa mga masama nilang binabalak," seryosong wika ni Bryan. Natahimik ako. Delikado ang gagawin ni Clauss. Mapapahamak siya kung malalaman ito ng mga Dark Wizards.
"I need to go there!" wika ko. Napatayo ako sa kinauupuan. Akmang aalis na ako pero napigilan ako ni Bryan sa braso.
"Stop! Ipapahamak mo lang ang sarili mo! Ipaubaya na natin kay Clauss ang bagay na 'to. Kilala niya ang mga Dark Wizards. Hindi ka makakatulong. May tamang panahon para sa lahat. Huwag kang padalos-dalos," mariing utos ni Bryan. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko kayang maging kalmado lalo't alam ko na maaaring mapahamak si Clauss at maging si Dad. Pilit kong inalis ang pagkakahawak ni Bryan sa braso ko pero hindi ako makawala. Nakikipagsukatan siya ng tingin sa 'kin.
Napalingon kami kay Baby Clauss dahil sa pag-ungol nito nang malakas. Lumilipad ito nang mabilis at tumatama sa mga pader habang nagwawala. Nataranta ako sa ginagawa nito. Agad akong binitiwan ni Bryan para pigilan si Baby Clauss sa pagwawala. Bumubuga ito ng apoy kung saan-saan. He's roaring loudly like he is hurting somewhere. Ibinabangga nito ang sarili sa pader dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman.
Lumipad ako para pigilan ito at yakapin. Habang yakap ko si Baby Clauss, pilit itong kumakawala at nagpupumiglas. "Ano'ng problema?" natatarantang tanong ko. Patuloy ito sa pagbuga ng apoy at pagwawala kaya lalo ko itong niyakap nang mahigpit. Natataranta na rin si Baby Xyra na paikot-ikot sa kanila. Napalingon ako kay Bryan. "Something bad is happening to Clauss," nag-aalalang sambit niya.
Natauhan ako. Baby Clauss is connected to Clauss. Iniutos ni Bryan na bitiwan ko si Baby Clauss dahil masasaktan lang ako. Ang dami ko nang natamong paso mula sa apoy na ibinubuga nito. Sinunod ko siya.
Suddenly, a shadow pinned Baby Clauss to the wall. Pinipilit pa ring makawala ni Baby Clauss. Nagwawala ito kahit hirap na hirap at pagod na pagod na. Malakas na napapaungol ito sa sakit. Napaiyak ako sa nakikita at napatakip ng bibig.
Ano'ng nangyayari sa 'yo, Clauss? Please hold on, naisip ko.
Ilang minuto ang nakalipas bago tumigil si Baby Clauss sa pagwawala. Baby Clauss looked at me with tearful and lifeless eyes. Pumikit si Baby Clauss at nawalan ng malay. Kinabahan ako. Is he dead? Nagmamadaling lumapit ako sa kanya. Inalis na ni Bryan ang anino na pumigil kay Baby Clauss kanina. Sinalo ko si Baby Clauss at niyakap. I checked if he's still alive. He's barely breathing. Lalo akong napaiyak.
Tumingin ako kay Bryan. "Kaya ba siyang pagalingin ng mga healing candies? He's out of breath!" natatarantang sabi ko, pero malungkot na napailing si Bryan.
"His life force depends on Clauss. I'm sorry. If he dies then that means Clauss is already gone," he said.
Umagos ang masaganang luha sa mga mata ko. Naaasar ako dahil pinag-aalala ako ni Clauss. Mahigpit na niyakap ko si Baby Clauss. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakikita si Clauss. I badly want to know what happened to him!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com