Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32: Dark Wizard's Move

CLAUSS

Linggo. Nagising ako na masakit ang ulo. Nakahiga ako sa kama. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko. Nakatitig ako sa puting kisame at pinakikiramdaman ang sarili. Pakiramdam ko ay may mali sa 'kin. Napalingon ako sa bumukas na pinto. Isang babae ang pumasok. Halata sa mukha niya ang pag-aalala pero hindi ko siya kilala.

Nagmamadali siyang lumapit sa 'kin. "Clauss, ayos ka lang ba? Ano'ng ginawa nila sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya. Napakunot-noo ako. Hindi ako sumagot pero pilit kong kinikilala ang babae. Ang tanging kilala ko lang ay sina Enzo at Jigger na mga kaibigan ko.

Suddenly, something entered my mind. Pakiramdam ko, mali nang maisip kong kaibigan ko sina Enzo. Ipinilig ko ang aking ulo. Imposibleng may mali dahil base sa pagkakatanda ko, sila ang nagligtas sa 'kin. Miyembro ako ng Dark Wizards. Utang ko ang buhay ko kina Enzo kaya nangako akong tutulong sa kanila. I also shared good memories with them. Nagtatakang tumingin ako sa babae.

"Clauss?" takang tanong niya.

"Sino ka?" kunot-noong tanong ko. Halata ang pagkabigla sa mukha niya.

"Ano ba'ng sinasabi mo? It's me! Selene! Huwag ka ngang magbiro! Hindi bagay sa 'yo," natatawang sabi niya, pero kinakabahan.

"Hindi kita kilala," seryosong sabi ko. Bumangon ako sa kama. Ramdam ko ang pagsakit ng katawan. Hinilot-hilot ko ang balikat ko. Napalingon ako sa babaeng nasa gilid dahil sa biglang paghikbi niya. Napatakip siya sa bibig at napaiyak.

"Why are you crying?" takang tanong ko. Wala naman akong masamang ginawa sa kanya.

"Hindi mo talaga ako naaalala?" humihikbing tanong niya. Umiling ako. Lalong lumakas ang pag-iyak niya at napaupo siya sa sahig. Tumayo ako at lalabas sana ng kwarto dahil hindi ako interesado sa pagdadrama niya pero napatigil ako sa paglalakad nang sumigaw siya nang malakas.

"Si Xyra, naaalala mo ba? Mahal mo siya, 'di ba? Si Claudette, kapatid mo siya kaya imposibleng makalimutan mo siya! Tiyak naaalala mo sila! Tama ba ako?" sigaw niya sa pagitan ng pag-iyak. Tila may kumurot sa puso ko sa narinig. Naramdaman ko na nabasa ang pisngi ko. Nagtatakang pinahid ko ang nabasang pisngi. Napagtanto ko na may tumulong luha pala mula sa mata ko.

The names she mentioned somehow ring a bell but I couldn't remember anything, even the girl crying behind me. "I'm sorry but I don't remember them. Kung gumagawa ka ng kwento, tigilan mo na. Hindi ko alam kung paano ka napunta sa Dark Wizards Academy pero pwede ba, huwag mo akong guluhin?" wika ko bago lumabas sa kwarto.

Pakiramdam ko ay may mali. Nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan. Nagtuloy-tuloy ako sa garden at umupo sa isang bench. Inilibot ko ang paningin. Napansin ko ang isang singsing sa kaliwang kamay ko. Nagtatakang pinagmasdan ko 'yon. Hindi ko matandaan kung saan ko nakuha ang singsing.

Napaigtad ako nang may magsalita mula sa likuran. Nilingon ko ang nagsalita. Si Jigger 'yon. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Maayos na," seryosong sagot ko. I remember him as a friend but it's funny that I don't feel that way right now. Tila mabigat ang loob ko kay Jigger pero hindi ko alam kung bakit. Tumango siya sa sagot ko at ngumisi.

"Pumunta ka sa office ni Enzo. May sasabihin siya sa 'yo," sabi niya bago naglakad palayo. Napabuntong-hininga ako. Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang may kulang. Did I miss something? Napatingin ako sa gold ring na nasa kamay ko. Sa tingin ko ay may nakalimutan talaga ako. Tumayo ako at dumiretso na sa opisina ni Enzo.

XYRA

Halos hindi ako nakatulog sa pagbabantay kay Baby Clauss. Iyak ako nang iyak. Kinakabahan ako kung ano na ba ang nangyari kay Clauss. Kaninang umaga, nagkamalay na si Baby Clauss. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito kapag tumitingin sa 'min at tila pagod na pagod. Hindi rin ito nakikipaglaro kay Baby Xyra. Malungkot ito pero masaya ako dahil nagkamalay na siya. Sigurado na akong buhay si Clauss. Pero kinakabahan ako sa ikinikilos ni Baby Clauss.

Pumunta ako sa canteen upang bumili ng pagkain. Ayaw akong payagan ni Bryan na umalis sa academy dahil delikado. Hindi pa rin kami nakakakuha ng impormasyon tungkol kina Troy at Xavier. Hindi sigurado si Bryan kung nahuli na ba ang mga ito o hindi pa.

Napagkasunduan naming ibigay na kay Akira ang green at brown magical rings. Kung sakaling sumugod ang mga Dark Wizards ay maaari maibigay ni Akira ang green magical ring kay Selene. Nasa pag-iingat ko naman ang magical ring ni Clauss. Mababaliw na yata ako sa kaiisip kay Clauss.

Pagpasok ko sa kwarto, natutulog na magkatabi sina Baby Xyra at Baby Clauss. Wala akong napapansing kakaiba kay Baby Clauss kundi ang pagiging malungkutin nito. Napabuntong-hininga ako. Ginising ko ang dalawa para pakainin. Kumain din ako saglit pero tumuloy ako sa training room pagkatapos. Hindi ko dapat sayangin ang oras nang walang ginagawa. Kailangan kong maging mas malakas para mailigtas ang mga mahal ko sa buhay.

CLAUSS

Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Nakita ko ang isang babaeng kausap ni Enzo. Nakasuot ito ng black dress. Mahaba ang itim at tuwid na buhok nito. Napakunot-noo ako dahil ngayon ko lang nakita ang babae. Napalingon sila sa 'kin. Walang emosyong nakatingin sa 'kin ang babae.

"Mauna na ako," paalam nito kay Enzo. Tumango si Enzo. Nabalutan ng itim na usok ang babae at naglahong parang bula.

"Sino siya?" takang tanong ko. Natawa si Enzo. "Hindi na mahalaga kung sino siya."

Napakunot-noo ako pero hindi na ako nagtanong. Naalala ko ang sinabi kanina ni Selene kaya nagtanong ako kay Enzo. "That girl named Selene said something I can't understand and remember."

"Really? Take your seat. Ano ang sinabi niya?" Enzo asked, amused.

Nagdalawang-isip akong sagutin ang tanong niya. I sat on the vacant chair but it felt weird. Parang hindi ko ito ginagawa dati. Hindi ako komportable.

"She said that I have a sister," sagot ko. Wala na akong balak sabihin pa kay Enzo ang ibang sinabi ni Selene. Natawa nang malakas si Enzo. "Don't mind her. Mahilig lang siyang gumawa ng kwento. Anyway, we've got work to do." Tumango ako.

"Susugod tayo sa Wonderland Magical Academy. We'll be preparing for the hunting season, two months from now," nakangising wika ni Enzo. Hindi ko maintindihan ang kakaibang nararamdaman. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Enzo.

"Wonderland Magical Academy? Hunting season?" takang tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng academy.

"Hindi ko ba nasabi sa 'yo? Ang WMA ang kalaban natin. Balak nila tayong ubusin kaya uunahan ko na sila. Ang sinasabi kong hunting season ay ang pagtugis at paghuli sa mga power users ng WMA. Pero may tatlo sa kanila ang kailangan ko ng buhay," nangingiting wika ni Enzo.

"You need to bring the two elemental power users and the shadow controller here. Huwag kang mag-alala, may mga katulong ka sa misyon. Isa na si Jigger," dagdag niya.

"Elemental power users?" tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"The earth and air power users. I need them to obtain complete and great power," nakangising sagot ni Enzo. Lihim akong nainis pero hindi ko alam ang dahilan.

"Will you do it for me? For your savior?" nakangising tanong ni Enzo. Naguguluhan akong tumango. Yes, Enzo saved me from death so I need to follow him. Natuwa si Enzo sa pagsang-ayon ko. Wala akong makapang kasiyahan sa puso. It's empty. Naguguluhang tumayo ako at nagpaalam kay Enzo.

Bumalik ako sa kwarto ko. Wala na si Selene sa loob. I locked the door. Humiga ako sa kama. Itinaas ko ang kaliwang kamay para tingnan ang singsing. I felt there's something special about the ring. Gusto kong alalahanin kung saan ko ito nakuha pero walang pumasok sa utak ko. Nasapo ko ang ulo nang maramdaman ang pagkirot noon. I thought there's something really missing but I couldn't tell what it is.

XYRA

Isang buwan na ang lumipas. Habang nagsasanay ako, humahangos na tumakbo papasok sa training room si Akira.

"Xyra! May problema!" natatarantang sigaw ni Akira. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya. Gusto ko ring mataranta sa itsura niya.

"Si Mr. Williams! Ibang tao!" sigaw na naman niya. Hindi ko nakuha ang sinasabi niya. Ano'ng ibang tao?

"Huminahon ka nga!" sabi ko. Lumapit ako kay Akira para pakalmahin siya. "Huwag kang sumigaw, okay? Hindi ako bingi!" natatawang wika ko habang hawak ang magkabilang pisngi niya. Nakita ko ang paglunok niya na tila natigilan. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"A-ano k-kasi..." nabubulol niyang wika. Natawa ako at binitiwan na ang mukha niya.

"Ano ba ang nangyari?" takang tanong ko. Tumingin siya sa 'kin bago malumanay na nagsalita. "May nagpapanggap na Mr. Williams. Nakita ko siya nang magpalit siya ng anyo bilang Mr. Williams. Hindi ako sigurado. Naguguluhan din ako sa nakita ko."

Natawa ako. "Baka namamalikmata ka lang." Sunud-sunod na pag-iling ang ginawa niya. "Nakita ko talaga! Maniwala ka!"

Napakunot-noo ako. Kung totoo ang sinasabi niya, nasa panganib kami!

"Sinabi mo na ba kay Bryan?" tanong ko. Umiling siya at sinabing ako pa lang ang pinagsabihan niya.

"Manmanan natin siya para makasiguro tayo," suhestiyon ko. Pumayag si Akira. Mababaliw na ako sa mga nangyayari saloob ng academy. Nahihirapan na akong hulaan kung sino ba talaga ang kalaban o kakampi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com