Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35: Caught

THIRD POV

It's been months since Xavier went to DWA. Hindi pa rin niya nakikita si Felicity at si Troy. Now he's running for his life because he is being chased by the Dark Wizards. He's secretly sneaking inside their kitchen for food every night but the cook found out. Halos sampung tao ang humahabol sa kanya. Marami siyang nababanggang estudyante pero wala siyang pakialam. Hindi siya maaaring mahuli.

Nasa fifth floor na siya ng DWA. Hindi pa rin tumitigil ang mga humahabol sa kanya. Ginagamitan siya ng mga ito ng magical powers pero hindi tumatalab dahil sa invisible nullification shield na bumabalot sa buong katawan niya. Nagtaka siya sa napansing malaking iron double door at matibay na pader ng isang kwarto. Hindi pa niya ito napapasok. Lumiko siya sa isang pasilyo at agad na umakyat sa bintana. Hindi siya nakita ng mga sumusunod sa kanya. He swung his body and jumped on the roof to hide. Narinig niya ang sigawan ng mga humahabol sa kanya dahil bigla siyang nawala. Narinig niya ang yabag ng mga ito palayo.

Marahan siyang naglakad sa bubong upang hindi makagawa ng ingay. May nakita siyang tower sa dulo na may nag-iisang bintana kaya naglakad siya papunta roon. Iniisip niya kung papasukin niya ang tower o hindi. May nakita siyang isang babae na dumungaw sa bintana kaya nagtago siya sa gilid ng pader ng tower upang hindi siya makita nito. Sinilip niya ang mukha ng babae.

Ito ang babaeng nagligtas sa kanya kay Jigger nang makaengkwentro niya ito noon sa North Mountain. Sinabi nito na hindi siya ang heaven power user kahit alam niyang siya ang nagtataglay ng kapangyarihan ng god of nothingness. He remembered that she could read people's minds. Maaari siyang matulungan nito. Umalis ito sa bintana. Hindi na siya nagdalawang-isip na tumalon sa bintana ng tower at pumasok sa loob. Mababakas ang matinding gulat sa mukha ng babae nang makita siya. Wala itong kasama sa loob.

"Sino ka?" takang tanong nito. Napakunot-noo ito na tila naalala na siya. "Wait! Ikaw ang heaven power user, right? The guy from the North Mountain!" she exclaimed.

"Yes, that's me, Xavier Montaverde. And thanks for helping me back then," he said sincerely. Hindi niya alam kung bakit nagtitiwala siya sa babaeng ito kahit miyembro ito ng Dark Wizards. Siguro dahil iniligtas siya nito at hinayaang makatakas mula kina Jigger.

"You shouldn't be here! Mapapahamak ka lang sa mga Dark Wizards!" inis na wika nito. Napangiti siya dahil nag-aalala ito sa kanya. Naalala niyang hindi pa niya ito kilala. He was about to ask her but she already answered the question he had in mind.

"It's Claudette Park. At hindi ako nag-aalala sa 'yo," hindi makatinging wika nito sa kanya. Hindi magiging maganda kung mababasa nito lagi ang iniisip niya. He shielded his mind using his nullification power. Napasimangot si Claudette dahil hindi na nito mabasa ang iniisip niya. Napangisi siya sa itsura nito.

"Bakit mag-isa ka lang dito? Kilala mo ba si Clauss?" takang tanong niya. Napakunot-noo si Claudette.

"He's my brother. How did you know him? I have been held here for almost eight years. Hostage ako ng mga Dark Wizards para mapasunod nila si Kuya Clauss," malungkot na sagot nito. Naikuyom niya ang kamao. Sobrang sama talaga ng mga Dark Wizards!

"Clauss is my friend. I'm here for my sister, too. Bihag siya ng mga Dark Wizards. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin," he said, frustrated. Umupo si Claudette sa kama. Ang tagal na niya sa DWA pero wala siyang nakuhang clue kung nasaan ang kapatid nito.

"Maybe, she's held in the underground cell," she said. Nagtatakang napalingon siya rito. Muli itong nagsalita. "Hindi ko alam kung nasaan ang hidden switch ng underground cell. Siguro, pwede kang manakot ng isa sa mga Dark Wizards para makakuha ng impormasyon."

He had to do something. Ngayon, may kaunting ideya na siya kung nasaan ang kapatid niya. Tiningnan niya ang pinto ng tower. Gawa ito sa bakal upang matiyak na hindi makakatakas si Claudette.

"I need to find her as soon as possible. I think I have to go," determinadong wika niya. Malungkot na ngumiti si Claudette. Nagdalawang-isip siya kung isasama ito. Mas madaling kumilos kung mag-isa pero hindi niya ito kayang iwan. Kapatid ito ni Clauss na kaibigan niya. But that's not the real reason why he's hesitating to leave her alone. When he first saw her, she already caught his attention. He felt the urge to protect and save her. He knew that she's not happy here and he needed to do something. Isa lang ang naiisip niyang paraan upang maprotektahan ito – ang isama ito sa pag-alis niya.

"W-Will you come with me?" he faltered a bit. Hindi inasahan ni Claudette ang alok niya.

"But why? Hindi mo ako kilala," she asked, confused.

"You're Clauss' sister," he answered. Hindi talaga ito ang gusto niyang isagot. Masyado kasing mabilis kung sasabihin niya ang kakaibang nararamdaman. Napasimangot ito sa sinabi niya. "No need. I can wait for my brother to save me. Ayaw kong maging pabigat sa 'yo," she said. She's being stubborn. Nahihirapan siyang sabihin ang totoo pero kung ganito katigas ang ulo ng kapatid ni Clauss, wala na siyang pagpipilian.

"Damn! How shall I say this? I want to protect and save you! Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang nararamdaman ko! Can't you just come with me?" he asked, frustrated. He couldn't find the right words to say. Namula ang mukha ni Claudette sa sinabi niya at halatang pinipigilan ang pagngiti. Napakagat-labi ito at napatungo.

"Fine! Then let me help to find your sister," mahinang wika nito.

"That's better," he grinned. Lumapit siya rito at inilahad ang kamay na ipinagtaka nito. "Let's go?" he asked. Tumango ito at tinanggap ang kamay niya. Naguluhan ito nang lumapit sila sa harap ng pintong bakal.

"Hindi tayo makakalabas gamit ang pinto. It's locked from the outside. You can't destroy that," she said. Ngumisi siya at binitiwan ang kamay nito. Pinatunog niya ang mga kamao at lumingon dito. "Watch me. You're not allowed to blink," he winked. She blushed. He boosted his strength and his body became as hard as steel. He started to smash the door. Nayuyupi ang bawat bahagi ng pinto na natatamaan ng mga suntok niya hanggang sa mabutas 'yon. Nakaawang ang mga labi ni Claudette nang lingunin niya. Napangiti siya. Hinila na niya ito palabas pero may dalawang guwardiya palang nagbabantay sa labas. Tumalsik ang dalawang guwardiya sa malakas na suntok niya at nawalan ng malay. Tumakbo sila pababa sa mataas at paikot na hagdan ng tower. Nakakahilo at nakakapagod.

Nang makababa na, may apat na guwardiyang nakakita sa kanila. Ginamitan sila ng magical powers pero hindi tumalab sa kanila dahil sa kapangyarihan niya. Sinugod siya ng apat kahit nagtataka ang mga ito. Suntok at sipa ang inabot ng mga ito sa kanya. Hinila niya si Claudette para tumakbo palayo at tumakas. Nagtago sila sa malagong halamanan sa garden. Hindi sila pwedeng tumakbo sa loob ng academy lalo na't kasama niya si Claudette.

~~~

Troy disguised himself and pretended to be one of the Dark Wizards. He's wearing the black cloak of the Dark Wizards. He's doing his best to hide his face from them. Nagtaka siya nang makita si Wanda na malayang naglalakad sa loob ng academy. Ano'ng ginagawa nito sa DWA? Pasimpleng sinalubong niya ito sa paglalakad at hinila papasok sa isang walang taong classroom. Nagulat ito sa ginawa niya at pumalag. Tumigil din ito agad nang makilala siya. Nakakunot-noo siya kay Wanda. Marami siyang gustong itanong.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" sabay nilang tanong sa isa't-isa. Napangiti siya maging si Wanda pero agad ding sumeryoso.

"I'm here for Felicity. Nakuha siya ng mga Dark Wizards. Ikaw?" wika niya. Naging malikot ang mga mata ni Wanda. Tila gustong iwasan ang tanong niya. Nagtataka siya sa ikinikilos nito.

"I'm sorry. I'm one of the Dark Wizards," mahinang pag-amin nito habang nakatungo. Napahigpit ang hawak niya sa pulsuhan nito nang maintindihan ito. Gusto niyang magalit pero hindi ito ang tamang oras para sa galit niya. Nag-isip siya. Kayang-kaya niyang takutin si Wanda para mapasunod ito.

"Very timely," he grinned, evilly. Kinabahan si Wanda dahil sa itsura niya. He couldn't blame her. He's going to use her as a guide to find Felicity. She'll be dead if she disobeyed him. Her life will be over if she tried to betray and trick him.

~~~

XYRA

Pagkagising, namalayan ko na nakahiga na ako sa malamig na semento. Nakaposas pa rin ang mga kamay ko. Nagtatakang iginala ko ang paningin sa buong paligid. Wala na si Clauss at nasa loob ako ng isang kulungan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Dinala pa rin ako ni Clauss sa DWA. Gusto kong magalit at maasar sa kanya. Gusto kong malungkot at umiyak. Wala akong magawa dahil sa iron handcuffs na pumipigil sa kapangyarihan ko.

Gusto kong magwala pero tiyak na mauubos lang ang lakas ko. Napatingin ako sa selda na katapat ng kulungan ko. Isang pamilyar na mukha ng lalaki ang nakita ko. Duguan siya at walang malay. Hindi ko alam kung humihinga pa ba siya. Tumulo ang luha ko. Nanginginig ang katawan na lumapit ako sa rehas ng selda.

"D-Dad!" naiiyak at nanginginig na sigaw ko sa lalaking nakagapos. Hindi siya gumagalaw na waring hindi narinig ang pagtawag ko. Hindi siya nagmulat ng mga mata kaya lalong lumakas ang naramdaman kong kaba. Hindi ko matatanggap kung mamamatay ang aking ama. Hindi ko kaya.

"Dad! Gumising ka! Dad!" sigaw kong muli. Umaasa akong maririnig niya at magmumulat ang mga mata. Naaasar na kinalampag ko ang rehas habang patuloy sa pag-iyak. Hinampas-hampas ko ang rehas gamit ang mga nakaposas na kamay pero hindi pa rin siya nagigising.

Nanghihinang napadausdos ako paupo sa sahig. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, bibigay na ako. Tinatakasan na ako ng pag-asa. Patuloy sa pagdaloy ang masaganang luha mula sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw ng malakas! Napapagod na napasandal ako sa rehas ng selda. Hindi ko na napigil ang sarili na mapahagulgol nang malakas. Ilang minuto ang nakalipas, natigilan ako sa biglang nagsalita.

"X-Xyra?" nahihirapang wika ni Dad.

Agad akong lumingon sa ama at napatayo.

"Dad!" tawag ko sa ama. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko. Saya dahil buhay siya at lungkot dahil sa kalagayan niya. Halatang pinahirapan siya dahil sa mga pasa at sugat sa katawan. Maging ang damit na suot niya ay halos magkulay dugo na.

Ngumiti ang ama ko sa 'kin pero malungkot at pilit ang ngiting 'yon. Naiiyak ako sa sitwasyon namin ngayon. Sana may dumating para tulungan kami. Sana hindi nahuli sina Akira at Bryan.

"P-Pasensiya ka na kung pati ikaw n-nadamay pa. K-kasalanan ko..." nahihirapang wika ni Dad. Napailing ako.

"Hindi niyo po kasalanan. Huwag niyo nang piliting magsalita dahil baka po makasama pa sa inyo. Kaya ko ang sarili ko kaya magpahinga na po muna kayo," matatag na sabi ko para hindi mag-alala si Dad. Ayaw kong dagdagan pa ang iniisip niya. Masaya na akong malaman na buhay siya. Ngayon, ang kailangan kong isipin ay kung paano kami makakalabas dito at kung paano tatanggalin ang posas namin.

Ngumiti si Dad at marahang pumikit. Naupo ako sa isang tabi at pinagmasdan siya. Nakakaawa ang itsura niya. Pinahid ko ang luha. Kailangan kong magpakatatag para sa ama. Para mailigtas siya. Sana matapos na ang kasamaan ng mga Dark Wizards. Sana matapos na ang walang kabuluhang laban sa pagitan ng mga power users.

Tumayo akong muli at sumilip sa labas ng rehas. Pilit kong iginala ang paningin sa lugar na kinaroroonan. Nagbabaka-sakaling may maligaw na susi kung saan o kung anumang bagay na maaaring makatulong para makatakas kami, pero bigo ako. Wala akong nakitang kahit ano kundi ang mga bantay na nasa gilid. Hindi ko rin masilip nang maayos ang kinaroroonan. Napabuntong-hininga ako. Umupo ako sa isang tabi at naghintay ng tulong.

CLAUSS

Dinala ko pa rin si Xyra kay Enzo habang natutulog siya kahit nagtatalo ang isip ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang iharap ko si Xyra kay Enzo. Gusto kong bawiin si Xyra pero huli na dahil nadala na siya sa underground cell at hindi na ako pinasama sa loob.

Gusto kong puntahan si Xyra pero magagalit si Enzo kapag pumasok ako sa underground cell nang walang paalam. Naglakad ako sa garden na nasa likod ng Dark Wizards Academy habang nag-iisip.

Umupo ako sa isang bench. May narinig akong sumisitsit sa 'kin. Lumingon ako sa paligid pero wala akong makitang kahit sino. Inisip kong guni-guni lang iyon kaya ipinagwalang-bahala ko. Tumitig ako sa singsing na nasa kamay na tila kumikinang.

Narinig ko na naman ang malakas na pagsitsit mula sa isang malagong halamanan. Nagtatakang itinutok ko ang paningin doon. May tumawag sa pangalan ko pero mahina lang. Takang lumapit ako sa malagong halamanan para kumpirmahin ang naririnig ko nang biglang may humila sa 'kin papasok sa halamanan. Nadala ako sa likod ng halamanan kaya napasubsob at nauntog ako sa isang babae.

"Kuya Clauss!" masayang bati ng babae sabay yakap sa 'kin nang mahigpit. Hindi niya ininda ang sakit ng pagkakauntog namin. Napakunot-noo ako at hindi sinasadyang naitulak ko siya palayo. Hindi ko siya kilala. Takang napatingin sa 'kin ang babae. May kasama siyang lalaki na nagtatakang nakatingin sa 'kin.

"May problema ba, Clauss?" takang tanong ng lalaki.

"Sino kayo?" nalilitong tanong ko sa kanila.

"Nagbibiro ka ba?" natatawang tanong ng lalaki samantalang matiim na nakatitig sa 'kin ang babae. Hinawakan ng babae ang braso ng lalaki at napailing.

"Sa tingin ko hindi siya nagbibiro. Hindi niya tayo kilala. Nababasa ko sa isip niya," mahina at mangiyak-ngiyak na wika ng babae. Hindi ko sila maintindihan.

"What? Paano'ng nangyari 'yon?" naguguluhang tanong ng lalaki. Napatigil ang lalaki sa pagtatanong at sumilip sa mga siwang na nasa halamanan. Narinig ko ang mabibigat at nagmamadaling mga yabag na papunta sa garden. Aalis na sana ako para tingnan kung bakit nagkakagulo pero pinigilan ako ng lalaki samantalang tinakpan ng babae ang bibig ko.

"Huwag kang maingay, kuya Clauss. Mamaya sasapakin kita para makaalala ka na," bulong niya sa 'kin. Pinigilan ako ng lalaki sa gagawin sanang pagwawala. Pinili ko na lang tumahimik habang nakakunot-noo pa rin. Mula sa likod ng halamanan ay may narinig akong nag-uusap. Nakasilip ang mga kasama ko sa kanila.

"Nasaan na? Hanapin niyo! Malilintikan tayo sa Master! Hanapin niyo kahit saan!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Nagmamadaling yabag palayo ang narinig ko. Napansin ko ang malalim na paghinga ng dalawa. Inalis na ng babae ang pagkakatakip sa bibig ko at tumingin sa 'kin.

"I'm Claudette Park, your sister, and this is Xavier. Ano ba naman kuya Clauss! Alalahanin mo nga! Patay talaga sa 'kin ang Enzo na 'yan kapag nakita ko siya! Titirisin ko siya ng pinong-pino! Pati ba naman alaala mo pinakialaman niya?" nanggigigil na saad niya habang inaalog ang balikat ko. Nakakatawa ang itsura niya dahil sa pagkunot ng noo at nanggigigil na ekspresiyon na nakarehistro sa mukha niya.

"Hey! Dahan-dahan sa pagsasalita. Baka may makarinig sa 'tin. Mahuli pa tayo," saway ni Xavier kay Claudette. Napasimangot si Claudette at tinapik-tapik ang mukha ko na parang ginigising ako. Pinigilan ko ang mga kamay niya sa ginagawa. Sasakit ang ulo ko kung pipilitin kong alalahanin siya. Pero magaan ang loob ko sa kanya.

"Hindi ko talaga kayo kilala," sabi ko, at akmang tatayo pero pinigilan nila ako. Hindi ako hinayaang makatayo.

"Alam mo, gamitin mo kaya ang puso mo! Hindi palaging isip ang tama! May nararamdaman ka bang masama kapag kasama mo kami? Ano ka ba?! Nababasa ko ang isip mo kaya hindi ka makakaligtas sa 'kin!" naaasar na wika ni Claudette. Alam kong may mali pero ang tanging pinanghahawakan ko lang na katotohanan ngayon ay ang mga alaala ko.

"Wala akong kapatid!" asar na sigaw ko na saglit kong ikinabigla. Natigilan si Claudette at napaiyak. Nainis ako sa sarili na hindi ko maintindihan.

"Nakakainis ka!" sigaw ni Claudette. Napamura ako ng mahina at napahilamos sa mukha.

"Alam mo, tumahan ka na nga!" asar na utos ko. Ayaw kong makitang umiiyak siya. Naguguluhan na ako. Kapatid ko ba talaga si Claudette?

Tinitigan ako ng masama ni Claudette at umirap habang umiiyak. "You're so mean, kuya Clauss! Ang sama ng ugali mo! Iuntog kaya natin ang ulo mo sa pader? Baka sakaling makaalala ka na!" Hinawakan niya ang ulo ko na akmang iuuntog sa pader. Agad ko siyang pinigilan dahil baka totohanin niya ang balak gawin.

Naaasar na tumingin sa 'kin si Claudette habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya. Bumaling siya kay Xavier. "May magagawa ka ba para makaalala siya?" tanong niya.

Umiling si Xavier. "Hindi ko na maibabalik ang memorya niya dahil wala na ito ngayon. At saka nullification kaya ang kapangyarihan ko. Hindi ko na mapipigilan ang isang bagay lalo na kung nangyari na."

Malungkot at naiinis na nilingon ako ni Claudette. "Pasalamat ka, wala kang maalala kung hindi sasapakin talaga kita!" naiiritang wika niya. She smirked. Gusto ko nang umalis.

"Hindi ka pwedeng umalis," mariing wika ni Claudette. Nakakaasar dahil nababasa niya ang iniisip ko.

"Hindi mo ako mapipigilan," saad ko. Naglabas ako ng apoy mula sa kanang kamay pero agad ding nawala iyon na ipinagtaka ko.

"I'm the heaven power user that's why your power is useless against me. As I said before, my ability is nullification which means I could nullify any magic power," paliwanag ni Xavier.

Naaasar ako sa kanila. "Ano ba ang binabalak niyo?" tanong niya. Ngumiti sila nang nakakaloko sa 'kin.

"Papasok kami sa underground cell para hanapin si Felicity na kapatid ni Xavier. Magbabaka-sakaling naroon siya. Alam kong alam mo ang daan," sabi ni Claudette. Napailing ako. Wala akong balak na tulungan sila.

"Hindi ka pwedeng tumanggi," sabi ni Claudette. Muli silang tumingin sa siwang ng halamanan. May narinig akong mga yabag kaya sumilip din ako. Dalawang lalaking nakasuot ng black cloak ang naglalakad sa garden.

"Ako na ang bahala sa kanila," wika ni Xavier, sabay labas sa pinagtataguan. Nagtaka ako sa ginawa niyang paglabas. Sinugod ni Xavier ang dalawang lalaki na nabigla sa pagsulpot niya. Pinagsusuntok at pinatulog niya ang dalawang lalaki. Hinila ni Xavier ang mga katawan nila sa likod ng halamanan. Kinuha niya ang black cloak na suot ng dalawa. Ibinigay niya ang black cloak kay Claudette. Tinakpan nila ng hood ang kanilang ulo.

"Tara na," sabi ni Claudette sabay hila sa 'kin palabas sa halamanan. Nakayuko sila para hindi makita ang mga mukha. "Dalhin mo kami sa underground cell," wika niya.

"What? Hindi pwede!" wika ko. Tinitigan ako nang masama ni Claudette kaya napalunok ako. Nagtalo ang isip ko kung sasamahan sila o hindi.

"Huwag ka nang mag-isip!" inis na wika niya. Napabuntong-hininga ako. Sasamahan ko na lang sila. Bigla kong naalala si Xyra.

"Huwag mong sabihin na nandoon din si Xyra?" gulat na tanong ni Claudette. Napakunot-noo si Xavier. Binasa na naman niya ang isip ko. Hindi ko siya pinansin. Mababasa pa rin naman niya ang isip ko kahit hindi ko siya sagutin.

"Ano'ng naroon si Xyra?" takang tanong ni Xavier.

"Nasa underground cell si Xyra. Hindi ko pa siya nakikita pero siya ang someone special ni kuya Clauss. Inis na inis nga si Selene kay Xyra kasi nga gusto niya si kuya Clauss," paliwanag ni Claudette kay Xavier. Napakunot-noo ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.

Napansin ko ang singsing na nasa kaliwang kamay ko. Kumislap ito kaya pinagmasdan ko itong maigi. Namamalikmata ba ako? Hindi na kumislap pa ang singsing nang pagmasdan ko. Nagtatakang tingin ang ipinukol sa 'kin ni Claudette. Napatigil pala ako sa paglalakad nang hindi ko namamalayan. Tinitigan din ni Claudette ang singsing ko. Kinuha pa niya ang kamay ko. Akmang huhubarin ang singsing pero pinigilan ko. Iniiwas ko ang kamay sa kanya.

"Patingin!" wika niya. Napasimangot ako. Pati ba naman ang singsing ko pakikialaman niya?

"Kung gusto niyong pumunta sa underground cell sasamahan ko kayo pero huwag mo nang pakialaman ang singsing na nasa kamay ko," inis na wika ko. Napalabi si Claudette.

"Titingnan lang! Ang cute kasi. Saka, bakit ka may ganyan? Sino'ng nagbigay? Ay! Oo nga pala! Wala ka nga palang maalala. Sayang naman! Ang drama ng kwento mo, kuya Clauss. Akala ko madrama na ang sa 'kin pero mas matindi pala ang sa 'yo," napapailing na wika ni Claudette. Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Walang nakakapansin sa kanila dahil kasama ako at dahil sa black cloaks na suot nina Claudette at Xavier.

Nakarating kami sa dulo ng pasilyo. Takang napatingin sila sa 'kin. "Nasaan na ang underground cell? Wala nang madadaanan dito! Dead end na 'to!" naaasar na sigaw ni Xavier. Napailing ako. Pinag-iisipan ko kung tama ba ang gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com