Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36: Memories

CLAUSS

Itinulak ko ang brick na nagsisilbing switch ng secret passage papunta sa underground cell. Ang kulit kasi ni Claudette dahil paulit-ulit niyang sinasabi na huwag na akong mag-isip dahil hindi makakatulong, lalo na sa kalagayan ko ngayon. Ayon sa kanya, wala na ako sa katinuan.

Naglalakad na kami pababa sa hagdan. Napansin ko ang dalawang guwardiya na nagbabantay sa pinakaibaba ng hagdan. Bumulong sa 'kin si Claudette na hiramin ang mga susi at sabihing utos ni Enzo.

"Siguro patulugin na lang natin. It's better that way. Hindi na sila makakapagsumbong kung anumang kalokohan ang gagawin natin dito," suhestiyon ni Xavier.

Tahimik lang ako. Bakit ba isinasali nila ako sa plano? Akala ko kailangan lang nilang malaman kung nasaan ang underground cell? Lagot ako kay Enzo kapag nagkataon. Napailing ako habang naglalakad nang biglang umakbay si Claudette sa 'kin.

"It's okay. Sundin mo lang kami para hindi ka magsisi sa huli," seryosong wika ni Claudette. Inalis niya ang pagkakaakbay sa 'kin at tinapik ako sa balikat. "Ako muna ang sundin mo ngayon. Huwag ka munang gumamit ng utak dahil lalo ka lang malalason at maguguluhan. Gagawa tayo ng paraan para maibalik ang alaala mo," nakangiting dagdag niya. Napabuntong-hininga ako dahil wala naman akong magagawa. Malapit na kaming makarating sa pinakababa ng hagdan. Nakaharang na sa dadaanan namin ang dalawang guwardiya.

"Ako na ang bahala sa kanila," mahinang wika ni Xavier. Tumango si Claudette. Tumungo sina Xavier at Claudette at kalmadong naglakad pababa.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ng isang guwardiya. May hawak silang espada at handang lumaban anumang oras.

"May bibisitahin lang," sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nina Claudette. Napansin ko ang dalawang set ng susi na nakasabit sa kanang bahagi ng baywang ng lalaki. Iyon ang susi sa mga selda. Nagkatinginan ang dalawang guwardiya na tila nag-iisip kung papapasukin ba kami o hindi.

"Sino ang bibisitahin niyo? Hindi pinapayagan ni Enzo ang pagbisita ng kahit na sino sa underground cell," naghihinalang wika ng isang guwardiya. Lalong humigpit ang pagkakahawak nila sa espada. Biglang sumugod si Xavier sa dalawang guwardiya na ikinagulat ko. Si Claudette naman, kalmadong nanonood sa bawat kilos ni Xavier.

Lumingon sa 'kin si Claudette at napangiti. "You don't have to worry, kuya Clauss. He can boost his strength and his body is as hard as steel. Hindi siya tatablan ng espada lamang. And he's the heaven power user. No power can touch him," kalmadong wika niya. Napailing ako dahil nabasa na naman niya ang iniisip ko.

Paglingon ko kay Xavier, natutulog na sa sahig ang dalawang guwardiya. Hawak na niya ang mga susi. Hinila niya ang mga katawan ng mga guwardiya sa gilid ng hagdan para walang makapansin sa kanila. Iniwan namin silang nakaupo at nakasandal sa dingding.

That was fast, naisip ko. Lumapit kami kay Xavier.

"Sila lang ba ang nagbabantay rito?" tanong ni Xavier. Napakibit-balikat ako. Hindi ako sigurado kung merong iba pa dahil hindi ako hinahayaan ni Enzo na pumasok sa loob.

"Siguro marami pa," sagot ko. Itinago ni Xavier ang mga susi sa ilalim ng cloak niya.

"Sana nandito ang hinahanap ko," mahinang sambit ni Xavier. Inayos niya ang hood bago muling naglakad. Tahimik kaming sumunod kay Xavier. Lumiko kami sa isang daan na patungo sa mga kulungan. May kadiliman ang lugar. Ilaw mula sa mga lampara na nakadikit sa pader ang nagbibigay liwanag sa daan. Sa kalagitnaan ay may nakita kaming nag-uusap na guwardiya. Nagtatakang napalingon sila sa 'min habang naglalakad kami palapit.

"Just ignore them. Hindi sila naghihinala dahil nakalampas tayo sa mga guwardiya kanina," mahinang wika ni Claudette habang nakatungo. Sinunod namin ang sinabi niya. Matiwasay kaming nakalampas sa mga guwardiya na hindi nagtanong ng kahit ano.

Nang makarating kami sa mga kulungan, napansin kong lahat ng selda ay may guwardiyang nagbabantay. Nakatayo sila sa gilid ng bawat selda. Lahat ay may hawak na armas. Nagkatinginan kaming tatlo.

"It's okay. Kailangan muna nating hanapin ang dapat nating hanapin bago kumilos," sabi ni Claudette. Naglakad kami habang pasimpleng tumitingin si Xavier sa bawat kulungan na madaanan.

"Bakit hindi ka naghahanap?" bulong ko kay Claudette. Napatingin siya sa 'kin at napailing. "Hindi ko rin kilala ang hinahanap niya."

Napakunot-noo ako. Kung hindi niya kilala ang hinahanap, bakit pa siya tumutulong kay Xavier? Natawa si Claudette sa reaksiyon ko. Mabagal kaming naglalakad.

"I want to help him," bulong ni Claudette. "He wanted to protect and save me. I'm thankful to him for that. And I know, if only you didn't lose your memory, you'll save me, too. It's very cool to have an untouchable prince and a fire prince beside you. I feel like a princess," she said dreamily with sparkling eyes.

Napangiti ako. I patted her head unconciously. I responded by instinct. It felt right though. Napansin kong malapit na kami sa dulo ng underground cell. Napalingon ako kay Xavier na nahuhuling maglakad. Hindi pa rin niya nakikita ang hinahanap. Pagkainip at pag-aalala ang nakarehistro sa mukha niya.

Ibinaling ko ang tingin sa unahan at nagpatuloy sa paglalakad. Pasimple kong tinitingnan ang mga selda at hinahanap si Xyra. Gusto kong makita at masiguradong ligtas siya.

"You want to see Xyra?" tanong ni Claudette. "I want to see her, too. Will you save her?" umaasang tanong niya. Iniiwas ko ang paningin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin.

"Tsk, coward," nagpaparinig na bulong ni Claudette. Tinitigan ko siya nang masama. Umismid sa 'kin si Claudette. "Coward," sambit niyang muli. Gusto kong batukan siya pero pinigilan ko ang sarili. Nakarating kami sa dulo ng underground cell. Napatigil ako nang makita si Xyra na gulat ding nakatingin sa 'kin.

Napatingin ako sa guwardiya na nagbabantay sa gilid. May susi ring nakasabit sa baywang niya pero para sa selda lang. Naalala kong nasa akin ang susi para sa handcuffs pero naiwan ko iyon sa kwarto ko.

"Siya na ba si Xyra?" masayang tanong ni Claudette habang nakatingin kay Xyra. Lumapit si Xavier; hindi niya nakita ang hinahanap. Nagulat siya nang makita si Xyra. Magsasalita sana si Xyra pero sinenyasan naming manahimik siya.

"Hiramin mo sa guwardiya ang susi. Sabihin mo dadalhin natin siya kay Enzo," bulong ni Claudette. Napalunok ako. Ano na naman ang binabalak ni Claudette? Itatakas namin si Xyra?

"Hindi ko nakita si Felicity. Saan kaya siya itinago ni Enzo? Shit!" mahina pero mariing wika ni Xavier. "Patatakasin ba natin ang mga nakakulong dito?" tanong ni Xavier.

"Not yet. Malalaman ni Enzo kung susugurin natin ang mga guwardiya. Tiyak na may magsusumbong sa kanya. Nasa atin naman ang mga susi kaya balikan na lang natin. Unahin na muna nating iligtas si Xyra," seryosong sagot ni Claudette. "Bilisan mo na, kuya! Gumalaw ka na diyan." Itinulak ako ni Claudette.

Lumapit ako sa bantay at sinabing dadalhin namin si Xyra kay Enzo. Hindi naghinala ang nagbabantay at ibinigay ang susi sa 'kin. Binuksan ko ang selda at lumapit kay Xyra.

"Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong niya. Nakaupo si Xyra sa isang sulok. Umupo rin ako para magkatapat ang mga mukha namin.

"Huwag kang maingay. Sumunod ka na lamang sa 'kin nang tahimik," bulong ko.

"Pero, hindi ko pwedeng iwanan ang Dad ko," naguguluhang tutol niya.

"Babalikan natin sila," wika ko. Hinila ko patayo si Xyra. Sapilitan kong hinila palabas si Xyra para hindi maghinala ang mga guwardiya. Iniabot ko ang susi sa bantay at hinayaang siya ang magsara sa selda.

"Wait! Saan mo ba ako dadalhin?" tutol ni Xyra.

"Dadalhin kita kay Enzo," seryosong wika ko. Nagulat siya, maging si Xavier. Pipigilan sana ako ni Xavier pero pinigilan siya Claudette. Nabasa niya ang iniisip ko. I was just acting.

Ngumiti si Claudette kay Xavier. "It will be alright. After all, he's my brother," wika niya. Naglakad na kami pero nagwawala pa rin si Xyra. "Clauss, please! Huwag mo akong dalhin kay Enzo. Bakit pati si Xavi--" naputol ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya. Ang ingay kasi.

"Manahimik ka na lang para walang mapahamak," mariing wika ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay sa bibig niya nang kumalma siya. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa 'kin kaya nginitian ko siya.

"Xavier? May problema ba?" tanong ni Claudette. Malapit na kaming makalabas kaya hindi ko alam kung paano itatago si Xyra. Wala siyang black cloak kaya magiging problema kung makikita siya sa labas. Hindi pa rin nagigising ang mga guwardiyang pinatulog ni Xavier. Tiyak na kapag nagising sila ay agad silang magsusumbong kay Enzo. Malaking problema.

"I think we need to do something about them," turo ko sa dalawang guwardiya.

"Burn them," walang emosyong wika ni Xavier. I was caught off guard. Maging sina Claudette at Xyra ay nagulat din sa sinabi ni Xavier. "If you can't do it then let's just leave. Hayaan mong malaman ni Enzo ang lahat."

Naikuyom ko ang kamao. Napahawak sa 'kin si Claudette. "Kuya..." Iniisip ko kung susunugin ba ang mga katawan nila o hindi. "Mauna na kayo," wika ko. Tinapik ni Xavier ang balikat ko at hinila na paakyat sa hagdan sina Xyra at Claudette.

Hindi niya hinayaang lumingon sina Xyra sa 'kin. In an instant, I burned the two unconscious bodies into ashes. I knew that Enzo will discover everything in no time but this could help me buy some time to think. Umakyat na ako sa hagdan pagkatapos gawin ang dapat gawin.

Bukas na ang secret door nang makalapit ako sa kanila. Hinubad ni Xavier ang black cloak at isinuot kay Xyra. "I need to go. May gagawin pa ako. Ikaw na ang bahala sa kanila," paalam ni Xavier sa 'kin. Ibinigay niya ang dalawang set ng susi sa 'kin na itinago ko sa bulsa. Hindi ko alam kung bakit tinanggap ko ang mga susi. Nagmadali siyang tumakbo palabas sa underground cell pero sumunod si Claudette.

"Xavier! Wait! Sasama ako!" sigaw ni Claudette kaya napilitang tumigil si Xavier. Ayaw niyang isama si Claudette. Maging ako ay ganoon din ang nararamdaman. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Kinulit siya ni Claudette kaya nag-aalangang tumingin sa 'kin si Xavier.

Napatango ako at nagsalita. "Take care of her." Nagulat ako sa lumabas sa bibig. Nagmadali silang umalis. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na hayaang sumama si Claudette kay Xavier. Isinara ko ang secret door at hinila na si Xyra. Nagmamadaling dinala ko siya sa kwarto ko. I locked the door. Kinuha ko ang susi na nasa drawer at inalis ang handcuffs niya. Napailing ako. Hindi ko dapat ito ginagawa.

"Why?" umaasang tanong ni Xyra. "Naalala mo na ba?"

Umiling ako at umupo sa kama. Nasapo ko ang ulo. Kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat ay wala talaga akong maalala. Umupo si Xyra sa tabi ko. Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin dahil sa biglang pagsigaw ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip. Napasabunot ako sa buhok.

XYRA

"A-ayos ka lang ba, Clauss?" tanong ko na hindi malaman ang gagawin. Nagdadalawang-isip ako kung hahawakan si Clauss o hindi. Masaya ako dahil hindi niya ako dinala kay Enzo. Akala ko nakaalala na siya pero hindi pa rin pala.

Napansin ko ang singsing na nasa kamay ni Clauss. Napapasabunot si Clauss sa ulo niya at halatang nasasaktan. Kumikinang ang gold ring kaya tinitigan ko itong maigi. May kung anong puting bagay na umiikot sa loob ng singsing. Nagwawala 'yon at gustong kumawala sa loob. Napatingin ako sa gold ring na nasa kamay ko pero wala namang kakaiba roon.

Bigla akong napatayo nang may maalala. Maaaring nasa singsing ni Clauss ang alaala niya. Nag-aalangang tumingin ako kay Clauss. Kailangan kong sirain ang singsing para makaalala siya. Napasigaw si Clauss dahil sa sakit na nararamdaman. Niyakap ko siya.

"Sshhh... Huwag ka munang mag-isip. Maaalala mo rin lahat," bulong ko. Natigilan si Clauss sa ginawa ko pero gumanti siya ng yakap. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Clauss. Nag-isip ako kung paano sisirain ang singsing. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto pero wala akong makitang kahit ano na maaaring sumira sa singsing.

Kalmado na si Clauss ngayon. Napagtanto kong nakasubsob pala ang mukha ni Clauss sa dibdib ko. Namula ang mukha ko at nagmamadaling kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nagtatakang tingin ang ibinigay sa 'kin ni Clauss kaya napilitan akong ngumiti.

"Pwede ko bang makita ang singsing mo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya pero itinaas ang kaliwang kamay. Ipinakita sa 'kin ang singsing.

"Why?" tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang singsing gamit ang isang daliri. Nasa singsing na suot niya ang sagot sa lahat. Ipinakita ko ang singsing na nasa kaliwang kamay ko. Naguluhan si Clauss sa nakita. Binitiwan ko ang kamay niya at tinanggal ang singsing na nasa kamay ko.

"May pangalan na nakaukit sa bawat singsing natin," nakangiting wika ko kay Clauss. Napakunot-noo siya kaya ipinabasa ko sa kanya ang pangalan sa singsing ko.

"Clauss?" nagtatakang tanong niya. Napatango ako at nagsalita. "Take off your ring. You'll see my name engraved there."

Naguguluhang sinunod ako ni Clauss. Inalis niya ang singsing sa kamay at binasa ang nakaukit doon. Nagtatakang napalingon siya sa 'kin. "What's the meaning of this? Is this some sort of magic? A trick?" inis niyang tanong.

Nasaktan ako sa sinabi siya. "A trick, maybe," sagot ko at nagkibit-balikat na lang. Gusto kong irapan si Clauss pero pinigilan ko ang sarili. Pasalamat siya dahil wala siyang maalala.

"Let's destroy the rings then," determinadong wika ko. Nagulat siya sa sinabi ko at nag-alinlangan. Kailangang masira ang ring niya sa kahit na anong paraan.

"It's under some trick or magic so it had better be destroyed," wika ko. Ipinatong ko sa kaliwang kamay ni Clauss ang singsing ko. "Destroy it with your fire. Melt it with your power," nanghahamong wika ko. Dahil wala akong makitang bagay na maaaring sumira sa mga singsing, ito ang naisip ko.

"Can't you do it?" nang-aasar kong tanong. Hindi siya umimik pero tiningnan niya ako nang masama. Umupo siya sa sahig at ipinatong doon ang mga singsing na magkatabi.

"I'll do it. Anyway, these rings are not important to me," seryosong wika niya. Napangiti ako ng mapait. Sana pagkatapos nito, wala na akong marinig na masasakit na salita mula kay Clauss. Kung alam lang niya, mahalaga sa 'kin ang mga singsing na kailangan naming sirain.

"Then do it now," inip kong sabi.

"Yeah, right," inis niyang wika. Nilamon ng apoy ang mga singsing. Malalim akong napabuntong-hininga. Pinanood ko ang mga singsing habang nilalamon ng apoy at unti-unting natutunaw. May mga puting enerhiyang lumalabas mula sa singsing ni Clauss.

Inatake ng mga puting enerhiya si Clauss, o mas tamang sabihin na pilit itong pumapasok sa utak ni Clauss. Napasigaw si Clauss at napasabunot sa ulo. Hindi siya mapakali. Kung saan-saan niya ibinabaling ang ulo na tila ayaw tanggapin ang mga alaalang pumapasok sa ulo niya. Nag-aalalang lumapit ako kay Clauss dahil nahihirapan na siya.

Mahahalata sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. Napapangiwi siya at napapasigaw. Wala pa sa kalahati ng singsing ang natutunaw pero unti-unti nang nawawala ang apoy. Hindi na kaya ni Clauss ang sakit na nararamdaman kaya hindi na niya magamit ang kapangyarihan. Nagulat ako nang lumiyab ang buong katawan ni Clauss habang napapasabunot sa ulo at napapasigaw.

Kailangang masira nang tuluyan ang singsing pero nawala ang apoy na lumalamon dito. Tumigil na ang paglabas ng mga puting enerhiya mula sa singsing pero nakatitiyak akong may natitira pang alaala doon. Hindi pa tuluyang nasisira ang singsing. Patuloy sa pagwawala si Clauss hanggang sa tuluyang pumasok sa utak niya ang lahat ng mga nakalabas na puting enerhiya kanina. Pagod na pagod siya at hirap na hirap.

CLAUSS

Hinihingal na napatingin ako kay Xyra. Naguluhan ako sa mga pumasok na alaala. Mga alaalang nangyari noong bata ako. Ang pagkamatay ng aking mga magulang, ang kapatid kong si Claudette, ang pagkikita namin ng batang si Selene. Maging ang matandang nakatira sa North Mountain at ang pagkakakilala namin ni Jiro. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Xyra. Patuloy pa rin sa pagliliyab ang buo kong katawan.

"What are you doing? Tricking me to destroy the rings that could harm me?" galit at mariing tanong ko kay Xyra.

"Wala ka pa ring naaalala?" kinakabahang tanong niya habang napapaurong sa takot. Unti-unting naglaho ang apoy na bumabalot sa katawan ko. Tumayo ako at galit na humakbang palapit kay Xyra.

"Ano ba ang kailangan kong maalala?" I grinned evilly.

"Lahat! Kailangang maalala mo lahat!" nanginginig na sigaw niya. Lalo akong napangisi dahil napasandal siya sa pader at wala nang maurungan. Dahan-dahan akong lumapit kay Xyra hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. Itinuon ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya.

Natatakot siyang napatingin sa 'kin. "C-Clauss..."

"Hhmm..?" Nakangisi pa rin ako. Napapitlag siya nang haplusin ko ang pisngi niya gamit ang likod ng kanang kamay ko. Nanginginig ang katawan niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Marahan ko siyang hinapit sa baywang gamit ang kaliwang kamay. Nagulat siya sa ginawa ko. Napakapit siya sa balikat ko.

Inilapit ko ang bibig sa tainga niya at bumulong. "Destroy the ring for me. It's my true memory, right? For the meantime, let me hold you while I'm regaining my memory." Matapos masabi 'yon ay niyakap ko si Xyra nang mahigpit.

XYRA

Nagulat ako sa sinabi ni Clauss. Napalingon ako sa mga singsing na nasa sahig. Ang higpit ng yakap ni Clauss kaya niyakap ko rin siya. Inihanda niya ang sarili sa sakit na mararamdaman.

Naglabas ako ng air blades na mas matalim kasya dati. Determinado akong sirain ang singsing. Pinatama ko ang air blades sa singsing ni Clauss. Nagkaroon ng crack ang singsing. Muling lumabas ang mga puting enerhiya na papalapit na ngayon kay Clauss. Paulit-ulit kong pinaulanan ng air blades ang singsing hanggang sa tuluyan itong masira at mahati sa gitna.

Naramdaman kong lalong humigpit ang yakap ni Clauss dahil nagsisimula nang pumasok sa ulo niya ang mga puting enerhiya. Napasigaw siya sa sakit.

"It's alright. Everything will be fine after this," bulong ko. I could feel that he can crush my body anytime. Humihigpit ang yakap niya. Nahihirapan na rin akong huminga. Naaawa ako sa kalagayan niya kaya tiniis ko ang mahigpit niyang yakap.

Ilang minuto pa, matapos ang ilang beses niyang pagsigaw dahil sa sakit, ay lumuwag ang pagkakayakap niya sa 'kin. Wala na ang mga puting enerhiya kaya nag-aalalang napatingin ako kay Clauss. Wala na siyang malay.

Pinalutang ko siya at dahan-dahanginihiga sa kama. Napangiti ako nang mapansin ang inosenteng mukha niya habangnatutulog. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Sana magingmaayos na lahat paggising namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com