Chapter 37: Escape Plan
XYRA
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mararahang dampi ng kung ano sa mukha ko. Namula ako nang mapagtantong binibigyan ako ni Clauss ng magagaang na halik sa iba't-ibang parte ng aking mukha.
"C-Clauss..." mahinang tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa at tumingin nang diretso sa mga mata ko. Kinabahan ako dahil seryoso siyang nakatingin sa 'kin. There's no hint of recognition on his face. He's looking at me blankly.
"So, you're awake?" he asked casually. Wala pa rin ba siyang naaalala?
"Hindi mo pa rin ba naaalala lahat?" nag-aalinlangang tanong ko. Napakunot-noo siya na tila hindi nakuha ang sinasabi ko pero bigla siyang napangisi nang malisyoso.
"Well, I'm also wondering. What are you doing in my bed? Did something happen?" he asked, teasing.
Nagulat ako sa tanong niya. What the hell?! Mas lumala yata siya ngayon? Wala pa rin siyang naaalala. Sinusuri ako ni Clauss gamit ang isang malisyosong tingin at ngiti. Hindi ko na alam ang gagawin.
"Ano ba'ng sinasabi mo? I mean, naaalala mo na ba ako?" tanong kong muli. Hindi ko pinansin ang nakakaasar niyang ngiti sa labi. Tila nang-aakit kasi ang dating.
"Huh? Well, I don't. Did you seduce me to get here in my bed? How could I miss that part?" he said. He seemed disappointed. Naaasar ako at namumula sa mga sinasabi niya. Hindi ko matukoy kung seryoso ba siya o hindi.
"Nakakaasar ka!" galit kong sigaw sabay hampas sa dibdib niya. Pinigilan niya ang mga kamay ko. Bigla siyang pumatong sa ibabaw ko. As I looked in his eyes, he seemed like he's enjoying toying with me. His eyes were smiling although his expression was serious. What was that? I couldn't tell.
"Sorry. Mind helping me remember everything?" he asked, teasingly. Natulala ako. Using his index finger, he traced a line from my chin up to my lips then slowly caressed my face. Itinuon niya ang isang kamay sa gilid ng kama, malapit sa ulo ko. Kinabahan ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata. I assumed that he's going to kiss me. Pero napamulat agad ako nang tumawa siya nang malakas. Takang napatingin ako kay Clauss. Bakit siya tumatawa?
Gumulong siya sa gilid ko habang hawak-hawak ang tiyan at tumatawa nang malakas. Naasar ako nang maintindihan kung bakit. Binibiro niya ako. At ako naman si tanga ay nagpadala sa kalokohan niya. Gusto ko siyang sigawan at sakalin! Takot na takot ako kanina sa pag-iisip na baka hindi pa siya nakakaalala tapos pagtitripan lang ako!
Sunud-sunod kong pinaghahampas nang malakas ang braso niya. Natigilan siya. Namumula na ang mukha ko sa sobrang pagkaasar kay Clauss. Pakiramdam ko, sasabog ako. Gusto kong maiyak. Pinigilan niya ako sa ginagawa.
"Hey, stop! I'm just kidding. Naaalala na naman kita ngayon," natatawang wika niya.
"Mukha mo! Nakakaasar ka! Pakiramdam mo nakakatawa 'yon? Ikaw kaya ang pagtripan ko? I hate you!" sigaw ko. Nangingilid na ang luha ko sa magkahalong saya at inis na nararamdaman.
"Sorry, binibiro lang naman kita," sabi niya na nagpipigil ng tawa, na lalo kong ikinainis. Humiga ako patalikod sa kanya. Tumulo ang luha ko. Naiinis na pinahid ko ang mga luha na naglandas sa pisngi. Niyakap ako ni Clauss mula sa likod kaya mas lalo akong naiyak.
"Nakakaasar ka!" sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi. Lalong hinigpitan ni Clauss ang yakap sa 'kin pero hindi siya nagsalita. Pakiramdam ko tuloy wala siyang pakialam sa 'kin. Pilit kong inalis ang braso niya na nakayakap sa 'kin. Gusto kong mag-walkout pero hindi ako makawala sa yakap niya.
"Sorry," seryosong bulong niya. "I'm really serious about kissing you but when I saw your clumsy and cute face, I couldn't help but laugh. It's priceless," he chuckled. Patatawarin ko na sana si Clauss pero bigla niya akong nilait. Ako na ang mukhang tanga.
"I missed it though, really. I missed you," he whispered softly. "I'm sorry for giving you so much trouble these days. I'm glad you didn't give up on me. From now on, I promise that I'll be the one to protect you."
Natigilan ako. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa batok ko kaya napapikit ako. I really missed this guy's warmth. Marahan niya akong iniharap sa kanya. Nakangiti si Clauss sa 'kin.
"So, don't hate me, okay?" he chuckled. His attitude is frustrating. Hindi ko talaga matukoy kung kailan siya seryoso at kung kailan naman hindi. Ang sarap niyang kutusan at sapakin pero kahit ganoon hindi ko napigilan ang mapangiti. Nawala ang ngiti ko dahil may bigla akong naalala.
"Maybe I should really hate you. Naaalala ko pa lahat ng mga sinabi mo sa 'kin noong wala kang maalala. Ang sakit kaya ng mga sinabi mo! Ang sarap mong itorture at patayin!" naaasar na sigaw ko. Natawa siya. Marahan niyang pinahid ang luha na nasa pisngi ko.
"I'm sorry. Don't yell like that. You look stupidly cute," natatawang wika niya. Kanina ko pa napapansin na tawa siya nang tawa. Nagkaroon siguro ng side-effect ang pagkawala ng alaala niya. Mas lumala siya ngayon.
"Mukhang nagka-side-effect ang pagkawala ng alaala mo," naiinis kong wika. Naguluhan si Clauss sa sinabi ko at nagtatanong ang mga mata na tumingin sa 'kin.
"Ang kulit mo kasi ngayon tapos madalas ka pang natatawa. Nabaliw ka na ba?" nang-aasar kong tanong. Nang maintindihan niya ang tinutukoy ko, binigyan niya ako ng isang simpatiko at mapang-akit na ngiti kaya natigilan ako. Gustong tumindig ng balahibo ko dahil hindi maganda ang kutob ko.
"You think so? Maybe because I still haven't taken my medicine. Mind giving my medicine now?" he teasingly asked, then winked. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makuha ang ibig niyang sabihin. Napansin ko ang magulo niyang buhok na medyo tumatabing sa mukha niya, pero bakit ang gwapo pa rin niya sa paningin ko?
I wrapped my arms around his nape. Pakiramdam ko, ginagayuma ako ni Clauss. Naaakit ako sa ngiti niya.
"Sure. But you should take your medicine little by little para hindi ka ma-overdose," I said. Damn! I am really flirting now. My hands played with his hair like they have a mind of their own.
"Ano ba ang side-effect kapag na-overdose ako?" he grinned. Mababaliw yata ako. Hinila ako ni Clauss palapit kaya sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't-isa. Grabe, ang landi rin niya.
"Side-effect? You'll want more and more of it until you can't live without it," nang-aasar kong sagot, pero lalo siyang napangiti. Bumigat ang paghinga niya.
"Then it's like that, I'll turn into a vampire?" he asked, amused. Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit napasali ang mga bampira sa landian mode namin?
"When vampires taste the sweetness of blood, they will crave for more and more until they can't live without it," namamangha niyang wika habang nakatingin sa mga mata ko.
"Eh gusto mo ba ang dugo ko?" naguguluhang tanong ko. Ako na talaga ang slow. Mahinang napatawa si Clauss.
"Silly. I don't suck blood but I want this," he said while touching my lips using his index finger. "And for sure, I'll be craving for more like a vampire," he grinned. Napalunok ako at bahagyang napaawang ang mga labi. Kailangan ba talaga akong diretsuhin?
Inilapit niya ang mga labi sa mga labi ko. Tumigil siya nang isang pulgada na lang ang layo namin sa isa't-isa. I stiffened. "I'll be taking my medicine now," sabi niya bago tuluyang sinakop ang mga labi ko. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya. Sa tingin ko, mas matindi pa siya sa isang bampirang nauuhaw sa dugo. Because now, he's kissing me hungrily and possessively. And because I have been longing for his kisses, I welcomed his lips – not thinking what could possibly happen next.
~~~
"You're going somewhere?" I asked Clauss while he's fastening the buttons of his shirt. He looked at me and smirked. Tapos na siyang maligo at ako naman ay nakahiga sa kama niya.
"I need to go back to Wonderland and talk to Bryan. Hindi pa nahuhuli ni Jigger si Bryan. Kababalik lang niya sa Dark Wizards Academy at malaki ang natamo niyang sugat. I need to find him for our escape plan and counter attack. Hindi na tayo maaaring magsayang ng oras. And remember, I need to pretend that I'm still under Enzo's control. Hangga't hindi pa niya nalalaman na nawawala ka na sa underground cell," he said.
Tumingin siya sa pagkain na nasa side table. Lumabas siya kanina para ikuha ako ng pagkain. Namumula pa rin ang mukha ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" nakakunot-noong tanong niya.
Napalabi ako. Konti na lang mahuhubaran na ako ni Clauss kundi lang kumalam ang sikmura ko kanina. It's frustrating. Tinawanan niya ako at kinurot sa pisngi bago nagmamadaling lumabas. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang tray ng pagkain na inilapag sa side table. Sinabi niyang kumain na ako bago siya nagtuloy sa banyo para maligo. Hindi ko matukoy kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Should I go with you?" pag-iiba ko sa usapan.
"No. Stay here and wait for me. Eat your food," sagot niya. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Lumapit siya sa closet at may kinuhang t-shirt. Inihagis niya sa 'kin ang damit na tumama sa mukha ko kaya naaasar na kinuha ko ito.
"You can take a bath. Wear my shirt for the meantime. Ikukuha na lang kita ng damit sa WMA," wika niya na hindi nag-abalang tumingin sa 'kin. Palabas na siya sa kwarto nang bigla siyang matigilan. Napabuntong-hininga siya. Napapailing na lumapit siya sa 'kin. He leaned and kissed me on the forehead. Ibinigay niya ang susi ng underground cell.
"I'll lock the door from the inside. Kapag may kumatok, huwag kang magbubukas ng pinto. I have the room's key so I don't need to knock," sabi niya kaya tumango ako.
"Please be safe," mahinang wika ko. Nag-aalala ako. Gusto kong samahan siya pero tiyak na hindi siya papayag. Ngumiti siya bago tuluyang lumabas. Napabuntong-hininga ako nang makaalis siya. Napatakip ako sa mukha. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakakahiyang pangyayari kanina. Alas diyes na ng gabi kaya hindi nakakapagtaka na gutom na ako.
Hindi pa rin ako kumakain ng kahit ano simula kaninang umaga. Bumangon na ako para kainin ang dalang pagkain ni Clauss. Matapos kumain, naligo ako at isinuot ang may kalakihang t-shirt niya. Napapagod na napaupo ako sa kama at napatingala sa kisame.
"Be safe, everyone."
CLAUSS
Tiniyak kong walang nakapansin sa pag-alis ko. Sumakay ako sa fire phoenix at nagmamadaling lumipad patungo sa WMA. Nagulat ako sa aking nadatnan. Maraming bangkay ang nakakalat kung saan-saan. The building's walls were tainted with blood. Natuyo na ang mga dugong makikita roon. Kalahati ng building sa academy ang nasira. Butas at sira na ang mga pader. Hindi ko akalaing ito ang kahahantungan ng lahat.
Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at nagbaka-sakaling makita si Bryan o kahit si Akira. Hindi pa rin bumabalik si Selene sa DWA kaya may posibilidad na nandito siya. Napagpasyahan kong pumasok sa loob ng building.
Madilim sa buong paligid kaya naglabas ako ng fireball para magsilbing liwanag sa daan. Wala akong nakitang kahit sino sa bawat pasilyo. Halos maikot ko na ang buong lugar pero walang bakas na may natitira pang buhay. Nagtungo ako sa office ni Bryan at ni Mr. Williams pero walang katao-tao roon. Maging sa loob ng academy ay magulo ang paligid. Maraming sirang gamit at mga basag na bubog ang nakakalat sa sahig.
Wala bang nakaligtas? Maging ang mga kwarto ng dormitory ay pinasok ko pero wala akong nakitang tao. Naisipan kong pumunta sa examination room. Hindi ito gaanong nasira pero wala pa ring makikitang bakas ng kahit na sino na maaaring nakaligtas sa pagsalakay ng mga Dark Wizards. Napapagod na napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung saan hahanapin sina Bryan. May narinig akong nabasag mula sa labas ng examination room.
Agad akong tumayo at lumabas. Isang anino na tumakbo kung saan ang nakita ko. Agad ko itong sinundan pero agad itong nawala. Lumingon ako sa paligid para hanapin kung saan ito nagpunta pero wala akong nakita. Hahakbang sana ako pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. May puwersang pumipigil sa 'kin upang makagalaw.
"What are you doing here?" narinig kong tanong ng kung sino. Umalingawngaw ang tinig niya sa buong pasilyo pero hindi ko matukoy kung saan galing ang tinig. Sa harapan ko ay isang anino ang lumabas at nag-anyong tao. Si Byran 'yon na halatang malaking sugat ang natamo dahil sa benda na nakabalot sa katawan niya.
"Naaalala ko na ang lahat. Narito ako para bumuo ng isang bagong plano na makakapagpatumba sa mga Dark Wizards at kay Enzo. Siguro naman hindi pa huli ang lahat, 'di ba?" seryosong wika ko.
"Not at all. You came just in time. Follow me," he smirked. Nawala ang puwersa na pumipigil sa 'kin kanina kaya malaya na akong nakagalaw. Tahimik na sumunod ako kay Bryan. Sa isang training room kami pumasok. Tumigil kami sa tapat ng isang pader. May itinulak na isang brick si Bryan. It's a switch. Napalingon ako sa isang sulok nang biglang umangat ang isang malaking tile ng sahig. Makikita roon ang isang hagdan. It's an underground passage.
"It's an underground hiding place. Dito namin dinala ang ilang mga estudyante na hindi nakalabas sa academy nang biglang sumalakay ang mga Dark Wizards," paliwanag niya habang naglalakad kami pababa sa hagdan. Maliwanag ang buong paligid at maganda rin ang pagkakagawa sa bawat pasilyo. Mapapansin na maraming kwarto sa lugar na 'yon.
"Gusto ko sanang paalisin nang mas maaga ang mga estudyante bago dumating ang mga Dark Wizards. Mas ligtas sila habang malayo sa academy pero hindi ko inaasahan na mapapaaga ang dating niyo," malungkot na wika ni Bryan. "Marami ang nadamay at namatay. Hindi ko kayang ipagtanggol lahat ng mga estudyante kaya inutusan ko ang student council na dalhin dito ang mga estudyante. Buti naman at hindi ito natunton ng mga Dark Wizards."
"Malaking tulong na narito si Cyril para tulungan ang ilan sa mga nasugatan," dagdag ni Bryan. Tahimik akong nakikinig. "Mabuti naman at bumalik na ang alaala mo. It's now time to give the favor back to Enzo." Bryan gritted his teeth. Mapapansin ang galit sa mga binitiwan niyang salita. I sighed. It's payback time.
Pumasok kami sa isang kwarto. Nakita ko sina Akira, Selene, Xander at Cyril na nakaupo sa isang sofa. The Student Council and teachers were present, too. Gulat ang lahat habang nakatingin sa 'kin. Napatayo si Selene at nag-aalalang tumingin sa 'kin.
"C-Clauss?" nag-aalangang tanong ni Selene. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti upang iparating na naaalala ko na ang lahat at wala siyang dapat ipag-alala. Napangiti si Selene sa 'kin.
"Let's start and discuss the plan. Clauss is back. We don't have the time to sit back and relax," ma-awtoridad na wika ni Bryan.
"Wait! Sa tingin ko hindi pa tayo kumpleto," naaasar na tutol ni Akira. "Wala pa si Xyra! Ano ang nangyari sa kanya?" galit na sigaw niya sa 'kin.
"She's fine. I assure you. You'll see her soon," seryosong sagot ko. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin pero agad din siyang nagbawi ng tingin at tumahimik.
"Did you see Troy and Xavier?" tanong ni Bryan.
"Hindi ko nakita si Troy pero si Xavier nakita ko, she's with my sister. I think they're fine. I hope they are," sabi ko. Kinabahan ako nang maalala ang dalawa. I hope that they will not do anything suicidal and reckless.
"Let's discuss the plan. I will let Clauss inform Xyra and the others about this," seryosong wika ni Bryan.
Matapos pag-usapan at pag-isipan ang gagawin, agad akong bumalik sa DWA. Pero bago 'yon, nakita ko sina Baby Clauss at Baby Xyra na halatang natuwa nang makita ako. May nagbabantay sa kanila pansamantala habang wala kami ni Xyra. Kumuha ako ng mga damit na nasa kwarto ni Xyra bago umalis.
Mag-uumaga na nang makabalik ako sa DWA. Pagpasok ko, mahimbing na natutulog si Xyra sa kama kaya napangiti ako. Inilapag ko sa side table ang pagkaing dala pati ang mga damit niya na nasa paperbag. Umupo ako sa kama at marahang hinaplos ang mukha niya.
Ngayong araw, tiyak na malalaman na ni Enzo ang pagkawala ni Xyra sa underground cell. Malalaman din niya na ako ang dahilan ng pagkawala ni Xyra kaya kailangan ko siyang unahan. Kailangan kong makita si Troy at Xavier para maipaalam sa kanila ang plano.
Marahan akong humalik sa pisngi niXyra. Tumayo na ako at muling lumabas sa kwarto. Sinigurado kong naka-lock angpinto mula sa loob bago umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com