Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38: United

THIRD POV

"Tell me, where's Felicity?" seryosong tanong ni Troy habang hawak niya si Wanda sa pulsuhan. Umabot ng isang araw ang pananakot niya rito bago ito pumayag sa gusto niya. Binitiwan niya si Wanda dahil halatang nasasaktan na ito sa ginagawa niya. Napahimas ito sa namumulang pulsuhan. Nag-aalangan itong tumingin sa kanya.

"Kahit malaman mo kung nasaan si Felicity, hindi mo siya magagawang iligtas. Mas mabuti pa na umalis ka na at iligtas ang sarili mo," mahinang wika ni Wanda na ikinainis niya.

"Kaya ba mas pinili mong maging kasapi ng Dark Wizards, para iligtas ang sarili mo? Huwag mo akong itulad sa 'yo. Iba ako," he gritted his teeth.

Mapait na napangiti si Wanda at napailing. "Don't judge me by my actions. May rason kung bakit ako sumusunod kina Enzo. Katulad mo, may gusto rin akong protektahan. Wala akong balak ipahamak ang mga taong nagtiyagang mag-aruga sa 'kin kahit hindi naman nila ako kaanu-ano. Dahil sa pag-ampon nila sa 'kin, nabihag sila ng mga Dark Wizards upang gawing hostage kapalit ng paglilingkod ko sa kanila."

Naiintindihan niya ito. Lahat ng tao may dahilan sa bawat aksiyon at desisyon na pinipili nila. But if her loyalty is with Enzo then she's still a foe – no matter how valid her reasons are.

"Naiintindihan kita at tiyak maiintindihan mo rin ako. I have to threaten you for Felicity's sake," seryosong wika niya. Wala siyang balak makipag-away pero tumatakbo ang oras.

"No need. I'll tell and help you. Maybe it's time to make things right. Tiyak na hindi na magdadalawang-isip si Enzo na tapusin ang mga kinilala kong magulang. Hindi ko nagawang makuha ang magical rings kaya hindi na niya ako kailangan," malungkot na wika ni Wanda.

Maging siya ay nalungkot para rito. All he could do was to give her his sympathy. Nauna na itong maglakad kaya tahimik siyang sumunod. Siguro naman hindi siya lolokohin nito. Sumakay sila sa elevator. Nang makarating sila sa ikalimang palapag, lumiko sila sa isang pasilyo. He saw an iron double door, almost fifteen feet high. Natitiyak niyang makapal at matibay ang pinto.

"You need an access card and a valid fingerprint to enter this laboratory. It's the only entrance here. She's inside, as part of an experiment. To be precise, an evil experiment," she muttered.

Kinabahan si Troy para kay Felicity. "Hindi ba pwedeng sirain na lang ito? What do you mean by evil experiment?" desperadong tanong niya.

"Hindi mo kayang sirain 'yan. They're draining her power ability, storing it all inside a tablet or capsule. It looks like a drug but it's not. She might die in the process. I'm sure it's too painful, like she's being tortured in hell," she explained.

"Fuck!" he cursed. Nahihirapan na si Felicity pero wala man lang siyang magawa! It's almost midnight. Gusto niyang tumakbo kung nasaan si Felicity at iligtas ito. He released big and sharp ice spikes. Kailangan niyang sirain ang pinto pero pinigilan siya ni Wanda.

"Don't be reckless. Kung gagawin mo yan, maaalarma ang buong academy!" she hissed.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Maghintay at walang gawin? Fuck! I can't!" he shouted.

"Maghintay ka ng lalabas na scientist. Pero madalang lang ang paglabas nila diyan, kapag may kailangan lang silang isangguni kay Enzo," paliwanag nito. Gusto na niyang magwala. Wala siyang silbi! Hinila siya ni Wanda upang magtago sa isang pasilyo dahil sa guwardiyang padaan.

May narinig silang sigawan at mga nagmamadaling yabag ng mga tumatakbo. Napakunot-noo siya. Ano'ng nangyayari? Nagulat na lang sila nang may tumakbo sa kinaroroonan nila. Nakilala niyang si Xavier ang isa sa mga ito.

"Ano'ng nangyayari?" takang tanong niya. Nang makilala siya ni Xavier, napahinto ito at napalingon sa likod. Maraming lalaki ang patungo sa direksiyon nila. Troy made a large wall of ice to stop them.

"Thanks," hinihingal na sabi ni Xavier. May kasama itong babae na hinihingal din.

"Bakit ka nandito?" takang tanong niya kay Xavier. Akala niya kasama ito nina Xyra.

"Of course, because of Felicity. Buti naman nakita na kita. Alam mo na ba kung nasaan siya?" desperadong tanong ni Xavier. Napabuntong-hininga siya.

"Inside the laboratory. Hindi pa namin masira ang pinto. Masyadong matibay," sagot niya.

"Saan? Ako na ang bahala. But first, we need to take care of these guys on the other side," he said. Tumango siya. Inalis niya ang ice wall. Nandoon pa rin ang mga lalaki. Nagpaulan siya ng mga ice spikes sa direksyon ng mga ito. Ang iba ay tinamaan sa tagiliran, hita at dibdib. Nagulat naman ang babaeng kasama ni Xavier sa ginawa niya. Bumagsak sa sahig ang mga duguang katawan ng mga lalaki. Marami pang lalaki ang sumalubong sa kanila habang tumatakbo sila patungo sa pinto ng laboratory.

"I'll take care of these men. Bahala ka na sa pinto. I'll back you up," sabi niya. Tumango si Xavier. Xavier started to hit and smash the iron double door using his bare hands while Troy fought with the guards and the Dark Wizards. Isang malakas na alarm ang pumailanlang sa buong paligid. Nagmadali siyang tapusin ang mga lalaking umaatake sa kanila. Mahina lang ang mga ito at wala pa sa kalingkingan ng mga nakalaban nila sa baryo nina Felicity.

Paglingon niya sa likod, wasak na ang pinto kaya nagmamadali silang pumasok sa loob. Gulat na gulat ang mga tao sa loob na nakasuot ng white laboratory gowns. Tumambad sa kanila ang malalaking capsules na may lamang tubig. Nasa loob nito ang mga taong walang malay. Hinanap ng mga mata niya si Felicity. Nakita niya ito sa loob ng isang capsule habang may aparatong nakakabit sa bibig niya upang bigyan siya ng hangin. May mga aparato rin na nakadikit sa kamay, dibdib at paa nito.

Malakas ang alarma sa loob ng laboratoryo at tiyak na naalerto na ang mga Dark Wizards. Masakit sa mata ang pulang liwanag na kumikislap, tanda ng pagkakaroon ng emergency. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon. Dumagsa ang mga Dark Wizards sa loob. Troy made a big ice cage and trapped them. Tinakot naman ni Xavier ang isa sa mga researchers upang mailabas nang ligtas si Felicity sa capsule nito. Walang nagawa ang babae kundi ang sundin si Xavier. Isinuot ni Xavier kay Felicity ang black cloak na suot niya. Tinulungan nina Wanda at Claudette si Xavier na buhatin si Felicity at isakay sa likod nito.

Nang mailabas si Felicity, nagsimulang magpaulan si Troy ng mga ice spikes sa mga aparato. Sinira nila ang mga iyon. Hindi lumaban sa kanila ang mga researchers na takot na takot. Natitiyak niyang ordinaryong tao lang ang mga ito.

Wasak na wasak ang mga aparato sa loob ng laboratory nang umalis sila. Hindi hinayaan nI Troy na mahuli sila ng mga sumusunod sa kanila. He trapped them and closed every path with ice walls.

"Hey, sa bintana na tayo dadaan!" sigaw niya kay Xavier. Naguluhan si Xavier. Sinabi niyang ibigay sa kanya si Felicity. Nagdalawang-isip pa ito pero sinunod din siya. He carried her like a newly-wed bride. She's still unconscious. He made an ice slide from the window down to the ground. Nakita niya ang takot sa mukha ng mga kasama.

"Are you sure it's safe?" takot na tanong ni Wanda. He provided them ice skiing gears made of ice.

"It's safe. Trust me," he said. Nauna na siyang nagpadulas pababa habang maingat na buhat si Felicity. Maayos siyang nakababa sa lupa maging sina Xavier, kahit halatang kabado pa rin ang mga ito. Agad silang tumakbo papasok sa North Mountain pero may nakasunod agad sa kanila. Nagpapaputok ang mga ito ng baril sa direksyon nila. He dodged the bullets using his thick ice shield. He attacked them with his ice spikes. But his ice spikes were thrown back at them by a man heading towards him. Umulan ng ice spikes sa direksiyon nila pero agad siyang nakagawa ng ice shield. Tumakbo silang apat para makatakas. Malayo pa ang tatakbuhin nila at pagod na rin sila.

"Claudette, can you still run?" nag-aalalang tanong ni Xavier. Tumango si Claudette kahit pagod na pagod na siya. She didn't want to slow everyone down. Maging si Wanda ay pagod na pero hindi rin siya sumusuko. Napansin ni Wanda ang isang lalaki na handa nang magpaputok ng baril sa direksiyon ni Troy. Nakatalikod si Troy at mabilis na tumatakbo habang buhat si Felicity. Nagmadaling tumakbo si Wanda kay Troy.

"Troy! Sa likod mo!" sigaw ni Wanda. The trigger was already pulled. Saktong nasa likod na ni Troy si Wanda kaya si Wanda ang natamaan. Gulat na napalingon sila kay Wanda. Umagos ang masaganang dugo mula sa likod ni Wanda.

"Damn!" mura ni Troy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Siya ang may kasalanan kung bakit nadamay si Wanda sa gulong ito. Nakikita niya ngayon ang unti-unting pagbagsak ni Wanda sa lupa.

"Can you ask them to forgive me?" Wanda muttered while crying. Napaawang ang labi ni Troy at nakaramdam ng matinding galit nang tuluyang bumagsak si Wanda sa lupa. Unti-unti nitong ipinikit ang mga mata. Ibinaba muna niya si Felicity sa lupa. Agad na lumapit si Claudette kay Wanda upang damhin ang pulsuhan nito. Sina Xavier at Troy naman ay galit na sumugod sa mga Dark Wizards na humahabol sa kanila. Hindi nila mapapalampas ang nangyaring ito sa kasama nila.

Malakas na napaiyak si Claudette nang hindi na niya madama ang tibok ng pulso ni Wanda. Dahil sa galit na nararamdaman nina Troy at Xavier, hindi na nila hinayaang mabuhay ang mga humahabol sa kanila. Matapos matalo ang mga Dark Wizards ay tahimik na lang silang napaiyak sa sinapit ni Wanda. Xavier carried Wanda's body as they traveled back to Wonderland Magical Academy. Sa isang tagong parte ng kagubatan nila inilibing ang katawan ni Wanda at nag-alay ng dasal para sa ikatatahimik nito.

Tahimik silang nagluksa sa pagkamatay ni Wanda hanggang sa makabalik sa Wonderland Magical Academy. Agad silang nakita ni Bryan kaya tinulungan sila nito. Hindi sila makasagot nang maayos sa mga tanong nito dahil sa mga nangyari. Naintindihan naman ni Bryan ang mga ikinikilos nila kaya hinayaan na muna silang magpahinga.

~~~

XYRA

Wala pa rin si Clauss nang magising ako. Napakunot-noo ako nang mapansin ang isang paperbag at ang pagkain na nasa side table. Umupo ako sa kama at kinuha ang paperbag. Napangiti ako nang makita ang damit ko. Tiyak kong dumating na si Clauss. Pero nasaan siya?

Naligo ako bago kumain. Nagdadalawang-isip ako kung lalabas o hindi. Tiyak na magagalit si Clauss kapag lumabas ako. Alas-nuwebe na ng umaga nang mapatingin ako sa orasan. Pinili ko na lang ang maghintay kahit nag-aalala na ako.

CLAUSS

Napansin ko ang mabibilis na kilos ng mga tao. Para bang may hinahabol sila. Natataranta sila at hindi ko matukoy ang dahilan. Bigla akong nag-alala para kina Claudette. Sila ba ang hinahanap nila?

Hindi ko alam kung saan hahanapin sina Xavier, Claudette at Troy. Iniisip ko rin kung saan dinala ni Enzo si Felicity. Dumaan muna ako sa opisina ni Enzo. Sa tingin ko, hindi pa niya nalalaman ang ginawa ko kaya magpapanggap muna ako na walang naaalala.

Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Nakakunot-noo si Enzo habang nakatingin sa kausap na babae nang pumasok ako sa loob ng opisina niya. Tila ba hindi niya ako napapansin. Napalingon sa 'kin ang babae at katulad ng dati ay nagpaalam siya kay Enzo. Binalutan niya ang sarili ng itim na usok at naglaho.

"Any problem?" tanong ko. Mukha siyang problemado. Tumingin siya sa 'kin bago sumandal sa swivel chair. Ipinagdadasal ko na sana ay wala pa siyang alam sa mga nangyayari.

"May sumalakay sa laboratory kaninang madaling araw," kaswal na sagot niya. Laboratory? Bakit wala akong alam sa tinutukoy niya? Kumunot sandali ang noo ko.

"Anong nangyari? Bakit? Ano ba ang meron sa laboratory?" tanong ko. Normal lang ang kilos ko para hindi siya makahalata. Tiyak na sina Xavier o Troy ang sumalakay sa laboratory na sinasabi ni Enzo.

"May ilang aparato ang sumabog dahil sa kagagawan ng ice power controller. He's such a pain in the ass. I think I need to take care of him myself," sagot niya. Halata ang pagkairita sa boses ni Enzo.

Kung ganoon, si Troy ang sumalakay sa laboratory. Bakit kaya? Nandoon ba si Felicity? Ibig sabihin ay pinag-eeksperimentuhan siya. May kapangyarihan ba siyang taglay kaya nagkainteres sa kanya si Enzo? Kinabahan ako nang sinabi ni Enzo na siya mismo ang tatapos kay Troy.

"Why not pass the work on to me? I'll take care of him for you," suhestiyon ko, para makausap ko rin si Troy. Halatang nagdadalawang-isip si Enzo.

"No, I don't think you can handle this. He was with the heaven power user and they took away the precious girl I need for my research," he said while gritting his teeth. Kung ganoon, nagtagumpay silang maitakas si Felicity. Lihim akong napangiti. Kailangan ko silang makita para malaman na nila ang plano.

"Siguro naman hindi pa sila nakakalayo? Ano'ng balak mo ngayon?" tanong ko. Kung hindi niya ako papayagang hanapin sina Troy, mas mabuting malaman ko ang plano niya. Mala-demonyong napangisi si Enzo habang nakatingin sa 'kin. Biglang tumindig ang balahibo ko sa buong katawan.

"Hindi mo na kailangang malaman. Ako na ang bahala sa kanya," wika niya. Hindi na maganda ang kutob ko. Hindi na ako umimik dahil baka makahalata pa siya kung ipipilit ko ang gusto.

"Then I'll go now. I don't think you need me," sabi ko, bago tumalikod sa kanya. Naglakad ako patungo sa pintuan nang magsalita siya.

"I hate tricky bastards," makahulugang wika ni Enzo. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako. Maaaring sinusubukan lang niya ako. Sa tingin ko, hindi pa niya nalalaman ang nangyari sa underground cell dahil sa nangyari sa laboratory.

"I hate them, too," seryosong wika ko bago tuluyang lumabas. Hindi ko na napansin ang reaksiyon ni Enzo dahil mahalagang makita ko na sina Troy. Nagkakagulo pa rin ang mga tao sa loob ng academy. Naisipan kong magtanong kung nasaan ang laboratory. Isang babae ang napagtanungan ko na nagturo sa 'kin ng daan. Nasa ikalimang palapag ang laboratory kaya hindi nakapagtatakang hindi ko alam ang tungkol doon. Buong palapag ang sakop ng laboratory.

Napansin kong nakabukas ang isang malaking pinto. The door was thick and made of iron. Mula sa loob ay makikita ang mga magagandang aparato pero ang ilan sa mga ito ay wasak na. Maririnig pa ang malakas na warning alarm sa buong paligid at ang pagkislap ng kulay pulang liwanag. May mga malalaking capsules na puno ng tubig. Kinalalagyan ito ng mga walang malay na tao. May nakalagay na aparato sa bibig nila para matulungan sila sa paghinga.

Ano ba talaga ang binabalak ni Enzo? Isang babaeng nakaputing damit na natitiyak kong isa sa mga researchers o scientists ang tinanong ko.

"Para saan ang mga capsules?" takang tanong ko. Hindi siya nagsalita at halatang nagdadalawang-isip kung sasabihin ang mga nalalaman. Naglabas ako ng apoy sa kanang kamay ko. "Will you speak now?"

Natakot ang babae. Sa tingin ko, isa lang siyang ordinaryong tao dahil nataranta siya. Kung ganoon, mga ordinaryong tao lang ang mga researchers na kinuha ni Enzo. Malamang tinakot din niya ang mga ito. "Ang mga capsules ay may kakayahang humigop ng kapangyarihan ng bawat power user. Lahat ng makukuhang kapangyarihan mula sa mga power users ay maisasalin sa isang tablet o capsule na tila gamot lang," natatarantang paliwanag ng babae.

"Gaano na katagal nangyayari ito? Ganito din ba ang ginagawa niyo sa babaeng itinakas kanina?" asar kong tanong.

Tumango ang babae. "Matagal na 'to. Ang ilan sa mga estudyante ng Dark Wizards Academy ay nagamit na sa eksperimentong ito. Ganoon din sana ang gagawin namin sa babaeng itinakas dahil gusto ni Enzo na makuha agad ang kapangyarihan niya."

"Ano ba ang kapangyarihan niya?" takang tanong ko. Balak din siguro niyang gawin kay Xavier ito. Kung hindi matatablan ng magical powers si Xavier ay tiyak na magagawa ng capsules na mahigop ang kapangyarihan niya.

"She has the ability to steal magical powers. She can use the stolen powers depending on how much ability she's got," paliwanag ng babae. Dahil sa sinabi niya, nakuha ko na kung bakit kailangan ni Enzo ang kapangyarihan ni Felicity.

"Saan pumunta ang mga sumalakay? Ilan sila?" desperadong tanong ko.

"Tatlo. Ang narinig ko ay wala na sila rito pero may humuhuli na sa kanila ngayon," mahinang sabi ng babae. Mabilis akong umalis para balikan si Xyra. Hindi ko na siya pwedeng iwanan dito. Tiyak na pabalik na sina Troy sa WMA. Kailangan muna naming pakawalan lahat ng nakakulong sa underground cell. Kung makakarating sina Xavier sa WMA ay maipapaliwanag ni Bryan sa kanila ang lahat. Kailangan kong magmadali.

Pagpasok ko sa loob ay nakaupo sa kama ko si Xyra. Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. "Buti nakabalik ka na," sabi niya. Lumapit siya at niyakap ako.

"Pinag-alala ba kita?" tanong ko at gumanti rin ng yakap sa kanya.

"Medyo. Kamusta pala ang pagpunta mo sa Wonderland?" tanong niya habang nakatingala sa mukha ko.

"Give me my magical ring. Ngayon, kailangan na nating pakawalan ang mga tao na nasa underground cell," sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at kinuha ang dalawang bungkos ng susi na nakapatong sa kama.

"Tara na?" sabi ni Xyra. Tumango ako. Kinuha ko ang black cloak ng Dark Wizards at isinuot sa kanya. Itinakip ko ang hood sa ulo niya. Inalis niya ang kwintas na suot. Kinuha niya ang red magical ring at ibinigay sa 'kin. Isinuot ko 'yon. Isinuot na rin niya ang kanya.

"Maraming guwardiya sa underground cell. Huwag natin silang hayaang makatakas para hindi sila makapagsumbong kay Enzo. I know you can't kill so I'll do it for you," seryosong wika ko. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi ba pwedeng patulugin na lang sila?" nag-aalangang tanong niya. Umiling ako at hinila na siya palabas. Mas makakabuti kung mapapatay sila para hindi malaman ni Enzo ang nangyayari. Kung malalaman niya, tiyak na hindi na kami makakalabas ng buhay sa DWA.

XYRA

Kinabahan ako sa gagawin namin ni Clauss. Hindi ko kayang pumatay. Nakapasok kami sa underground cell dahil wala pa ring guwardiya sa pinakababa ng hagdan. Mukhang hindi pa nalalaman ni Enzo ang mga nangyari sa underground cell.

"Be careful," bulong ni Clauss kaya napatango ako. Sa pagliko namin, may nakita akong dalawang guwardiya. Tumingin sila sa 'min.

"Don't hold back," sabi ni Clauss bago naglabas ng fireball sa mga kamay. Naalerto ang mga guwardiya at napahigpit ang hawak sa kanilang mga espada. Ibinato ni Clauss sa direksiyon ng dalawa ang dalawang fireball. Dahil may kaliitan ang daan ay hindi nila nagawang ilagan ito. Kaagad na tumama sa mga tiyan nila ang fireballs. Napasigaw sila sa sakit.

Inilabas ko ang air eagle ko. Nagpakawala ito ng mga air blades na tumama sa iba't-ibang parte ng katawan nila. Natumba sila sa sahig. Hindi na sila makatayo at duguan na ang katawan. Bigla akong nakonsensiya. Hindi ko gustong saktan sila pero wala akong magagawa.

"Mauna ka na. Ako na ang bahala sa kanila," utos ni Clauss. Nag-aalangang tumingin ako sa kanya. Parang alam ko na ang gagawin niya. Halatang ayaw niyang ipakita sa 'kin. "It's alright," sabi niya.

Tumango ako at naunang maglakad. Kahit malayo na, dinig ko pa rin ang pag-alingawngaw ng malakas na sigaw sa buong pasilyo. Napapikit ako. Narinig ko ang malalakas at mabibilis na yabag patungo sa direksiyon ko. Tiyak na naalerto ang mga guwardiya sa loob ng underground cell dahil sa malakas na sigaw na umalingawngaw kanina.

Nakalapit na sa 'kin si Clauss. "Be ready. Maraming parating," babala niya. Tumango ako. Nakita ko ang mga guwardiya na tumatakbo patungo sa 'min. Napatigil sila sa pagtakbo dahil sa apoy na biglang lumabas sa harapan nila. Masamang tingin ang ipinukol nila sa 'min.

Biglang tinakpan ni Clauss ang mga mata ko gamit ang isang kamay niya. "What are you doing?" asar na tanong ko. "I'll take care of them. Just don't watch," bulong niya sa 'kin.

"Pero hindi pwede! Tutulungan kita!" sabi ko. Pilit kong inaalis ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko pero hindi ko magawa. Malakas siya.

"Huwag ka nang makulit. O gusto mong patulugin kita?" inis na sabi niya. Naasar ako pero pinili ko ang manahimik. Malalakas na sigaw ang narinig ko sa paligid. Halata sa mga sigaw nila ang sakit na nararamdaman.

CLAUSS

I released my seven-headed fire dragon. Inatake ko ang mga guwardiya gamit ang fire inferno. Sinunog ko silang lahat. Maririnig ang malalakas na sigaw nila sa buong pasilyo. Nag-e-echo pa ang mga sigaw nila sa buong paligid. Napabuntong-hininga ako. Hinila ko palapit si Xyra at niyakap nang mahigpit. Ayaw kong makita niya ang mga taong ito habang unti-unting nasusunog ang mga katawan nila at nagiging abo.

"I'm sorry. It's the safest way," bulong ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago nagsalita. "Pasensiya na kung mahina ako."

Napailing ako. Hindi siya mahina, masyado lang siyang mabait. Wala nang maririnig na ingay sa paligid dahil lahat ng mga guwardiya ay naging abo na. Naglakad na kami patungo sa mga selda. Mabibilang na lang ang mga natirang guwardiya kaya ako na ang humarap sa kanila. Binubuksan naman ni Xyra ang mga selda. Dahil marami ang susi, nahihirapan siyang buksan ang mga selda. Kailangan pa niyang manghula.

Nang matapos ko lahat ng mga guwardiya, lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang set ng susi. Sa tingin ko, ang isang set ay para sa mga handcuffs. Halos lahat ay nasubukan na ni Xyra gamit ang isang set pero walang nakapagbukas sa seldang binubuksan niya.

"Sa tingin ko para 'yan sa mga handcuffs. Itabi mo na muna," sabi ko. Hinati ko ang set ng susi na kinuha ko at iniabot sa kanya ang kalhati. Nagsimula na kaming magbukas ng mga selda. Natuwa ang mga nakakulong nang pakawalan namin sila. Halos inabot kami ng dalawang oras para mapakawalan silang lahat. Hindi pa namin sila pinalabas sa underground cell. Tiyak na mapapahamak sila kina Enzo. Si Mr. Williams ay napakawalan din at akay-akay ko samantalang kausap naman ni Xyra ang kanyang ama.

XYRA

"Dad? Kaya niyo po ba'ng maglakad?" tanong ko habang inaakay patayo si Dad. Ngumiti siya at sinubukang tumayo.

"Hindi natin sila mailalabas ngayon, Xyra. Iwanan na muna natin sila rito," sabi ni Clauss kaya nagtaka ako.

"Bakit? 'Di ba kaya natin sila iniligtas para maitakas dito?" naguguluhang tanong ko.

"No. We're here to persuade them to fight with us. That's the plan. Susugod dito sina Bryan para lumaban. Kailangan natin sila upang tumulong sa 'tin sa laban na ito," paliwanag ni Clauss. Tumingin kami sa paligid. Lahat ng mga nakakulong ay nakalabas na sa mga selda nila. Masaya silang lahat at tila handa nang umalis dito.

"Will you fight with us? If you will then please, stay here," malakas na sabi ni Clauss. Nagkatinginan sila. Halatang nagulat sa sinabi ni Clauss. Nagdadalawang-isip sila at nakarehistro ang takot sa mga mukha nila. Tila gusto na nilang tumakbo palayo.

Muling nagsalita si Clauss. "Kung aalis kayo ngayon sa underground cell, tiyak na papatayin kayong lahat ni Enzo. Siguro naman hindi niyo gugustuhing mamatay nang hindi lumalaban? Huwag niyong sayangin ang buhay niyo para sa walang kasiguruhang pagtakas."

"Pero paano natin gagawin 'yon? Masyadong malakas si Enzo," wika ng isang lalaki.

"We have our ways. Hindi niyo kailangang harapin si Enzo. Kami ang bahala sa kanya. Ang kailangan niyong harapin ay ang mga Dark Wizards na alagad niya. Mas mabuti kung dito muna kayo habang naghihintay sa pagdating nina Bryan. Si Bryan ang magbibigay ng hudyat sa 'tin para lumaban," paliwanag ni Clauss.

Natahimik ang mga tao. Nakatingin ako kay Clauss kaya napalingon siya sa 'kin. I smiled and he smiled back. Natuwa kami dahil sa pagsang-ayon ng lahat. Pinaupo ko nang maayos si Dad sa isang tabi, pati na si Mr. Williams. Dalawa lang ang healing candy na nadala ni Clauss, kaya si Dad at Mr. Williams lang ang nabigyan namin.

Nagpaalam kami sa kanila para bumalik sa WMA. Sinabi ni Clauss na naghanda sina Cyril ng mga healing candies para maibalik ang lakas ng mga taong nasa underground cell. Kailangan naming kunin 'yon agad.

"Kailangan nating matiyak na nakarating sina Xavier sa WMA. Naitakas na nila si Felicity kaya wala na tayong dapat ipag-alala pa," dagdag ni Clauss. Nakalabas kami sa DWA nang walang kahirap-hirap. Lumipad ako samantalang si Clauss ay sumakay sa fire phoenix niya. Nagmadali kaming bumalik sa WMA. Sana makita namin sina Xavier sa academypara wala na kaming problemahin pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com