Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39.2: All-out Battle

THIRD POV

Sumunod si Selene kay Barbie nang pumasok ito sa loob ng kagubatan. Isa ito sa mga itinuring niyang kaibigan dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay. Parehong masama ang ugali nila. Alam din niyang may gusto ito kay Akira. Hindi niya akalaing mamahalin niya si Akira at nasaktan ito dahil siya ang napansin ni Akira. Nilayuan siya ni Barbie.

Ayaw niyang kalabanin si Barbie pero wala ito sa sarili. Hindi na siya nito nakikilala. Tumigil sila sa gitna ng kagubatan kung saan nabigla siya sa isang malaking doll house na nandoon. Napailing siya. Handa talaga itong makipaglaban sa kanya.

"You'll be joining my doll collection soon," Barbie said, emotionless.

Tiyak niyang hindi nito alam ang mga sinasabi. She's hypnotized. "Barbie, wake up! You're not that weak to be manipulated! You're the puppet controller but now you're the one being controlled? Don't make me laugh!" Selene shouted, furiously. Wala itong naging reaksiyon at tila walang narinig. Nagsimulang maglabasan ang mga manika sa loob ng doll house. Lampas ng sampu ang mga manika na pumalibot sa kanya.

Sinugod siya ng mga ito pero nagpakawala siya ng mga high-pressured waterballs para pasabugin ang katawan ng mga ito. Nagtagumpay siya pero nahalata niya ang galit sa mga mata ni Barbie. Selene remembered that Barbie hates it so much when her dolls are destroyed. She's freaking out. She's that obsessed with dolls.

"You dared destroy my precious dolls? You'll pay for this!" she shouted in anger. Mula sa loob ng doll house, may tatlong malalaking manika na kasing-laki ng tao ang lumabas. Selene frowned. They don't look like dolls. Selene figured that they're not really dolls but are actually humans controlled by Barbie.

Now this would be harder for Selene. She couldn't bear to hurt innocent people. If she were still her old self, she could. But now that she has changed, it is tough for her. Nakikita niya ang takot sa mga mata ng tatlong babae na nasa harap niya. Hindi nila kayang tumutol sa ginagawa ni Barbie dahil kontrolado na sila ni Barbie. Their eyes were begging Selene for help. It's breaking her heart as she looked at them.

"Barbie, tigilan mo na 'to!" napapagod na sigaw ko sa kanya. "Gumising ka na! Papayag ka bang magpakontrol sa iba?"

Malakas na tawa ang ibinigay sa kanya ni Barbie. "I need to kill you. I must kill you," wala sa sariling sabi nito. Matalim na tingin ang ipinukol ni Barbie sa kanya. Naalerto si Selene nang ikumpas na ni Barbie ang kamay nito sa hangin. Alam ni Selene na nagsisimula na sa pag-atake si Barbie. Inilabas niya ang water snake niya.

Sumugod ang tatlong babae sa kanya nang sabay-sabay. Ang isa ay naglabas ng isang hunter knife at sunud-sunod na inatake siya. Mabilis niyang iniwasan ang mga atake nito. Kahit ayaw niyang saktan ang mga ito, wala na siyang magagawa. Kapag hindi siya lumaban, siya ang mamamatay. Ayaw niyang mangyari iyon. Pinasugod niya ang water snake sa babaeng umaatake sa kanya pero naitaas agad ni Barbie ang kamay kaya nakatalon ang babae. Nakaiwas ito sa atake niya.

Nagulat si Selene sa babaeng nasa likod niya. Hindi niya ito napansin kaya nahiwa nito ang tagiliran niya. Napangiwi siya sa sakit pero agad naming nakatalon palayo rito. Napapalibutan siya ng tatlong babae. Si Barbie naman ay napangisi habang nakatingin sa dugong umaagos sa tagiliran niya.

Igagalaw sana ni Selene ang katawan upang umatake pero nagulat siya nang ayaw sumunod ng katawan niya. Hindi siya makagalaw. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Mukhang alam na niya kung bakit. Napatingin siya kay Barbie. Nakangisi ito sa kanya ng nakakaloko. Tila pinagtatawanan siya. Shit! She was caught in a trap! Kontrolado na ni Barbie ang buong katawan niya!

"Game over, Selene!" nakakalokong sabi ni Barbie at malakas na tumawa ito. Selene gritted her teeth. She is nervous. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makawala rito. Hindi niya naisip na makakalaban niya si Barbie kaya hindi niya naisip gumawa ng counter-attack para sa kapangyarihan nito. Napapamura na lang siya sa isip sa sobrang inis sa sariling katangahan.

Naalerto siya nang isa-isang lumapit sa kanya ang tatlong babae. Lahat sila ay may hawak na hunter knives. Mukhang katapusan na niya. Napalunok siya nang itutok sa kanya ng isa sa mga babae ang hunter knife na hawak nito.

"Don't worry, Selene. Hindi ko mamadaliin ang pagkamatay mo. I'll kill you slowly for my entertainment. Actually, I want to add you to my doll collection, but Enzo wants you dead," she said with regret.

Selene screamed when the three girls attacked her. She got cuts on her legs, arms and stomach. It hurt badly, as if she's going to die anytime. Naririnig lang niya ang malakas na tawa ni Barbie. She can't die. She promised Akira that she will not die. Pilit niyang nilalabanan ang panghihinang nararamdaman niya. Ramdam niya ang dugong umaagos sa buo niyang katawan. Nakikita pa rin niya ang takot at sakit sa mga mata ng mga babaeng umaatake sa kanya. Alam niyang hindi gusto ng mga ito ang ginagawa. Malakas siyang napapasigaw sa sakit ng pagkakabaon ng mga kutsilyo sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya.

"Siguro, mas maganda kung ikaw mismo ang papatay sa sarili mo," mala-demonyong sabi ni Barbie. Naguluhan siya sa sinabi nito. Nagulat na lang siya nang ilagay ng isang babae sa kamay niya ang patalim. Mukhang alam na niya kung ano ang binabalak ni Barbie sa kanya. Kusang kumikilos ang kamay niya. Pinagpapawisan na siya ng malapot dahil sa nangyayari. Napasigaw siya nang bumaon ang patalim sa braso niya na siya ang may kagagawan. Natatawa lang si Barbie sa nangyayari.

Pinilit niya ang sarili na mag-isip kahit sobrang sakit na ng buo niyang katawan. Alam niyang may invisible strings na nakadikit sa katawan niya. Kailangan niyang maputol ang mga ito para makatakas sa pagkontrol ni Barbie. She had no choice but to use her own power against herself to cut the invisible strings connected to her body. Pinilit niyang ibuka ang isang kamay at itinapat sa sarili. She had to gamble for her life. Napansin niya ang biglang pagliwanag ng singsing na suot niya. Nagpakawala siya ng matatalim na water blades sa buong paligid niya. Tiniis niya ang mga dumadaplis na water blades sa katawan niya. Maging ang tatlong babae na malapit sa kanya ay nadaplisan ng mga water blades. Hindi inaasahan ni Barbie ang ginawa niya.

Natiyak niyang naputol na ang mga pisi na nakadikit sa kanya dahil nagawa na niyang makagalaw. To regain her energy, she ate the healing candy she brought with her. Unti-unting naghilom ang mga sugat niya. Agad siyang lumayo kina Barbie para makabuwelo sa pag-atake. She brought water out and attacked them using a big tsunami. Kasabay ng tsunami, umikot dito ang liwanag na nagmumula sa singsing niya. She drowned them in water because she had to win. Pinahupa rin niya ang tubig. Nakita niya si Barbie na nakaupo sa lupa at inuubo pa. Fortunately, natanggal na rin ang invisible strings na nakadikit sa tatlong babae kaya hindi na sila makokontrol ni Barbie. Takang tumingin sa kanya si Barbie. Tila nagbalik na ito sa katinuan.

"Selene?" kunot-noong tanong nito. Ngumiti siya rito.

"Yeah, it's me," sagot niya. "I have to go now. You better clean your messy dolls," Selene winked and ran away. Napansin niyang sira-sira na ang suot niya kaya napabuntong-hininga siya at napailing. Kailangan pa niyang tulungan ang mga kasama niya. Nagtataka siya kung bakt hindi pa rin nawawala ang liwanag na nagmumula sa singsing niya.

~~~

Sa madamong bahagi ng gubat tumigil sina Akira at Vin. Hindi inaasahan ni Akira ang mga nangyayari ngayon. Hindi niya inaasahang makikita niya sina Barbie at Jonica rito. Nasa likod ni Vin ang malaking halimaw na pinakawalan niya kanina. Akira knew that this fight will be tough. Magaling si Vin pero naniniwala siyang makakaya niya itong matalo.

He released his earth fox. He attacked Vin using shockwaves that shook the ground. The monster Vin created was also strong to withstand the force his earth fox released. Muling gumuhit si Vin sa sketch pad niya. Isa pang halimaw na may malalaking sungay at mapupulang mata ang lumabas mula roon.

Sabay na sumugod sa kinaroroonan niya ang dalawang halimaw. He dodged their attack using his earth shield but they were too strong. Natibag ng magkasamang puwersa ng mga ito ang earth shield niya kaya nagiba ito. Napatalon siya palayo nang akmang susuntukin siya ng isa sa mga halimaw. Hindi niya akalaing ang mga halimaw na nagmula sa isang papel lamang ay magiging ganito kalakas. Mukhang na-master na talaga ni Vin ang kapangyarihan niya para magawa ang bagay na ito.

He used his earth fox to shoot earth balls towards the monsters. Sinasalag lang ng mga ito ang mga tira niya. His attacks were useless on them. The monsters ran towards him. He released his earth dragon. Nagbuga ng matatalas na earth spikes ang dragon patungo sa mga halimaw samantalang nagpapaulan naman ng mga earth balls ang earth fox ni Akira. Nadadaplisan lang ang mga halimaw. Tuluyang nakalapit ang mga ito at nakipaglaban sa earth dragon ni Akira.

Kinuha ni Akira ang pagkakataon upang sumakay sa earth fox niya. They ran towards Vin's direction. Nagulat ito pero agad ding nakaguhit sa sketch pad. Mula roon ay may lumabas na malaking agila na sinakyan nito upang makalayo sa kanya.

"Fuck!" mahinang pagmumura ni Akira. Tiningala niya si Vin sa kalangitan pero nagulat na lang siyang nang may humampas nang malakas sa likuran niya, dahilan upang tumalsik siya sa lupa. Hindi niya napansin na may halimaw na pala sa likuran niya. Agad tumayo si Akira at hindi ininda ang sakit. Gasgas lang ang natamo niya sa katawan para sumuko agad. He used an earth bow and arrow to shoot Vin down. Dahil mabilis ang agila, madali nitong naiiwasan ang atake niya. Napangiti nang lihim si Akira nang makitang susugod sa kanya ang agila. Inihanda niya ang sarili. Kailangan niyang mahuli sa bitag niya si Vin.

Nang papalapit na ang agila para sugurin siya, inilabas niya ang earth golem para hulihin ito. Malakas na suntok, na halos magpalindol sa buong lugar, ang natamo ng agila, dahilan upang bumagsak sina Vin sa lupa. Agad naglaho ang agila at bumalik sa pagiging papel. Agad sumakay si Akira sa earth fox at tinungo si Vin. Mabilis na tumayo si Vin na may kaunting galos sa braso.

Napansin ni Akira ang isang halimaw sa likod niya na humahabol sa kanya. Binutas ni Akira ang lupa upang mahulog ito sa ilalim at saka niya isinarang muli ang lupa. Ngumisi siya kay Vin na halatang nagulat sa ginawa niya. Muli itong gumuhit sa sketchpad. Mula roon ay may inilabas siyang malaking machine gun na ikinagulat ni Akira. Sunud-sunod na putok ang pinakawalan nito sa kanya. Gumamit siya ng makapal na earth shield para maiwasan ang mga bala. Ginamit niya ang earth golem para sugurin si Vin. Paiba-iba ng direksiyon si Akira para agad niyang maiwasan ang mga bala. Nang makalapit ang earth golem kay Vin, malakas na suntok ang natamo nito na bumutas sa lupang tinatapakan ni Vin.

Bumaba si Akira para makita kung ano ang nangyari kay Vin pero nagulat siya nang makitang isang halimaw ang sumalag sa atake ng earth golem niya. Humanga siya kay Vin dahil nakagawa agad ito ng isang halimaw sa ilang segundo lang. Agad nakatakbo palayo si Vin. Nahihirapan na ang halimaw at unti-unting nagiging papel. Pinaulanan ni Akira si Vin ng mga earth spikes kaya napatigil ito sa pagtakbo.

Natalo na ng earth dragon niya ang halimaw na may malalaking sungay. Muli niyang sinugod si Vin gamit ang earth fox niya. Nakaiwas ito pero hindi nito napansin ang earth golem na nasa likod na nito. Isang malakas na suntok ang tumama sa katawan nito na hindi na nito naiwasan.

Duguan ito at nawalan na ng malay. Nagtaka si Akira nang biglang magliwanag ang singsing na nasa kamay niya. Pinaglaho na niya ang earth fox, earth dragon at earth golem niya pero patuloy pa rin sa pagliwanag ang singsing niya. Pinagpag niya ang damit na suot at agad umalis para matulungan sina Clauss.

~~~

Masamang tingin ang ipinukol ni Xavier kay Jigger dahil sa ginawang pagpigil nito sa kanya. Gustong-gusto na niyang patayin si Enzo para mawala na ang kasamaan nito. Pati kapatid niya, idinadamay nito sa kasamaan nila.

"You'll regret this," Xavier said seriously.

"I will? Really?" nakangising tanong ni Jigger.

"Sisiguraduhin kong mawawala na kayo sa mundong ito," inis na sabi ni Xavier. Alam niyang talo siya kung masasaktan siya physically ni Jigger. Nagpapasalamat siya sa matandang nagpalaki sa kanya dahil ibinigay nito ang kapangyarihan nitong mag-boost ng strength. Kahit papaano, malalamangan pa rin niya si Jigger.

Nagpakawala si Jigger ng sunud-sunod na laser sa direksiyon niya pero bago pa ito tumama sa kanya ay naglalaho na ito. Hindi tatalab sa kanya ang kahit anong magical powers. Napangisi siya kay Jigger sa walang kabuluhang pag-atake nito sa kanya.

"What are you trying to do?" nang-aasar na tanong ni Xavier kay Jigger. Ngumisi lang si Jigger sa kanya ng nakakaloko.

Xavier started to turn his body as hard as steel when Jigger began to make a robot out of metal. Nagpaulan si Jigger ng kung anu-anong metal sa direksiyon niya. Mabilis na iniilagan ito ni Xavier sa pamamagitan ng pagtalon at pagtakbo. Kailangan niyang makalapit kay Jigger para makalaban dito. Tanging lakas niya ang magagamit upang matalo ito.

Patuloy lang siya sa pag-ilag sa mga metal habang tumatakbo palapit kay Jigger. Xavier didn't notice the metals attacking from behind. Dahil dito, hindi inaasahang tamaan siya ng matindi sa likod niya. Natumba siya sa lupa. Masakit ang pagkakabaon ng isang metal sa tagiliran niya. Napamura siya sa sarili dahil sa sakit. Mukhang hindi sapat ang lakas na pinakawalan niya para mapalakas ang sarili. Tumayo siya at napangiwi nang bunutin ang metal na bumaon sa tagiliran. Again, he boosted his strength and made his body harder than steel. Makakatulong ito upang hindi tumalab sa kanya ang mga metal na tumatama sa katawan niya.

Napangisi siya nang sabay-sabay na sumugod sa kanya ang mga lumilipad na metal ni Jigger. This time, hindi na ito tumalab sa kanya at nahulog na lang sa lupa. Nasira lang ang damit niya sa ginawa nitong atake. Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya kay Jigger na halatang gulat na gulat.

"How?" takang tanong nito sa kanya.

"You want to know? Let me demonstrate," nakangising sabi niya rito. Tumakbo siya patungo rito at malakas itong sinuntok sa mukha. Halos masira ang mukha nito sa ginawa niya. Inis na pinahid nito ang duguang mukha. Sumugod sa kanya ang robot ni Jigger. Malakas na suntok ang ibinigay nito sa kanya at halos mapaurong siya. Nagtamo siya ng kaunting galos sa mukha. Hinawakan niya ang kamay ng robot at malakas na ibinato ito patungo kay Jigger. Agad siyang lumapit kay Jigger at pinagsusuntok ito sa mukha hanggang sa mawalan ng malay. Binitiwan niya ito at bumagsak na ito sa lupa.

"I told you, you will regret this," hesaid. Napansin niya ang puting liwanag na nagmumula sa singsing niya naipinagtaka niya. Naglakad na siya patungo kina Clauss. Kailangang tapusin nanila ang laban na ito para sa ikatatahimik ng lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com