Chapter 4: True Training starts Today
XYRA
Sabado. Tinanghali ako ng gising. Mag-aalas-nuwebe na. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa training room. Hinihiling ko na sana wala pa si Clauss. Malakas na hangin ang kumakawala mula sa 'kin. Hindi ko ito makontrol. Pagbukas ko ng pinto, nandoon na si Clauss at inip na inip na. Naglalaro na siya ng apoy sa mga kamay. Napalunok ako at nagulat nang bigla niya akong binato ng fireball. Yumuko ako upang umilag. Nakaupo si Clauss at nakasimangot. Tumayo ako ng tuwid, hindi alam ang gagawin.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" inis na tanong ni Clauss.
"Sorry. Na-late ako." Nag-peace sign ako sa kanya pero lalo siyang napasimangot. Naglakad ako papunta sa stage.
"Kontrolin mo nga ang kapangyarihan mo. Hindi mo ba napapansin ang hangin na nanggagaling sa iyo? Don't let your power run loose. Hindi pwedeng ganyan kapag may kasama kang ordinaryong tao," he said, annoyed.
"Sorry. Hindi ko kasi alam kung paano. Paano ba?" napapakamot sa ulong tanong ko.
Halatang naiirita siya sa 'kin. Tumayo si Clauss at lumapit sa 'kin. Napalunok ako at kinabahan. Gusto kong magpanic. Lalong lumakas ang hanging nagmumula sa 'kin. Napailing si Clauss.
"Calm down. Lalong magwawala ang kapangyarihan mo kung kakabahan ka ng ganyan," he hissed.
Paanong hindi ako kakabahan kung alam kong malapit siya? Ano ba kasing nangyayari sa sarili ko?
"Kung magwawala ng ganyan ang kapangyarihan mo, madali kang mauubusan ng lakas. Masasayang lang 'yan nang hindi mo napapakinabangan. Try to seal it first. Pakalmahin mo ang sarili mo. Pilitin mong pigilan ang paglabas ng kapangyarihan mo," paliwanag ni Clauss.
Napatango ako at sinunod siya. Kumalma ako. Sinubukan kong pigilan ang paglabas ng kapangyarihan ko. Kagabi pa ito lumalabas kahit hindi ko gusto. Nagrereklamo nga sina Wanda dahil sobrang lakas daw ng instant electric fan.
Unti-unting humihina ang hangin. Nagagawa ko na ba? Hindi na ito ganoong kalakas katulad kanina. Naging banayad na ito. Naramdaman kong umiikot ang hangin sa buo kong katawan. Napatingin ako kay Clauss pero napailing siya.
"Kailangang makontrol mo nang tuluyan. Hindi pwedeng ganyan kahit mahina pa," he smirked.
Sinubukan kong gawing muli ang pagpigil sa kapangyarihan pero biglang hinawakan ni Clauss ang pulsuhan ng kamay ko. Muling lumakas ang hangin dahil bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napailing si Clauss at binitawan ako. Bumalik siya sa kinauupuan kanina.
"Kung hindi mo kayang kontrolin ang emosyon mo, mahihirapan kang kontrolin ang kapangyarihan mo," wika niya.
Pumikit si Clauss na tila natutulog. Bumuntong-hininga ako. Sinubukan kong gawin muli ang ginagawa ko kanina. Unti-unti kong pinakalma ang sarili. Nagtagumpay ako dahil unti-unting nawala ang hangin. Tama si Clauss na hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon. Masaya ako kagabi at kinakabahan naman kanina kaya kumakawala ang kapangyarihan ko.
CLAUSS
Iminulat ko ang aking mga mata. Wala na ang malakas na hangin na nagmumula kay Xyra. Mabuti't nakontrol ni Xyra ang kanyang kapangyarihan kundi mauubusan siya ng lakas. Tumingin si Xyra sa 'kin na tuwang-tuwa. Hindi ako natutuwa na siya ang air element power user dahil mapapahamak lang siya. Mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa elemental power users.
"Alam mo ba ang kayang gawin ng isang air element power user?" tanong ko kay Xyra.
Nag-isip si Xyra pero napailing. Umupo siya, katapat ko. Kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya kung ano ang kapangyarihan niya. Gusto kong mainis.
"Siguro, whirlwind, hurricane at tornado?" hula ni Xyra. Napailing ako. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko. Ano ba naman ang babaeng ito? Utak manok.
"That's not what I meant. It's more than that," inis kong wika.
"Eh, ano pala? Floating or flying?" dagdag pa ni Xyra. Simpleton. Masyado siyang mababaw mag-isip. Bakit ba ako nagtitiyaga sa pagtuturo sa kanya?
"Air is the element of freedom. It represents the mind, intellect, the ability to reason and the power to know. You need to be flexible to control this. Kailangang matalino ang gagamit nito kaya hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagtataglay nito," sarkastikong wika ko.
Bigla siyang lumabi na parang may ibinubulong pa pero tumingin siya sa 'kin na tila kumikislap ang mga mata. Nagtanong siya. "How about the fire element?"
Kailangan pa ba niyang malaman iyon?
XYRA
Naiintriga ako kaya tinanong ko si Clauss. Naaasar ako sa kanya. Mukha ba akong bobo? Mabagal lang ang pick up ko pero hindi ako bobo. Napansin ko na ayaw niyang sabihin sa 'kin ang tungkol sa element niya.
"Fire represents passion, energy, and the powers of fierce change and will," sagot ni Clauss.
"Weh? 'Di nga?" nang-iinis na tanong ko. Tiningnan ko si Clauss na parang hindi makapaniwala. Namula siya kaya natawa ako ng malakas. Napatigil ako sa pagtawa dahil tinitigan niya ako ng masama.
"Ano pala sa water at earth?" tanong ko.
Napasimangot si Clauss. "Water represents the deep self, emotions, intuition, and the power to dare. Earth represents the powers of stability, birth, death, and the power to keep silent."
Power to dare? Bagay kay Selene. Power to keep silent? Naalala ko si Akira. Ewan ko pero parang may gusto siyang sabihin sa 'kin pero hindi niya masabi.
"Bakit mo pala alam ang mga yan?" takang tanong ko.
"Itinuturo 'yan sa high school ng Wonderland," he answered.
"Bakit hindi sa elementary?" tanong kong muli.
"High school lang ako pumasok dito. Saka hindi pa 'yan naiintindihan sa elementary. Ang dami mong tanong," he grimaced. Nag-peace sign ako dahil halatang naaasar na siya.
"May mga abilities na nagmula sa elemental powers na na-acquire ng ibang power users. Ang lightning ay galing sa charged air. Sound is also manifested by air. Floating abilities, teleportation using air, predicting and controlling weather are also connected to air. Nakuha mo? Pero hindi mo kayang gawin 'yan lahat. Hindi kaya ng katawan mo. Nanggaling naman ang ibang kapangyarihan sa pinagsama-samang elemental powers. Smoke is from fire and air. Magma is from fire and earth. Ice is from air and water. Hindi ko alam kung may ability na nanggaling sa heaven power. Siguro meron. Ang iba namang powers ay lost magic at galing sa dark magic," paliwanag ni Clauss.
Napatango ako. "So, anong magagawa ko?"
"The fundamental techniques. You can do anything using air as long as it follows the principles related to it. Like what you've said before, whirlwind, tornados, hurricane and the like. Ang floating ability ay pwede mo ring magawa. Pwede mong gamitin ang air para sa depensa at opensa. But first you must link yourself to your elemental power for you to control it perfectly and easily," sagot ni Clauss.
"Paano ko gagawin iyon?" tanong ko.
"Air meditation. You must understand how it flows. You must feel and link it throughout your body. Kapag nagawa mong mapalutang ang sarili mo, ibig sabihin kaya mong ikonekta ang sarili mo sa air power mo. Kapag hindi na kumakawala ang kapangyarihan mo sa iyo, ibig sabihin nakokontrol mo na ito nang tuluyan," sagot niya. Tumayo si Clauss. Inilagay niya ang kamay sa magkabilang bulsa at nagsalita. "Mukhang matatagalan pa bago mo ito magawa. Bahala ka na rito. Babalikan kita mamayang hapon."
"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" takang tanong ko.
"Wala na akong uuwian," walang emosyong wika ni Clauss bago lumabas. Wala na ba siyang mga magulang o kamag-anak? Nalungkot ako para sa kanya. Kailangan kong galingan para hindi masayang ang panahon niya sa 'kin.
~~~
Linggo. Hindi ko pa rin naiuugnay ang sarili sa elemento ng hangin. Nahihirapan ako. Nagagawa kong lumutang pero hindi stable. Ilang segundo lang ang itinatagal ko sa ere at nahuhulog na. Mababalian ako sa ginagawa ko. Masakit na ang balakang ko. Si Clauss naman, nagpa-practice na dahil naiinip siya pero hindi ko siya kasama. Slow learner daw ako. Siya na ang genius. Apat na araw na lang akong makakapagsanay. Sa Biyernes na ang pagsusulit.
Sinubukan kong palutanging muli ang sarili. Naramdaman ko ang hangin na pumapalibot sa 'kin. Unti-unti akong lumulutang. Sa air goddess ko natutunan kung paano ko maiiugnay ang hangin sa 'kin. Naramdaman ko na sumasanib ang hangin sa buo kong katawan. It felt strange but it made me feel lighter. Sinabi ng air goddess na kailangan ng matinding konsentrasyon para manatiling nakalutang sa ere dahil sinusuportahan ako ng hangin. Kapag nasanay na ako magiging madali na ang paglutang at paglipad.
Iminulat ko ang mga mata. Pakiramdam ko ay matagal na akong nakalutang sa ere. Hindi katulad kahapon na isang minuto lang ang pinakamatagal. Sinubukan kong gumalaw patungo sa ibang parte ng training room. Hindi mataas ang nilulutangan ko dahil takot akong mahulog. Natuwa ako. Nagawa kong palutangin ang sarili pero biglang bumukas ang pinto kaya bigla akong bumagsak sa sahig dahil sa gulat. Hindi mataas ang pagkakalutang ko pero masakit pa rin ang pagkakabagsak ko. Umupo siya sa sahig at napahimas ako sa bumbunan. Seryosong tumingin sa 'kin si Clauss.
"Nagawa mo na?" tanong ni Clauss. Tumango ako nang makaupo sa sahig.
"Good. Hanggang diyan na lang ang maituturo ko sa iyo," sabi niya na ikinagulat ko.
"Ha? Bakit? May four days pa, 'di ba? Saka floating pa lang ang nagagawa ko," wika ko.
"Dahil nagawa mo na, kaya mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo. Ikaw na ang bahalang bumuo ng sarili mong techniques. Hindi kita matutulungan dahil magkaiba tayo ng element. Help yourself," he smirked.
"Kaya ko bang makaabot sa mataas na level gamit ang floating?" takang tanong ko.
"No. Level 3 lang yan. If you want a higher level, you must be able to control stronger techniques like hurricane, tornado and the like. Level 15 siguro iyon. Pero mas makabubuti na magsimula ka sa airball dahil hindi kakayanin ng katawan mo ang isang hurricane. Baka mapahamak ka lang. You're just a beginner. Don't dream big," sarkastikong wika niya. Halatang minamaliit niya ako.
"Don't dream big? I'll show you that I can reach Level 10. I'll prove that no dream is unreachable to a determined person," inis kong wika.
"You have the guts to say that, huh? Hindi mo kakayanin. Kaunti na lang ang oras para magsanay. Just do an airball. You can store high-pressured air inside an air ball to create impact against your opponent. Level 6 siguro iyon. Start with the basics. Don't abuse your body too much. Your life might be at risk if you won't listen to me," he smirked.
"Whatever. But if ever I make it to Level 10, can you consider me as your friend?" tanong ko.
Nagulat si Clauss sa sinabi ko at nagkibit-balikat. "That's too much to ask. If you don't make it to Level 10 then you must leave this academy, immediately. Deal?"
"Deal," matapang kong sagot.
I didn't show how afraid I was to agree with him. Mukhang mapapalayas ako sa academy ng wala sa oras. Bakit iyon ang nasabi ko kay Clauss? Hindi kasi siya ang tipo ng tao na palakaibigan. I could see that he doesn't trust anyone. I'm not sure but there's something wrong with his eyes. I could see anger and sadness. He seems so far away. By being his friend, I wanted to show him how beautiful the world is. I wanted him to smile and laugh with all his heart.
Umalis na si Clauss. I needed to start my training right away. I still have four days left.
Please help and guide me, air goddess. I can't do this alone.
~~~
Wednesday. Natutunan ko na ang paggawa ng air ball noong Lunes. Hindi naman ako nahirapan sa paggawa ng air ball pero hindi iyon sapat upang makaabot sa Level 10. I tried something new yesterday, stronger but harder to control.
Whenever I released it, I couldn't control it. It's dangerous that it might kill me. Bumabangga ito kung saan-saan. Hindi ako masyadong nagtatamo ng sugat sa katawan dahil naiilagan ko ito. Gabi-gabi akong nagsasanay.
I tried the technique once again. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko mabubutas nito ang mga kamay ko. Bigla ko itong napakawalan nang hindi ko inaasahan. Matatalim ang hanging kumakawala mula rito. Nagkaroon ng maliit na hiwa ang pisngi ko. The air technique I released went rampaging around the room.
Hindi ko ito nagawang iwasan dahil sa sobrang bilis nito. Naramdaman ko ang maliliit na hiwa sa iba't-ibang parte ng katawan ko. The air gust released by this technique was sharp like a knife and it could tear me apart. Hindi ko ito magawang makontrol kahit ano'ng gawin ko. My body was already covered with blood because of the cuts I got. I screamed whenever this technique would hit me. Napuruhan ang hita ko at ang aking tiyan. Hindi basta-bastang sugat ang natamo ko dahil malalim ang pagkakahiwa nito.
Biglang nawala ang nagwawalang air technique pero naramdaman ko na unti-unti akong nawawalan ng malay. Bumagsak ang katawan ko sa sahig. I can't die right now. Pinilit kong gumapang pero tuluyan na akong nawalan ng malay.
CLAUSS
Hanga ako sa determinasyon ni Xyra. Mukhang hindi niya alam kung kailan dapat sumuko. I knew she could never reach Level 10 in a short period. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya pumayag sa deal namin. I don't deserve to be her friend. I could never trust anyone and no one could ever trust me.
I heard loud noises and screams from the training room. Napadaan ako dahil hindi ako makatulog. Lumapit ako sa pinto pero wala na akong marinig na kahit ano. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para silipin kung anong nangyayari sa loob.
I gasped when I saw Xyra lying on the floor, dripping with blood. What happened to her? Tumakbo ako papunta sa kanya. Unti-unti nang bumabagal ang tibok ng puso niya. I needed to do something! Naalala ko si Cyril. Wala na akong panahon para dalhin siya sa clinic dahil hindi siya mapapagaling agad doon. Binuhat ko siya papunta sa dorm nina Cyril. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. I hate this feeling. Nakita ako ni Akira kaya nagmamadali siyang lumapit sa 'kin.
"What happened to her?" nag-aalala niyang tanong.
"Here. Take her to Cyril," utos ko.
Ibinigay ko si Xyra kay Akira. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Dinala siya ni Akira sa dorm nina Cyril. That girl! I already said not to abuse her body. Hindi siya marunong makinig. Bumalik ako sa dorm at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame. Maayos na kaya siya?
Please be safe...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com