Chapter 40: Final Counterattack
XYRA
Nakaramdam ako ng galit sa ginawa ni Enzo. Masyado siyang tuso! Napaurong ako nang bigla akong sugurin ni Jonica gamit ang kanyang hunter knife. Naiwasan ko ang atake niya at nakalipad palayo sa kanya. Hindi ko pa nasusubukan ang kaya niyang gawin kaya kinakabahan ako. Alam kong kaya niyang gumawa ng mga ilusyon kaya hindi ako kampante sa labang ito.
Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya kaya natitiyak ko na nasa ilalim siya ng kontrol ni Enzo. Kailangan kong isipin kung paano siya ililigtas. Gusto ko mang iwasang saktan siya ay tiyak na hindi pwede 'yon. Kailangan ko siyang labanan lalo na't wala siya sa sarili. Kailangan ko ring magmadali para matulungan si Clauss na labanan si Enzo.
Muling sumugod sa 'kin si Jonica na handa akong saksakin gamit ang hunter knife niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya. Nadaplisan ang gilid ng suot ko nang umiwas ako palayo sa kanya.
"I need to kill you," wala sa sariling wika niya. Napagtanto ko na ang tanging iniisip lang niya sa oras na ito ay ang patayin ako. I think she would randomly attack me without thinking just to kill me.
Ikinumpas ni Jonica ang kamay niya. Biglang nagbago ang buong paligid. Napunta ako sa loob ng isang madilim at abandonadong building pero hindi ko makita si Jonica habang iginagala ko ang paningin. Alam ko na ilusyon lang ang lahat ng ito kaya tinibayan ko ang isip ko. Hindi ako dapat magpaloko. Lumapit ako sa pader at hinawakan 'yon. Hindi tumagos ang kamay ko kaya tiyak kong hindi basta-basta ang level ng kapangyarihan ni Jonica. Even if it's an illusion, it could deceive the five senses of my body, as if it were the real thing.
Maging ang kakaiba at malansang amoy na nanggagaling sa isang kwarto ay naaamoy ko rin. Napakunot-noo ako habang tinatahak ang kwarto sa dulo kung saan nakakaamoy ako ng kakaiba. Inihanda ko ang sarili dahil baka nag-aabang doon si Jonica. Nang tuluyan kong buksan ang pinto na bahagyang nakaawang, napatakip ang dalawang kamay ko sa bibig dahil sa matinding gulat. Halos masuka ako sa nakita ko. Nakakalat ang mga bangkay sa buong paligid. Amoy ng dugo at mga patay na katawan ang naaamoy ko kanina.
Napaluha ako nang makita ang aking ama na nakasandal sa pader habang nakatarak sa puso niya ang isang punyal na kasalukuyang nilalabasan ng masaganang dugo. Kahit isipin kong ilusyon lang ang lahat, hindi ko pa rin maiwasang maiyak.
Lalapitan ko sana ang aking ama pero may marinig akong ingay sa gilid ng kwarto kaya napalingon ako. Mula roon, isang pamilyar na mukha ang mala-demonyong nakangisi habang nakatingin sa 'kin. May hawak siyang punyal na puno ng dugo, maging ang mukha niya ay may bahid din ng dugo. Si Clauss ang taong 'yon. Nakaupo ito sa bunton ng mga bangkay. Nagulat ako nang dilaan niya ang dugo sa punyal habang aliw na aliw na nakatingin sa 'kin. Aaminin kong nakakatakot siya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kahit ilusyon lang ito.
Napaurong ako nang tumayo siya. "So, you're the last to be killed," nakangising wika niya sa 'kin. Nakaramdam ako ng takot dahil sa malisyosong tingin niya sa 'kin. Gusto ko nang makawala sa ilusyon na ito pero hindi ko magagawa hangga't hindi ko pa natatalo si Jonica. Dahil sa naisip, agad akong tumakbo palabas sa kwarto para hanapin si Jonica at talunin. Pero kahit saang pasilyo ako magpunta ay hindi ko siya makita. Nakarating na ako sa rooftop ng building pero wala siya. Ang tanging nakita ko lang sa rooftop ay si Clauss na nakangisi sa 'kin, pero napansin ko ang walang kabuhay-buhay na mga mata niya.
"You can't run anymore. Do you want to make your death fast or do you prefer to be killed slowly?" tanong niya habang pinaglalaruan ang madugong punyal sa kanang kamay. Pinag-aralan ko ang itsura niya. May mali sa kanya. Nakita ko na ang walang buhay na mga matang 'yon. Katulad ito ng mga mata ni Jonica. Sigurado na akong si Jonica ang nasa harap ko ngayon. Ginamit niya ang kapangyarihan para magpanggap na si Clauss. Pero kahit nalaman ko nang si Jonica ang kaharap ko, hindi pa rin nawawala ang mukha ni Clauss. I'm still deceived by her illusions. Why?
Nagulat ako nang biglang lumabas ang seven-headed fire dragon ni Clauss. Hindi talaga biro ang labanang ito. Akala ko itsura lang ang nagaya niya. Inilabas ko ang air eagle ko at inihanda ang sarili para lumaban. Hindi dapat ako magpaloko sa nakikita ko.
Sumugod sa 'kin ang seven-headed fire dragon kaya agad akong naglabas ng malaking air shield. Pero sa gulat ko, agad itong nilamon ng seven-headed fire dragon. Agad akong lumipad para iwasan ang apoy na tumagos sa air shield ko. Nag-concentrate ako para alisin ang oxygen sa apoy niya pero nagulat ako nang biglang magbago ang lokasyon namin. Bumalik kami sa kwarto na puno ng mga patay na tao. Natigilan ako nang bigla silang gumalaw at bumangong lahat.
Maging ang ama ko na may nakatarak na punyal sa dibdib ay tumayo rin. Nakakaloko silang tumingin sa 'kin na tila gusto akong patayin. Pinigilan ko ang sarili na masuka dahil sa mga itsura nila. Punung-puno ng dugo ang katawan nila. Maging ang ilan sa kanila ay makikita na ang mga lamang-loob habang may hawak na punyal.
Hindi ko maiwasang manginig sa takot. Tumayo ang mga balahibo ko sa nakita. Nakatingin sa 'kin si Clauss habang nilalaro ang punyal. Inutusan niya ang mga ito para sugurin ako. Ginamit ko ang air eagle ko para atakihin silang lahat sa pamamagitan ng air blades. Pero kahit napatumba ko na sila, pilit pa rin silang tumatayo para labanan ako. Tila walang katapusan ang mga buhay nila. They look like zombies now. Ngayon ay napapaligiran na nila ako. Gumawa ako ng malaking air shield para hindi sila makalapit sa 'kin.
Inilabas ko ang air dragon ko. Nagpakawala ito ng mga air bombs para atakihin ang mga kalabang nakapaligid sa 'kin. Malalakas na pagsabog ang maririnig sa loob hanggang sa maramdaman kong yumayanig na ang lupa. Napapapikit ako sa lakas ng hanging kumawala sa air bombs. Maging ang mga pader ng kwarto ay nawasak dulot ng malakas na pagsabog. Kahit na sugatan at wasak na ang katawan ng mga kalaban dahil sa lakas ng air pressure na pinakawalan ng mga air bombs ay pilit pa rin silang tumatayo.
Natulala ako dahil sa mga itsura nila. Nagulat ako nang maramdaman si Clauss sa likod ko habang nakatutok sa leeg ko ang punyal na hawak niya. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi makagalaw.
"Game over," nakangising bulong sa 'kin ni Clauss. Akmang sasaksakin na niya ako sa leeg pero pinigilan ko ang mga kamay niya at humarap sa kanya. Dumaplis ang punyal sa gilid ng pisngi ko kaya naramdaman ko ang pagtulo ng dugo roon. Napangiwi ako sa hapdi ng hiwa sa pisngi ko. Naglabas ako ng mga air spears para atakihin siya. Nagtagumpay ako na tamaan siya sa tagiliran. Umurong ako palayo sa kanya. Blanko pa rin ang ekspresyon sa mga mata niya at tila hindi siya nasaktan sa mga hiwang natamo. Napasigaw ako sa sakit dahil sa punyal na tumarak sa likod ko.
Lumingon ako. Nakita ko ang aking ama habang hawak niya ang punyal na nakabaon sa likod ko. Lalo akong napasigaw nang bunutin niya ang punyal na 'yon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko kahit isipin ko na ilusyon lang ang lahat. Akmang sasaksakin niya akong muli pero nagawa ko siyang iwasan. Lumipad ako palayo kina Clauss at sa ama ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng masaganang dulo sa likod ko. Napapangiwi at napapaluha na ako sa sakit.
Hindi ko na napansin ang double fire dragon ni Clauss na biglang umatake sa 'kin. Tumama ito sa tiyan ko na tila gustong hukayin ang lamang-loob ko kaya malakas akong napasigaw. Tumalsik ako at napahampas ang likod sa mga dingding ng mga sunud-sunod na kwarto. Nabutas at nasira ang mga pader na tinalsikan ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko nang malakas na napahampas ang likod ko sa isang pader. Napasandal ako sa pader at napadausdos pababa sa sahig.
Naglaho ang double fire dragon ni Clauss na umatake sa 'kin. Nalasahan ko ang dugo sa bibig. Unti-unting lumabo ang paningin ko. Naaninag ko pa ang paglapit ni Clauss sa kinaroroonan ko bago ako nawalan ng malay.
CLAUSS
Nanatiling nakatayo si Enzo. Tila hinihintay niya akong maunang kumilos. Bigla akong nag-alala kay Xyra. Hindi ko siya makita dahil sa itim na aura na humahati sa paligid. Sina Xavier at Akira ay malayo sa kinaroroonan ko.
Si Selene ay pumasok sa kagubatan at sumunod kay Barbie. Nagulat ako nang makita ang mga damo na unti-unting natutuyo palapit sa 'kin. Inilabas ko ang fire phoenix ko para sumakay roon at lumipad sa ere.
"Scared already?" nang-aasar niyang tanong. Nagpaulan ako ng fireball sa kinaroroonan niya pero mabilis niyang nailagan ang mga ito. He's moving too fast that my eyes couldn't follow his every move. He's got superhuman speed. Tiyak na nakuha niya ang kapangyarihan ng isa sa mga nabiktima niya. Natigilan ako nang mapagtantong nasa harapan ko na siya habang nasa ere ako. Dahil marahil sa liksi ng mga paa niya, nagagawa na niyang tumakbo sa hangin. Isang malakas na suntok sa tiyan ang natamo ko kaya napangiwi ako. Agad akong lumayo sa kanya. Mahirap na kung gagamitin niya sa 'kin ang kapangyarihan niya. Agad siyang bumaba sa lupa at tumingala sa 'kin. Naiinis na tumingin ako sa kanya.
"You will never defeat me with that power," nang-uuyam na sabi niya. Naikuyom ko ang kamao. Hindi ko talaga siya matatalo kung matatakot akong lapitan siya. Bumaba ako sa lupa. Inilabas ko ang seven-headed fire dragon ko. Gigil na inatake ko si Enzo gamit ang fire inferno pero mabilis din siyang nawala sa kinatatayuan. Lumingon ako sa paligid para hanapin siya. Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na naman siya.
Hawak na niya ako sa leeg habang dahan-dahang sinasakal gamit ang isang kamay. Napangiwi ako at napakapit sa kamay niyang nasa leeg ko. Unti-unti akong umangat sa lupa habang dahan-dahang nawawala ang enerhiya sa katawan ko. Hinihigop niya ang life force ko. Napapangiwi ako sa sakit. Walang kumawalang salita mula sa bibig ko dahil unti-unting nauubos ang hangin sa baga ko. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko, nawawala ang dugo sa katawan ko at unti-unting nagiging buto't-balat.
Mala-demonyong ngumisi sa 'kin si Enzo bago nagsalita. "Sayang naman. Hindi ko na makukuha ang kapangyarihan mo dahil dito na magtatapos ang buhay mo."
Malapit na akong panawan ng ulirat nang biglang nagliwanag ang magical ring sa daliri ko. Dahil sa liwanag na nagmumula sa singsing, tila nasilaw si Enzo at napabitaw sa pagkakasakal sa 'kin. Napasigaw siya habang tinatakpan ang kanyang mga mata. Naramdaman ko ang mainit na enerhiya na gumapang sa katawan ko, dahilan upang bumalik ang aking lakas.
XYRA
"Xyra... Xyra..."
Unti-unti akong napamulat dahil sa mahina at mabining boses na tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko ang air goddess na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Nagtatakang iginala ko ang paningin sa buong paligid. Pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko. Napagtanto ko na nasa Island of the Gods ako. Nagtatakang bumangon ako sa pagkakahiga. Patay na ba ako?
"Ano po'ng nangyari sa 'kin? Bakit ako narito? Patay na po ba ako?" sunud-sunod na tanong ko sa air goddess.
Nakangiting umiling siya. "You're not dead yet but you're mentally hurt. Your mind can slowly kill you if you don't do anything about it."
Nagtatanong na mga mata ang ipinukol ko sa air goddess. "What do you mean?"
"You fought with an illusionist. She took over your mind, that's why you're mentally hurt. Natatakot ka kaya tumatalab sa isip mo ang mga ilusyon na ginagawa niya. Kahit ilusyon lang lahat ay nakakaramdam ka pa rin ng matinding sakit. You must overcome your fear. You're scared to see blood so she used your own weakness against you. I know that you're afraid to witness death in front of your eyes, but that's life. You must overcome your fear about death. Death is a natural phenomenon. No one can escape death, so you must accept that truth. Until you're able to overcome your fear, you won't be able to escape your own death," paliwanag ng air goddess. "Don't worry. I'll give you strength," dagdag pa niya.
Marahang hinaplos ng air goddess ang mukha ko. "The ring will protect you from evil," bulong niya bago ako hinalikan sa noo, kaya ipinikit ko ang mga mata ko. I felt secure all of a sudden. Pakiramdam ko ay wala akong dapat katakutan na kahit ano.
~~~
Nang imulat ko ang mga mata, nakita ko ang liwanag na nagmumula sa magical ring na suot ko. Wala na ang sakit at dugo sa katawan ko. Ang tanging natira ay ang dugo mula sa nahiwa kong pisngi.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang sigaw ng isang babae. Si Jonica na ang nasa harap ko at hindi na si Clauss. Tila nasisilaw siya sa liwanag na nagmumula sa singsing. Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya.
Nakita ko ang paglabas ng itim na enerhiya mula sa bibig niya. Sinalo ko siya bago siya matumba. Unti-unting nabasag at naglaho ang ilusyon na nakikita ng mga mata ko. Napalingon ako kay Clauss dahil sa liwanag na nagmumula rin sa singsing niya. Mukhang iniligtas din siya ng singsing. Pinalutang ko si Jonica gamit ang kapangyarihan ko at marahang isinandal sa isang puno na malayo sa labanan bago ako nagmadaling lumapit kay Clauss. Oras na para talunin si Enzo.
~~~
XYRA
Mula sa 'di kalayuan, nakita ko na papalapit na sa 'min sina Xavier at Akira. Si Selene naman ay tumatakbo palabas sa kagubatan. Duguan at sira-sira ang mga kasuotan nila pero nang pagmasdan kong mabuti ang mga katawan nila ay wala na silang mga sugat. Sa tingin ko, kumain sila ng healing candy.
Napansin ko ang mga singsing nila na nagliliwanag din katulad ng sa 'min ni Clauss. Ang mga kulay ng liwanag na inilalabas ay base sa kulay ng singsing na suot namin. Kahit ako ay hindi maiwasang masilaw.
Nagmamadali naming pinalibutan si Enzo na ngayon ay nagwawala dahil sa mga liwanag na nakikita saan man siya humarap. Pinalibutan siya ng itim na enerhiya. Malakas siyang napasigaw. Nagulat ako. Mula sa likod niya ay may lumabas na isang kakaibang nilalang.
Napakunot-noo ako nang biglang humalakhak nang malakas si Enzo na tila nababaliw. Lumipad sa tabi niya ang kakaibang nilalang na lumabas mula sa kanya. When I looked at it intently, I discovered that it's the grim reaper with a golden crown on its head, holding a large scythe and wearing a black cloak.
Nakalutang ito sa lupa. Napatakip kami sa mga tainga namin nang magpakawala ito ng nakaririnding tunog na pilit na sumisira sa mga pandinig namin. Ilang segundo ang nakalipas, nawala rin ang nakaririnding tunog na 'yon. Lahat kami ay nalito nang lumabas ang lahat ng mga gods and goddesses mula sa singsing na suot namin.
Napalingon ako sa fire god na lumabas mula kay Clauss. Naghikab siya at nag-unat pa. "Akala ko hindi na ako makakalabas," wika niya. Bigla siyang umakbay kay Clauss. Nagusot naman ang mukha ni Clauss.
"Paano ka nakalabas?" inis na tanong ni Clauss sa fire god.
"Ayan ka na naman! Bakit ba ikaw ang napili ko? You're still cold like before. Matapos kitang turuan ng tungkol sa paggamit ng kapangyarihan ko, hindi ka na nakipag-usap sa 'kin. What a brat! Pasalamat ka hindi ko binawi ang kapangyarihang ibinigay ko sa 'yo. Sabagay, wala akong magagawa dahil ikaw lang ang may kakayahang kumontrol ng apoy ko," napapailing na wika ng fire god. Sinasakal na ng braso ng fire god ang leeg ni Clauss pero tila naglalaro lang naman. Pilit naman na inaalis ni Clauss ang braso ng fire god. Halatang naiinis na dahil tinatawanan lang siya ng fire god.
Gusto kong ma-weirduhan sa ikinikilos ng fire god. Hindi ba niya napapansin ang kalaban na nasa harapan namin? May panahon pa talaga siyang maglaro? Lumingon sa paligid ang fire god nang mapansin na lahat kami ay nakatitig sa kanya. Maging ang ibang gods and goddesses ay nakatingin sa kanya.
"Yow! Nandito pala kayo!" bati ng fire god, sabay kaway sa ibang gods and goddesses.
Napalingon siya kay Enzo at sa reaper na kasama nito. "May laban ba?" takang tanong pa niya. Tumayo na siya nang tuwid at itinigil na ang pangungulit kay Clauss. Napabuntong-hininga ang air goddess na nasa tabi ko. Ang god of nothingness naman ay seryosong nakatingin sa fire god. Napansin ko naman ang pag-irap ng water goddess samantalang pinipigil naman ng earth god ang pagtawa.
"What have you been doing all this time? Aren't you aware of what's happening?" kalmadong tanong ng air goddess sa fire god. Napakamot sa ulo ang fire god. Napansin ko ang itim na enerhiya na lumabas mula sa reaper at biglang umatake patungo sa fire god.
Ilang pulgada na lang ang layo ng itim na enerhiya sa fire god nang bigla itong lamunin ng malaking apoy. Tila wala lang sa fire god ang ginawa samantalang ang reaper ay galit na sumigaw. Nakakarindi pero napansin ko ang water shield na biglang lumabas sa harap naming lahat. The sound couldn't penetrate the water shield. The destructive sound was converted into water vibrations and could not travel in the air anymore.
"Hindi kasi kami nagkasundo ni Clauss. Dahil matigas ang ulo niya, sinabi ko na hindi ko siya tutulungan pero hahayaan ko na gamitin niya ang apoy ko. Sinabi ko rin na hindi ko na siya pakikialaman. Hindi ko na tinangkang alamin ang mga nangyayari sa kanya. Nagulat na lang ako sa puwersang biglang humila sa 'kin palabas kanina," natatawang sagot ng fire god na halatang walang pakialam sa galit na sigaw ng reaper. Si Clauss naman ay nakasimangot lang.
"What nonsense. Let's finish this now. Let's face the king of death and end this war," seryosong sabi naman ng god of nothingness. He's glowing white. Seryosong tumango ang mga gods and goddesses sa sinabi niya.
"Hindi niyo ako matatalo!" dumadagundong at galit na sigaw ng reaper. Ipinatong ng air goddess ang kamay niya sa ulo ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya sa 'kin kaya napangiti rin ako.
"We will back you up," mahinang wika niya. Masayang tumango ako saka lumingon kina Enzo. Bigla kaming napalingon sa likod nang may sumigaw. Naglalakad si Felicity patungo sa direksiyon namin. Tila wala siya sa sarili niya. Tumatakbo naman sina Frances at Troy at malakas na tinatawag ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay may kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong katawan ni Felicity, dahilan upang marahang liparin ang buhok niya ng hangin. Nababalutan din ng itim na aura ang mga mata niya, na ikinabahala ko. Hindi nagbibiro si Enzo nang sinabi niya ang masama niyang balak kay Felicity.
Biglang hinawakan ng air goddess ang baywang ko at mabilis kaming lumipad sa ere. Maging sina Clauss ay nasa ere na rin. Takang napalingon ako sa air goddess. Magtatanong sana ako pero tumingin siya sa baba kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.
Nagkabitak-bitak ang lupa. Natutuyo ito na tila may El Niño. Patuloy ang pagkatuyo ng lupa sa buong paligid. Malapit nang maabot si Felicity ng kapangyarihan ng reaper pero isang pabilog na nullification shield ang pumigil sa pagkalat nito. Naabutan ni Troy si Felicity at hinawakan upang pigilan.
Sumigaw si Frances sa direksyon namin. "Huwag niyo kaming intindihin! Ang mahalaga ay matalo niyo si Enzo para maging maayos na rin si Felicity!"
Binitiwan na ng air goddess ang baywang ko dahil kaya ko namang lumipad. Tumango ako kay Frances at tumingin sa air goddess. "Tapusin na po natin 'to." Nakangiting tumango ang air goddess. Lumingon kami sa baba kung nasaan ang reaper at si Enzo. Ikinumpas ni Enzo ang kamay at mula roon ay may itim na enerhiyang sumugod sa 'min paitaas. Muling nilamon 'yon ng malaking apoy mula kina Clauss hanggang sa maglaho.
Samantala, sunud-sunod at gigil na gigil na ikinumpas ng reaper ang kanyang hawak na scythe sa hangin. Sunud-sunod ang maitim at matatalim na enerhiya ang lumabas at umatake sa direksiyon namin. Mabilis akong nakapaglabas ng mga air bombs katulong ang air goddess. Tumama ang mga air bombs sa mga itim na enerhiya at sumabog. May lumabas ding mga water bombs at earth spikes mula kina Selene at Akira na pumigil sa pag-atake ng reaper. Mula sa kinatatayuan namin, may iba't-ibang kulay ng liwanag ang lumabas mula sa lupa na pumalibot sa aming lahat.
"Ibuhos niyo ang lahat ng natitira niyong lakas sa mga magical rings tapos ay itapat niyo ang magical rings sa langit. At pakawalan niyo nang sabay-sabay ang naipon niyong enerhiya sa kalangitan. That would be our final counterattack to defeat them. Kakalabanin namin ang king of death habang ginagawa niyo 'yon," utos ng god of nothingness sa 'min. Tumango kaming lahat. Bumaba ang mga gods at goddesses para kalabanin ang king of death.
Tiningnan ko ang blue magical ring na suot ko. Pinagsalikop ko ang mga palad na tila nagdadasal bago pumikit. Unti-unti kong inilipat lahat ng kapangyarihan na taglay sa singsing. Ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na enerhiya sa buo kong katawan patungo sa singsing na suot ko. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nagmulat ng mata. Napatingin ako sa mga kasama ko. Tapos na sila kaya napatango kami sa isa't-isa.
Sabay-sabay naming itinaas ang mga kamay. Pinakawalan namin sa kalangitan ang lahat ng kapangyarihang naipon sa mga singsing. Lumabas mula sa singsing ko ang asul na liwanag na humawi sa mga ulap at tumuloy sa kalangitan. Red, blue, white, green and golden brown were the colors running across the sky.
Lahat kami ay nagtaka nang maubos ang liwanag na nagmumula sa mga singsing. Tumingin kami sa kalangitan pero nawala na ang mga liwanag na pinakawalan namin. Tumingin ako sa baba pero hindi pa rin namamatay ang king of death at si Enzo na kasalukuyan pa ring nakikipaglaban sa gods and goddesses.
Napakunot-noo ako. "May mali ba sa ginawa natin? Bakit wala yatang nangyari?" tanong ko sa kanila.
"Pero hindi na natin mauulit lahat ng ginawa natin. Naibigay na natin ang lahat ng natitira nating kapangyarihan," naguguluhang saad ni Xavier.
"No. We did it right. Look up," sabi naman ni Clauss habang nakatingala sa langit. Sinunod namin siya at tumingala. Mula sa kalangitan, isang matingkad na dilaw na liwanag ang bumubulusok pababa. Lumipad kami palayo sa takot na tamaan kami pero tila may isip ang liwanag na 'yon. Tanging sa direksiyon ni Enzo at ng king of death lamang ito patungo.
Nang mapatingala ang reaper at si Enzo, tila nasilaw sila sa liwanag. Hindi sila makagalaw sa kinatatayuan. Mabilis silang tinamaan ng liwanag at napasigaw sila nang malakas. Bumaba na kami sa lupa nang masigurong maayos na ang lahat. Napansin ko ang unti-unting paglalaho ng kanilang mga katawan na tila nasusunog ng liwanag. Halata sa malalakas na sigaw nila ang sakit na nararamdaman. Nawala ang liwanag nang tuluyang maglaho ang mga katawan nina Enzo at ng king of death.
Lumapit sa 'kin ang air goddess. "You did well," nakangiting sabi niya. Masayang napayakap ako sa air goddess. "Salamat po sa tulong niyo," wika ko. Hinaplos niya ang buhok ko pero bigla siyang naglaho. Paglingon ko sa paligid, wala na rin ang ibang mga gods. Nanghihinang napaupo naman si Akira sa lupa. Si Xavier naman ay lumapit kina Felicity na yakap ni Troy at wala nang malay. Sa tingin ko bumalik na sa 'min ang mga gods.
Mula sa isang puno ay may nakita akong isang babaeng bumaba. She's the mysterious girl with the power of darkness. Misteryosong ngiti ang ibinigay niya sa 'kin bago unti-unting naglaho sa itim na usok. Ipinilig ko ang ulo para alisin siya sa isipan. Sa tingin ko, hindi siya kalaban.
Lalapit sana ako sa kinaroroonan ni Clauss nang mapatigil ako. May isang malaking laser ang nakita kong malapit na sa harapan ko. Nanlamig ang katawan ko. Napako ako sa kinatatayuan. Pakiramdam ko, tumigil ang pag-ikot ng mundo at ang pagtibok ng puso ko. Natulala ako.
"Xyra!" narinig ko pa ang malakas na sigaw nila. Nagising ako nang may biglang tumulak sa 'kin palayo. Natumba ako paupo sa lupa pero kitang-kita ko kung paano natamaan si Selene ng malaking laser na 'yon sa dibdib. Nakita ko ang pagtalsik ng masaganang dugo mula sa katawan niya at ang dugong lumabas sa bibig niya. Nakita ko rin kung paano siya bumagsak sa lupa.
"Selene!" gulat at malakas na sigaw ni Akira.
Gulat na gulat ako at hindi makagalaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko na tila aatakihin ako. Naramdaman ko ang paglandas ng masaganang luha sa mga mata ko. Nanginginig at dahan-dahan akong gumapang palapit kay Selene. Napatakip ako sa bibig nang makita ang malaking butas sa dibdib niya na inaagusan ng masaganang dugo.
"S-Selene..." nangangatal na tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin bago tuluyang ipinikit ang mga mata. Malakas akong napasigaw nang mapagtanto na binawian na siya ng buhay. Napaupo ako sa lupa at napaiyak nang malakas. Nanginginig na lumapit si Akira na napaluhod sa tabi ni Selene. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang mukha ni Selene kaya lalo akong napaiyak.
"S-selene? Selene! Gumising ka nga! Hindi magandang biro 'to! Nangako ka sa 'kin! Akala ko ba ang mga masamang damo, hindi madaling namamatay? 'Di ba, sinabi mo 'yon? Gumising ka na... Gumising ka!" hysterical na sigaw ni Akira.
May narinig akong sigaw at ingay sa 'di kalayuan kaya napalingon ako. Nakita ko si Clauss na sunud-sunod na pinagsusuntok sa mukha si Jigger habang hawak niya ang kwelyuhan nito. Halata ang galit sa mga suntok na pinakakawalan niya. Pakiramdam ko nga ay gusto niyang suntukin nang suntukin si Jigger hanggang sa mapatay niya ito.
Malungkot na lumapit sa 'min sina Xavier. Pilit na inalo naman ni Frances si Akira. Malakas at galit na napasigaw si Akira na hindi matanggap ang nangyari. Kasalanan ko. Lumapit si Clauss sa 'min. Nilingon ko si Jigger na nilalamon na ngayon ng apoy. Tumingin ako kay Clauss. "C-Clauss... Kasalanan ko... A-ako dapat ang namatay! Ako dapat!" hysterical na sabi ko sa kanya.
"Stop it! Hindi na siya babalik kahit sisihin mo pa ang sarili mo!" galit na sigaw ni Clauss na ikinatigil ko. Hindi ako nagsalita pero patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.
Tumabi sa 'kin si Clauss at niyakap ako. "I was about to do the same thing pero inunahan lang ako ni Selene."
Ibinaon ni Clauss ang mukha niya sa balikat ko. Natigilan ako nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi. Sobrang higpit ng yakap niya sa 'kin na tila ayaw niya akong mawala. Niyakap ko siya. Napakagat-labi ako para pigilin ang pag-iyak.
Natigilan kaming lahat nang lumabas muli ang mga gods pero hindi na nila kasama ang water goddess. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Clauss. Napalingon kaming lahat sa kanila. Malungkot silang tumingin sa 'min.
"I'm sorry. We're here to take her body and leave you all," sabi ng earth god.
"Bakit? Bubuhayin niyo ba siya?" umaasang tanong ni Akira pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa kanyang mata.
Malungkot na umiling ang air goddess. "Hindi kami sigurado kung mabubuhay pa namin siya. But we need her because the water goddess is trapped in her soul."
"B-But—" tutol ni Akira, pero napatigil siya nang magsalita ang god of nothingness. "Just give her body to us and we will take care of her."
Lumapit ang earth god kay Selene. Kahit tutol si Akira ay hinayaan niyang kunin ng earth god ang katawan ni Selene, pero bago 'yon ay may ibinulong siya kay Akira.
Malungkot silang ngumiti sa 'min. "You'll live as normal humans from now on. Thank you for your help. We will repay you when the time comes," saad ng air goddess. May napansin akong mga maliliit na liwanag na tila alitaptap na papalapit sa kanila bago sila naglaho sa isang iglap. Lahat kami ay naiwang tulala. Mula sa likuran ay may narinig kaming pagtawag. Sina Bryan ay kumakaway sa 'min. Nakita ko rin si Dad at ang iba pa. Nanghihinang tumayo kami at tumingin sa kanila.
Maraming naghanap kay Selene nang mapansin na kulang kami. Napayuko kami. Sa tingin ko ay nakuha nila ang ibig naming iparating sa pananahimik namin. Lahat sila ay nalungkot. Napagpasyahan naming mag-alay ng panalangin para kay Selene at sa iba pang namatay. May itinusok kaming krus kung saan binawian ng buhay si Selene.
Bumalik kami sa Dark Wizards Academy pero gumuho na 'yon. Lahat ng mga bangkay ay pinagtulung-tulungan naming ilibing nang maayos. Maging ang mga bangkay na nasa WMA ay sa DWA na rin inilagak. Pinabasbasan nina Bryan ang mga bangkay sa paring kakilala niya. Tahimik kaming umalis nang matapos ang pag-aalay ng dasal at pagbabasbas sa mga bangkay.
Ipinaalam ang nangyaring trahedya sa mga magulang ng mga nasawi. Matinding galit ang naramdaman nila. Hindi nila alam kung sino ang sisisihin. Ang ilan sa mga miyembro ng Dark Wizards ay buhay pa. Ipinahuli sila sa mga alagad ng batas upang ikulong. Nakakalungkot ang mga nangyari pero hindi ko na maibabalik lahat ng mga nasayang na buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com