Chapter 5: Examination Day
Huwebes. Pagmulat ng mga mata ni Xyra, hindi niya makilala ang lugar na kinaroroonan niya. Ang naaalala lang niya ay nahimatay siya dahil sa mga hiwa at sugat na natamo mula sa hurricane na sinamahan niya pa ng air blades. Hindi niya makontrol ito dahil nahihirapan siyang pagsamahin ang dalawang technique kaya bigla itong nagwala. Napalingon siya sa nagsalita.
"Gising ka na pala," wika ni Cyril. Sinubukan niyang gumalaw pero sumakit ang katawan niya kaya napadaing siya ng mahina. Napailing si Cyril.
"Hindi pa ako tapos sa pagpapagaling sa 'yo. Masyadong malalim ang natamo mong sugat sa tiyan kaya nahirapan akong pagalingin ka kagabi. Humiga ka muna diyan at ipagpapatuloy ko ang paggamot sa iyo," utos ni Cyril.
Sinunod niya ito. Kailangan niyang gumaling agad kaya hindi pwedeng maging matigas ang ulo niya. Nagsimula itong gamutin siya.
"Pasensiya ka na, ha? Naabala pa tuloy kita. Paano pala ako napunta rito?" tanong niya.
"Binuhat ka ni Akira, puno ng dugo. Ano ba'ng nangyari sa iyo?" nakakunot-noong wika ni Cyril.
"Sinubukan kong pagsamahin ang hurricane at ang air blades pero hindi ko makontrol," paliwanag niya.
"You're insane. You're just a beginner and you're trying dangerous techniques? Hindi kaya ng isang beginner ang pagsamahin agad ang dalawang techniques. That's suicide. Magpasalamat ka at buhay ka pa ngayon. Kung hindi dahil kay Akira baka pinaglalamayan na ang bangkay mo," napailing nitong wika. Nalungkot si Xyra. Hindi niya talaga kayang makaabot sa Level 10. Gusto niyang maiyak.
"Bakit ba gumagawa ka ng mapanganib na technique?" tanong ni Cyril.
"I have a deal with Clauss. Kapag hindi ako umabot sa Level 10, kailangan kong umalis sa academy," sagot niya.
"And if you win?" ani Cyril.
"We'll be friends," maikling sagot niya.
"Ang babaw naman ng deal niyo para saktan mo ang sarili mo," hindi makapaniwalang wika ni Cyril.
"Hindi mababaw 'yon! Alam mo namang hindi siya nakikipagkaibigan kahit kanino. He doesn't trust the people around him. Gusto kong mabago iyon," determinadong wika niya.
"Ibang klase ka ring mag-isip. Wala ka nang oras para magpractice. Hindi mo na kakayaning makaabot sa Level 10," napapailing nitong wika.
Napabuntong-hininga si Xyra. Mapapalayas na siya sa Wonderland. Pumasok si Akira na ikinalingon nila.
"Bawal ang lalaki rito," ani Cyril.
"Wala namang nakakita sa pagpasok ko. May klase sila. May masakit pa ba sa iyo, Xyra?" nag-aalalang tanong ni Akira.
Umiling siya pero nagsalita si Cyril. "She has this insane deal with Clauss. Kailangan niyang umabot sa Level 10 para hindi mapaalis dito."
"What? I'll talk to Clauss to stop that nonsense!" inis na wika ni Akira.
Akmang tatalikod na ito pero pinigilan siya ni Xyra. "Akira, it's okay. Ako ang may gusto nito. You don't have to worry."
"Hindi mo kayang makaabot sa Level 10. You don't have enough time to practice. Bukas na ang examination," tutol ni Akira.
"I thought so. Kung may oras pa sana ako baka magawa kong makaabot sa Level 10," nanghihinayang niyang wika. Napaisip sina Cyril at Akira sa sinabi niya.
"May kilala akong makakatulong sa iyo. Si Xander. Pero walang kasiguraduhan na makakaabot ka ng Level 10. He'll just give you time," wika ni Cyril.
Nagtatakang napatingin siya kay Cyril. Ngayon lang niya narinig ang pangalang sinabi nito. "He's from the second section. He's the time controller. Matutulungan ka niya. I'll talk to him," Akira said.
Nagmamadaling umalis si Akira. Time controller? Ibig sabihin kaya nitong bigyan siya ng mahaba-habang oras para makapagsanay? Nakasilip siya ng pag-asa. Tumayo si Cyril.
"You're all healed. Tandaan mo, huwag mong masyadong abusuhin ang katawan mo. Dapat sa basics ka muna magsimula. Pero dahil may deal kayo ni Clauss, hindi kita mapipigilan, tama? Pupunta ako mamaya sa training room para gamutin ang mga sugat mo. May utang ka sa akin," Cyril said then winked at her.
Natuwa siya sa sinabi nito. Napatayo siya para yakapin ito. "Salamat! Ang bait mo talaga. Hayaan mo, tatanawin ko itong malaking utang na loob," masayang wika niya.
Napailing ito na tila natatawa. Inalis nito ang mga kamay niya na nakayakap dito. "Yuck. Huwag mo 'kong yakapin. Hindi tayo talo," nandidiring wika nito.
Natawa siya. Nagpasalamat siyang muli bago umalis. Pumunta siya sa dorm para magpalit ng damit. Bumalik siya sa training room. Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras. Naghabilin siya kay Cyril na sabihin kay Akira na nasa training room siya.
~~~
Ipinaliwanag ni Akira kay Xander ang deal nina Clauss at Xyra, pati ang nangyari sa training ni Xyra. Hiniling ni Akira sa kanya na tulungan niya si Xyra.
"Insane girl," napailing si Xander. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang tulungan ito. Sinabi niya kay Akira na tutulungan niya si Xyra. Alam kasi niyang kukulitin siya ni Akira.
Pumasok sa room si Cyril. Sinabi nito na nasa training room na si Xyra.
"Mamayang alas sais hanggang alas onse ko siya tutulungan. Kailangan niyang mag-ipon ng pagkain for five days. 'Yan lang ang maibibigay kong oras sa kanya," aniya.
"Matagal na ang five days. Thanks," masayang wika ni Akira bago lumabas.
Tama ba ang nakikita niya na may gusto si Akira kay Xyra? Napailing siya. Natulog siya buong maghapon sa klase dahil alam niyang mapapagod siya mamaya.
Bago mag-alas sais, nasa training room na sina Xyra at Akira. Nakapaghanda na ang mga ito. Ipinakilala ni Akira si Xyra sa kanya. Lumabas si Akira bago magsimula ang training.
"Kung anuman ang mangyari sa iyo sa loob ng training room na ito, wala akong pananagutan, okay? Hindi ko kasalanan kung bigla kang mamatay sa training. Wala akong kasalanan dahil ginusto mo ito," aniya.
"Sure. Salamat dahil tutulungan mo ako," wika ni Xyra.
Nakangiti ito sa kanya kaya napabuntong-hininga siya. Handa itong mamatay para sa isang walang kwentang pustahan.
"I'll hold the time inside this training room. Hindi ko patitigilin ang oras sa labas. Ang isang oras sa labas ay katumbas ng isang araw dito sa loob. Tutulong ako sa 'yo sa loob ng limang oras. That means, you have five days to train yourself. Siguro matagal na iyon?" wika niya. Tumango si Xyra at halatang natuwa.
"Pwede kang magpahinga para hindi mapagod ang katawan mo. Huwag mong abusuhin ang sarili mo dahil mahaba-haba naman ang oras. Pupunta dito si Cyril kada isang oras para gamutin ka. You're lucky dahil handa silang tumulong sa 'yo. Handa ka na ba?" tanong ni Xander.
"I think so," sagot ni Xyra at tumango.
"Good. Hindi kita pakikialaman sa training mo. Wala akong gagawin kundi ang umupo dito at gawin ang dapat kong gawin. Naiintindihan mo?" wika niya.
Tumango si Xyra at nagpasalamat. Sinimulan ni Xander ang pagpapabagal sa oras sa loob ng training room. Nagsimula namang magsanay si Xyra. Malayo si Xander kay Xyra dahil halatang hindi nito kayang kontrolin ang technique na ginagawa. Baka pati siya ay madamay kapag lumapit siya.
Nahihirapan si Xyra sa paglalabas ng hurricane at air blades. Namumuo ang mga butil ng pawis sa noo nito. Marami na itong natamong sugat dahil nagwawala ang air technique. Suicide ang ginagawa nito. Natapos ang isang araw na hindi nito nakontrol ang technique. Ginamot siya ni Cyril habang natutulog. Pumasok si Clauss sa loob ng training room. Umupo si Clauss sa dark side ng training room kung saan hindi siya makikita ni Xyra.
Nag-aalala ba ito kay Xyra kaya ito narito? Hind na lang siya pinansin ni Xander. Nakatingin si Clauss sa unahan kung nasaan si Xyra. Lumabas si Cyril matapos gamutin si Xyra.
"Sabihin mo sa kanya na kung gusto niyang pagsamahin ang techniques na hurricane at air blades, dapat pareho ang direksyon na dinadaluyan ng dalawang technique para magsama ang mga iyon. Dapat pareho ang pressure at bilis sa pagrerelease para walang magwala sa kanila at hindi kumawala ang matatalim na air gust," wika ni Clauss.
Napalingon siya kay Clauss. Napagtanto niya na tama ang sinabi nito. Hindi 'yon nagagawa ni Xyra kaya nagwawala ang technique. Pero, tinutulungan ba nito si Xyra? Hindi ba't gusto nito'ng umalis si Xyra sa Wonderland? Nagtataka siyang napatingin kay Clauss. Hindi nito pinansin ang tingin niya. Clauss just shrugged his shoulders then closed his eyes.
Walang balak si Clauss na ipaalam kay Xyra na naroon siya. Wala nang nagawa si Xander kundi ang sabihin kay Xyra ang mga sinabi ni Clauss tungkol sa technique na ginagawa nito. Sinunod ni Xyra ang mga sinabi niya at nagpasalamat pa sa kanya. Tuwang-tuwa ito. Napailing siya. Hindi naman sa kanya galing ang ideya na iyon.
Hindi napapansin ni Xyra si Clauss dahil nakatuon ang pansin nito sa ginagawa. Nahihirapan itong tantyahin ang kapangyarihan ng inilalabas na technique. Hindi nito magawang pagpantayin ang bilis at pressure ng dalawa. Nagwawala pa rin ang technique at si Xyra ang napupuruhan dahil sa matatalim na hanging kumakawala sa hurricane.
Ang mga kumakawalang air gust na iyon ay ang air blades na pinipilit nitong isama sa hurricane. Alam ni Xander na kung magagawa ni Xyra na makontrol ang technique na iyon, masasabing malakas iyon. Everything would be cut by that hurricane into pieces. Masyadong malaking pinsala ang magagawa ng technique na 'yon.
Isang hurricane na may mga air blades sa gilid? Astig tingnan pero hindi siya sigurado kung magagawa 'yon ni Xyra. Ito pa lang ang nakita niyang power user na sumubok paghaluin ang dalawang technique. And that's too much for a beginner like her.
Natapos ang ikalawang araw na punung-puno si Xyra ng sugat sa katawan. Bumagsak ito sa sahig at nawalan ng malay. Dumating si Cyril para pagalingin ito. Lumabas si Clauss pero bumalik din agad bago magising si Xyra. May sinabi pa ito kay Xander. Hindi niya akalain na mabait pala si Clauss. O kay Xyra lang ito mabait? Nang magising si Xyra sa ikatlong araw, kinausap niya agad ito.
"Para makapaglabas ka ng parehong bilis and pressure dapat alam mo kung gaano kabilis ang hurricane na ginagawa mo. Saka ka gumawa ng air blades pagkatapos mong pag-aralan ang bilis ng hurricane. Kailangang makuha mo ang tamang timing ng pagsasanib sa technique habang umiikot ang hurricane. Dapat makasabay ang air blades sa hurricane. Concentrate. Kung hindi man kakawala ang air blades sa hurricane, maaaring lamunin lang ito kung magkakamali ka sa pressure nilang dalawa," wika ni Xander.
Tumango si Xyra. Hindi ba ito napapagod sa ginagawa? Talagang determinado ito. Ngayon, unti-unting nagiging stable ang hurricane at air blades na pinagsasama nito. Nagiging compatible na ang dalawang techniques sa isa't-isa. Konti na lang ang kumakawalang air blades at hindi na gaanong malakas.
Bumangga sa pader ang hurricane kaya nagkaroon ng malaking pinsala sa pader. Halos mabutas na ang pader pero biglang nagwala ang hurricane at tumama sa iba't ibang direksiyon bago naglaho. Hindi pa kayang kontrolin ni Xyra ang hurricane kahit na nagagawa na nitong isama ang air blades dito. Napailing siya.
Napaupo sa sahig si Xyra na hinihingal. Nagpaalam ito sa kanya na pupunta muna ito sa dorm upang magbihis. Sinabi niya na bilisan nito dahil mabilis ang oras sa labas.
"Hey, Clauss. Why don't you just forget that nonsense deal?" mahinang tanong niya rito.
"I can't do that. A deal is a deal," walang emosyong wika nito.
Napailing siya. Pumasok na si Xyra. Pumunta ito sa puwesto nito kanina. Nagsimula itong muling magsanay. Nakukuha na nito kung paano pagsasamahin ang air blades at hurricane pero hindi nito makontrol ang direksiyon ng technique. Muntik pa ngang tamaan si Xander dahil sa pagwawala ng technique. Humingi ng tawad si Xyra sa kanya.
Kung tinamaan siya baka patay na siya ngayon. Napakapabaya ng babaeng ito. Gumagawa ng mapanganib na technique pero hindi naman kayang kontrolin. Kapag natamaan si Xyra tiyak na hiwa-hiwa na ang katawan nito. Unti-unting bumagal ang pag-ikot ng hurricane dahil nauubusan na rin ng lakas si Xyra.
Napaupo si Xyra sa sahig sa pagod. Mag-training ba naman ng tatlong sunod-sunod na araw? Humiga ito sa sahig at pumikit. Hindi na matindi ang mga natamo nitong mga sugat.
Pumasok si Cyril. "Kamusta ang training ni Xyra?" tanong nito.
"May progress naman kahit papaano," sagot ni Xander.
"Buti naman kung ganoon," ani Cyril.
Lumapit ito kay Xyra. Hindi ito nagtagal sa panggagamot kay Xyra dahil konti lang ang sugat nito. Si Clauss naman ay natutulog na. Pumikit na siya dahil nauubusan na siya ng lakas. Lumapit kay Xander si Cyril.
"Pwede kong ibalik ang iba mong lakas. Mukhang nahihirapan ka na rin," wika ni Cyril.
"Mukhang hindi na kailangan. Makita ka lang, parang bumabalik na ang lakas ko," wika niya sabay kindat kay Cyril. Namula ang mukha ni Cyril pero hindi umimik. Binatukan siya nito bago ito lumabas sa training room. Napahimas tuloy siya sa ulo pero napapangiti. Natulog siya dahil parehong tulog ang mga kasama niya.
Sa ikaapat at ikalimang araw ng training, kinokontrol na lang ni Xyra ang direksiyon ng hurricane. Sa tuwing bumabangga ang hurricane sa pader ay nagwawala iyon na parang trumpo sa loob ng training room. Napailing siya nang makita niya ang kabuuan ng training room.
Halos masira na ang mga pader pero dahil makapal ang concrete wall hindi umaabot ang pinsala sa katabing kwarto. Patay sila kay Bryan kapag nakita nito ang nangyari sa training room. Bumagsak sa sahig si Xyra na walang malay. Pagod na pagod ito. Hindi pa rin nito nakontrol ang hurricane na may air blades.
Siguro swerte na lang kapag nagawa nito iyon bukas. Ginamot ulit ito ni Cyril. Itinigil na niya ang pagpapabagal sa oras. Lumabas si Clauss sa pinagtataguan nito. Matapos magamot si Xyra, binuhat na ito ni Clauss.
"Thanks for helping her," mahinang wika ni Clauss.
Nagulat sila ni Cyril dahil nagpasalamat si Clauss. Nagkatinginan sila. There's something wrong with him. Ngayon lang ito nagpasalamat at nakipag-usap sa kanila.
"No worries. Determinado talaga siya sa pustahan niyo," sagot niya. Nakatingin si Clauss kay Xyra. Napailing siya. Medyo nagulat siya nang mapansin na nakangiti si Clauss kay Xyra. Was he unconciously smiling? Ngayon lang niya nakitang ngumiti si Clauss.
"You're not worried that she'll fail, right?" ani Cyril. Umiling si Clauss. "No. I know she'll make it."
Lumabas na si Clauss sa training room,buhat si Xyra. Nagkatinginan sila ni Cyril. Sa totoo lang, hindi na talaga pangLevel 10 ang ginagawang technique ni Xyra. Alam niyang mananalo ito sa deal. Maybe Clauss was not against the idea of being friends with Xyra. Mukhang lumalambot na ang puso nito. Napangiti sila ni Cyril sa isa't-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com