Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Examination Day Part 2

XYRA

Examination day. Naalimpungatan ako dahil may tumatapik sa mukha ko. Dahil inaantok pa ako, walang anu-anong tinabig ko ang kamay ng tumatapik sa 'kin. May naririnig akong mga tinig.

"Gigisingin pa ba natin ang isang ito?"

"Oo, bawal mahuli sa examination. Last chance na niya kaya kailangang gisingin siya."

"Ano'ng gagawin ko? Ayaw magpagising eh."

Gulat na gulat na napasigaw at napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Napalingon ako sa nagbuhos ng tubig sa 'kin, si Frances. Halatang gustong matawa nina Wanda at Frances sa reaksiyon ko.

"Magbihis ka na Xyra kung ayaw mong mapaalis dito," sabi ni Frances habang nagpapatuyo ng buhok. Nagmadali akong umalis sa kama nang maalalang araw na ng pagsusulit. Dali-dali akong pumasok ng banyo, dala ang towel ko.

Paano ba ako nakarating sa dorm? Hindi ko matandaan na nakapaglakad pa ako dahil pagod na pagod ako kagabi. Ang natatandaan ko ay bumagsak ako sa sahig at nakatulog. Hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Xander. Siya marahil ang nagdala sa 'kin sa dorm. Naligo at nagbihis na ako. Niyaya ko na sina Wanda na pumunta sa examination room.

"Tapusin mo muna ang pagsusuklay mo," utos ni Wanda.

Napalabi ako. Sinunod ko siya. Pagkatapos kong ayusin ang buhok, naglakad na kami patungo sa examination room. Puro third year ang nandoon dahil kami ang nakatakdang mag-exam. Halatang sabik na ang mga estudyante sa pagsusulit pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Kinalabit ko si Wanda. Nagtanong ako kung ano'ng pinag-uusapan ng dalawang babae.

"May surprise gift kasi kapag nakaabot sa Level 35. Ang sabi nila nakakatuwa ang surprise gift. Mula ito sa magical powers at kinakatawan nito kung ano ang user. Siguro nakakatakot ang surprise kung kaugali ni Clauss ang lalabas. Peace!" wika ni Wanda.

"Isusumbong kita kay Clauss," pagbibiro ko.

"Bakit? Close kayo?" natatawa niyang tanong.

"Malapit na," sagot ko. Inilabas ko pa ang dila kay Wanda. Pareho kaming natawa.

"Sabagay. Siya nga ang nag-uwi sa iyo sa dorm kagabi," usal ni Wanda. Nanlaki ang mga mata ko at nagtatanong na napatingin kay Wanda. Si Clauss ang nag-uwi sa 'kin kagabi? Paano?

"Siya talaga ang nag-uwi sa akin sa dorm? Hindi si Xander?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Si Clauss nga. Ang kulit. Teka, paano mo nakilala si Xander? 'Di ba, Section Two siya?" takang tanong ni Wanda. Nakapasok na kami sa examination room.

"Mamaya ka na magpaliwanag kay Wanda, tingnan muna natin kung pang-ilan tayo sa mag-eexam," wika ni Frances.

Tumango ako at sumunod sa kanila. Kasabay namin ang pangalawang section na mag-eexam. Ako ang pinakahuli sa mag-eexam. Nasa huli rin sina Selene, Akira at Clauss.

Nagsi-upuan na kami. Ang mag-eexam lang ang nasa stage. Kinakabahan ako dahil maraming nanonood. Sana hindi ako pumalya mamaya. Ako pa naman ang huling mag-eexam. Baka pagtawanan ako ng mga estudyante kapag hindi ko napalabas ang ID ko.

May lumabas na clear glass wall na pumalibot sa buong stage. Umabot ang taas ng glass wall hanggang kisame. Isa itong protective wall upang maiwasang masaktan ang mga manonood. May isang pinto para makapasok sa loob ng stage. May lumabas na malaking screen sa bawat gilid ng coliseum.

Naramdaman kong may tumabi sa 'kin. Si Akira 'yon kaya ngumiti ako sa kanya. Naalala kong magpasalamat sa kanya. "Salamat pala sa pagtulong sa akin kahapon."

"Kay Xander ka dapat magpasalamat, hindi sa akin," wika niya.

Napailing ako habang nakangiti. "Ano ka ba! Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko mapipilit si Xander na tulungan ako."

"No problem. Nagawa mo na ba ang sinasanay mo?" tanong ni Akira.

Tumingin sa 'kin si Akira. Sumagot ako. "Hindi pa ako sigurado kung nagawa ko nga. Mamaya ko pa talaga malalaman. I hope luck will be on my side this time."

"Then, goodluck," nakangiting wika ni Akira.

Tumingin kami sa unahan nang magsimula na ang examination. Manghang-mangha ako sa mga nakikitang ginagawa ng mga estudyante. Si Troy na ang nasa stage. Gumawa siya ng isang malaking ice wall na naglalabas ng ice spikes na tumama sa glass wall. Tumaas siya sa level 27 na nagflash sa screen. Matibay at makapal ang glass wall kaya hindi ito nasira ng mga ice spikes na tumama roon. Sumimangot si Troy na tila hindi nasiyahan sa naabot. Sumunod sa kanya si Selene. Napansin kong tumayo na si Akira kaya napalingon ako sa kanya. Siya na ang susunod kay Selene.

"Galingan mo, Akira," sabi ko.

Napatingin siya sa 'kin at napatango. Kumaway pa siya bago umalis. Malapit na akong mag-exam kaya nanginginig na ako sa kaba. Tinapik nina Wanda ang balikat ko dahil nahalata nilang kabado ako. Nasa unahan na si Selene. Nakapikit siya at tila nagko-concentrate.

A large amount of water came out from Selene's hands. That water moved and spun like a drill. I noticed the high-pressure, fast rotating water drill that was intended to damage the glass wall. Nagsimula nang atakihin ni Selene ang glass wall. Kung gagamitin ni Selene sa tao ang technique, siguradong butas na ang katawan ng tatamaan noon. Unti-unting nagkakaroon ng lamat ang protective wall pero pinagpapawisan na rin si Selene. Biglang nawala ang water technique niya. Hinihingal na napahawak si Selene sa tuhod na daig pa ang tumakbo.

"Bakit nila tinatarget ang glass wall?" tanong ko. Sina Wanda at Frances ay nakaabot sa Level 20. Napansin ko na ang protective wall ang laging pinatatamaan ng mga power users kapag opensa ang gagawin. Nakaabot si Selene sa Level 29. Di nasiyahang umalis si Selene sa stage katulad ni Troy.

"Wala kasing ibang mapag-tetestingan sa loob kundi 'yon. Saka kapag nasira mo ang glass wall ibig sabihin malakas ang technique na ginawa mo. Last year wala talagang nakadamage diyan kundi si Clauss lang. Pero ang pinaka-nasisira talaga ay ang stage ground," sagot ni Frances.

Nagtataka akong napatingin kay Frances pero agad akong lumingon sa stage dahil nandoon na si Akira. Hindi ko na natanong si Frances kung bakit pinaka-nasisira ang stage ground. Tumingin sa 'kin si Akira na nakangiti at kumaway. Gumanti rin ako ng kaway sa kanya. Tumigil ang sigawan ng mga babae para kay Akira at masama akong tiningnan na tila gusto akong patayin. May nagawa ba akong masama?

Nagsimula na si Akira. He used a strong force from his hands and targeted the stage ground. Nagulat ako sa ginawa niya dahil gumawa siya ng isang malakas na earth-shock sa stage. Lumindol sa loob ng examination room. Nasira ang stage at kalahati na lang ang natira. Nagkabitak-bitak iyon. Lumipad kung saan-saan ang sahig na nagkahati-hati.

Halos makabuo si Akira ng isang malaking hukay sa sahig. Makikita na talaga ang lupa sa ilalim nito dahil nasa unang palapag ang examination room. Hindi naapektuhan ang mga tao sa labas ng glass wall. Tiningnan niya ang ID. Nag-advance siya sa Level 33 na nakita ko sa monitor. Napapalakpak ako. Napabuntong-hininga naman si Akira at tahimik na umalis sa stage. Ito pala ang ibig sabihin ni Wanda na pinaka-nasisira ang sahig.

Napatingin ako sa sunod na pumasok, si Clauss. Mas malakas ang sigawan ng mga babae ngayon kaysa kanina. Lahat ay hindi na makapaghintay. Hindi siya ngumingiti. Napakaseryoso talaga niyang tao. Ipinaglihi siguro siya sa sama ng loob. Nagsisigawan ang mga babae kaya medyo narindi ako.

Tumahimik ang lahat nang biglang nilamon ng apoy ang buong stage. Halos hindi namin makita si Clauss. Mataas ang apoy. May biglang lumabas na fire phoenix mula sa apoy na iyon. Tumigil ito sa itaas na halos malapit sa kisame pagkatapos ay biglang bumulusok pababa sa stage. May narinig kaming malakas na pagsabog sa loob. Hindi namin malaman kung ano'ng nangyayari dahil sa apoy na lumalamon sa buong stage.

Hindi pa rin namin makita si Clauss. Napanganga kaming lahat nang unti-unting humupa ang apoy. Wala nang bakas ang stage kundi abo na lang. Nakatayo lang si Clauss at nakadapo sa balikat niya ang fire phoenix. Sinugod ng fire phoenix ang glass wall. Hindi nasira ang glass wall pero malaking lamat ang nagawa nito roon. Naglaho ang fire phoenix. Nag-advance si Clauss sa Level 36. Hindi rin natuwa si Clauss. Paalis na sana siya pero biglang may sumulpot na kulay pulang umaapoy na itlog sa harapan niya. Ito na ba ang surprise? Unti-unting napisa ang itlog.

Hindi ko inaalis ang paningin sa stage. Curious ako kung ano'ng lalabas sa burning red egg na nasa harapan ni Clauss. Napansin ko na marami rin ang naghihintay. Tiningnan kong mabuti ang lumalabas doon. May lumabas na maliit na ulo roon na may sobrang cute na pares ng mga mata. Bilog na bilog ang mga mata nito na kulay itim. Parang bagong gising dahil kumukurap-kurap pa iyon.

Tuluyang napisa ang itlog. Ang lumabas doon ay isang maliit na pulang dragon. A red dragon with a small pair of wings. Nag-unat-unat pa ang maliit na dragon habang lumilipad. Humarap ito kay Clauss na natutuwa samantalang si Clauss ay walang reaksiyon habang nakatingin dito.

Inikutan ng baby dragon si Clauss bago dumapo sa ulo niya at doon natulog. Halatang marami ang natuwa sa baby dragon. Siguro kaugali rin ni Clauss ang baby dragon? Napansin kong napabuntong-hininga si Clauss bago lumabas sa stage. Naalala ko na ako na ang susunod na mag-eexam!

Nagmamadaling tumakbo ako patungo sa entrance ng stage. Nakasalubong ko si Clauss kaya binati ko siya. Nagmulat ng mga mata ang baby dragon na nasa ulo niya. Ang sama ng tingin nito sa 'kin. Mana nga sa amo nito.

"Congrats!" Nakangiti ako kay Clauss samantalang siya ay nakatingin lang sa 'kin. Tumango siya at nilampasan ako. Hindi man lang ako sinabihan ng 'goodluck'. Siguro ipinagdadasal niya na sana hindi ako makaabot sa Level 10. Hindi ako dapat magpa-apekto. Kailangan kong galingan. Nakita ko sa entrance si Akira.

"Galingan mo, Xyra," nakangiting wika ni Akira.

"Salamat, Akira. Kinakabahan nga ako. Sana magawa ko. Congrats pala," wika ko.

"Thanks. Kaya mo yan. Just believe in yourself," wika niya.

Napangiti ako kay Akira. Pumasok ako sa loob. Pagpunta ko sa gitna, abo na talaga ang stage at ang kalahati pang parte noon ay may malaking hukay. Hindi man lang nagtira si Clauss kahit one-fourth ng stage para sa 'kin.

Napatingin ako sa mga manonood na tahimik lang. Naghihintay sila sa kung ano'ng gagawin ko. Kinabahan ako. Nakita ko sina Wanda na sumesenyas sa 'kin at nagsasabi ng 'goodluck'. Napangiti ako sa kanila. Nag-concentrate ako para makontrol nang maayos ang technique na gagawin ko.

Gumawa ako ng isang malaking hurricane at dahan-dahan ko itong isinama sa air blades. Nagagawa ko na ito nang maayos dahil ito ang natutunan ko sa pagsasanay. Ang problema ko ay ang pagkontrol sa direksiyon nito. Ang sabi sa 'kin ni Xander, gamitin ko ang isip para makontrol nang maayos ang direksiyon ng hurricane.

Nang tumama ito sa glass wall, nagdulot ito ng malaking crack doon pero pagkatapos ay hindi ko na makontrol ang hurricane.

Kung saan-saan na ito bumabangga na parang trumpo. Iniilagan ko na lang iyon dahil tiyak na patay ako kapag natamaan ako. Itinuon ko ang pansin sa pag-ilag dahil sobrang bilis ng pagwawala nito sa loob ng stage. Dahil sunud-sunod at malakas ang impact ng pagkakabangga sa glass wall, lalong lumalaki ang lamat nito.

Nagulat ako dahil biglang nabasag nang tuluyan ang glass wall at ang hurricane ay nakalabas. Tatama ito sa mga audience. Dahil sa pag-aalala ko sa mga matatamaan nito, nagawa kong mapatigil ang hurricane dahil sa desperasyon. Halatang kinabahan ang mga manonood sa nangyari. Kinabahan din ako dahil baka makapatay ang technique ko. Mabagal na lang ang pag-ikot ng hurricane sa ere. Unti-unti itong naglaho. Nakahinga ako ng maluwag at napaupo sa sahig. Hinihingal ako.

May lumabas na ID sa harapan ko kaya natuwa ako. Kulay asul iyon. Pagtingin ko sa ID, nakita ko ang personal information ko pati ang level ko. Napatalon ako sa tuwa. Natuwa ako dahil may blue dragon doon at may mga feathers sa background. Tumakbo agad ako palabas sa stage para hanapin si Clauss. Nanalo ako sa deal kahit sinuwerte lang ako! Nakita ko na naghihintay sina Wanda sa 'kin. Nakangiti sila kaya napangiti rin ako.

"Congrats Xyra!" sabay na bati nina Wanda at Frances.

"Salamat sa inyo," nakangiting wika ko.

Nag-appear pa kami pagkatapos. Nagpaalam agad ako sa kanila dahil kailangan kong mahanap si Clauss. Nakita ko si Selene na nakasandal sa pader.

"Mukhang sinuwerte ka sa pagsira ng protective wall. But you're still weak," she smirked. Napabuntong-hininga ako. Wala akong balak makipag-away kay Selene ngayon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya.

"Kung inaakala mong magiging mabait na sa 'yo si Clauss pagkatapos nito, nagkakamali ka. Ako lang ang nakakakilala at nakakaintindi sa kanya. So, better back off if you're interested in him because you'll be facing me," mataray na wika ni Selene.

Napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya pero nakatalikod na siya at naglalakad na palayo.

"Selene, simula ngayon hindi na lang ikaw ang makakakilala at makakaintindi kay Clauss. Sisiguraduhin ko na isa na rin ako doon," matapang kong wika.

Napatigil sa paglalakad si Selene pero hindi siya lumingon sa 'kin. "So, you're going against me? Let's see what you got then. See you around in hell, Xyra." Iwinasiwas pa ni Selene ang kamay niya bago patuloy na naglakad. Malaking problema ito.

CLAUSS

Maraming nagulat dahil nasira ni Xyra ang glass wall. Hindi nila matukoy kung swerte lang ba iyon o kung malakas ba talaga ang technique. Hindi na ako nagtaka nang makita kong nasira niya ang glass wall. Nagwala lang ang technique kaya nasira ito. Naka-level 17 lang si Xyra dahil hindi niya kontrolado ang technique.

Malaki na ang damage ng glass wall dahil sa impact ng fire phoenix at dumagdag lang ang impact ng hurricane na may air blades kaya nasira ang glass wall. Nanalo siya sa deal namin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako sa naging resulta ng exam. I need to endure being friends with her from now on.

Lumabas ako sa examination room. Umalis sa ulo ko ang baby dragon at lumipad habang sumasabay sa paglalakad ko. Umikot pa siya sa 'kin bago dumapo sa balikat ko. Teka, ano bang ipapangalan ko sa kanya?

Pumunta ako sa puno kung saan ako madalas tumambay. Nagtitigan kami ng baby dragon na nakadapo sa kamay ko. Naghikab siya kaya napangiti ako. Bumuga siya ng apoy pero masyadong mahina para umabot sa 'kin. Parang inubo pa siya kaya lalo akong napangiti. Bata pa talaga siya. Nagulat ako dahil may nagsalita sa ibaba ng puno. Tumingin ako sa ibaba at nakita si Xyra. Kumakaway siya at abot-tainga ang ngiti sa 'kin. Napakunot-noo ako sa kanya.

XYRA

Tinawag ko si Clauss na nasa itaas ng puno. Napansin ko kanina na nakangiti siya sa baby dragon. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Kasing cute na tuloy niya ang baby dragon. Nang tumingin siya sa 'kin, kumaway ako at ngumiti ng sobrang lapad. Napansin kong kumunot ang noo niya.

"I won!" masayang sigaw ko.

"I know," nakasimangot niyang wika.

"I-congratulate mo naman ako," I pouted. Halatang naaasar siya pero napilitan ding magsalita. "Congrats."

Lalo akong napangiti ng malapad. Bumaba si Clauss sa puno kaya katapat ko na siya pero medyo malayo kami sa isa't-isa. Ang baby dragon naman ay lumipad papunta sa 'kin at binugahan ako ng apoy pero sobrang hina ng naibuga niya kaya natawa ako. Hinipan ko ang baby dragon pero napalakas kaya nadala siya ng hangin at tumama sa mukha ni Clauss. Napasimangot si Clauss. Natawa ako sa itsura ng dalawa dahil pareho silang naaasar. Nagtago sa likod ni Clauss ang baby dragon at sumisilip ito sa 'kin. Bumubuga pa rin siya ng mahinang apoy. Ang cute tingnan ng dalawa. Napangiti ako sa itsura nila.

"Mukhang close na close na kayo ng baby dragon, ah. Anong pangalan niya?" natutuwang tanong ko.

"Wala pa," nakasimangot niyang sagot.

"Ganun? Baby Clauss na lang ang itatawag ko sa kanya dahil mana naman siya sa amo niya," masayang mungkahi ko. Nagulat si Clauss sa ibinigay kong pangalan. Halatang ayaw ni Clauss sa pangalang sinabi ko dahil nakasimangot siya na parang namumula. Hindi kaya sumabog siya na parang bulkan?

"Anyway, Clauss. Friends na tayo, di ba? Ako ang nanalo!" pangungulit ko.

"Oo na," napipilitang wika ni Clauss.

Inilahad ko ang kamay sa kanya. Kailangan ng handshake para pormal. Nakatingin lang si Clauss na nagtataka sa kamay ko. "Ano yan?"

"Ano ba naman! Wala ba sa vocabulary mo ang salitang 'handshake'?" nang-iinis na tanong ko.

"Para saan?" takang tanong ni Clauss.

"Bilang formality na magkaibigan na tayo at dahil magkaibigan na tayo dapat mabait ka sa akin." Sobrang lapad ng pagkakangiti ko. Tinanggap niya ang kamay ko at nakipagkamay. Hindi siya makatingin sa 'kin.

"Balik na ako sa dorm ko. Uuwiako bukas sa 'min. Saturday kasi. See you, Clauss and Baby Clauss thisMonday," paalam ko sa kanila. Kumaway pa ako. Lalong napasimangot siClauss. Masaya ako dahil kahit papaano, nakaabot ako sa Level 17. Ano namankaya ang mga susunod na mangyayari sa 'kin sa Wonderland? Nahihirapan ako peromukhang kakayanin ko namang tumagal dito.    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com