Chapter 8: Friends?
XYRA
Lunes. Breaktime. Nakasimangot ako. Hindi pumasok si Clauss sa unang klase. Lagi siyang nagka-cutting. Buti hindi siya naki-kickout kahit hindi siya pumapasok. Sinabi ni Frances na bibili sila ni Wanda ng pagkain. Hindi na ako sumama. Napalingon ako sa puno na katapat ng room nila. Natuwa ako dahil naroon na si Clauss ngayon.
Ang cool ng pagkakahiga niya sa sanga ng malaking puno. Ang dalawa niyang kamay ang inuunan niya. Si Baby Clauss naman, natutulog sa tiyan ni Clauss. Nagdesisyon akong lumabas ng classroom at pumunta sa puno kung nasaan si Clauss. Malapit na akong makalapit sa puno pero biglang nagsalita si Clauss.
"What do you want?" tanong niya.
Napapitlag ako. Ang lakas ng pakiramdam niya. Napatingala ako sa itaas ng puno. Dahil hindi ko makita ang mukha ni Clauss, pinalutang ko ang sarili hanggang sa makita ko siya. Nakapikit siya. Si Baby Clauss naman, nagmulat ng isang mata at napatingin sa 'kin pero pumikit muli na parang walang nakita. Ang cute.
Makalipas ang ilang segundo, biglang nagmulat si Baby Clauss na tila nagulat at lumipad papunta sa mukha ni Clauss at doon dumapo. Takot na takot siyang napatingin sa 'kin. Ngayon lang nag-sink-in sa isip niya na ako pala ang nakita niya kanina. Natawa ako. Inis na nagmulat si Clauss. Inalis ni Clauss ang baby dragon sa mukha niya. Mukha tuloy kuting si Baby Clauss. Bumangon si Clauss. Binitiwan niya ang baby dragon. Nakangiti naman ako sa dalawa pero parehas silang nakasimangot at masama ang tingin sa 'kin.
"Why are you here?" inis na tanong ni Clauss.
"Wala naman. Bakit? Masama bang pumunta rito para makita ang isang kaibigan?" Nang-aasar kong sabi. Lalong nagusot ang mukha ni Clauss.
"We're not friends!" inis na wika niya. Seryosong tumingin ako kay Clauss. Hindi niya susundin ang deal namin? Inilapit ko ang mukha ko kay Clauss. Nakikipagtitigan siya sa 'kin. Wala kaming kurapan.
"I won the deal. Remember?" nanghahamong wika ko. Biglang tinakpan ni Clauss ang buong mukha ko. Dahan-dahan niyang inilayo ang mukha ko sa mukha niya.
"Don't come any closer or else I'll burn you to ashes," inis na wika ni Clauss.
Napalabi ako. Iniiwas ko ang mukha sa kamay ni Clauss kaya napatingin ako kay Baby Clauss. Ang cute niyang tingnan. Natakot naman si Baby Clauss sa 'kin. Pinisil-pisil ko bigla ang mukha ni Baby Clauss.
"Hello, Baby Clauss! Ang cute mo talaga. Friends na kami ng master mo kaya friends na rin tayo!" wika ko. Biglang bumuga ng apoy si Baby Clauss. Mahina pa rin ang naibuga niya kaya natawa ako.
"Baliw. Can't you just change his name? Huwag mong isunod sa pangalan ko," inis na wika ni Clauss.
Napatingin ako kay Clauss na namumula. Ano'ng problema niya? Galit ba siya? Siguro masyadong mainit ang fire ability niya kaya madalas siyang mamula? Cute naman ng name ng baby dragon. Baby Clauss? Parang junior lang. Saka mana naman kay Clauss ang baby dragon.
CLAUSS
Naaasar ako. Pakiramdam ko ay ako ang tinatawag ni Xyra kapag sinasabi niya ang pangalan ng baby dragon. She's pissing me off. Why do I find it sweet whenever she's saying that name? Dammit!
Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. Makalipas ang ilang minuto, binelatan niya ako at umupo sa sanga. Tumabi siya sa 'kin. Nakaupo na ako dahil inistorbo niya ang pagtulog ko. Si Baby Clauss naman ay lumipad at dumapo sa ulo ko. Napabuntong-hininga ako.
"Bakit ba ang suplado mo? Ang cute naman ng name na iyon, ah. Baby Clauss. Bagay sa baby dragon mo," wika niya. Nakangiti siya sa 'kin habang sinasabi iyon. Nag-iwas ako ng tingin. Ang kulit talaga niya.
"About the deal, dapat sundin mo 'yon dahil ako ang nanalo. We're friends now, kaya dapat maging mabait ka sa akin," wika niya.
Nakikita ko sa peripheral view ko na sobrang lapad ng pagkakangiti niya. She's really into it. Kung alam lang niya na mapapahamak siya sa pakikipaglapit sa 'kin. Mapapadali ang misyon ko kapag naging kaibigan ko siya pero bakit pakiramdam ko ayaw ko siyang mapahamak? Gusto kong lumayo siya sa 'kin para hindi siya madamay. Pero kahit naman layuan niya ako, mapapahamak pa rin siya dahil isa siya sa elemental power users.
What should I do? May pagkatanga pa naman siya. She's so gullible. Hindi ko alam kung bakit napakadali niyang magtiwala sa ibang tao.
XYRA
Napansin ko ang matagal na pananahimik ni Clauss. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ayaw ba talaga niya akong maging kaibigan? Halatang nagdadalawang-isip siya.
"Kung ayaw mo talaga akong maging kaibigan, it's fine. Hindi naman kita gustong pilitin. Naiintindihan ko na napilitan ka lang dahil sa deal natin. Just say so," malungkot kong wika.
Gusto ko talagang maging magkaibigan kami ni Clauss pero ayaw naman niya. Lumingon siya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya ng pilit. Bababa na sana ako sa puno pero pinigilan niya ako. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya.
"Stay. It's not that I don't want to be friends with you... but..." mahinang wika niya.
But? Halatang nag-iisip siya ng magandang sabihin. Kahit naman pagandahin pa niya ang mga salitang gagamitin, tiyak na masasaktan pa rin ako. Sa tingin ko, namimili siya ng salitang hindi masyadong makakasakit sa 'kin. Pampalubag-loob kumbaga.
"It's okay. You don't have to say those excuses. That will be pathetic and will just hurt me more. Sige, alis na ako," wika ko.
Ayaw niyang bitawan ang wrist ko kahit hilahin ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya na halos masaktan na ako.
"Clauss, it hurts," daing ko. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Naawa siya sa 'kin.
"Damn! Okay! Let's be friends," inis na wika ni Clauss. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya? Mukhang napilitan siya.
"You don't have to say that. Sinabi ko naman na okay lang. Hindi naman kita pinipilit," wika ko.
"I mean it. Hindi ako napipilitan lang," seryosong wika niya.
Based on his expression, I could say that he's really serious. Nakatingin siya sa 'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip niya. Baka naawa lang siya sa 'kin kaya niya sinabi iyon.
"You really mean it?" I asked.
"Listen when people are talking. I don't want to repeat myself," nakasimangot na wika ni Clauss.
"Say that we are friends already," I commanded, smiling widely.
Lalo siyang napasimangot pero nagsalita rin naman. "We are friends... a-already." Hindi siya makatingin sa 'kin pero sapat na ang sinabi niya. May narinig kaming bulungan mula sa likuran. Napalingon kami sa room namin. Maraming nakikiusyoso. Pinagbubulungan nila ang kamay ni Clauss na nakahawak daw sa kamay ko.
Napatingin ako sa wrist ko. Kamay ba ang tawag dito? Sobrang exaggerated naman. Binitawan ni Clauss ang wrist ko. Bigla niya akong pinaalis.
"Hindi ka ba aattend ng klase? Malapit na matapos ang breaktime," tanong ko.
"Para saan?" balik-tanong niya.
"Estudyante ka kaya. Ang estudyante ay pumapasok hindi para mag-cutting kundi para mag-aral. Akala ko ba matalino ka?" nang-aasar na tugon ko.
"Mauna ka na. Susunod na lang ako," napapailing na sagot niya.
Natuwa ako. Tiningnan ko si Baby Clauss na nasa ulo ni Clauss. I patted Baby Clauss' head using my index finger. Natutuwa siya sa ginagawa ko. Napapapikit pa siya.
"Bye, Baby Clauss," paalam ko. Bumaba ako at kumaway kay Clauss bago umalis.
Pagpasok ko sa classroom, dinumog ako ng mga kaklase kong babae. Bigla silang nakikipagkaibigan sa 'kin. Napansin ko na ang ibang babae naman ay masama ang tingin sa 'kin kaya nagtaka ako. May ginawa ba akong masama?
"Go back to your seats. Malapit na magklase, masyado kayong maingay," utos ni Kyle, ang class president. He's got the power of electricity.
Agad na sumunod ang mga kaklase ko kahit labag sa kalooban. Nakahinga ako ng maluwag. Uupo na sana ako pero may pumasok na babae sa room namin. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa dalawang kamay. Tuwang-tuwa siya. She's weird.
"Totoo bang friends na kayo ni Clauss?" excited na tanong niya.
Napatango ako. The girl in front of me wickedly smiled at me. May naramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Tila humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan. What's happening? Pagkalipas ng ilang minuto, nakikita ko na ang repleksyon ng sarili sa harapan ko. Hawak niya ang mga kamay ko kaya naguluhan ako.
Paanong nangyari na nakikita ko ang sarili sa aking harapan? Hindi naman ako nakaharap sa salamin? My reflection was grinning devilishly back at me. I'm sure that it's not just a reflection, it's really me. Nakakatakot ang itsura niya.
"Pahiram muna ng katawan mo," wika niya.
What the hell? Ano bang sinasabi ng sarili ko sa 'kin? Napatingin ako sa katawan ko. Parang kakaiba. Pakiramdam ko hindi ito ang katawan ko.
"Alagaan mo muna ang katawan ko for now. Kung hindi mo pa alam, we switched places. Nagkapalit tayo ng kaluluwa," she grinned.
Nagkapalit kami ng kaluluwa? That means, katawan niya ang gamit ko ngayon? Napasigaw ako nang maintindihan ko ang lahat. "WHAT?"
Anong gagawin niya sa katawan ko? Nanlumo ako. Paano ako makakabalik sa dati kong katawan? Binitawan niya ako. Pumasok si Clauss sa classroom. Tahimik ang mga kaklase ko. Nagulat ako nang biglang tumakbo ang magnanakaw ng katawan ko papalapit kay Clauss at niyakap si Clauss.
What the hell? Kung gulat na gulat ang mga kaklase ko, mas lalo ako. Nagulat si Clauss pero napasimangot bigla. Pilit niyang inalis ang pagkakayakap ng "sarili" ko sa kanya. This was embarassing. Ano bang binabalak ng babae sa katawan ko? Dahil nahihirapan si Clauss na alisin ang pagkakayakap niya, na-out-of-balance sila at bumagsak sa sahig.
"Ano ba'ng problema mo?" inis na tanong ni Clauss. Ang babaeng kumuha ng katawan ko ang may problema, hindi ako. Nakakahiya ito. Parang gusto kong umiyak sa nakikita ko. Nagulat ako dahil biglang hinalikan ng "sarili" ko si Clauss. Nanlaki ang mga mata ko. I remembered how Clauss' body burned when they accidentally kissed. Baka masunog ang katawan ko dahil hinalikan niya si Clauss! She's aggressively kissing Clauss. Damn! Hindi ko akalaing makikita ko ang sarili na hinahalikan si Clauss. Namula ang mukha ko. Napapikit ako sa kahihiyan.
Sobrang tahimik sa room kaya iminulat ko ang mga mata ko. Siguro tapos na ang embarassing scene na iyon. But I'm wrong. To my surprise, I saw Clauss responding to "my" kisses. My eyes widened. They're kissing passionately and aggressively. What the hell? In front of the class? In front of me? Gusto kong maglahong parang bula. Nag-iinit ang mukha ko sa kahihiyan. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Pinagsasamantalahan nila ang katawan ko at pakiramdam ko ay gusto ko nang mabaliw.
CLAUSS
I knew there's something wrong with her. She's aggressively kissing me. It's as if she's asking me to kiss her back. She's teasing my lips. Biting them seductively. I got drowned by those unfamiliar sensations she sent me that's why I gave in. I started to move my lips. I closed my eyes like she did. I started to respond by tasting her soft lips. A moan escaped her throat. I could say that she's more aggressive now. She's pressing my head againts hers so we could kiss deeper.
"Clauss, stop it! Or else I'll kill you! That's my body! Damn it!" sigaw ng isang babae.
Natauhan ako bigla. I'm out of breath when our lips parted. Napatingin ako sa sumigaw. It's one of the triplets. One of the soul manipulators, Sandra. Nag-echo bigla sa isip ko ang sinabi niya.
Clauss, stop it! Or else I'll kill you! That's my body! Damn it!
Bigla kong nakuha ang lahat. Ibig sabihin, kinuha ni Sandra ang katawan ni Xyra! Bigla kong naitulak si Xyra. I meant, Sandra.
"Shit!" I cussed.
Napatayo ako. Hindi ko alam kung paano haharapin si Xyra ngayon. Pumasok ang dalawa pang kakambal ni Sandra sa classroom. Namutla si Xyra, no, Sandra, dahil sa pagdating ng dalawang kapatid.
"Mukhang nanggugulo na naman si Sandra," napapailing na wika ni June. Tatakbo sana si Sandra pero napigilan siya ng kakambal na babae, si Krishia.
"Not that fast, Sandra. Mukhang may nakalimutan ka. Ang mga bagay na hinihiram dapat ibinabalik, remember? GMRC 'yon," makahulugang wika ni Krishia. Hindi nakapalag si Sandra. Hinila siya ni Krishia papalapit kay Xyra.
"Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. Masyado kasing obsessed kay Clauss," wika nito.
Nalilito naman si Xyra sa nangyayari. "June, ikaw na ang bahala sa kanila. I'll take care of the rest," wika ni Krishia.
Tumango si June. Lumapit siya sa dalawa. Pinatunog pa niya ang kamao bago pinatagos ang mga kamay sa loob ng katawan ng dalawa. Humihiwalay ang kaluluwa nila sa katawan at inilalabas ni June. Unti-unting nawalan ng malay sina Xyra at natumba sa sahig. Nailabas na ni June ang mga kaluluwa nina Sandra at Xyra.
Ikinumpas naman ni Krishia ang mga kamay. Pinagpalit niya ang mga kaluluwa at ibinalik sa tamang katawan. Napabalikwas ng bangon si Xyra. Napahawak siya sa labi niya. What was she thinking? I'm ashamed. I kissed her.
"Babalikan kita," inis na wika ni Sandra kay Xyra bago lumabas sa classroom kasama ang dalawang kakambal na pumipingot sa kanya. Tumingin si Xyra sa 'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. Bigla siyang tumayo at sumugod sa 'kin. Kinuwelyuhan niya ako.
"Nakakaasar ka! Pinagsamantalahan mo ang labi ko!" galit niyang sigaw. Wala akong alam. Akala ko siya ang humahalik sa 'kin.
"I didn't know, okay? Isipin mo na lang na hindi ikaw ang hinalikan ko," inis na wika ko. Gusto kong suntukin ang sarili dahil napakawalang kwenta kong lalaki. Pero ano ba'ng dapat kong sabihin? Hindi naman siya mabubuntis sa halik lang kaya pwede naman sigurong kalimutan na lang 'yon?
"Kahit na! Dapat hindi mo pa rin hinalikan!" naiiyak niyang wika.
"Hindi naman ako ang nauna! I'm just a man. Natutukso rin ako," biglang nasabi ko. Oo, natukso ako. I was stunned when she slapped me. I didn't complain. I deserved it because I acted like a jerk. She helplessly cried kaya na-guilty ako. I sighed and whispered in her ears. "Those lips are sweet. I couldn't help but respond. Sorry."
I was sorry for her but I didn't regret kissing her at all. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kwelyo ko. Lumabas ako sa classroom. Sumunod sa 'kin si Baby Clauss na hindi alam kung ano'ng gagawin. Kanina pa siya natataranta dahil sa nangyari.
XYRA
Nagulat ako sa ibinulong sa 'kin ni Clauss. Umalis na siya. Naiwan akong nakatulala. Nabingi yata ako sa sinabi niya. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nahawakan kong muli ang labi. Wala akong maramdamang kakaiba doon. Hindi ko alam kung bakit parang nanghinayang ako bigla. Damn! Ano ba'ng iniisip ko?
May tumapik sa balikat ko. It's Frances. She's trying to comfort me. "Hayaan mo na. Si Clauss naman ang humalik sa iyo. Masarap ba?" Natawa siya ng malakas. Nainis ako dahil akala ko dadamayan niya ako.
"Paano ko masasabing masarap, hindi ko naman naramdaman?" inis na wika ko. Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Napangisi si Frances. "Uy, gusto niyang tikman!"
Namula ang mukha ko at binatukan si Frances. Nakakahiya dahil kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko. Tumayo ako at umupo katabi ni Frances at doon nagmukmok. Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga nangyari. Inaasar ako ng mga kaklase namin pero hindi ko sila pinapansin.
"Sino ang tatlong iyon?" naitanong ko.
"Ahh.. Sa second section sila galing. Triplets sila. We call them the soul manipulators. Nakita mo naman siguro kung ano ang mga nagagawa nila," sagot ni Frances.
Napatango ako. Hindi ko maialis saisip ang mga nangyari kanina kahit hindi ko naman naramdaman. Nanood ako nglive show. At sarili ko pa ang pinanood ko. Napatakip na lang ako ng mukhadahil sa kahihiyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com