Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: The Last Shooting Star

Lunes ng gabi. Gising pa si Frances. Hindi pa bumabalik si Wanda simula kanina nang iniwan siya nito sa canteen bago nangyari ang insidente sa pagitan nina Xyra at Clauss. Sumama ito kay Selene. It seemed like they're plotting something. Pinagsabihan na niyang delikado dahil nakita niya ang maaaring mangyari rito pero hindi ito nakinig.

Nakita niyang mahuhuli ito ni Bryan pero hindi na niya nasabi rito dahil umalis ito kaagad. Hindi niya matukoy kung bakit pumasok si Wanda sa opisina ng headmaster. Mukhang may hinahanap ito. Pero dahil sa intimate kiss nina Clauss at Xyra, o Sandra, ay nawala sa isip niya ito kanina. Nasaan na kaya si Wanda ngayon? Baka may masama nang nangyari sa kanya?

"Frances, bakit hindi pa rin dumadating si Wanda? Hanapin na kaya natin siya?" ani Xyra. Napalingon siya rito. Kanina pang napapraning si Xyra. Katulad ito ni Wanda dahil napapraning din si Wanda kapag hindi umuuwi sa dorm si Xyra. Parehong maingay ang dalawa at lagi siyang kinukulit. Napabuntong-hininga siya.

"Huwag kang mag-alala kay Wanda. Kaya niya ang sarili niya." Humiga siya patalikod kay Xyra at nagpanggap na natutulog. Hindi na siya kinulit ni Xyra. Sa totoo lang, hindi niya laging ginagamit ang kapangyarihan niya. She didn't find it cool. Why? Dahil walang thrill ang buhay kung alam na niya ang sunod na mangyayari. Para lang siyang nanonood ng isang boring na movie kung ganun. If she knew what will happen next then she'll miss the fun of being ignorant. Less knowledge, less responsibility, right?

Pakiramdam niya dahil sa power niya, kailangan niya laging magbigay ng babala sa mga taong maaaring mapahamak sa hinaharap. Pero kung lagi siyang magbibigay ng babala, paano pa matututo ang mga ito sa pagkakamali? Baka umasa lang ang mga ito sa mga hula niya.

Nagka-trauma siya dati noong una niyang gamitin ang kapangyarihan niya. Bata pa siya noon. Hindi maganda ang nakita niya. It was a tragedy. Hindi niya alam kung kailan iyon mangyayari dahil ayaw na niyang muling subukang hulaan pa iyon. She saw dead people everywhere, covered in their own blood. Isang malaking apoy ang lumalamon sa mga walang buhay na katawan ng mga ito. It was scary as hell.

Lampas alas-dose ng madaling araw nang dumating si Wanda. Parehas silang napabalikwas ng bangon ni Xyra. At agad na lumapit dito. Namumutla ito. Tinanong nila kung anong nangyari pero hindi sila binigyan ng matinong sagot. Hindi na sila nagtanong ni Xyra dahil halata namang may itinatago ito. Kung ayaw nitong sabihin, wala silang magagawa.

~~~

MARTES. Nagtataka si Selene kung ano ang nakaligtaan niya kahapon. Everyone's talking about the kiss Clauss and Xyra shared. Nahalikan ni Sandra si Clauss through Xyra's body. That obssessed soul manipulator! And what surprised her more was that Clauss kissed Xyra back. She's pissed. Naalala pa niya ang nangyari kahapon.

Wala ang ama ni Bryan kaya madali nilang isinagawa ang plano. Nalibot na ni Wanda ang buong library ng Wonderland pero hindi pa rin ito nakakakuha ng impormasyon tungkol sa mga magical rings. They tried to find the hidden switches that were supposed to lead to some secret passages but they didn't discover any. Wala rin silang nakitang available blueprint ng Wonderland kaya nahihirapan sila. Masyadong malaki ang WMA at masasabi niyang masyadong matalino ang gumawa ng architectural design ng buong Academy.

Iniutos sa kanila ni Enzo na pasukin ang headmaster's office dahil maaaring nandoon ang hinahanap nilang impormasyon. Nautusan siyang tulungan si Wanda. Damn! It sucks because they don't get along. Hindi nila gusto ang ugali ng isa't-isa pero wala silang magagawa kundi ang sundin si Enzo.

Sumenyas siya kay Wanda nang makita niyang kasama nito si Frances sa canteen. Napabuntong-hininga ito at nagpaalam kay Frances. Nagtatakang napatingin si Frances sa kanya. Pinigilan nito si Wanda. Nagsimula siyang maglakad palayo. Sumunod sa kanya si Wanda na hindi nakinig sa sinabi ni Frances. Nakakuha siya ng spare key ng office ni Mr. Williams kaya hindi sila nahirapang pumasok sa loob.

"Pasukin mo ang headmaster's office. Wala siya ngayon. Magbabantay ako sa labas kung sakaling may dumating. I'll give you a warning. Get it? Hanapin mo na ang dapat mong hanapin," wika niya. Kinakabahang tumango si Wanda. Pumasok ito sa loob ng office. Nagbantay naman siya sa labas. Nakasandal siya sa pader at nakahalukipkip.

Walang dumadaan dahil nasa gawing dulo at tago ang opisina. Tatlumpong minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin lumalabas si Wanda. Naalerto si Selene nang may marinig siyang kalabog mula sa loob ng office. May narinig siyang nabasag. Dahan-dahan siyang sumilip sa loob ng office. Iniawang niya nang kaunti ang pinto at sumilip. Nakita niya ang likod ng isang lalaki. She thought it was Bryan. Paano ito nakapasok nang hindi niya namamalayan? Damn!

Nakita niya si Wanda na nakahawak sa table at napapaurong. Mukhang natabig nito ang vase na nasa sahig na ngayon dahil sa takot. Hindi siya dapat makita ni Bryan. Mabilis siyang umalis sa lugar at iniwan si Wanda. Bahala na si Wanda na gumawa ng paraan para malusutan ang gusot na ito. Huwag sanang magkamali ito na ibuko sila dahil pare-parehas silang mapaparusahan. Hindi lang dito sa WMA kundi pati na rin ni Enzo.

Hindi pa niya nakakausap si Wandangayon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita itong kasama nina Xyra atFrances. Sa tingin niya, hindi ito umamin kay Bryan. Sana lang dahilmalilintikan sila kapag nagkataon. 

~~~

Twelve midnight. Different people with different stories from different places have been connected through the same sky they're looking at. They were all amazed with the beauty scattered throughout the dark night. The meteors raining down the sky were bright, leaving their trails behind.

Sa tower ng Dark Wizards Academy, hindi makatulog si Claudette. Napalingon siya sa bintana ng tower. Pakiramdam niya siya si Rapunzel na naghihintay lang sa isang prince charming na maaaring maligaw para sagipin siya.

Naglakad siya papunta sa bintana. Mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Hindi maulap kaya kitang-kita ang mga bituin sa langit. Nagulat siya sa biglang pagdaan ng isang shooting star sa langit. Nanghinayang siya dahil hindi siya nakahiling agad. Pagkalipas ng ilang minuto, biglang nagdagsaan ang shooting stars sa kalangitan. Natuwa siya.

Dahil natatakot siyang maubos na ang mga shooting stars, nagsimula na siyang humiling. Ipinikit niya ang mga mata. Ang unang-una niyang hiling, sana masaya na sa langit ang parents nila. Pangalawa, sana matapos na ang kasamaan ng mga Dark Wizards at magkasama na sila ng kapatid niya. Pangatlo, sana makilala na niya ang prince charming niya at iligtas siya mula sa mga witches. At panghuli, sana maranasan na niya ang ibig sabihin ng "and they lived happily ever after" na nababasa lang niya sa mga fairytales.

Nagmulat siya at masayang tumingin sa kalangitan. Buti pa ang langit hindi nalulungkot dahil palagi itong may kasama. Sa umaga, kasama nito ang araw. Sa gabi naman, kasama nito ang mga bituin at buwan. At may bonus pa dahil dumadaan dito ang maraming shooting stars na nakikita niya ngayon na lalong nagbibigay liwanag sa kalangitan. Pakiramdam niya ang saya-saya ng langit at naiinggit siya.

Bumalik si Xavier Montaverde sa dati nilang bahay. Abandonado na ang lugar at walang matinong kagamitan. Umakyat siya sa bubong ng bahay at doon humiga habang nakatingin sa kalangitan. Hindi niya inaasahan na makakakita siya ng maraming shooting stars. Napangiti siya. Siguro kung ganito karaming shooting stars ang makikita niya, matutupad na ang hiling niyang makita ang kapatid na matagal na niyang hinahanap. Tiyak na dalaga na ang kapatid niya.

Kung totoo nga na patay na ang mga magulang nila, sana buhay ito at hindi nahihirapan. Sana may dumating na tao na makakatulong sa kanya para mahanap ang kapatid. Sana isang senyales ang mga shooting stars na ito na matutupad ang mga hinihiling niya. Patuloy lang siya sa pagmamasid sa maliwanag na kalangitan. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata niya kaya pumikit na siya. Sana paggising niya ay maayos na ang lahat kahit alam niyang imposible.

Maraming estudyante ang nagsilabasan para masaksihan ang meteor shower. Napansin ni Akira na lahat ay nag-eenjoy sa napapanood habang nasa veranda siya ng dorm. Hindi siya naniniwala na nagkakatotoo ang wish dahil lang sa paghiling sa isang shooting star. He believes that if he doesn't do something to pursue his wish or dream, then it's useless wishing for that. Pero wala namang masama kung susubukan niya.

Hinihiling niya na sana mapansin siya ni Xyra. Not just as her friend, but as her lover. Tahimik lang siyang tumingin sa kalangitan bago pumasok sa kwarto niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano siya mapapansin ni Xyra. Hindi na siya pwedeng magpatalo kay Clauss. Lagi na lang itong nananalo sa academics at sa level ng power simula nang pumasok ito sa WMA. Since then, itinuring na niya itong katunggali pero hindi niya akalaing pagdating din pala sa babae, magiging kaagaw niya ito.

Nasa kwarto lang si Selene. Nagtataka siya kung bakit nagkakagulong lumabas ang mga tao sa dorm. Daig pa ang may sunog. Sumilip siya sa labas ng bintana at napatingin sa langit. Dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita, binuksan niya ang bintana. Meteor shower? Nangalumbaba siya sa bintana. She didn't believe in shooting stars anymore. It would just give her false hopes that her wish would come true.

She was just a child when she first saw a shooting star. She was with her parents, holding both their hands. Her mom told her that if she wished upon that shooting star, her wish will be granted. Natuwa siya. She wished to have a complete and happy family. She was so happy but the Dark Wizards took her family away. Umanib siya sa Dark Wizards kapalit ng buhay ng mga magulang na nakakulong sa underground cell bilang hostages.

Simula noon, hindi na siya naniwala sa shooting stars. Ang simple lang ng hiling niya, hindi pa napagbigyan. Namalayan niya na may tumulong luha mula sa mga mata niya. Pinunasan niya ito agad. She doesn't have the time to cry now. Isinara niya ang bintana at humiga na sa kama. Pero kung hihiling siyang muli, she would still ask for the same thing – a happy and complete family.

Nasa puno lang si Clauss. Kasama niya si Baby Clauss na tuwang-tuwa sa nakikita. Kanina pa ito palipad-lipad. Maraming tao sa labas ng academy ang nanonood ng meteor shower pero unti-unti na ring nababawasan dahil inaantok na ang mga ito. Kaunti na lang ang nasa labas dahil malapit nang mag-alas-dos ng madaling araw.

Nakatingin din siya sa kalangitan. Sana nakikita ito ni Claudette ngayon. Alam niyang matutuwa ito. Sigurado siyang marami itong hihilingin kung sakali. Napangiti siya sa maaaring maging itsura nito. Naramdaman niyang dinilaan ni Baby Clauss ang mukha niya. Lalo siyang napangiti. Itinatanong nito kung ano'ng iniisip at hinihiling niya. Ano nga ba ang hiling niya? Ang lagi lang niyang hiling ay ang magkasama na sila ni Claudette at maging maayos na lahat.

Hindi niya ngayon akalain na madadagdagan ang hiling na iyon. Napailing siya sa naiisip niya. Alam niyang hindi pwedeng hilingin iyon. Masyadong kumplikado. Siguro sasarilinin na lang niya at hindi na ipaaabot sa mga shooting stars. Baka kasi makarating pa ang mga ito sa babaeng 'yon.

Unti-unting nababawasan ang mga shooting stars na dumadaan sa kalangitan. Malapit nang matapos ang meteor shower. Walang katao-tao sa labas ng academy. Bumaba na siya at magsisimula na sanang maglakad pero may napansin siyang babae na nakatingin pa rin sa langit at nakaupo sa damuhan. It's Xyra. Napailing siya. Humakbang siya papalapit dito pero bigla siyang napatigil.

Baka galit pa rin ito sa kanya dahil sa halik kaya nagdalawang-isip siya. Naglakad siya pabalik sa academy pero napatigil na naman. Nagdadalawang-isip siya kung iiwanan niya itong mag-isa. Ang tanga talaga ng babaeng ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang alalahanin ito.

Nalulungkot si Xyra dahil malapit nang mawala ang mga shooting stars. Tuwang-tuwa siya kanina nang nagdagsaan ang mga ito sa kalangitan. Ang gandang pagmasdan ng mga ito. Ang dami niyang hiniling. Unang-una ay para sa kaligtasan at kalusugan ng pamilya. Pangalawa ay ang lubusan na niyang makontrol ang kapangyarihan at lumakas siya. Maging ang pagiging mabait nina Selene at Clauss ay hiniling din niya. Ayaw na niyang masungitan pa muli ni Clauss.

Hiniling din niya na sana bigla siyang magka-amnesia para makalimutan ang tungkol sa halik. Maging ang lalaking nabangga ay hiniling niya ang kaligtasan. Hiniling din niya na sana mapangalagaan niya ang mga magical rings na ipinagkatiwala ng ama. Marami pa siyang hiniling at natatawa na siya sa mga iyon.

Napansin niyang wala na ang mga shooting stars. Maghihintay pa siya ng isa pang shooting star bago umalis. Nakalipas na ang limang minuto pero wala pang dumadaan sa langit.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Bumalik ka na sa dorm mo." Napapitlag siya dahil sa nagsalita. Pakiramdam niya tumalon ang puso niya dahil sa gulat. Lumingon siya sa likod. Nakita niya si Clauss sa 'di kalayuan. Kaya pala pamilyar ang boses.

"Isang shooting star na lang, saka ako aalis," wika niya.

"Hindi ka pa ba nagsawa sa nakita mo kanina? Wala nang dadaan ngayon," wika nito. Napalabi siya. Basta maghihintay siya! Pakialam ba nito? Pero natuwa siya dahil ito ang naunang kumausap sa kanya. Napatingala siya sa kalangitan. Wala pa ring dumadaan.

"Malay mo, may dumaan. Nahuli lang," umaasang wika niya.

"Hindi ka talaga aalis dito hangga't walang dumadaan?" he hissed.

"Hindi," nang-iinis na sagot niya pero balak na talaga niyang umalis kapag sampung minuto na ay wala pang dumaan. Natatawa siya sa naisip na kondisyon kapag may dumaan pang shooting star—naisip niyang isang sign iyon na magkakagusto si Clauss sa kanya. Ang lakas ng loob niyang isipin iyon dahil alam niya na wala na talagang darating. Magsasampung-minuto na kaya tatayo na sana siya sa damuhan pero nagulat siya sa nakita.

May dumaan pero hindi ito shooting star. Napalingon siya kay Clauss na naglalakad na pabalik sa academy. Ano ang dumaan? It's a fireball that looked like a burning shooting star. Napangiti siya. Tungkol sa kondisyon niya, hindi naman ito shooting star kaya hindi magkakatotoo 'yon, 'di ba?

Humabol siya kay Clauss hanggang makasabay rito. "Thanks," wika niya. Hindi ito sumagot pero ayos lang sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang naglalakad sila papasok sa academy.

"Hindi kaya makasunog ka?" naitanong niya pero nagkibit-balikat ito. "No, na-extinguish na 'yon bago pa lumapat sa kung saan," sagot nito. Napatango siya. Ang lapad pa rin ng ngiti niya. Bumait ito bigla. Siguro tinablan ito ng libo-libong shooting stars. Effective ang wish.

"Don't smile like that. You look... uhmmm.. stupid," mahinang wika nito. Napalabi siya. Hindi pala ito naapektuhan ng mga shooting stars dahil masungit pa rin ito. Pero masaya pa rin siya. Shooting fire? Cute.

Naglakadna pabalik sina Clauss at Xyra sa loob ng academy. Hindi nila napansin angpagdaan ng isang shooting star sa kalangitan. The last shooting star was thebrightest shooting star that rained down from the sky. Does this shooting starmean that Clauss will fall in love with Xyra? Its trail then slowly vanishedacross the sky.   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com