Christmas Special Part 1
IMPORTANT NOTE:
WALANG CONNECTION ANG SPECIAL CHAPTER NA ITO SA BOOK 2 NG WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE.
Readers,
Maligayang Pasko sa lahat! Salamat sa pagbabasa at pagsuporta sa storyang ito. Haha! Tagalog na tagalog! Okay, seryoso na. Sa Summer ko sisimulan ang book 2 ng Touch of Fire, hangga't may time. Pero baka i-onhold ko rin kapag nagrereview na ako para sa board exam. Kailangang maging engineer, hoho. Please bear with me :)
Again, salamat sa pagbabasa. I really can't describe it in words, but I'm happy for all your efforts, for the reads, votes and comments. I appreciate it kahit hindi ako masyadong nakakapagreply. Sorry about that. Busy pa kasi pero natutuwa talaga ako sa inyong lahat ^^
I hope you'll receive all the love, happiness and contentment this Christmas Day! I know, God will always wrap you with His loving embrace! It's Jesus' day! Smile :)
Take care always. I love you all! God Bless <3
~Missmaple
----------------
XYRA's POV
December 23
Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang nakahiga sa kama kahit alas otso na ng umaga. Napuyat ako kagabi. Ang kulit kasi ni Clauss. Ayaw niya akong patulugin. Gusto yata, magdamag kaming mag-usap sa phone. Ang nakakainis, ako lang naman ang nagsasalita. 'Yon pala, tulog na siya! Ginawa pang pampatulog ang boses ko! Tapos umattend pa kami nina Mom sa misa kaninang madaling araw.
Bakasyon na ngayon kaya hindi kami masyadong nagkikita ni Clauss. Natagpuan na sina Clauss at Claudette ng lola't lola nila sa tulong na rin ni Bryan. Malayo ang bahay ng grandparents nila sa'min kaya hindi pa kami nagkikita ulit. Halatang sabik na sabik ang lola't lolo nila nang makita sila kaya mas mabuti kung hindi muna sila aalis sa bahay.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi na ako nag-aabalang tingnan kung sino 'yon dahil tiyak na si Mom lang 'yon. Siguro, gigisingin ako. Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko. I knotted my forehead when I smelled the unfamiliar scent spreading across the room. Very masculine. Ang sarap amuyin. Hindi masakit sa ilong. Hindi ko matandaan na may ganoong pabango si Dad.
Imumulat ko sana ang mga mata ko pero naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kutson ng kama. Nanigas ako sa pagkakahiga nang maramdaman ang marahang pagdampi ng malambot na bagay sa labi ko. Hindi ako maaaring magkamali. I know, it's Clauss! Ano'ng ginagawa niya rito?
"I know, you're not sleeping. Better wake up or else..." he whispered when he pulled away.
I opened my eyes and saw his handsome, arrogant face. I frowned when I noticed the playful smile curving his lips. Tiyak na kalokohan na naman ang pumapasok sa isip niya.
"Or else?" magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Or else... mauuna ang 'baby' bago ang kasal," he grinned. Nakakainis! Nagwawala ang puso ko sa mga sinasabi niya. Pinapakaba talaga ako ng lalaking ito. Bumangon na ako kaya tumayo na rin siya habang nakapamulsang nakatingin sa'kin. He's wearing a white polo. He didn't bother to fasten the first two buttons and he looks hot. Hindi rin maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya pero hindi nabawasan ang kagwapuhan ng mokong.
"Bakit ka ba narito? 'Di ba, dapat nasa bahay ka ng lola mo?" takang tanong ko habang nakaupo sa kama at sinusuklay ng kamay ang magulo kong buhok. He frowned and I found it cute! Ang sarap niyang kurutin sa pisngi!
"Masama? Magbihis ka na, may pupuntahan tayo," sabi niya pero hindi nakatingin sa'kin.Inililibot niya ang paningin sa loob ng kwarto ko. Lumapit siya sa pinkish bunny na nasa study table ko. Iyon ang ibinigay niya sa'kin noon nang umalis siya sa Wonderland Magical Academy.
"Itapon mo na 'to," walang emosyong wika niya.
"What? No way! Bakit ko itatapon?" inis na tanong ko sa kanya. Sayang naman ang pinkish bunny! Maraming memories sa stuff toy na 'yon. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Agad din akong lumabas dahil baka maisipan niyang itapon 'yon. Kinabahan ako nang makitang hawak na niya ang stuff toy na gusto niyang itapon.
"Hoy! Huwag mo nga 'yang pakialaman! Akin 'yan!" frustrated na sabi ko sa kanya. Sinubukan kong agawin sa kanya ang stuff toy pero hindi niya ako hinahayaang maagaw 'yon.
"Clauss naman! Huwag mo nga akong pagtripan!" inis na wika ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa'kin.
"Come on! Itapon na natin 'to," he said, plainly.
"Bakit ba kasi?" nakasimangot na tanong ko pero pilit pa ring inaagaw sa kanya ang stuff toy. He leaned closer so I stopped. Nagtatakang tumitig ako sa kanya. Masyado na kaming malapit sa isa't isa. Pakiramdam ko, titigil ang paghinga ko anumang oras. Naramdaman kong hinapit ng isa niyang kamay ang baywang papalapit sa kanya. Napasinghap ako dahil sa mainit na hininga niya na dumadampi sa pisngi ko.
"I gave this to say goodbye. And I will never do that again. I'll replace this with that promise. Hanap na lang tayo ng kapalit," he said under his breathe.
Hindi ako makapagsalita. Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Baka asarin na naman niya ako. Baka mahalata niya na kinikilig ako. Marahan ko siyang itinulak.
"Labas na! Magbibihis lang ako!" pigil ang ngiting sabi ko.
"Wait!" he smiled. Kumunot ang noo ko sa kanya. Binitawan niya ang stuff toy na hawak. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinila ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang walang babalang halikan niya ako sa labi. Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya at napapikit. Parang ilang araw lang kaming hindi nagkita, pero pakiramdam ko, masyado ng matagal.
He gave me a passionate kiss. After a minute, he pulled away and looked at me. His eyes were smiling at me. "Are you seducing me?" he asked, huskily. Hindi ko nakuha ang tinutukoy niya kaya naguguluhang tiningnan ko siya. Napasinghap ako nang hawakan niya ang dibdib ko habang nakatingin doon. Awtomatikong itinulak ko siya.
"Pervert!" gigil na sighal ko sa kanya habang tinatakpan ang dibdib ko. Tumawa lang siya ng malakas. Nakalimutan ko na hindi pala ako nakasuot ng bra.
"It's fine. Makikita ko rin naman 'yan," natatawang wika niya.
"Tse! Lumabas ka na nga!" namumula sa inis na sigaw ko sa kanya. Kinuha ko sa sahig ang stuff toy at malakas na ibinato sa kanya pero sinalo lang niya 'yon habang natatawa.
Tinalikuran ko na siya. "Hintayin na kita sa sala," natatawang wika niya. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napabuntong-hininga ako. Baliw talaga ang Clauss na 'yon! Puro kalokohan. Naligo na ako at nagbihis. Baka naiinip na ang lalaking 'yon sa paghihintay. I wore a simple blue blouse and shorts. Naka-blue doll shoes lang ako para madaling maglakad at hindi masakit sa paa.
Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Clauss na nakikipaglaro ng computer games kay Dad. Pareho nilang hawak ang joystick. Naglalaro sila ng basketball. Mukhang close na close sila. Sabagay, walang anak na lalaki si Dad kaya halatang tuwang-tuwa siya. Lumapit ako kay Mom na naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Kumain muna kayo bago umalis," nakangiting wika niya. Tumango ako sa kanya. Tinawag ko na si Clauss upang kumain. Iniwan na kami ni Mom sa mesa at lumapit kay Dad. Sila naman ang naglalaro ngayon pero pambabaeng laro ang nilalaro nila. Nakasimangot si Dad kaya napangiti na ako at napailing.
"Close na close kayo, ah!" nang-aasar na bulong ko kay Clauss. Napangisi lang sa'kin si Clauss.
***
"Mom, Dad, alis lang kami ni Clauss," paalam ko nang paalis na kami ni Clauss.
"Clauss, ikaw na ang bahala sa anak ko," seryosong wika ni Dad. Ako ang nagpapaalam, pero iba ang kinakausap niya.
Ngumiti si Clauss at tumango. "Yes, Dad."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang itinawag niya sa Dad ko. Mahina ko siyang siniko kaya napahimas siya sa tiyan niya habang nakangiti. Kinakarir niya talaga ang pagiging boyfriend niya? Napansin ko na parehong nakangiti sina Mom at Dad. Mukhang nakuha na agad niya ang loob ng mga ito. Ano kayang gayuma ang ipinakain niya sa mga magulang ko.
"Bye, Mom and Dad!" paalam ko bago hinila na si Clauss palabas sa bahay. Mukhang ayos lang sa kanila na kasama ko si Clauss. Ni hindi nga ako pinagbibilinan.
"Alis na po kami!" paalam ni Clauss. Grabe lang ang pagiging magalang niya. Nakakapangilabot! Ngayon ko lang napansin na bitbit pala niya ang pinkish bunny na balak niyang itapon kanina. Nakalagay 'yon sa isang malaking paper bag.
"Kala ko itatapon na 'yan?" takang tanong ko sa kanya.
"Donate na lang natin," he said plainly. Kahit mukhang walang pakialam ang pagkakasabi niya nun, napangiti pa rin ako. Minsan, bumabait din naman pala ang mokong na ito.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" inis na tanong ni Clauss sa'kin. Napailing ako. Kahit kailan talaga, pabago-bago ang mood niya. Kaya madalas, hindi ko siya maintindihan.
"Wala. Naisip ko lang, saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makalabas kami sa gate. Napakunot-noo ako nang makita ang motorsiklo na nakaparada sa isang tabi.
"Sa'yo yan?" takang tanong ko. Kailan pa siya natutong magmotor? Parang ang bilis naman. May lisensya na ba siya?
"Hindi, baka sa kapitbahay niyo," sagot niya ng pabalang. Tinungo niya ang motor at isinabit doon ang paperbag. Kinuha niya ang pink na helmet. Sinenyasan niya ako na lumapit na sa kanya. Inirapan ko siya pero lumapit na rin ako. Hindi naman ako maaaring mag-inarte. Sayang ang oras.
"May lisensya ka ba? Marunong ka ba?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya nang malapitan ko siya. Hindi kaya maaksidente kami?
"Yes. Huwag kang mag-alala, ako'ng bahala sa'yo," he winked. Siya na mismo ang naglagay ng helmet sa ulo ko. Isinuot na rin niya ang helmet niya. Sumakay na siya sa motor kaya sumunod na lang ako. Kinuha niya ang mga kamay ko at iniyakap sa kanya.
"Hold on tight," he commanded. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit nang patakbuhin niya ng mabilis ang motor. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya wala akong ideya kung saan kami pupunta. Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya. Nakakainis! Ang bango niya! Pumikit ako habang nakangiti. Feel na feel ko ang pagyakap sa kanya. Ang swerte ko naman kahit hindi pa Pasko!
***
"Xyra?" mahinang tawag ni Clauss sa pangalan ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Saka ko lang na-realize na nakatigil na pala ang motor.
"Nandito na tayo. Pero kung gusto mo pa rin akong yakapin, wala namang problema sa'kin," he smirked. Awtomatikong napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Namumula ang mukha ko sa hiya. Agad akong bumaba sa motor pero narinig ko ang mahinang tawa ni Clauss.
"Nasaan ba tayo?" tanong ko para matabunan ang kahihiyan. Inalis ko na ang helmet at ibinigay sa kanya. Wala na rin pala ang helmet niya pero kapansin-pansin ang ngiting nakapaskil sa mukha niya. Nakakaloko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Inaasar na naman niya ako!
Napansin ko nasa beach pala kami nang ilibot ko ang paningin sa paligid. Namangha pa ako sa ganda ng lugar. White sand beach? Nagtatakang nilingon ko si Clauss pero ngumiti lang siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Bakit ang sweet niya ngayon kahit pa wala siyang sinasabing kahit ano? Napansin ko na hawak niya sa kabilang kamay ang paperbag habang naglalakad kami sa dalampasigan.
"May pagbibigyan ka na ba niyan?" tanong ko sa kanya.
"Yeah. She's a little cute girl but unfortunately she's blind. Nalaman ko na may charity for children pa lang itinayo sina Lolo at Lola nang mawala kami. Then I met her when we visited the charity. Dumadalaw siya doon para makipaglaro sa ibang mga bata. Although, may pamilya siya, sinusuportahan siya nina Lola. They're still looking for an eye donor," paliwanag niya.
Hindi ako makapaniwala na si Clauss ang naririnig kong nagsasalita ngayon. Siguro dahil magpa-Pasko na? Hindi ako nagkomento sa sinasabi niya pero masaya ako. Baka kapag inasar ko siya, biglang magbago ang mood niya.
Tumigil kami sa harap ng isang maliit na cottage. Napansin ko agad ang isang cute na babae na nakaupo sa kawayang upuan habang nakapikit. Sa palagay ko, nilalasap niya ang masarap at malinis na simoy ng hangin na tumatama sa mukha niya.
"Siya ba?" bulong ko kay Clauss. Tumango siya sa'kin. Hinila niya ako upang lapitan ang batang babae na sinasabi niya. Napakunot-noo ang bata. Tila naramdaman ang presensiya namin.
"Kuya Clauss? May kasama ka?" nag-aalangang tanong ng bata. Ang galing naman niya! Nalaman agad niya kung sino ang lalapit sa kanya.
Ginulo ni Clauss ang buhok ng bata nang makalapit kami. "Nice! Paano mo nalaman na ako 'to?" nakangiting tanong ni Clauss sa bata.
"Dahil po sa pabango niyo," nakangiting sagot ng bata. Napangiti na rin ako sa sagot niya. Napakamot naman sa ulo si Clauss.
"She's Nicole," baling sa'kin ni Clauss habang nakangiti. "Nicole, the girl with me is you're Ate Xyra, my future wife," he said while looking at me, intently that made my heart beat fast. "She brought something for you."
Iniabot niya sa'kin ang paperbag at sinenyasan na ako na ang magbigay. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang adik talaga niya! Nahihiya pa siyang ibigay ang stuff toy! Gusto kong matawa sa itsura niya.
"Hello, Nicole! Alam mo namang mahiyain si Santa Claus, 'di ba? Saka lang siya sumusulpot kapag tulog na ang mga tao. Nag-eeffort pa talaga siyang dumaan sa chimney para lang magbigay ng regalo. Pwede namang iwanan na lang niya sa harap ng pinto," nag-iisip na wika ko. Bakit nga ba kailangang isikreto pa niya ang identity niya? Dahil dudumugin siya ng mga tao?
"Simple-minded talaga," bulong ni Clauss na narinig ko naman.
"Ah, baka complicated lang talagang mag-isip si Santa "Clauss" kaya trip niyang dumaan sa chimney! Grabe! Ang lakas ng trip niya, ano? Tapos ayaw pa niyang iabot ng personal ang gift dahil mahiyain siya," nang-aasar na wika ko habang kay Clauss nakatingin na nakasimangot na ngayon. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Nicole. Ang cute ng tawa niya kaya napalingon ako sa kanya. Nakakatuwa na kahit bulag siya nakakatawa pa rin siya ng mula sa puso. Buti hindi siya natatakot sa dilim.
"Hindi ka ba natatakot sa dilim?' Out-of-nowhere ay naitanong ko na pinagsisisihan kong nasabi ko. Seryosong tingin ang ipinukol sa'kin ni Clauss. Alam kong hindi rin niya nagustuhan ang tanong ko. Napansin kong nawala ang ngiti ni Nicole sa labi. Magsasalita sana ako upang bawiin ang sinabi ko pero sumagot na siya.
"At first, I was. Mahirap dahil hindi ko alam kung kailan ko makikita ang liwanag. Pakiramdam ko mag-isa lang ako sa kadiliman. But when I realized that there are people who's trying their best to reach out for me, I knew already that I'm already brought to see the light," she smiled. Tumabi sa'kin si Clauss at inakbayan ako. We know, she can find her way out in this darkness that seems to be endless.
Matapos naming ibigay ang stuff toy kay Nicole na tuwang-tuwa, umalis din kami agad dahil may pupuntahan pa raw kami ni Clauss. Tumigil kami sa isang mall. Hindi pa kasi nakakapamili si Clauss ng gift kaya kailangan niya akong isama. Ako ang pinapipili niya sa mga ipanreregalo niya. Napailing na lang ako habang naglilibot kami sa loob ng mall.
"Ano bang gusto nila?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang si Clauss. Hindi siya nagsasalita na tila may hinahanap.
"Oy! Wala ka man lang idea?" kunot-noong sabi ko sa kanya nang lapitan ko siya.
"Wala, ikaw na ang bahala. Teka, alis muna ako. Tawagan mo ko kapag tapos ka ng mamili. Ako ang magbabayad," sabi niya at nagmamadaling umalis. Tatawagin ko sana siya pero nakalayo na siya. Napabuntong-hininga ako. Saan ba pupunta 'yon? CR?
Ako na ang bumili ng mga pangregalo niya. Pagbalik niya, wala naman siyang dalang kahit ano, tapos binayaran na namin lahat. Ipinabalot na rin niya sa gift wrapping section dahil hindi siya marunong magbalot ng regalo.
"Thanks," nakangiting wika niya pero ako naman, nakasimangot. Buti na lang, hindi niya ako pinagbibitbit ng mga pinamili namin. Mababatukan ko na talaga siya. Kumain muna kami bago umuwi.
"This Christmas, 8 in the morning, susunduin kita," sabi ni Clauss bago ako pumasok sa loob ng bahay. Tumango na lang ako. Napasimangot ako nang umalis na siya pero hindi man lang nag-abalang bigyan ako ng goodnight kiss. Pinahirapan na nga ako!
***
Christmas Day!
Wala akong natanggap na kahit anong text, mula kay Clauss kahapon. Nahihiya naman akong magtext sa kanya. Baka asarin lang niya ako. Baka sabihin niya namimiss ko na siya! Ready na akong umalis. Nakasuot ako ng simple white dress.
Dumating na si Clauss at ipinagpaalam pa ako sa mga magulang ko. Hindi ko siya iniimikan. Napakunot-noo ako nang makita ang itim na kotse na nakaparada sa harapan ng bahay. Marunong na rin siyang mag-drive ng kotse?
Nagsalita si Clauss dahil tila nabasa niya ang iniisip ko. "Don't worry, may driver," he smirked. "Pero kumukuha ako ng driving lessons," dagdag niya. Napatango ako.
"Saan tayo?" tanong ko sa kanya nang makaupo kami sa loob ng kotse.
"Sa Charity house nina Lola. May Christmas Party. Okay lang ba?" tanong niya habang nakatingin sa'kin. Medyo naiilang ako dahil ilang minuto na yata niya akong tinititigan.
"Oo naman, nandoon ba sina Claudette?" balik tanong ko.
"Nandoon sila, kasama sina Xavier, Akira, Troy at Felicity. Nasabi kasi sa kanila ni Claudette," sagot niya. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko at ipinikit ang mga mata. Napangiti ako. Mamaya ko na lang siguro ibibigay ang regalo ko sa kanya. Hindi ko alam kung magugustuhan niya.
------------------------
TO BE CONTINUED... Sa 28 na ang kasunod :P hahaha.. Merry Christmas ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com