Ikalawang kabanata (akalain mo yun hehe)
Parehas tinakasan nina Voughn Lara at Bienvinido ang itinakda sana sa kanila na pagpapakasal at nagpakalayo-layo nagbabaka sakaling malimutan ng pamilya nila ang kasalan na pinaplano ng mga ito para sa kanila. Kasalukuyang nakasakay ang grupo nina Bien at VL sa isang super ferry papuntang Puerto princesa.
"Mukha namang effective ang pan di-disguise mo VL" sabi ni Cleah sa kaibigan na nakasuot ng nerdy glass, naka short lang ito na may Jumper at nakayellow na T-shirt may suot din itong puting sumbrelo na may dilaw na bulaklak ang naka design dito. Nasa gilid sila ng barko na iyon at minamasdan ang ganda ng karagatan na tinatahak nila.
"Shhhhh, don't call me on that name, Lara na lang para walang makahalata" saway ni VL kay Cleah.
"Okay, wait mga Sissy tignan niyo kung sino yung paparating dali" tawag ni Mica sa pansin ng dalawa. Paano kasi may tatlong hunks lang naman ang dadaan sa hallway kung saan nakatambay sila.
Ang kikisig nilang tignan, aakalain mong mga half foreigner ang mga ito, o di kaya mga celebrity. Pero di ito mamukhaan ni VL kaya sigurado siya di ito nabibilang sa karera na meron siya.
"Hay naku Mica tumigil ka nga dyan, ano naman ang meron sa mga iyan?" takang tanong ni VL at muling ibinaling na lang ang tingin doon sa tubig. May mga nakita siyang mga flying fish na nakikipag karerahan sa barkong sinasakyan nila.
"Hey mga Sissy look oh, Flying fish" natutuwang turo ni VL sa mga kasama. Pero di niya nakuha ang pansin ng dalawa sa halip ay parang mga timang na nagkiligan pagkatapos dumaan nung tatlong gwapong guy sa harapan nila.
"Ang galing nyo talagang dalawa para kayong walang mga boyfriend ah." sita niya sa dalawang kaibigan at nagsimula na itong maglakad palayo sa lugar na iyon.
"Hey VL- este Lara ang KJ mo talaga, minsan lang makakita ng ganoong ka-hot, ka-yummy at ka-handsome sa isang barko no" may kasama pa itong *kilig looks* habang tila may pinag nanasahan sa mga lalaking dumaan kanina.
"Kadiri naman iyang pinag iisip niyo, dyan na nga kayo magpapahinga muna ako. Okay?" nagmamabilis sa paglakad si VL palayo sa dalawa.
"Sandali kami din magpapahinga na din" habol naman ng dalawa at sumunod kay VL na pabalik na sa kaniyang deck.
Kinagabihan....
Tahimik ang lahat ng mga pasahero ng ferry na iyon. Habang sarap na sarap sa pag tulog sina Mica at Cleah, baligtad naman ang nararamdaman ni VL kaya nag desisiyon siya na magpahangin na lang kahit gabi na. Naglalakad siya palabas ng deck nila ng may makasalubong na isang staff ng barko.
"Ma'am may kailangan ho ba kayo?"
"Ha, wala naman magpapahangin lang." -VL
"Ah ganun po ba sige po ma'am, lumapit na lang kayo sa ibang staff namin pag may kailangan po kayo" magalang na paalala ng lalaki sa kaniya. Tumango siya at ningitian na lang ito, dumiretso agad sa likurang bahagi ng barko si VL, dahil wala ng bakante at may mga tao na nandoon sa unahan ng barko at nagkakasiyahan tingin niya ay isang grupo ng mga turista iyon.
Halos walang tao sa likrang bahagi ng barko kaya medyo magaan ang pakiramdam niya at walang makakakilala sa kaniya dito. Ang lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa buo niyang katawan, sa ngayon nakasuot na ito ng asul na dress na below the knee ang haba at nakasuot lang ng slipper.
Nagulat siya ng may makita siyang tumatakbong bata, mukhang may kalaro ito at hinahabol siya at naghahanap ng mapagtataguan..
"Teka, bata wag kang maglaro dyan, delikado dyan" saway niya dito ng pumunta ito sa bakal na nagsisilbing terraces ng barko at sinilip ang tubig. Tumayo si VL para sawayin ito dahil talagang delikado ang ginawa ng bata at baka mahulog ito doon.
Subalit nangyare nga kinatatakutan niya, na hulog ang bata mabuti na lang at sinalo ito ng isang malaking gulong na may layong isang dipa mula sa tinutungtungan nila. Nasa edad walo o siyam na ang batang babae.
"OMG!!" tinakbo agad ni VL ang bata. "Somebody help us! OMG help!" sigaw niya, umaasang may makakarinig sa kaniya pero isang minuto na ang lumilipas mukhang wala pang nakakarinig sa kaniya. Kaya naglakas loob siyang babaan ito dahil kung titignan ang batang babae, takot na takot ito at umiiyak pa.
"OMG I'm not sure kung tama ba itong gagawin ko, GOD help me po" umakyat siya sa bakal na iyon at dahan-dahan bumaba, di naman naging mahirap ang pagbaba niya dahil may mga tali na pwedeng tapakan palapit sa malaking gulong na iyon kung nasaan ang bata na iyak ng iyak pa din.
"Shhhhhh, tahan na hihingi tayo ng tulong." Niyakap niya ang bata at kumapit ng mahigpit sa gulong at tali para suportahan ang sarili.
"TULONG!! tulungan niyo kami" malakas na sigaw ni VL, nakisigaw na din ang bata na kahit papaano na ibsan ang takot na nadarama.
"TULONG, please tulungan niyo kami" sigaw ulit ng dalawa.
_________________________________________
Bienvinido Certeza POV's
Ang lakas talagang humilik ng dalawang iyon sa kabila ng mga gwapong hitsura nila eh ang malakas pa sa biik kung humilik. Nagpasya akong magpahangin muna di talaga ako makatulog pag kasama ko sa iisang kwarto sina Josh at Justine. Hanggang sa para bang may mga naririnig akong mga boses. Di ko sure pero pinakinggan ko ito ng maige, humingi sila ng tulong pero di ko sure kung ano. Sinundan ko kung saan nagmumula ang mga boses na iyon sa kabila ng maiingay ng mga turista sa may unahang bahagi ng barko.
Isa nasisigurado ko, sa likuran ng barko nagsisimula ang mga boses. pinuntahan ko kaagad ito. Sa una wala akong makitang tao doon pero mas palakas pa din ng palakas ang mga boses na humihingi ng tulong.
"TULONG! please help us" tila boses ng isang babae iyon.
"Teka, nasaan kayo?" tanong ko para naman malaman ko na kung nasaan sila.
"Thank God, may nakarinig din. Nandito kami sa may gilid ng barko please aksidenteng nahulog kami dito please tulungan mo kami may bata akong kasama dito." pagkasabi nun ay dali-dali akong sumilip sa tinutukoy ng babae, at tama nga ang sinabi niya nandoon ito at may kasama pang bata.
"T-teka, s-sandali tatawag lang ako ng tulong... babalikan ko kayo" nauutal pa ako, dahil nakaka-kaba talaga ang senaryong nakikita ko ngayon.
"Sige hihintayin ka namin" sabi pa ng babae at ngumiti ito sa akin na tila nagpapasalamat pa. Kaya naman agad akong nagtungo sa room ng mga staff at sinabi kung ano ang nangyare. Agad silang sumaklolo.
"Nandito na kami, ililigtas namin kayo diyan." sabi ko pa doon sa babae.
"Ma'am uunhain ho muna natin yung bata" sabi nung isang staff habang naka alalay naman ang iba niyang mga kasamahan.
Naghagis ng isang lubid na gawa sa goma ang isang staff dun sa babaeng nasa ibaba.
"Ma'am itali nyo ho muna doon sa katawan nung bata at maghahagis pa ako ng isa para kapitan niya, nakuha niyo po ba?" muling utos ng staff, tumango naman ang babae at ginawa ang lahat ng inutos sa kaniya. Sa wakas ligtas na nai-akyat ang batang babae. Ngayon naman ay yung magandang babae na iyon na nakasuot ng asul na dress. Humanga ako sa kaniya dahil sa katapangan na ipinakita niya ng mga oras na iyon.
Paakyat na ito sa bakal ng maapakan niya ang kaniyang dress dahilan para madulas ito at nagulat kaming lahat ng dumiretso agad siya at bumagsak sa tubig. Halatang nagulat ang lahat. Pero hindi ako nagdalawang isip na tumalon sa tubig na pinagbagsakan niya. Kahit may kadiliman ay lakas loob akong tumalon kahit walang kasiguraduhan sa mga posibleng mangyare sa aming dalawa.
"Naku hindi! tumawag kayo ng back up. Ipahinto ang barko at ihanda niyo ang rescue boat, magmadali kayo!" utos ng isa sa mga staff na natatarantang sinunod ng mga kasamahan niya.
End of Bienvinido POV's
______________________________________
Pilit na iminulat ni Bien ang mga mata makita lang kahit anino ng dalaga na nahulog. Medyo lumayo na ang barko sa kanila dahil umaandar ito ng mahulog sila. Sa ngayon ang nais lang niya ay mailigtas ang babae na iyon.
Muli siyang lumutang upang kumuha ulit ng hininga at muling sumisid. At sa pagkakataon na ito ay laking galak niya ng maaninag niya ang walang malay na katawan nito. Hindi ito lumalangoy o gumagalaw man lang kay kabado siyang lumapit dito. Sa wakas na ilagay na niya sa mga bisig niya ang dalagang iyon dali-dali siyang lumangoy paahon. At pilit hinabol ang sariling hininga.
"Miss! Miss! gumisng ka, miss" pilit niyang tinatapik ang mukha nito. Pero wala umuubo lang ito pero magandang senyales ito na buhay pa ang babae.
Walang ibang maisip si Bien kundi ang lumangoy, mabuti na lang din siguro at walang malay ang babae dahil kung meron man mas delikado silang dalawa at baka parehas pa silang mamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com