Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

runaway

Sa kanyang 24th birthday kumpleto ang mga kaibigan niya, maging ang mama at papa niya ay nandoon, sa rooftop ng building ng Estrella firm idinaos ang birthday niya.

Maya-maya pa ay isang video ang nag play sa big screen. Compilation iyong ng mga photos at videos nila ni Yvan.

Napako ang atensyon ng lahat lalo na nang biglang lumapit si Yvan sakanya.

“hi.” Bati nito.

Bahagya syang nag taka. “h-hi?”

Napa ngiti ang nobyo nang makita ang pagtataka sa mukha ng dalaga.

Then Yvan kneeled in front of her.

Hiyawan ang mga taong nandoon.

Sya man ay nabigla at hindi  agad naka bawi.

Ilang sagit na naka tingin lang sila sa isat-isa.

“mahal…” umpisa ng binata. “ I have talked to your mom and dad…” may inilabas itong maliit na kahon mula sa bulsa ng kanyang jacket at binuksan iyon ng binata. “I never loved anyone but you…” Bahagya itong tumigil sa pag sasalita, naging emosyonal ito. “Jhuan… will you be my wife?”

Natigilan si Jhuan, sa sulok ng kanyang isipan narinig nyang muli ang galit na tinig nito, ang nasusuklam na mukha ni Yvan sakanya 3 years ago.

Pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Napa iling siya. “im sorry…”

Tumakbo siya palayo kay Yvan at mabilis na nilisan ang lugar.

Gumuhit ang sakit sa mukha ni Yvan.

She looks at her mom asking “why?” sa kanyang isipan.

Maging ang mga bisita at parents ni Jhuan ay nabigla sa ginawa ng anak.

****

Ilang araw na niyang tinatawagan ang nobya.

“hijo…” ang mama niya.

Frustrated na inihagis niya ang phone sa sahig.

“why ma…” maluha-luhang tanong niya.

“calm down hijo. I think Jhuan has a personal reason kung bakit niya nagawa iyon.”

“anong rason ma?” naguguluhang tanong niya.

“I think you should follow her in Davoa. Talk to her anak.”

Napa lunok siya at marahas na isinuklay ang mga daliri sa buhok.

“pakinggan mo sya anak, alam kong mahal ka nya. Pag isipan mo rin.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com