CHAPTER 4
CHAPTER 4
ADELINE ISLA RAMIREZ
Nasa pangalawang week na kami ngayong buwan kaya nag-start na mag-lesson ang professor namin. Ngayon ang first subject ay Bread and Pastry.
"Hi, Ma'am."
Kunot noo na inangat ko ang paningin ko ng may nagsalita sa harapan ko. Kasalukuyan kong chinichekan ang yellow pad ni Nari dahil katatapos lang namin mag long quiz. Yes, nag long quiz agad kami pero okay lang.
Handa naman ako.
"What?" irita kong tanong.
Dahil abala kami ngayon sa pagdodouble-check ng mga sinagutan, parang nagkaroon na rin ng free time ang iba para makihalubilo. Maya-maya ay tatawagin na ng professor namin ang mga surname para sabihin ang score. I'm confident that my answer is all correct—
"Anong score mo?" bigla nitong tanong, hindi ko alam kung nakakapa ko sa tono ng kanyang boses na parang nang aasar yata 'to o baka nagtatanong lang talaga.
Napapikit ako at padaskol na binaba ang pink ballpen ko na ginamit ko pang-check sa papel ni Nari.
"Why do you even want to know my score?" maldita kong tugon.
Mahina siyang natawa sa akin nang sinabi ko iyon at tinaas ang dalawang kamay na akala mo ay sumusuko. Agad kong napansin ang yellow pad niya na may score na. Perfect score.
Malaking 50/50 nakalagay na akala mo ay pinagtripan. Pati ang mga check sa papel niya akala mo ay kinahig ng manok, and I know who's behind that. For sure si Ciro na naman 'yon na kaibigan niya.
"Ngi, nagtatanong lang naman ako. Gagalit ka agad d'yan," usal nito.
Mas lalo lang yata uminit ang ulo ko dahil alam ko naman na parang normal na yata sa kanya na mukha siyang mayabang, pero hindi ko matansya ang inis ko sa kanya. Apaka feeling close pa niya.
"Well, I don't have a plan to answer your question," naiinis kong wika sa kanya habang nakatingala. "Umalis ka nga. Feeling close ka pa."
"Sungit mo naman, Ma'am—"
"Isla, 48 over 50 ka."
"What!?" nanlalaki kong mga mata na wika kay Nari ng magsalita ito.
Mabilis kong hinablot ang papel ko kay Nari at tinignan ang mali ko. Majority ay identification ang pinagawa sa amin at ang iba naman ay true or false. Agad na napako ang paningin ko sa isang sagot ko.
It was supposed to be wheat bread! Bakit wet bread ang naisulat ko!? Tapos imbis na false ang sagot sa isang tanong naging true pa. Kamamadali ko 'to, eh!
"Basa pala tinapay mo, eh."
Nanlilisik ang mga mata na mabilis kong tinignan si Alastair na ngayon ay chinichismis ang pagkakamali ko sa long quiz. Nakayuko ito at tinitignan din ang yellow pad na hawak ko.
"Gosh! Doon ka nga sa malayo," iritable kong pangtataboy. "We're not even that close; kung makachismis ka, feeling mo belong ka rito! At ano naman kung basa tinapay ko. May soggy na bread, bwisit."
Narinig ko ang halakhak niya kaya pakiramdam ko kahit na wala akong high blood pressure ay magkakaroon pa yata ako dahil sa kanya. Ang nakakainis pa ay normal na tawa niya 'yon... tawa na mapangasar talaga.
"Good job pa rin kahit 48 over 50. Mahaba-haba pa naman semester natin kaya makakabawi—"
"I don't care, Alastair. Lowkey pinaparating mo na ganyan score ko porket perfect sa 'yo?"
Nakita ko kung paano siya mapasinghap at napahawak sa kanyang dibdib na akala mo ay aatakehin sa puso.
"Uy, hindi naman ako ganyan, Ma'am. Grabe ka naman. Humble akong tao 'no. Nakita mo ba sa 'yo na niyabang ko 'to?"
Napaatras ako sa sandalan ng kinuupuan ko nang basta niya na lang hinarap sa mukha ko ang yellowpad nito. Sa inis ay hinablot ko 'yon at basta na lang tinapon sa tiyan niya... matigas ang tiyan na.
"Yes! At ngayon mo pa lang ginawa. Umalis kana nga, nakakairita ka. Hindi ko kailangan ng good job mo. You're just annoying me!"
"Kalma mo naman puso mo, Ma'am. Maldita ka talaga—"
"Alastair, tigilan mo na nga yan si Isla. Namumula na siya, oh. Para kang ewan talaga," pagsingit ni Nari.
Agad naman na tumigil sa pang-aasar si Alastair at nakita ko tumingin siya sa akin. Ningitian niya ako at ngayon kitang-kita ko ang maputi nitong ngipin; litaw na litaw ang magkabilaang pangil niya sa itaas.
Dahil katabi ko na ang glass window, ay bahagya ngayong kumikinang ang stud earring niya dahil natatamaan 'yon ng sinag ng araw.
"Ano pa tinatayo mo d'yan? Doon kana kay Ciro at huwag mong bumalubugin ang frenny ko. Mas mapula na 'to sa tocino ngayon kaka imbyerna mo. naninira ka ng araw. Timang ka talaga," pangtataboy ni Nari kay Alastair.
Tumawa lang si Alas at binalingan muna ako ng tingin sa huling pagkakataon bago bumalik sa kanyang kinauupuan. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago irapan at tinuon na ang pansin sa papel kong may dalawang mali.
Bwisit.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Mabilis din natapos ang second and last subject namin. Saglit lang nakapagturo ang professor namin sa last subject dahil nagkaroon ng meeting lahat ng HM professor sa building na 'to kaya ngayon nandito kami sa cafeteria at kumakain na lang.
"Hindi ka ba magugutom kung 'yan lang laman ng tiyan mo?"
I looked at Nira; she's eating a rice meal that she brought here in the cafeteria. While for me, I just bought my favorite iced spanish latte. Umiling lang ako sa kanya at sumimsim sa straw ng iced coffee ko.
"I always eat breakfast because that's the important meal. Brunch na siya for me kaya baka mamayang dinner na ako kakain ng rice," tugon ko.
"Ang galing, ah. Buti namamaintain mo figure mo. Nagwoworkout ka 'no?"
I smiled. "Jogging lang—"
"Paupo kami, Nari. Punuan na ngayon, at kayo ng kaibigan mo lang ang may dalawang bakanteng upuan."
It was Ciro who talked to Nari. Nang dumako ang tingin ko sa kaliwa nito ay agad kong nakita si Alastair na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Kumunot ang aking noo dahil ang tagal niyang nakatingin, inirapan ko na lang siya at sumipsip sa straw.
Anong tinitingin tingin no'n?
"Hindi ka ba yata masasapian kung panay irap ka nang irap sa akin?" tanong niya ng matabihan ako. "Kulang na lang tumirik 'yang mata ko kakaikot. Pahinga pahinga rin baka wala ka ng makita niyan kakaganyan mo."
"Ikaw ang unang masasapian kung ipapakulam kita," pangbabara ko sa kanya.
Impit itong natawa sa sinabi ko. "Hindi ako nainform na ganyan pala ka-corny mga joke niyong englishera."
Doon ay napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Excuse me?"
Agad na napaayos ito ng upo at inusod ang kanyang upuan papunta kay Ciro kaya nagkaroon ng kaunting space sa pagitan naming dalawa.
"Ay, dadaan ka ba? Daan kana," nakangiti niyang wika.
Pakiramdam ko kumibot ang kanan kong mata dahil sa sinabi niya. Hindi ako tanga para hindi malaman na pinagtitripan niya na naman ako.
Nakangiti ito, ngiting mapang-asar, at kulang na lang ay tatahiin ko 'yon para hindi ko na makita ang gano'ng ngiti niya na nakakasira ng araw.
Nangkit ang aking mga mata sa ginawa nito at hindi na siya pinansin pa.
Simula ng first day of class hanggang ngayon ay walang tigil ito sa pang-aasar at pang-iinis sa akin na para bang hindi buo ang araw niya kung hindi niya ako nakikita na namumula na sa galit.
Satisfy na satisfy siya sa pang aasar sa akin kapag nakikita niyang nag aalburoto na ako.
Mabuti na lang at to the rescue ang friend ko na si Nari na taga-awat kay Alastair sa pang-iinis sa akin.
I was quiet in the whole break that we had at the cafeteria because of Alastair. Sabay silang kumakain ni Ciro at Nari. habang ako ay nakatingin lang sa kanila habang iniinom ang ice spanish latte ko.
Patuloy pa rin sa pangbabadtrip si Alastair sa akin pero hindi ko na siya pinapansin at baka isaksak ko sa leeg niya ang straw sa iniinom kong iced coffee sa sobrang yamot.
Nang umabot ang ala una ng hapon ay nagkanya-kanya na kami. As usual, nauna na si Nari, kaya ngayon ay naglalakad na ako sa sidewalk ng campus para lumabas sa gate 1.
Isang busina ang aking narinig sa gilid ng sidewalk. At 'yon, nakita ko na naman siya, ang taong mahilig manira ng araw ko kasama ang kaibigan nito na si Ciro. Si Alastair ang nagmamaneho ng motor.
Bumaba ang tingin ko sa motor na sinasakyan nila. I think it's a black Yamaha Sniper 155 R. I often know the other brand of motorcycle because of my tito—my father's brother. Siya ang mahilig sa mga motor.
He even gifted me a standard pink Yamaha Mio Fazzio. Pinacustomized niya 'yon na gawing color pink dahil paborito ko 'yon. I have a driver license, kaya puwede ko 'yon siya ilabas sa subdivision, ang kaso natatakot ako.
My driving skills are not that good. Kaya, feel ko hanggang subdivision lang ako. Yung tipong dapat may sarili kang kalsada para wala kang madamay na tao kung sakaling madisgrasya ka sa pagmomotor.
"Ingat sa pag-uwi, Isla!" nakangiting wika ni Ciro, kumaway pa siya sa akin.
Feel ko mas okay pa 'tong si Ciro. Mas matino pa siya kay Alastair na nakakainit ng ulo, katulad na lang ngayon. Parehas silang dalawa na naka-full-face modular dual visor helmet na matte black.
Nakataas ang dual visor no'n kaya kitang-kita ko na naman ang ngisi sa kanyang labi.
"Bye, Ma'am," pang-aasar na naman nito.
Inirapan ko lang sila at nauna ng maglakad. Hindi ko na sila pinansin at nakita ko na dinaanan na nila ako. Narinig ko pa ang busina ng motor na sinasakyan nila bago tuluyang makalabas sa gate ng school.
Bumaba ang aking paningin sa hawak kong cellphone nang biglang may text doon.
Kuya Amelio:
mam nasa labas na ko ng gate
Mam isla. Si mam odette pala nasa bahay. Uwi na tayo agad para maabutan mo sya.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com