Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06


"Aren't you gonna eat?" tanong ni Lee sa kasamang lalake na pinapanood lang siyang kumain ng kanyang almusal.

Vincent gave a satisfied smile. "Okay na ako. Pero tignan mo iyon"

"Hmm?" napa-angat ng tingin si Lee bago sinundan ang mga mata ni Vincent.

"What about that woman?" tanong ni Lee.

Muling binigyan lang ni Vincent si Lee ng makabuluhang ngiti. Napakunot ng noo si Lee atsaka pinagsmasdan ang babae. Hindi niya maintindihan kung anong mayroon dito para maging interesado si Vincent sa kanya.

"Ano nga?" iritableng tanong muli ni Lee nang hindi na ito makapag-tiis.

"Huminahon ka lang. Just watch her, okay?" pagpapakalma ni Vincent.

Walang nagawa si Lee kung hindi sundan ang sinabi ng lalake. Pareho nilang pinagmasdan ang babae. Natapos na ni Lee ang kinakain niya at hindi niya pa rin maintindihan kung bakit kailangan nila itong pagmasdan.

"Wala ka bang napapansin sa kanya?" tanong ni Vincent.

"Wala?" pabulong at hindi siguradong sagot ni Lee.

Napaisip si Vincent bago niya ibato ang tanong, "What if I tell you that she's gonna kill herself tonight?"

Lee's eyes widened in shock. "A-anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman yan? Kilala mo ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Lee.

Umiling si Vincent. "Hindi ba halata sa galaw niya?"

"Anong meron sa galaw niya?" dahan-dahang tanong ni Lee habang pinagmasdan ulit ang nasabing babae. Wala namang kakaiba sa galaw nito simula noong pinagmasdan niya ito.

"She looks fine, doesn't she?" tanong ulit ni Vincent na ikinatango naman ni Lee.

"It doesn't seems like she's going through something, right?"

Muling tumango si Lee. "So, what do you mean she's gonna kill herself?"

Vincent shook his head as if he was disappointed. "Lee. Oh my, Lee. You should know better than me on what's going through that woman's mind"

Lee was confused. "What do you mean? Paano ko malalaman kung anong iniisip niya? Hindi ko naman siya kilala?"

Vincent stared at her in all seriousness. "Are you sure about that? Why don't you try looking at her more better?"

Lee followed Vincent's order. Then, a little girl's image flashed through her head. But her face was so blurry she can't identify who it was.

Napahawak sa ulo si Lee nang bigla na lang itong sumakit. Nag-aalalang inalalayan ni Vincent ang babae. "Okay ka lang? Don't push yourself too hard." pagpapa-alala nito sa kanya.

Ilang segundo bago nawala ang sakit ng ulo niya. Nang inangat ulit ni Lee ang tingin niya para tignan ang babae ay wala na ito sa lamesa niya.

"Nasaan na siya?" nag-aalalang tanong ni Lee kay Vincent.

"Umalis na"

"Sundan natin!"

Umiling si Vincent. "Hindi na kailangan pa, Lee. We have nothing to do with her"

Napakunot ang noo ni Lee. But he just said that I might know her.

"I was mistaken. Hindi ikaw ang may kilala sa kanya. Besides, kahit na kilala mo siya, I doubt na kilala ka niya."

"But you said she's gonna die!" halos pasigaw na sabi ni Lee.

"Madaming tao ang namamatay araw-araw. Would it matter if another person dies?" walang emosyong tanong ni Vincent.

Napanganga si Lee sa kanyang narinig. That was so cold of him. Napansin ni Vincent ang reaksiyon ni Lee at napabuntong hininga ito.

"She's hopeless." Bulong ni Vincent sa sarili.

"Tara. I might have an idea kung saan niya gustong magpakamatay. You can watch her last moments if that's what you want, Lee" pagsuko ni Vincent bago ito tumayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com