Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two


Ashainna's POV

"Zoey!! Good morning!!" I happily greeted Zoey as I sat next to her on our biology class, I even saw her flinch which made me chuckle.

"Morning," she shortly replied with low energy.

"You want?" Inalok ko siya ng donut na binili ko pa kanina bago pumasok. Without glancing at me, she shakes her head.

Napasimangot ako bago binawi ang ini-aalok kong donut at itinabi na ang kahon nito.

"Sige, mamaya nalang, kapag lunch? Mamayang lunch nalang natin kainin. Magkita nalang tayo sa cafeteria." I said as I get myself comfortable on my chair. Nakita ko lang siya na tumango ngunit nanatiling nakatalikod sa akin kahit katabi ko lang ito.

"Zoey, kita tayo mamaya ha!" I loudly said by the hallway as our first subject ends. May kasunod pa akong klase at hindi ko na kaklase doon si Zoey. Magkikita nalang kami mamaya sa cafeteria, more like hahanapin ko nalang si Zoey.

My 2nd period ends by 12 noon, squishing myself through the hallway, I excuse myself to get to the cafeteria. Mahirap talaga kapag lunch break na, halos lahat ng student ay nasa hallway at hindi ka halos makasiksik.

Nang makarating ako sa cafeteria ay agad kong inilibot ang aking paningin, natandaan ko na naka blue jacket si Zoey at madalas itong nakahood.

"Zoey!" I shouted as I saw her sitting alone by a lunch table. I once again squeeze myself at the large crowd to make my way towards her.

"Hi!! Here's our donuts, you can have the sugar glazed one, kahit ano nalang sa akin. I'll just buy my foods, okay?" I said as I put the box of donuts and my bag on the chair across her, she nod before I walk towards the counter. I ordered some pork shanghai and afritada for ulam and ordered a cup of rice.

"How's your morning?" I ask Zoey as I start eating,

She nods, "It's good," Maikli nanaman niyang sagot.

"May klase ulit tayo after this, tabi tayo, ha?" I said before taking a bite of the shanghai,

"Sure," sagot niya, tahimik lang kaming kumakain na dalawa habang ang paligid namin ay siya namang ingay.

Habang kumakain ay kinuha ni Zoey ang kaniyang tubigan, pinagmamasdan ko lang siya habang ako'y ngumunguya. Painom na sana siya nang bigla niyang tinititigan ang tubigan niya.

"Bakit? Wala ka nang tubig? Akin na ikukuha kita." I push my hand forward to reach for her water bottle.

She looked at my hand for few seconds before placing her water bottle down, "Babalik ako," I said before standing up and go to the nearest water refilling inside the cafeteria.

"Here," I said, flashing a smile as I place her water bottle down.

"Thanks," Mahina niyang turan, mas lumawak ang ngiti ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Nauna akong matapos kay Zoey kaya una na akong kumuha ng donut, kanina ko pa talaga gustong kumain ng donut, gusto ko nga lang ay kasabay ko si Zoey lalo na at binili ko talaga ito para sa aming dalawa.

"Donut?" Alok ko sa kaniya nang maubos na niya ang kinakain niya. Habang umiinom ng tubig ay tumango ito.

"Masarap?" tanong ko nang kumagat na ito sa donut na kinuha niya.

Tumango siya habang ngumunguya. Muli kaming binalot ng katahimikan, kung nananakal lang ang awkwardness ay baka hindi na ako makahinga at nahimatay na. Sobrang awkward at tahimik kapag kasama ko si Zoey. But there's this odd feeling inside whenever I'm with her. Dahil siguro dati ko siyang kaklase at magkasing-edad lang din kami. Or maybe hindi totoo na hindi kami magkaibigan dati, baka close friends or kahit friends manlang kami noon.

Nang maubos na namin ang donuts ay umalis na rin kaming dalawa ng cafeteria at dumiretso na sa kasunod namin na klase. Syempre magkatabi kami, lagi naman kaming magkatabi at lagi rin kaming magkasunod. Kahit mas matanda ako sa mga ibang kaklase ay nahihiya din naman ako na makisama sa kanila. I sometimes feel left out kapag kasama ko sila. Pero kapag si Zoey na, kahit mabibilang mo sa kamay ang sinasabi niya ay mas komportable ako sa kaniya.

Matapos ang ilang minuto na pag-iintay ay dumadating na ang prof namin, nagpa-quiz pa ito matapos siyang magturo. Pinapakuha kami ni prof ng ¼ paper pero ang meron lang ako ay crosswise, si Zoey naman ay isang 1 whole ang inilabas.

"Hati nalang tayo sa crosswise ko." Alok ako sa kaniya, nilingon niya ako bago tumango at itinabi na ang 1 whole niya. Pumilas na ako ng isa at tinupi ito sa dalawa.

"May gunting ka ba?" Tanong ko sa kaniya para mahati ang papel.

Napakamot ito sa pisnge niya bago umiling, "Lawayan mo nalang." Turan nito at bahagyang nanlaki ang mata ko bago nagpigil ng tawa.

"Bastos, Zoey, ako na bahala." ani ko bago dahan-dahan na pinunit sa dalawa ang papel, buti nalang ay naka-abot pa kami bago pa man magsimula na magtanong ng prof.

"Ilan ka?" tanong ko sa kaniya nang makuha namin pabalik ang papel namin.

"Isa lang," sagot niya nang hindi ako tinitingnan at nakatingin pa rin sa papel niya.

Napakunot ang noo ko bago tumingin sa papel ko, 18 naman ako, ah. At saka over 20 ang quiz, 1 lang score niya?

"No, I got 19, binibiro lang kita." Napa-angat ako ng tingin nang bigla itong magsalita. She have this slight smile printed on her lips that I barely see.

A smile grew on my lips, "Eh saan galling yung 1 na sinabi mo? Iyon ba yung 1 mistake mo?" I ask and her smile grew.

"Well... I was thinking of something else pero you can say it like that." sagot niya at utay-utay akong tumango bago itinago ang ngiti ko.

I think we're friends na! She's making jokes na eh!

Matapos ang klase namin na iyon ay wala na kaming klase na natitira. Naglalakad kami papalabas ng school ni Zoey nang may maisip ako.

"Gusto mo mag mall? Tara mag mall tayo?" I said which made both of us stop from walking.

"Hindi ka papayagan, naghihintay driver mo sa 'yo." She said which made me pout.

"You have a point, next time siguro?" I ask and she nods, "Sure, pero I think you should go, kanina pa nakabukas yung pinto ng kotse niyo." She pointed at our car and our driver who's patiently waiting outside our car.

I giggled, "Sige, bye! See you tomorrow sa event ng Arts students!" I said while stepping backwards and waving at her. I'm so excited sa event bukas!

I saw her flash a very slight smile and nod, "Yes, see you." She replied and that's when I run towards our car.

When I arrived home, mom welcomed me with a warm hug and a wide smile.

"How's school, anak?" Mom asked as she serve me a snack in my room.

"It's good, mom. Me and my friend ate lunch together again, plus bumili ako ng donuts for us. We also shared crosswise kanina, I scored 18 sa quiz tapos siya 19." I happily said as I munch on my snacks. As mom brush my hair.

"You two are still getting along with each other? Akala ko ba tahimik lang siya at hindi ka gaano sinasagot?" she asked and I shake my head,

"She may be like that but she's really nice, mom. Tahimik pero mabait." I said and mom giggled,

"What's her name nga pala? You haven't mentioned." she said and I giggled,

"Secret! I don't want to say it." I said while scrolling through my social media,

Mom chuckled, "Okay, may secret ka nang nalalaman, ha." Mom said which made me chuckle and soon she left my room. There's this feeling inside me saying that I shouldn't tell mom.

I slightly tilt my head, "Simula noong nagising ako sa ospital... may mga weird akong nararamdaman." I said while staring at my wall. Ang weird talaga, nakakapagtaka.

"Hi ate, Ai, pwede po ba na patulong kami na maglagay ng decorations dito?" Kakadating ko palang sa gymnasium nang matagpuan ko ang mga Arts students na nag-aayos ng stage sa gym.

I nod, "Sure, saan ba?" I ask as one hand me a banner,

"Dito po ate, okay lang po ba sa inyo? Tinatawag na po kasi kami sa faculty." Itinuro nila kung saan ako magdidikit, "Ah okay, kaya ko naman, okay lang. I'm happy to help you guys." I said, flashing a smile. The three 2nd year students jumped in happiness as they run out of the gymnasium.

Naiwan tuloy akong mag-isa, medyo mataas ang pagdidikitan ko na pader kaya kumuha ako ng mga mono block chair at pinagpatong-patong ito para maabot ko ang pader. I was doing great, payapa akong gumagawa mag-isa hanggang sa marinig ko na bumukas ang pinto ng gymnasium at sumara. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Walang nagsalita, pero may mga yabag ng paa. Nanatili akong nakatalikod dahil bigla akong tinamaan ng takot.

"Sino yan?!" Sigaw ko na may halong takot, paano kung may multo na pala sa likod ko.

"HOY!! AHHH!!" Sumigaw muna ako para mawala ang takot ko at mawala kung may multo man, diba takot sila kapag maingay?

Saka ako humarap sa aking likuran, nahulog ang panga ko nang makita si Zoey na nagtatakang nakatingin sa akin at animo'y nanigas sa kinatatayuan.

"Are you... okay?" tanong nito bago naglakad papalapit sa akin.

Napasapo ako sa aking noo at napapikit. Gusto kong tawanan ang sarili ko pero mas tinamaan ako ng hiya.

"Akala ko naman may multo na! Nananakot ka! Bakit hindi ka sumagot noong tinanong ko kung sino ang andito?" Inis kong tanong dito, nakita kong bahagya itong napangisi.

"Pinapakiramdaman lang kita." she said and I scoffed before facing my back at her and continue decorating the wall.

"Do you need any help?" tanong niya, inirapan ko ito dahil sa inis. Hindi ba niya alam na matatakutin ako?

"Ito ba ang mga inilalagay mo?" Ini-abot niya sa akin ang mga papel na kailangan kong idikit.

"Salamat," Maikli kong turan, ang tela na nakasabit sa pader ay siyang pinagdidikitan ko ngayon ng mga papel gamit ang aspili.

"Paano mo nalaman na andito ako?" tanong ko sa kaniya, ang tahimik kasi, hindi man lamang siya nagsasalita.

"Nakita ko yung ibang arts students, sabi nila andito ka daw at nag-aayos mag-isa kaya pinuntahan na kita." She replied and I slowly nod.

"Miss mo 'ko 'no?" I joked and I heard her scoff, saktong nag-aaspili ako ng papel nang mahulog ang isang papel na hawak ko kaya hinabol ko ito ng tingin. Hindi ko napansin na daliri ko na pala ang ina-aspili ko.

"Aray ko!!" Sigaw ko bago binitawan ang mga hawak ko at sinapo ang hintuturo ko.

"Why? What happened?" Agad lumapit si Zoey sa likuran ko, dahan-dahan akong bumaba ng bangko na kinatatayuan ko. Inabot ni Zoey ang daliri na sapo-sapo ko.

"Tsk, clumsy Ai." ani nito bago binitawan ang kamay ko at may kinuha sa likod ng case niya.

"Gladly I kept a band-aid here, akin na daliri mo." She reached for my hand and carefully wipe the blood with her hanker chief.

"Masakit?" she asked and I shake my head. She carefully put the band-aid on my finger.

"Clumsy Ai talaga, ganiyan ka rin dati." She said that caught my attention. When she let go of my hand and our eyes met, her smile dropped.

She knows something about me before. "Pwede... mo ba sabihin sa akin kung anong klase akong kaklase sa 'yo dati?" I ask, hoping she can help me remember my lost memories. I'm still curious about them, ang hirap kapag may mga nawawala kang ala-ala, it feels like I'm missing few chapters.

"Ahm, ano... well..." she paused and look at me. I can tell she's hesitating and she's having second thoughts.

"Was I a bad friend to you?" I ask and she shakes her head, our eyes connected with each other.

"No, you're a very good friend to me." She replied and I slowly nod,

"So we were really friends before?" I ask and she pursed her lips,

"Yes, we were, good friends actually." She said which made a smile grew on my lips. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com