Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XII


Cass's POV

"Well... she looks like a walking ball of sunshine kasi." sagot nito at bahagya akong natigilan habang nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran mula sa kaibigan ko. Kitang-kita ko rin ang pagngisi ng mga kaibigan ni kuya Haze. 


Bahagya akong napatungo at napakagat sa labi para magpigil ng kilig at para hindi na rin nila ako makita na nagpipigil. 


'Ganun na ba ako kalaki para maging bola? Gets ko naman ibig niyang sabihin, pero yun pa talaga yung sinabi, hindi nalang sabihin na cute ako!' 


"You should have seen her when we were talking a picture, ang cute niya, haha." Bahagyang napatawa si kuya Haze, pero ang mga mata nito ay halos mawala na. 

"Andon kami pre, nakita ko, photobomber pa nga ako doon sa isa, eh." turan ni kuya Lorenzo at napahagalpak kami ng tawa, oo nga, naka-brown pa siya sa likod. 

Para akong sinilihan sa kung saan at hindi na nakapagpigil ng kilig kaya gumuhit na ang malawak na ngiti sa aking labi. 

'Cute drw ako!' 

"Ayiee! Grabe kana Haze!" Pangangantyaw ni kuya Edward, "Si Haze oh, nagpipigil lang 'yan ng kilig! Ayiee!!" Pang-aasar naman ni kuya Lucas, nag-angat ako ng tingin kay kuya Haze at hindi manlang ito itinatanggi na kinikilig siya, bagkus ay patawa-tawa lang ito. 

Kinurot ako ni Faye kaya naman naagaw nito ang attensyon ko, lumapit ito sa akin para may ibulong, "Hindi itinatanggi ni kuya Haze! What if--!" itinulak ko ito palayo bago sinamaan ng tingin. 

"Hey, by the way, Cass, yung glasses mo pala? Nakuha mo na ba?" Napabaling ako ng tingin kay kuya Haze nang tawagin ako nito. 

Agad akong tumango, "Opo, nakuha ko na, si kuya Shawn po ang nagbigay." sagot ko at napa-awang ang labi nito bago utay-utay tumango. Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa nagsalita si kuya Xandro. 

"Tara na? Lawn tennis will start in few minutes, I want to watch." turan nito,  halatang may oras na hinahabol, napakamot pa nga sa batok, eh. 

"Wait lang," Paalis na sana ang ibang congress nang biglang magsalita si kuya Haze, lahat tuloy kami sa kaniya ay napatingin. 

Hindi siya nagsasalita pero nakatingin siya sa akin, pinaglalaruan din nito ang susi sa kaniyang kamay, "Uh... ano... ahm," napatungo ito kaya naman muli kong napansin ang buhok nito na bagong gupit. 

"Bagong gupit ka, kuya?" Agad itong napa-angat ng tingin, hinawakan nito ang kaniyang buhok at tumango, "Yes, you noticed." ani nito at tumango ako, "Bagay po sa 'yo." turan ko, nahihiya itong ngumiti bago tumango, "Thank you," 

"When's your cheerdance nga?" tanong nito at bahagya akong nag-panic, nakalimutan ko kung kailan! 

"A-Ahm... ano po, bukas! Gabi," sagot ko at tumango ito, "Okay, goodluck sa 'yo," Mahinhin nitong turan at napatango naman ako habang nakaguhit ang ngiti sa aking labi. 

"Excuse, pero Haze, uuna na ako, I have to watch lawn tennis." Paalam ni kuya Xandro, nagmamadali na talaga siya. 

"Sus, may papanoorin kasi--" agad na binatukan ni kuya Xandro si kuya Lucas, 

Kuya Haze chuckled, "Una na kami, see you around." Nakangiting turan ni kuya Haze bago sumunod sa mga kaibigan niyang malayo-layo na. 


Nang makalayo-layo sila kuya Haze ay saka naman ako napagkantyawan nila Faye, "Huy! Feel ko talaga... may something na! Alam mo yung..." may mga hand gestures pa na ginawa si Faye, 

"Andun, eh! Napansin mo ba, noong nag-aaya na si kuya Xandro? Ayaw pa umalis ni kuya Haze! Feel ko ano... may something... parang ano... what if gusto kana rin pala ni kuya?" Napasapo ako sa mukha dahil sa sinabi ni Faye. 

Ginatungan pa ito ni Marga, "Diba! Yun din yung napansin ko! Tapos yung ngiti at tingin ni kuya Haze! Iba na! Dati nga hindi ka niya pinapansin, diba?" Napabuntong hininga ako sa mga pinagsasabi nila. 

"Alam niyo... what if... may importante lang pala na sasabihin si kuya Haze? Tapos nakalimutan niya? O di naman kaya ay masaya lang talaga siya, diba? Alam niyo kayo... masyado kayong... assumera." ani ko at parehas bumagsak ang ekspresyon ng dalawa. 

"Edi 'wag! Ikaw na nga itong sinusuportahan, eh!" ani ni Faye at napatawa ako, "Magkaiba kasi yung sinusuportahan sa... nagiging assumera, mabait lang naman talaga si kuya Haze, eh." ani ko at napangiwi ang dalawa. 

"Anong mabait eh hindi naman 'yan ganiyan sa iba, hindi nga namamansin, diba? Sa 'yo lang siya nagkakaganiyan--"

"HOY! Wow naman! Paano mo nasabi? Friend mo? Close kayo?" Pambabara ko kay Marga. Hangga't maaari ay ayaw ko lang talagang umasa, ayaw kong bigyang ibig sbaihin lahat ng nangyayari. Oo minsan, sobra akong kinikilig, pero siguro sa mga ganitong bagay, yung kusa na niyang ginagawa, ayaw kong bigyan ng ibig sabihin, masasaktan lang ako sa huli. 

Napatawa si Marga, "Para kang sira! Ayaw mo maniwala." Napasimangot ito at napatawa nalang ako sa eskpresyon niya. 

Naglakad-lakad kami sa buong campus at naghanap ng makakainan, puro pagkain naman ang hinahanap namin. Bawat sulok ng university may mga food stalls, iba't-iba at samu't-sari. 

Kumakain kami ng fish ball nang makarinig kami ng sigawan mula sa may tennis court, saka lang nag sink in sa aming tatlo na lawn tennis player nga pala si Simon. 

"Si Simon na yata!" Napasigaw si Faye at napaharipas kami ng takbo papunta rito. 

Hindi mali si Faye dahil pagdating namin sa court ay si Simon nga ang naglalaro. 

"Go Simon! Kaibigan namin 'yan!!" sigaw ni Faye at nakisigaw na rin kami ni Marga. Pagtingin ko sa score ay lamang si Simon ng ilang puntos lamang at medyo dikit. 

"Go Si!!" sigaw ko at napalingon sa gawi namin si Simon bago ngumiti. 

Nang makapuntos ang kalaban at bahagyang nalamangan si Simon ay nanahimik kaming tatlo. Puntos ni Simon, puntos ng kalaban, puntos ni Simon, puntos ng kalaban. Masyadong dikit, napapadasal pa nga si Faye kaya bahagya akong napatawa. 

Sa huli ay hindi si Simon ang nagwagi kaya naman agad namin siyang sinalubong. 

"Aww! Congrats pa rin, Si! Sa puso namin, ikaw ang number one!" ani ko rito at napatawa siya, "Sira! Okay lang naman, ganiyan talaga ang laro, may nanalo, may natatalo." ani nito bago uminom ng tubig. Nag-uunahan ang mga pawis na umaagos sa kaniyang noo kaya naman dinampot ko ang towel nito at kusa na siyang pinunasan ng pawis. 

"Ah basta, ang galing-galing mo pa rin!" ani ko at napatawa siya, "Salamat," 

Sakto na lunch na nang matapos ang laro ni Simon kaya naman dumiretso na kami ng canteen para kumain. Kahit kain kami nang kaing tatlo ay natakam pa rin kami sa mga pagkain sa canteen. Pinuntahan pa nga kami ni Matt na kagagaling lang sa practice ng cheerdance.

"Kinakabahan ako sa cheerdance ng archi, ah! Palong-palo, eh!" ani ko habang kumakain at napahagalpak ng tawa si Matt, "Sira! Magulo pa nga yung amin, nakakaasar nga." ani nito at napasinghal ito, 

"Asus! Tapos kayo ulit ang mananalo?" Pagbibiro ko rito at napatawa ito, "Why not, coconut!" ani ni Matt bago sumubo ng pagkain. 

Nagulat ako nang dumating ang buong congress at umupo sa kalapit naming table. Paanong hindi ako magugulat eh ang iingay nila. 

"Ayan na ang kuya Cap mo!" Pabulong na sigaw sa akin ni Faye na agad kong nahampas sa hita. 

I, of course, brushed it off, nagkataon lang naman siguro na dito sila umupo. Hindi naman namin pagmamay-ari ang mga tables sa paligid para pagbawalan sila na umupo rito. 

"Oo nga pala! Kamusta laban ni Simon?" tanong ni Matt na bumasag sa katahimikan. 

"Ay! Sobrang galing! Number one in our hearts!" sagot ko agad at napahagikhik si Simon, "2nd place lang--" 

"Pero magaling!" Putol ko rito at napahagikhik ulit ito, "Alam niyo... pinagbigyan lang talaga siya ni Simon. 4th year na kasi, kaya pinapanalo na ni Simon." ani ko at napahagalpak sila ng tawa, nagtatawa ako habang sumusubo ng pagkain nang biglang may magsalita mula sa katabing table. 

"Naku si Haze! Batak na batak sa basketball! Lalampasuhin nga raw lahat ng kalaban, eh!" Napalingon kami sa table ng congress kung saan nagsalita si kuya Lucas. 

Napatawa si kuya Lorenzo, "Si Haze pa? Halimaw 'yan maglaro!" dagdag pa nito, napatawa si Marga nang pagak habang ako ay napakunot naman ang noo. 

"Ilan ang tinalo ni Simon?" Napalingon ako kay Matt, "Ahm... apat yata? Law, Engineering, Med tapos... Educ." sagot ko at tumango si Matt, 

"Palong-palo si Haze mag basketball, MVP nanaman 'yan!" Narinig kong turan ni kuya Xandro, siya kasi ang kalapit ko. 

"Back-to-back win ang Aviation, back-to-back MVP pa si Haze! Baka Vergara 'yan!" turan ni kuya Edward na hindi ko na nilingon dahil nakilala ko na ang boses nito. 

"UY! Dahil diyan, may bagong bukas na unli wings malapit dito! Tara? Celebration for Simon!" Pag-aaya ni Faye, 

"Anong oras? Hindi maganda kapag gabi na, masyadong maraming tao!" ani ni Marga at tumango ako, 

"Mga 2pm?" tanong ni Faye at umiling ako, "May practice pa ako ng cheerdance by that time." ani ko at tumango ang mga ito, "3pm? Pwede na?" tanong ni Faye at tumango ako, 

"Sige, 3pm nalang, para gutom din ako." ani ko at napatawa sila, 

"Ano nga ulit oras laban niyo, Haze? 3pm diba?" Bahagya kong nilingon ang congress nang magsalita ulit si kuya Lucas. 

Napakunot ang noo ko, 3pm pala ang laban nila kuya Haze? 

Siniko ako ni Faye kaya naman naagaw ang attensyon ko, ngumuso ito para ituro sila kuya Haze pero hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating. 

"Hindi talaga pwede na hindi tayo pupunta doon mamaya! Masarap daw dun! Bawal ang hindi sumama!" ani nito na animo'y sumisigaw, lalo tuloy akong naguluhan, bakit siya sumisigaw? Si kuya Lucas parang sumisigaw na rin. 

"Ay siya nga pala Haze, paano ba 'yan? May mag che-cheer kaya sa 'yo? Paano ka niyan, bro?" Nagsalita ulit si kuya Lucas, ang lakas-lakas niya magsalita eh magkakalapit lang naman sila. Nagkantyawan bigla ang congress at iyon ang medyo hindi ko na naintindihan dahil nagka-akitan na kaming umalis dahil tapos na rin naman kaming kumain. 


"Hoy! Feel ko gusto ni kuya Haze na i-cheer mo siya!" ani ni Faye habang naglalakad kami, napakunot naman ang noo ko. 

"Huh? How come?" I confusedly asked, tumigil si Faye sa paglalakad. 

"Come on! Hindi mo ba napapansin? Nagpapapansin sila!" ani nito at pinanliitan ko siya ng mata. 

"Parang hindi naman--" 

"Ang lakas-lakas na ng boses nila, nagpapapansin sila Cass." Putol sa akin ni Matt at umiling ako, "Maingay lang talaga sila." sagot ko at napasapo sa mukha si Faye at Matt. 

"Ang oblivious mo talaga." ani ni Simon at napasimangot ako, "Hindi lang ako assumera, hindi naman nila tayo kinakausap eh." ani ko at napasigaw nang bahagya si Simon. 

"How can you be so... delulu but oblivious at the same time?! May mga oras na yung eye contact niyo binibigyan mo ng meaning tapos yung kanina... gosh Cass!" Napakamot pa ito sa ulo niya. 

"Eh kasi... yung eye contact, wala talagang meaning yun, ginagawan ko lang ng meaning para... nakakakilig. Pero yung mga ganun, hindi na ako nagpapaka-assumera." Paliwanag ko at napahilamos sa mukha si Simon. 

"Ang gulo, hindi ko gets. Bahala ka nga, love life mo naman 'yan." ani nito na pinandilaan ko. 

Inihatid nila akong apat sa practice ko ng cheerdance. At sila rin ang sumundo sa akin pagkatapos. Mabilis lang ang naging practice namin kaya pagkasundo nila sa akin ay dumiretso kami sa volleyball court para manood ng laro. 

"Hindi ba tayo kakain sa labas? Quarter to 3 na, oh." Pag-aaya ko sa kanila habang nasa volleyball court. 

Napalingon sila sa akin, "Hindi ka ba talaga manonood ng laro ni kuya Haze?" tanong ni Faye at bahagyang nagparte ang mga labi ko. 

"Akala ko ba... gusto mong kumain doon?" Taka kong tanong,

Napangiwi si Marga, "Cass, yung resto, hindi agad-agad magsasara, yung laro nila kuya Haze... baka huling laro na niya dito. Papunta na siyang flying school next year, diba?" sagot ni Marga at utay-utay akong tumango. 

"So... sasama kayo sa panonood?" Nag-aalinlangan kong tanong sa mga ito. 

"Oo naman! Sasamahan ka namin, but we're there for you." sagot ni Simon at gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko. 

"Talaga?! Yey!! Tara na!!" Hinawakan ko sa pulso si Simon at hinigit palabas ng volleyball court. 

Nagtatakbo na kami papuntang gymnasium kung nasaan ang karamihan ng mga estudyante. Laking gulat namin nang naglalaro na ang baskteball, sakto pa na Aviation at Engineering ang naglalaro. 

"Cass! Si kuya Haze!! Ayan! Ayan! Number 14!!" sigaw ni Faye habang nagtuturo sa court, agad kong sinundan ng tingin ang itinuturo niya at doon ay nakita ko nga ang crush ko na nasa loob ng court. 

"Go kuya Haze!!" sigaw ni Faye kaya naman nanlaki ang mata ko at nahiya nang biglang lumingon ang mga tao sa paligid namin. 

"Faye! Ang ingay mo!!" saway ko rito, "Oh eh aba! Hindi mo ba manlang iche-cheer ang crush mo?" tanong nito at napasimangot ako, 

"Ang layo-layo natin, hindi niya tayo maririnig." ani ko at napakunot ang noo ni Faye, "Sus! Malapit tayo! Sigaw ka! Maririnig ka niyan!" Pagu-udyok nito sa akin, napasimangot ako bago umiling. 

"Ah, bahala ka! Kapag may ibang nag cheer kay kuya Haze, sige ka! Manigas ka sa selos." ani ni Faye at inirapan ko ito.

At hindi naman nagkamali si Faye, sa tuwing makaka-score si kuya Haze ay ang daming mga babae ang tumitili at isinisigaw ang kaniyang pangalan. 


"GO HAZIEL!!" 


"OMG! GO ALONZO!!" 


"GO HAZE!! ANG POGI MO!!" 


"GO KUYA HAZE!! GO BABY!!" 


Napahagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko nang may isang babae na sumigaw nito. Jusko! First year lang yata yun, eh! 

"Ayan! Sinasabi ko na sa 'yo! May nakiki-baby na sa bebe mo!" Pang-aasar ni Faye at inirapan ko ito. 

"Ah basta! Hindi ako mag che-cheer! What if uncomfy pala si kuya Haze?" ani ko at napatawa si Simon. 

"Bakit siya magiging uncomfortable? Ibig sabihin nga nun, someone is supporting him." ani ni Simon, 

"What about the names? Baby? What if nahihiya siya?" ani ko at napatawa nang pagak si Matt, "Baka naman nagseselos ka lang?" Pang-aasar nito at napasimangot ako, 

"Para 'tong sira! Hindi kaya!" ani ko at naagaw ang attensyon namin nang muling umingay ang paligid, 

"3 POINTS FROM VERGARA!" 

Nanlaki ang mata ko at hindi na napigilan pa ang pagsigaw, "WOOH! GO KUYA HAZE!!" 

Nilingon ako ng mga kaibigan ko at agad kong natakpan ang bibig ko. "Akala ko ba--" 

"Nadala lang! Masama ba na matuwa na naka 3 points?" Putol ko kay Matt at napatawa ito habang umiiling-iling. Inirapan ko ito bago nagbalik ng tingin sa laro. Laking gulat ko nang magtagpo ang mga mata namin ni kuya Haze at ngumiti ito. 

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. 

That smile... that smile felt different. It looks... genuine, comforting and... I don't know how to explain but that smile really just felt different than his other smile. 

Throughout the rest of the game, my eyes are only at him. I didn't bother looking at other players or other people. I just stood there, watching from gain score for his team. Until the game ended and they won.

I didn't had the chance to congratulate him immediately as a lot of people are around and I also got hungry while watching the game. 

"Ang tahimik mo manood ng laro, Cass. Hindi dapat ganiyan, dapat nag che-cheer ka." ani ni Matt habang naglalakad kami papuntang canteen.

Napasimangot ako, "Masyado lang akong focused doon sa laro kaya hindi ko na nagawang makapag-cheer." ani ko bago namili ng mga pagkain. Bumili ako ng isang malaking pack ng Piattos. Magbabayd na sana ako nang mapalingon ako sa mga drinks. 

"Ahm... miss... isang Gatorade rin po." ani ko at napatawa ang mga kaibigan ko. 

"Alam na kung para kanino." ani ni Faye at nahihiya akong ngumiti. 

Pagkabili namin ay iniwan ko muna ang mga kaibigan ko at dumiretso sa area ng Aviation, pagdating ko doon ay inaasahan ko na naka-upo lang sa tabi si kuya Haze pero laking gulat ko nang makita ko ang kumpol ng mga babae na nakapaligid sa baketball players nila. 

Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Sa dami ng tao ay hindi ko agad nakita ang taong hinahanap ko. 

But when I did, I got mixed emotions. Three girls are around him, handing him drinks, water, food, towel, and one is even holding a camera. But he just stood there, he's shaking his head, not even a hint of emotions in his eyes. This is the Alonzo Haziel people know. 

"Huy! Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Nagulat ako nang sumulpot si ate Sav sa tabi ko. 

"Si Haze ba? Ayun, dinudumog ng mga babae niya." ani nito at napatawa ako, "Nakakahiya ngang istorbohin, ang daming fans. Tapos... mukhang hindi naman na niya kailangan nito eh." Ini-angat ko ang Gatorade na hawak ko. 

"Sus, akin na!" 

"Ate!" Nagulat ako nang biglang haklitin ni ate Sav ang Gatorade sa kamay ko at tumakbo sa gawi nila kuya Haze, wala akong nagawa kundi ang magpapadyak sa kinatatayuan ko dahil hindi ko naman siya mahabol, ayaw kong lumapit sa mga aviation students! 

Napatakbo tuloy ako palayo bago tumayo sa may puno, sinilip ko ang pagbigay ni ate Sav kay kuya Haze ng Gatorade. 

Napangisi ako nang makita ko ang gulat na ekspresyon ni kuya Haze, nag-angat ito ng tingin na animo'y may hinahanap kaya napatago ako sa may puno. Ilang segundo ang lumipas ay muli akong sumilip at saka ko ito nakitang iniinom nag Gatorade na bigay ko. 

Yung mabigat na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng saya at pagkakuntento. Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi bago masayang umalis ng lugar na iyon na bahagya pang sumasayaw-sayaw at tumatalon-talon. 

"Saan ka galing?" Takang tanong sa akin ni Simon nang makabalik ako sa kanila, 

Nakangiti akong umiling, "May pinuntahan lang," sagot ko bago nakidampot ng pagkain ni Marga. 

"Ang kapal mo rin, eh. Meron kang iyo!" ani nito at napangisi ako habang ngumunguya ng fries. 

"Sus! Nagbigay lang 'yan kay kuya Cap niya, tingnan niyo, wala na yung hawak na Gatorade." ani ni Matt at napahagalpak ako ng tawa. 

"Finally, someone smart." ani ko at sabay-sabay napasinghal ang tatlo, 

"Sira ka talaga! Alam niyo, manood nalang tayo ng football, semi-finals na kaya!" Pag-aaya ni Faye, tumayo na kaming apat at inayos ang mga pinagkainan namin bago pumunta sa football field. 


Pagdating namin sa field ay halos hindi na namin mapanood ang laro. Sa sobrang dami ng tao at hindi rin naman ako matangkad ay natatabingan ako ng mga tao sa paligid. Si Simon at Matt ay pumunta sa mga ka-blockmates nila dahil Engineering at Architecture ang naglalaban. 

Si Faye naman nagpaalam na aalis daw, tingnan mo yun! Siya nag-aya tapos mang-iiwan! Si Marga naman na katabi ko ay nagpapaka-busy sa kaniyang cellphone. 

Mabuti nalang at bahagyang umalis ang mga tao na nakatabing sa akin kaya naman nakanood na ako ng laro. Kaya naman pala  maingay at ang daming nanonood dahil nasa field si kuya Lorenzo. Hindi ko rin naman masisi na ang daming humahanga kay kuya Lorenzo, bukod sa gwapo at malakas ang charisma niya ay matangkad ito kaya naman angat na angat siya sa mga tao. Tsaka magaling talaga siya maglaro!

I was so focused on the game that I didn't realized that someone else is standing next to me. 

"Thank you..." 

Hindi ko agad ito pinansin dahil baka hindi naman ako ang kausap nito. Nakakahiya kung bigla nalang akong sasagot. 

"Thank you, Cassandra." Agad akong napalingon sa katabi ko at laking gulat ko nang makita si kuya Haze na nakangisi sa tabi ko. Suot-suot pa rin nito ang jersey na suot niya  kanina sa laro. 

Bahagyang napa-awang ang labi ko, "Uh... you're welcome po, congrats nga pala!" I didn't actually think he would say thank you personally. I didn't think he'd actually initiate a conversation. 

I saw how his brows furrowed, when he suddenly lean forward towards me, I slightly panicked and took a step backwards. "Ha?" My lips parted, 

"I said... you're welcome po and congrats." I just repeated what I said. He smiled and pulled away. 

He then crossed his arms, "You didn't cheered nga, eh." I was a little taken a back with what he said. I lost focus on my surrounding and didn't realize someone had bumped into me causing me to loose balance. 

I thought I'm actually going to fall down when kuya Haze immediately reached for me to stop me from falling. "Careful," he softly said, worry written on his face. 

I saw how a smirk drew on his face, "Uh... nag che-cheer ako pero mahina lang." Depensa ko, he then raised a brow at me, umayos naman ako ng tayo pero yung kamay niya sa tagiliran ko ay hindi pa rin niya inaalis.

"Is that even considered a cheer if mahina?" May nakakalokong ngisi sa mga labi niya na parang kakapusin ako ng hininga. Saan ba papunta itong usapan na ito? 

"Ano po--" 

"Gusto mo ba na umalis muna dito? Ang ingay kasi, I can't hear you properly." Putol nito sakin, nagparte ang mga labi ko nang bahagya bago tumango. Tumango siya pabalik bago ako tinalikuran at naglakad paalis, ako tuloy, napahabol sa kaniya at hindi na nagawang magpaalam kay Marga na hanggang ngayon busy pa rin sa kaniyang cellphone. 

"Gutom kana ba? Do you want to eat?" tanong nito at agad akong napatango, "Let's eat while we talk." ani nito na may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi bago naglakad papunta sa mga stalls. 

"Would you like some waffles?" tanong nito nang tumigil kami sa unang stall, I nod, "Yes po," I shortly answered, I'm still processing what is happening right now and what just happened with the hand and the waist.

Pagkatapos niyang magbayad ay inaya niya ako sa malapit na bench at doon kami kumain ng waffles na binili niya. Tahimik kaming kumakain at hindi nagsasalita, hindi rin ako mapakali at bahagyang kinakabahan. I can't believe that we're beside each other right now, eating waffles that he got for the two of us. 

Gumalaw siya kaya bahagyang naagaw ang attensyon ko, nakita ko siyang sinilip ang kaniyang binti bago minasahe. 

"Okay ka lang po ba? Mas masakit ba sa 'yo?" His muscles are probably sore by now from the game. Hindi rin biro ang pagtakbo-takbo nila sa laro, ha! 

"Okay lang naman--" 

Tumayo ako at inilapag ang waffles sa bench para sana lumuhod sa harap niya at tingnan ang binti niya nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso para pigilan. 

"Uy, hindi, okay lang ako, promise. You don't need to worry about me." ani nito utay-utay akong tumango bago dinampot ang waffles ko at naupo sa tabi niya. 

"Ikaw ba? Kamusta? Pagod ka siguro sa cheerdance?" tanong nito at napatawa ako bago umiling, 

"Hindi naman po masyado, sakto lang." sagot ko at nag-hum ito. 

Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan bago ito muli nagsalita, "Akala ko hindi ka makakanood." Napalingon ako sa kaniya at napakunot ang noo. 

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong, hinarap ako nito at ngumiti. 

"Diba kanina lang pinag-uusapan niyo na may kakainan kayo? I really thought you won't watch." ani nito at napatawa ako nang bahagya. 

"Pfft, I'm watching or not, it won't make any difference."  I said, he then bit his lower lip as he stares at me. 

His lips opened, "It wi--" 

Naputol sa pagsasalita si kuya Haze nang tumunog ang phone nito, nakita ko sa caller's ID na si kuya Adrian ang tumatawag. 

Napatingin muna siya sa 'kin bago  ito sinagot, inilagay pa niya sa loud speaker. 

"Hello--" 

[Haze help! Lorenzo got injured! Bali yung ankle, bro! Call an ambulance, quick! It looks serious as hell! Pumunta kana rin dito!] Sigaw agad ni kuya Adrian sa kabilang linya. 

"I'll be there!"  Sabay kaming napatayo ni kuya Haze at tumakbo papunta sa field. Pagkadating namin dito ay doon kami naghiwalay ni kuya Haze dahil kailangan niyang puntahan si kuya Lorenzo habang ako ay napatigil sa may kay Marga. 

"Saan ka galing? Bigla-bigla ka nalang nawawala!" Taka nitong, "Nothing important, anong nangyari kay kuya Lorenzo?" Nag-aalala kong tanong, hanggang ngayon ay nababalot ng ingay ang buong field. Grabe ang concern nila kay kuya Lorenzo. 

"Hindi ko sure, basta ang nakita ko, nakabali na yung paa niya, mukhang seryoso nga, eh." sagot nito at tumango ako. Hindi ko makita si kuya Lorenzo o si kuya Haze dahil ang dami ng taong nakapaligid sa kaniya. 

Maya-maya ay dumating na ang ambulansya at doon ko nakita si kuya Haze, Kuya Howard, Xandro at Shawn na buhat-buhat ang stretchers kung nasaan si kuya Lorenzo. Saka ko lang din napansin ang dugo sa ulo nito, nadapa siguro ito at napatama kung saan. 

Pagkadala kay kuya Lorenzo sa ambulansya ay tuloy ang laro, pero nagka-ayaan na kaming magkakaibigan na umalis at pumunta sa ibang event. 


Mga bandang alas sais na kami ng hapon pumunta ng gymnasium para manood ng laban ng basketball. It's Aviation vs Medicine, kaya naman I'm hoping na makita doon si kuya Haze. Iniisip ko kasi na baka inaasikaso nito si kuya Lorenzo. 

Pero nang magsimula na ang laro ay saka ko ito nakita. Suot-suot pa rin nito ang jersey. Nakapagpalit manlang ba siya kahit kaunting oras? Natuyuan na siya ng pawis panigurado. 

Nang magsimula ang laro ay hindi ko alam kung saan ako mag che-cheer. Sa Medicine ba o sa kaniya? 

"Go Med! Go Med! Go Go!!" sigaw namin, nasa area kaming magkakaibigan ng medicine para isa ang sigaw at cheer. 

Nang  hawak ni kuya Haze ang bola ay para akong natigilan at nang mai-shoot niya ito at napasigaw ako. 

"Go Vergara!!" sigaw ko at napatingin sa akin ang ibang meds na nakapaligid sa akin. Alam kong iniisip nila na nagtataksil ako sa medicine pero hindi naman ako sa buong aviation nag che-cheer eh, sa captain ball lang nila. 

Sa tuwing makakapuntos ang meds ay nag che-cheer kami, kapag aviation ang makakapuntos ay tahimik lang ako pero kung si kuya Haze iyon ay siyempre, nakiki-cheer ako sa aviation. 

"Kaya niyo ba 'yon!? Vergara lang ang may ganon!" Pagsabay ko sa cheer ng Aviation, tinatawanan ako nila Marga at Faye habang ang iba namang babae ay sinasamaan ako ng tingin. 

Nang maka-shoot si kuya Haze mula sa half court ay nagtatalon pa ako, "Go Alonzo Haziel!!" sigaw ko na halos mapunit na ang lalamunan ko. 

Lumingon si kuya Haze sa gawi ko bago ngumiti at nag thumbs-up. Doon ay parang tumigil ang paligid at nawala ang ingay. Ang aking paningin ay nasa kaniya lamang at hindi alintana ang maingay na kapaligiran. 

"Ay hala!" Natauhan ako nang maramdaman ko ang malamig na natapon sa akin braso, iyon para ay nabubuan ako ni Faye ng iniinom niyang soft drinks. 

"OMG! Sorry! Sorry! Halika magpalit ka! Bilis! May damit ako sa locker!" Nagpapanic nitong turan, agad akong umiling, "No no, it's fine. Manonood pa ako." Nakangiti kong turan, kung normal basis siguro ito ay baka nagbangayan na kami ni Faye dito. Pero dahil sa mga nangyayari sa araw na ito kasama si kuya Haze ay pwede akong gaguhin ng mga kaibigan ko at okay lang sa akin. 

"Magpalit kana Cass, 1st quarter palang naman, ma-aabutan mo pa 'yan." turan ni Marga, napasimangot ako bago tumango at sumama sa dalawa paalis. 

Naglalakad kami sa madilim na parte ng university papunta sa mga lockers nang makasalubong namin si kuya Shawn. 

"Oh, where are you three going?" tanong nito, napakamot si Faye sa ulo, "Natapunan ko kasi si Cass ng soft drinks, pupunta lang kami ng building namin para kunin yung pamalit kong damit." sagot ni Faye at napakunot ang noo ni kuya Shawn bago lumingon sa direksyon papunta ng building namin. 

"That's too far! Delikado na, walang masyadong tao doon, baka kung mapa-ano kayong tatlo." ani nito bago may kinuha sa kaniyang backpack. 

"Here," he handed a yellow green t-shirt to me. "That's my jersey shirt, 'yan muna ang suotin mo para hindi na kayo pumunta ng building niyo." ani nito at utay-utay akong tumango. 

"Ang bait talaga ng kuya ko!!" Niyapos ito ni Faye at napatawa si kuya Shawn, "Now go, baka matuyuan pa si Cass." ani nito at tumango kaming tatlo bago tumakbo papunta sa pinakamalapit na banyo. 

Pagbalik namin sa gymnasium ay quarter 2 na at lamang ang Aviation, edi kami, super cheer. May chance pa kasing makahabol ang medicine. Lumilingon sa gawi namin si kuya Haze at pumapalakpak ako at nag thu-thumbs up pa sa kaniya. 

Habang nakatingin sa gawi namin ay natigilan ito na parang natutulala, hinampas pa siya ng isa niyang teammate para matauhan. 

Pagsapit ng quarter three ay pumontos na nang pumontos si kuya Haze. Medyo agresibo na rin ito maglaro at nakakakuha na ng personal fouls. Nangbabangga na ito at halos ma-injury pa ang isa naming player. Doon din namin tinanggap na hindi na makakahabol ang meds sa score nila. Ang lakas ni kuya Haze maglaro, palong-palo! 

Sa huli ay aviation ang nananalo. Ilang taon na rin silang nanalo, apat na taon na ba? Ang alam ko ay simula nang pumasok ako sa university, sa bawat sports fest ay sila ang nanalo at laging ang laki ng lamang nila sa kalaban. 

"Uy, Cass, may dadaanan lang pala kami ni Faye, mauna kana umuwi." ani ni Marga habang naglalakad kami, 

"Ha? Hindi, hihintayin ko na kayo." ani ko at umiling ang dalawa, "May aasikasuhin pa kami sa DPRT, baka gabihin na kami, mauna kana, alam namin na pagod ka." ani ni Faye at napanguso ako bago tumango. Nauna nang maglakad ang dalawa habang ako ay inayos ang gamit ko sa loob ng bag ko, isiniksik ko lang kasi dito ang damit na hinubad ko kanina at paniguradong aamoy ito. 


"Jersey 'yan ni Shawn diba?" Napa-igtad ako at agad napalingon sa aking likuran, "Si kuya naman, nanggugulat." Napasapo ako sa dibdib ko at napangisi si kuya Haze. 

"Yes po, pinahiram lang sa 'kin, nabubuan kasi ako ng--" 

"Hindi bagay sa 'yo, Aviation jersey will suit you better." He cut me off, my lips parted a bit, "Po?" I didn't quite understand what he meant. 

Kuya Haze scoffed with a smirk written on his lips, "Hindi kapa ba uuwi?" tanong nito at agad akong tumango, "Uuwi na po, mag-isa nga lang kasi may aasikasuhin pa sila Marga at Faye." sagot ko at nag-hum ito, 

He looked around while holding his gym bag on his right hand while his shoes on his left. 

"Sumakay kana sa 'kin." ani nito bago biglang kinuha ang backpack na hawak-hawak ko at naglakad palayo. 

Nanlaki ang mata ko, hahabulin ko na sana siya nang muntikan na akong madapa dahil hindi pala nakasintas ang sapatos ko. 

"Kuya wait!" sigaw ko habang nag-aayos ng sintas, pero si kuya Haze ay diret-diretso lang sa paglalakad at hindi manlang lumilingon. 

"Kuya hintay!" Agad akong napatakbo pagkatapos magsintas para habulin siya, 

"Congrats nga po pala! Ang galing niyo!!" sigaw ko habang hinahabol ito, ang bilis niyang maglakad!

Sa wakas ay nahabol ko na ito, "Nice one, Cap!!"


------------

A/N: fun fact, nag mo-move on na ako sa real life Haze HAHAHAH


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com