Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XVII


Cass's POV

"Si..."

Nagparte ang aking labi at kumawala ang isang buntong hininga.

Tinalikuranako ni Simon bago napasabunot sa buhok, "Tangina talaga," bulong nito,

Utay-utay akong napa-iling, "Kailan pa?" tanong ko rito, muli akong hinarap ni Simon bago napapahid ng luha.

Namumula ang mga mata nito, "Kailangan mo pa bang malalaman?" tanong nito at agad akong tumango,

"Oo! Dahil--"

"Bakit pa? Para saan pa? Masaya ka naman na, diba? 'Wag mo nang alamin!" Putol niya sa akin at agad akong umiling,

"Dahil gusto kong malaman kung matagal kana bang nasasaktan! Kung sinabi mo lang edi sana--"

"Edi sana ano?! Magugustuhan mo rin ba ako?! Ibabalik mo ba yung nararamdaman ko? Pipiliin mo ba ako!?" Natigilan ako sa kaniyang mga tanong.

Kitang-kita ko ang pag-agos ng kaniyang mga luha at doon ay parang piniga ang aking puso.

Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang isasagot ko. Kahit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa biglaan niyang pag-amin.

Gugustuhin ko nga rin ba siya? Pipiliin ko ba siya? Siguro? Kung hindi ko nakilala si kuya Haze, baka sakali...

"Hindi ka makasagot," Agad akong napa-angat ng tingin sa kaniya.

Naramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko at agad naman nag-unahang umagos ang mga luha ko.

"Sorry," My voice cracked,

"Simon sorry, pero..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko, tumawa nang mapait si Simon.

"Bakit ka nag so-sorry?" tanong niya, napapahid ako ng luha, "Kasi... na gui-guilty ako. You're always there for me at... naririnig mo pa ang mga sinasabi ko pagdating kay kuya Haze at... hindi ko alam na..." Napatakip ako sa mukha ko at doon ay lalong umiyak.

"Hindi lang kay kuya Haze, sa lahat ng lalaking ginusto mo ngayong college." ani niya at doon ay mabilis kong inalis ang kamay sa mukha ko.

Bakas sa mukha ko ang pagkagulat, "The moment I first laid my eyes on you, first day ng college, inalok mo ako ng kinakain mo na fries kahit magkatabi lang tayo sa flag ceremony, alam ko na agad noong oras palang na yun." Huminga siya nang malalim,

"Pero hindi kita kinaibigan dahil gusto kita kundi dahil... your presence makes me feel at peace. Makita palang kita okay na ako, lalo pa kapag naririnig ko ang boses mo. Noong una akala ko happy crush lang, akala ko lilipas, pero each passing day... lalo akong nahuhulog sayo, lalo kitang ginugusto." Napatawa siya nang pagak at napa-iling bago pinahid ang luhang umagos sa kaniyang pisnge.

"Bakit hindi mo sinabi?" Mahina kong tanong, natatakot ako at nangangapa sa mga itatanong ko. Ayaw kong magkamali.

"Binalak ko, maraming beses, nag-ipon ako ng lakas ng loob pero... natatakot ako, eh." Para akong kinurot nang mabasag ang boses ni Simon at nag-unahan ang mga luha niyang umagos.

"Natatakot ako na... na mawala lang lahat ng pinagsamahan natin. Na... na mag-iba ang tingin mo sa 'kin. Na... hindi na kita maging kaibigan. Dahil sa totoo lang Cass, pipiliin ko na masaktan nang patago kaysa sabihin sayo ang nararamdaman ko at mawala ka sa 'kin kahit bilang kaibigan." Napatungo si Simon bago napahagulgol, doon ay nagsarili ang mga paa kong humakbang palapit sa kaniya at niyakap ito.

Nang hawakan niya ang braso ko, akala ko ay yayakap siya pabalik kaya laking gulat ko nang bigla niya akong ilayo sa kaniya.

"Pero ngayon... parang hindi ko na yata kaya yung sakit. Hindi ka deserve ni kuya Haze! Matapos ka niyang saktan?! Matapos ka niyang lokohin?! Babalik ka lang sa kaniya?! Cass naman! Ako nalang kasi! Ako nalang, oh! I will do way better than him! Hindi kita sasaktan katulad ng ginawa niya! Ako nalang, please!" Napa-igtad ako nang sumigaw si Simon, utay-utay akong napa-iling habang umiiyak.

"Si, hindi mo naiintindihan, hindi ganun ang nangyari--"

"Ano ba Cass!? Nagpapaloko ka lang sa lalaking 'yan! Congress 'yan, oh! Alam ng lahat na babaero 'yang mga 'yan! Manloloko! Tarantado! Talaga bang hahayaan mo nalang na maging biktima ka ng isa sa kanila?! Cass you deserve better! And I can be better than him!" Putol niya sa akin at doon ay lalo akong napa-iyak habang pinaglalaruan ang mga daliri.

"Putcha naman, Cassandra! Mahal kita kaya ayaw kong makita kang mapaglaruan ng lalaking 'yan! Akin ka nalang, please!" Pagsusumamo nito pero agad akong napa-iling.

"Sorry Si, pero... hindi ko kayang ibigay ang gusto mo." Nilampasan ko siya at doon ay narinig ko siyang humikbi, binuksan ko ang pinto ng kwarto namin at narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Cass... please... just give me a chance, isa lang." May isang luha ang pumatak mula sa aking mata bago ako tuluyang pumasok ng kwarto at sinaraduhan ang pinto.

Agad akong dumiretso ng kusina para maghilamos, pagkatapos ay dumiretso ako ng bedroom at kumuha ng damit pamalit bago agad pumasok ng banyo para maligo.

Hindi kalaunan ay dumating na sila Faye at Marga,

"Oh, andito kana pala?" ani ni Faye, nilingon ko sila bago ngumiti nang maliit.

"Ah... oo, ano kasi... naubos social battery ko." sagot ko at tumango si Marga, si Faye naman ay nanatiling nakatayo at nakatulala sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Kinapa ko ang magkabila kong pisnge.

"Huy... okay kalang ba?" tanong ni Faye at doon ay bumuhos nanaman ang emosyon ko at napasapo sa aking mukha.

"Uy, Cass, anong nangyari?!" Agad akong nilapitan ni Faye at Marga,

"Umamin sa akin si Simon at... hindi niya nagustuhan na... okay na ulit kami ni kuya Haze." ani ko at narinig kong napasinghap si Faye,

"Okay na ulit kayo?! Pero... paano?! Cass naman...-"

"Nagkamali ako, okay? Kasalanan ko, hindi niya sinabing makikipagbalikan siya sa ex niya. Napilitan lang siya, may deal lang sila at ngayon ay... umayaw na siya sa usapan, kasi... gusto naman daw talaga niya ako." Paliwanag ko sa kanila,

"At nakita ni Simon na okay na kaming dalawa at ngayon napa-amin siya nang wala sa oras. At nalaman ko na... matagal na pala siyang nasasaktan, hindi ko manlang alam." Dagdag ko bago napahilamos sa mukha ko.

"Sana sinabi manlang niya, para alam ko. Alam niyo ba na first year palang gusto na niya ako?" tanong ko, nagkatinginan sila Faye at Marga bago nagbalik ng tingin sa akin at sabay tumango.

Nanlaki ang mata ko, "Alam niyo?! Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin?" laking gulat ko,

"Kasi... gusto namin na si Simon ang magsasabi mismo. Ilang beses niya rin sinabi sa amin na aamin na siya pero hindi niya ginawa." Paliwanag ni Marga, doon ay mas lalo akong na-guilty.

Ang hirap naman, hindi ko alam kung ano ang gagawin at dapat kong sabihin. Ayaw ko na nasasaktan ko si Simon pero hindi ko naman alam kung paanong hindi ko siya masasaktan. Hindi ko rin naman kayang gawin ang sinasabi niyang piliin ko siya dahil... hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

Nagising ako kinabukasan at nakitang wala na si Faye at Marga, paniguradong maaga itong umalis para umuwi.

Naghahanda ako ng almusal nang may biglang mag-message sa akin.

from: Alonzo Haziel

bc?

from: Alonzo Haziel

i was thinking of a date? if you're free

Gusto kong sumama, siyempre siya na yun, eh. Pero sa mga oras na ito, nasa isip ko pa rin si Simon. Bilang kaibigan niya at kaibigan ko siya ay hangga't maaari ay ayaw kong may masama siyang loob sa akin.

Kahit alam kong galit pa rin siya sa akin, gusto kong kulitin siya at mag-sorry.

to: Alonzo Haziel

sorri, may pupuntahan ako today, eh

Agad naman siyang nag-seen na animo'y inaabangan niya rin ang message ko.

from: Alonzo Haziel

san? hatid na kita

Napa-awang ang aking labi. Maganda sana kung may maghahatid nga sa akin lalo na at medyo malayo rin ang bahay nila Simon. Pero... baka kung ano ang isipin ni kuya Haze kapag nalaman niya na kay Simon ako pupunta.

to: Alonzo Haziel

'wag na, ayos lang, kaya ko naman

from: Alonzo Haziel

of course you can, but let me help you, baka malayo, para hindi kana ma-traffic

Napasapo ako sa mukha ko bago nagtatadyak, "Parang sira naman, eh! Gumaganiyan ka na ha!" ani ko bago nag-type ng reply.

to: Alonzo Haziel

sus, 'wag na, baka kung ano pa isipin mo, okay nga lang kasi

from: Alonzo Haziel

san nga? d kita ttgilan

Napa-irap ako, makulit din talaga siya. Na-miss ko rin naman ang pagiging makulit niya. Pero iniisip ko lang talaga kung ano ang iisipin niya.

from: Alonzo Haziel

sige na? pls?

Napabuntong hininga ako, grabe naman 'yan, sa chat palang, bigay na bigay na ako

to: Alonzo Haziel

papunta ako sa bahay nila Simon, okay na? okay lang talaga kahit 'wag na

from: Alonzo Haziel

di, okay lang, i'll be there in 15 minutes, i'll shower na

Nanlaki ang mata ko bago binilisan ang pagkain, 15 minutes?! Eh more than 20 minutes nga ako kung maligo. Makakapag-ayos pa kaya ako?!

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko bago mabilis na naligo. Kakatapos ko palang magbihis ay kumatok na siya sa pinto.

"10 minutes, mag-aayos lang ako," ani ko nang maka-upo siya sa sofa.

Tumango ito, "Okay lang, take all the time you need." ani niya at tumango ako bago bumalik ng kwarto.

Nagsuklay lang ako ng buhok at naglagay ng make-up. Naglagay na rin ako ng pabango at kumuha ng bag para ilagay ang mga gamit ko.

"Done na," Nag-angat siya ng tingin mula sa kaniyang cellphone, gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi bago tumayo.

"You look gorgeous." ani niya at napasinghal ako, "Sira, tara na, baka ma-traffic tayo." ani ko at tumango siya bago naglakad papuntang pinto at lumabas ng kwarto.

"You and Simon are not in good terms?" tanong sa akin ni kuya Haze habang nagmamaneho,

Napanguso ako bago utay-utay tumango, "Kasi... ano... ah basta! Ayaw ko sabihin." ani ko at napatawa si kuya Haze nang bahagya.

"Galit siya sakin." Noong una akala ko nagtatanong siya pero yung tono ng boses niya parang sure na siya sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi?" I'm playing safe, baka nanghuhula lang pala siya tapos kapag mali ang sinabi ko ay malaman nga niya na galit si Simon sa kaniya.

Umiling siya, "Alam ko lang," sagot niya at napakunot noo ko,

"Nanghuhula ka lang, eh." ani ko at napatawa siya bago umiling, "Totoo nga, I just know. He's your friend, a guy friend, then I fucked up last time, of course galit siya cause he wants to protect you." ani niya at napasimangot ako, he's making a point.

"Ganiyan din naman kami kay Savanna, kung may mananakit man sa kaniya, I'm sure bugbog sarado rin sa amin." ani niya at napatawa ako, "Protective kuya pala kayo," ani ko at napasinghal si kuya Haze,

"Kuya?! Mas matanda sa akin si Savanna." ani niya at nanlaki ang mata ko, "Seryoso ba?! HAHAHAHA! Mukha siyang mas bata sa inyong lahat." ani ko at mukhang na-offend siya base sa reaksyon niya kaya napatawa ako.

Maya-maya lang din ay tumigil na kami sa harap ng bahay ni Simon, pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan at ipinagdala ng bag.

"Mauna kana, baka uminit dugo ni Simon sa 'yo lalo." ani pagkabigay niya sa akin ng bag ko.

Napatawa siya bago tumango, "Yeah, you're right, pero papasok lang muna ako sa sasakyan hanggang sa lumabas na si Simon." turan nito at tumango bago kumatok gate.

"Si? Simon! Si Cass 'to! Open mo please!" sigaw ko mula sa gate.

Sumilip ako sa bintana para makita kung may tao ba, bukas naman ang electricfan sa may dining table nila.

"Simon? Simon!! Pabukas!" Para akong bata na nagsisisigaw dito.

May narinig akong ingay mula sa loob kaya sigurado na akong may tao sa loob. Nang bumukas ang pinto at iniluwa si Simon ay lumiwanag ang mukha ko habang bakas naman sa mukh9a niya ang gulat.

"Hi!!" Bati ko sa kaniya, ngumiti siya nang bahagya bago kumaway at lumabas ng pinto para pagbuksan ako ng gate.

"Paano ka nakarating dito?" tanong niya bago sumilip sa likod ko, nakita niya ang sasakyan at napatango, "May naghatid pala sayo." Mababa lang ang tono ng boses niya, narinig ko naman na umalis na ang sasakyan kaya pumasok na ako ng gate.

"Wala sila tita?" tanong ko sa kaniya nang makapasok ng bahay nila. Ang dilim, ang dilim-dilim pala kapag nasa loob kana. Dilaw ang kurtina nila kaya naman nagmumukhang brown ang loob ng bahay nila.

"Nasa trabaho, kumain kana ba?" tanong niya bago naupo sa hapag.

Umupo ako sa tapat niya at inilibot ang tingin sa bahay nila, "Kumain na ako, almusal mo palang 'yan?" tanong ko at tumango siya. "Oo, tanghali na ako nagising." sagot niya at tumango ako.

"Grabe, iba na hitsura ng bahay niyo." ani ko a nag-angat siya ng tingin at napakunot ang noo,

"Nakapunta kana ba dito dati?" Taka niyang tanong at tumango ako, "Noong first year, birthday ni tita." sagot ko at nag-hum lang siya bago sumubo.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. For a moment I feel like going here is a bad idea. Parang ayaw niya talaga akong kausapin o tingnan manlang.

"Sorry nga pala sa kagabi, I shouldn't have said those." Napalingon ako sa kaniya nang mag-sorry ito, gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Okay lang! Ano kaba! Wala yun!" ani ko at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya.

"No, I'm really sorry, hindi dapat ako nagpadala sa damdamin ko. Nasigawan pa kita, something I shouldn't have. I was just really... frustrated that... you still forgive him after what he did." he explained and a small smile crept on my lips.

"It's fine, I understand, Si. What you feel is valid and... kuya Haze didn't actually... got back together with his ex. May kasunduan sana sila kaso... he realized after na ayaw niya talaga dahil... gusto niya raw ako." sagot ko at utay-utay tumango si Simon.

"So... kayo na?" tanong niya at napahagalpak ako ng tawa bago umiling.

"Siyempre hindi... pa." ani ko at napatawa siya nang pagak.

"Linawin mo... tsaka... siguraduhin lang niya na hindi kana niya lolokohin kundi baka mapatay ko na siya." ani nito at napa-irap ako bago ito hinampas sa kamay.

"Si OA, ako muna papatay sa kaniya tapos ikaw na." Biro ko at napahagalpak siya ng tawa, "Ano yun?! Double dead?!" Napahagalpak kami ng tawa parehas.

Napapahid ako ng luha sa kakatawa at ganun din siya, ilang segundo kaming natahimik. "Pero Cass... I don't think I can... move on easily. Hindi ko kayang biglang mawalan ng feelings sa 'yo." ani niya at tumango ako, "Nasa sa'yo naman yun, at naiintinidhan ko." sagot ko,

"Gusto pa rin kita pero I won't pursue you. Sana... friends pa rin tayo." ani niya at nanlaki ang mata ko bago tumawa.

"Siraulo ka! SIyempre oo! Sa dami-dami mong nalalaman tungkol sa 'kin, hindi kana makakawala!" Napahagalpak kami parehas ng tawa.

Pagkatapos niyang kumain ay sinamahan ko siyang maghugas ng pinagkainan niya. Nanonood din kami ng movie at naglaro ng mga board games nila sa bahay.

Masaya ako na nagka-ayos din kami agad ni Simon at nagkalinawan na. Maganda rin na malaman niya ang tungkol kay kuya Haze para mabawasan na ang galit niya dito.

Mag a-alas tres na ng hapon nang magpasundo ako kay kuya Haze. Hindi ako inihatid ni Simon sa labas at hindi rin ako sinalubong ni kuya Haze. Siguro ay nagkakailangan silang dalawa at naiintindihan ko naman yun.

"Kamusta?" tanong niya habang nagmamaneho, bumuntong hininga ako, "Okay na, okay na ulit kami." ani ko at nag-hum ito.

"I'm glad you two sorted it out na." sagot niya at tumango ako, "Hindi ka nagseselos?" Pang-aasar ko rito at napatawa siya.

"No," maikli niyang sagot habang nakatutok sa kalsada.

"Ah... hindi ka pala seloso." ani ko at narinig ko siyang suminghal. "Di mo sure," ani niya at naguglat ako bago nahagalpak ng tawa.

"Seloso ka!?" Gulat kong tanong at napangisi siya.

"Awan, tanong mo kila Xandro." ani niya at napangiwi ako, "Eh di naman kami close nun. Bakit kasi di mo nalang sabihin na seloso ka?" ani ko at napatawa siya bago umiling,

"Seloso nga, inilulugar ko lang yung selos ko." ani niya at napahagalpak ako ng tawa.

"Ah kawawa! Walang karapatan magselos!" Pang-aasar ko rito at mabilis ako nitong nilingon para pandilaan ako.

"Bigyan kita ng karapatan para magselos, eh." ani niya at nagparte ang mga labi ko.

"So pagseselos mo 'ko?! Ha?! Bahala ka! Manigas ka!" Pang-aaway ko rito,

"Hindi, hindi, what I mean is--"

"Ah hindi! Mambabae ka kung gusto mo! Sumbong kita kay Simon, eh!"

"No, no, that's not what I mean. Ayaw ko na 'no, nakakatakot si Simon." sagot nito at sinamaan ko siya ng tingin, mabilis niya akong nilingon at pabalik-balik ito ng tingin sa akin at sa kalsada.

"Galit ka?" tanong niya at pinandilaan ko siya.

"Tse! Ibaba mo nalang ako diyan." Pagtataray ko at napatawa siya bago binilisan ang pagmamaneho.

"Hoy! Sira ka! Baka mabangga tayo! Bagalan mo!" Sigaw ko at napatawa siya bago tumigil sa red light.

"Galit ka?" tanong niya ulit at napa-ungot ako bago siya hinampas sa braso, "Ihh!! Bahala ka d'yan." Sumandal ako sa bangko at pinag-cross ang braso ko.

Narinig ko siyang tumawa, "Can you open the compartment box sa harap mo?" Umirap ako,

"Inutusan mo pa ako, bakit 'di mo gawin?" Pagtataray ko at napatawa ulit siya, "Mag gre-green light na, can you open it for me please?" I scoffed before opening the compartment box in fornt of me.

My jaw dropped when a small bouquet of flowers almost dropped from the compartment box, "Surprise! I just thought you'd like it." he said while driving, a small smile drew on my lips.

"Para kang sira!" Hinampas ko siya ng bouquet, "Alam na alam mo kung paano ako kunin, eh!" ani ko at napatawa siya,

"Galit kapa ba?" tanong niya at napanguso ako, "Oo, kiss muna!" Pagbibiro ko, nakita kong nagtaas siya ng isang kilay.

Ay pota, di pala magandang biro yun.

"Later," he replied in a serious tone, that's when I felt the butterflies in my stomach.

Napasandal ako sa bangko at doon ay niyapos anhg bouquet habang itinatago ang mukha ko na paniguradong namumula na.

Nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng dorm ay agad akong nagtanggal ng seatbelt at akmang lalabas nang bigla niya akong pigilan.

"Parang tanga 'to!" Bahagya kong hinampas ang dibdib niya ng bouquet.

"Akala ko ba gusto mo ng kiss?" tanong niya at nanlaki ang mata ko, naramdaman ko nanaman ang pag-init ng magkabila kong pisnge.

"Sira! Joke lang, eh!" ani ko at ngumuso siya na parang dismayado.

"Akala ko totoo, eh. Ako nalang, kiss." Ngumuso siya at napahagalpak ako ng tawa, ilang segundo ko siyang pinagmasdan bago mabilis na hinalikan sa pisnge at humaripas ng paglabas ng sasakyan niya.

"Thank you sa paghatid!!" sigaw ko habang nagtatakbo papasok ng dorm.


"Ay gagi, wala na pala kaming pagkain, HAHAHAHA!" Napahagalpak ako ng tawa, nagbukas ako ng cup board para sana maghanap ng kakainin para ngayong almusal pero wala manlang matinong makain.

Kumain nalang ako ng isang protein bar na nakakalat sa ref bago naligo at nagbihis para mag grocery.

Nag-aayos ako ng sarili ko nang tumunog ang cellphone ko, si kuya Haze.

from: Alonzo Haziel

gud morning!

from: Alonzo Haziel

kumain kana?

from: Alonzo Haziel

ano gwa mo?

Napakamot ako sa ulo ko bago nag-reply.


to: Alonzo Haziel

morning!

to: Alonzo Haziel

nag protein bar lang me, mag gro-grocery ako kasi wala na kaming matinong pagkain

from: Alonzo Haziel

ah cge, sundin kita

Hindi ko na siya pinigilan dahil pabor naman sa akin kung ihahatid-sundo niya ako. Makakatipid ako at less hassle sa traffic. Hindi na rin ako magbubuhat ng mga pinamili ko.

Maya-maya lang ay may kumakatok na sa pinto, kinuha ko na ang bag ko at pinatay ang mga aircon bago lumabas. Sinalubong ako ni kuya Haze na nakasandal sa may pintuan ng dorm namin.

Nag-ayos ito ng tayo at ibinulsa ang cellphone niya, "Wow naman, fresh look." ani niya at napatawa ako,

"Sira, tara na, gutom na ako." ani ko at tumango siya bago ako sinundan sa may elevator.

Pagdating namin ng grocery ay nagkusa na siyang kumuha ng cart at hinayaan ko naman. Siya rin ang nagtutulak nito at sunod lang nang sunod sa akin habang lagay lang ako nang lagay sa cart.

"Wow, ang dami naman niyan." ani ni kuya Haze habang nagtutulak ng cart.

Napatawa ako habang dampot lang nang dampot, "Uy, masarap 'yan! Mahal nga lang." ani niya nang ilagaya ko ang isang jar ng chocolate almonds sa cart.

"Pang-ilang buwan ba 'to? Ang dami naman, eh. Di ba kayo nagtitipid?" ani niya at napatawa ako,

"Ano kaba? Ulila lang ako pero that doesn't mean na wala akong pera. Tsaka... mabuti na rin na may pagkain kami na pwedeng kainin any time. It was Faye who paid for all our groceries last time, ako naman ngayon." ani ko at napatawa siya bago utay-utay tumango habang nagtutulak ng cart.

Lunch na nang matapos akong mag grocery, inaya naman ako ni kuya na mag lunch at libre niya.

"Fast food?" tanong ko at tumango siya, napanguso ako, "Pwede bang... lutong bahay nalang? Ayaw ko sa restaurant." ani ko at utay-utay siyang tumango. Tumalikod na siya para maglakad pero humarap siya ulit.

"Babawasan mo agad yung pinamili mo?" tanong niya at nagkibit balikat ako, "Parang tiinatamad na rin ako magluto. Pero ayaw ko kasi ng fast food." sagot ko at tumango siya.

"Hindi kita pwedeng dalhin sa bahay namin dahil may mga bisita pero... we can go sa condo ko?" Nag-aalinlangan siya, napakunot ang noo ko bago tumango.

"Go, okay lang naman." ani ko at tumango siya bago ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

Tahimik lang ang biyahe namin papunta ng condo niya. Tinitingnan ko kung bad mood ba siya pero mukhang hindi naman.

Nang dumating kami sa condominium building ay nagulat ako dahil sobrang laki at engrande nito. Halatang mayayaman ang nakatira.

Tahimik lang kami sa elevator at pagdating namin sa floor ng unit niya ay isang pinto lang ang andito at unit iyon ni kuya Haze.

Bubuksan na niya ang pinto nang bigla siyang humarap sa akin.

"I want you to know that I have no bad intentions. Dinala lang kita dito sa unit dahil mas makakapagluto tayo dito nang payapa dahil kapag sa bahay ay masyasdong maraming tao." ani niya at gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Ano kaba, okay lang, gutom na ako at hindi ko na naiisip yun." ani ko at ngumiti siya bago binuksan ang pinto at pinapasok ako.

Pagkapasok namin ng unit niya ay nahulog ang panga ko.

"Ang ganda!" Manghang-mangha ako sa ganda at laki ng unit niya. May 2nd floor pa!!

Yung sala niya buong dorm room na namin, kusina niya kumpleto ng mga gamit.

"Matagal-tagal na akong hindi nakakauwi dito kaya sorry if madumi." ani niya habang ako itong lakad nang lakad at nag-uusisa.

"What do you want to eat? Para maka-order na ako." tanong niya at agad ko siyang nilingon.

"Mhmm, fish fillet tapos... salad tapos... pasta." sagot ko, gumuhit ang ngiti sa labi niya bago tumango at sumandal sa isang pader at may tinipa sa kaniyang cellphone.

Maya-maya ay narinig ko itong may kausap, umo-order na yata.

Naglibot-libot ako sa unit niya. May mga figurines, hindi lang yung basta-bastang figurines kundi may life size rin! Meron din mga paintings, may drum set at piano, may gitara pa!

Mula sa first floor ay kita ko ang mg eroplanong decorations sa 2nd floor ng unit niya. Hindi rin nakalampas sa mata ko ang picture nilang magkakaibigan na naka-display sa may TV.

Narinig kong ibinaba na niya ang tawag, "Siguro... marami kanang babae na dinala rito?" Gusto ko siyang asarin, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya.

Napa-angat siya ng tingin sa akin bago napatawa nang pagak at ibinulsa ang cellphone niya.

Naglakad ito papunta sa gawi ko, "Sa tingin mo ilan?" tanong niya at nagulat ako sa sagot niya,

Napanguso ako, "Marami," sagot ko at napatawa siya bago ako tinabihan, inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Wala,"

Napakunot ang noo ko nang lumayo siya, pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sus! Yung totoo?" tanong ko at napatawa siya, "Wala nga, kung si Lorenzo kausap mo baka hindi ka rin niya masagot kasi marami talagang inuwing babae yun. But me? No, I don't bring women here." sagot niya at utay-utay akong tumango,

"Pero babaeng dinala mo sa hotel? Ilan?" tanong ko at napakunot ang noo niya na animo'y nandidiri sa tanong ko.

"Ano ba namang tanong 'yan! Kadiri!" ani nito at napahagalpak ako ng tawa, "Tandang-tanda mo na hindi ka open sa ganitong topic? Virgin kapa ba?--"

"Daldal mo naman," ani nito bago ako tinalikuran, nahulog ang panga ko bago ito hinabol.

"Virgin kapa?! OMG ka! Ilang taon kana ba? HAHHAHHAH! Si unexperienced pala ito, eh!" Napahagalpak ako ng tawa habang sinusundan siya at inaasar.

Hindi siya sumasagot at dire-diretso sa paglalakad, "Bakit hindi ka sumasagot? Seryoso ba? You have no experience? Sheeesh! Mukha kang guy na may experience pero wala pala--AAHH!!" Napasigaw ako nang bigla akong isandal ni kuya Haze sa pader. Tangina nasaan kami?! Saang hallway 'to?! Maliwanag pa kanina, ah! Bakit nasa dilim na kami?!

"Sa tingin mo wala talaga akong experience?" tanong niya at hindi ako makasagot dahil gulat pa rin ako sa lapit ng mga katawan namin sa isa't-isa.

"Cass... I didn't say I'm unexperienced. I just... don't want to talk about it because YOU might feel jealous or uncomfortable. Pero 'wag mo 'kong asarin nang ganiyan. I told you before we get inside my unit that I don't have other intentions but with what you're doing..." Para akong kakapusin ng hininga.

He's talking with his... big boy voice. He sound so... hot and attractive. I don't mind him doing something else.

"Okay?" he raised a brow and I nod.

Lumayo siya mula sa akin bago napakamot sa batok. "Papasok ako ng kwarto ko, I'll just change clothes. You can... do whatever you want." ani nito bago ako tinalikuran. Nang makapasok siya ng kwarto ay napasapo ako sa dibdib ko.

"Oh my gosh..." Napatakip ako sa mukha ko bago nagtatakbo pabalik ng sala.

Naupo ako sa sofa niya at doon ay nagpapadyak.

I wouldn't mind him doing something else! Akala ko... akala ko naman itutuloy na niya! Makakapaghintay ang tanghalian!

Ngayong ipinakita niya sa 'kin na may ganung side pala siya... gugustohin ko ulit makita ang side niya na yun!

Ilang minuto ko rin pinakalma ang sarili ko. Alam kong namumula ako dahil sa nangyari kaya naman ayaw kong makita niya akong mapula at kinikilig.

"Food's here, magluluto pa ako, do you want to help?" Napa-ayos ako ng upo sa sofa nang lumabas siya mula sa mahiwagang hallway. Naka-blue basketball short na siya at white shirt.

Nahihiya akong tumango at tumayo. Pumunta na ako sa kusina niya habang siya naman itong lumabas ng kwarto at maya-maya ay bumalik na may dalang paper bag.

Para akong hinabiling bata sa countertop niya at hinihintay siyang utusan ako. Inialabas na niya ang mga pinamili niya at nanatili akong nakatayo sa gilid.

Wala naman siyang sinasabi na gagawin ko kaya nanatili akong nakatayo sa gilid at pinapanood siyang mag-asikaso.

At super attractive niya habang nagluluto! Parang sanay na sanay siyang magluto at mukhang mahilig din siyang magluto. Iba talaga ang dating ng lalaking magaling magluto.

Halos kalahating oras na ang nakakalipas nang saka lang siya mabakante habang nagpiprito.

He smiled at me, "Ang tahimik mo, okay ka lang?." ani niya at pinanliitan ko siya ng mata bago tumango.

Tumango lang din siya bago binaliktad ang piniprito niya, narinig ko itong bumuntong hininga bago ibinaba ang tongs at nagpameywang. "What's wrong? Tumahimik ka bigla." tanong niya at napatawa ako ng pagak bago umiling,

"Wala nga, okay lang ako." sagot ko at pinanliitan niya ako ng mata. "Was it about what happened kanina?"

Gagi, oo! Siyempre naman!

"I'm sorry, I really shouldn't have done that. I promised that I do not have any--"

"Hindi! Okay lang! Gagi!" Putol ko sa kaniya at napakunot ang noo niya.

"Okay lang sa 'yo? So what I did is... okay?" He raised a brow and a teasing smirk appeared on his lips.

My eyes widened before I threw him a tissue, "Sira! Magluto ka nga diyan! Baka masunog 'yan!" ani ko at napatawa siya bago tumango. Pero ang totoo ay nabubuhay nanaman ang pagkababae ko.

Tinanong niya ako kung maalam ba akong mag-gayat ng mga gulay kaya naman ako na ang gumawa ng salad habang siya ang nagluluto ng pasta at fish fillet.

Mag a-alas dos na ng hapon nang makakain kami.

"Masarap?" tanong niya habang kumakain, agad akong tumango habang may pagkain sa bibig.

Nilunok ko muna ang pagkain bago nagsalita, "Mahahap," May natira pang pagkain sa bibig ko kaya bahagya pa akong nautal.

Napatawa siya nang pagak, "Mahahap?" Nakakunot ang noo niya, "Masarap," pagtatama ko at natawa siya bago tumango.

"Or baka gutom na gutom na ako kaya masarap sa akin lahat." Dagdag ko at nakita ko siyang napanguso.

"Grabe naman yun!" ani niya at napatawa ako, "Joke lang! Masarap yung luto mo." ani ko at nakita ko siyang napangisi habang nakatungo sa pagkain niya.

"Pakabusog ka pero save space for dessert." ani niya at napakunot ang noo ko, "May dessert?" tanong ko, wala naman akong nakita na matamis sa in-order niya, ah.

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakangisi at hindi na sumagot.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit namin ang pinagkainan at maya-maya ay may nag-ring ng doorbell. Umalis saglit si kuya Haze at pagbalik ay may dalang bagong supot.

"I thought maybe we could watch a movie while eating some desserts?" he said while taking out the ice creams from the paper bag.

"Ohh! I'd love that! Anong movie?" tanong ko habang nagpupunas ng kamay.

Dinala niya ang ice cream sa living room at isinara ang ceiling to floor curtains niya kaya naman nabalot ng dilim ang buong unit.

"Anything you want." ani niya habang namimili ng panoorin.

"Narnia! All time favorite!" ani ko at napatawa siya bago tumango.

Nauna na akong naupo sa sofa at kumain ng ice cream habang siya naman ay inasikaso ang panoorin.

Nang tumabi siya sa akin ay agad akong sumandal sa balikat niya dahil bumigat bigla ang mga talukap ko na parang makakatulog ako anumang oras.

Nang magsimula ang palabas ay nakakayanan ko pang imulat nang malaki ang mga mata ko. Pero sa paglipas ng halos kalahating oras ay lalo na itong bumibigat hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

"Hala!" Agad akong napabangon nang magising, nakapatay na ang TV at nakabukas na ang kurtina, lubog na rin ang araw at madilim na sa labas.

Narinig kong tumawa si kuya Haze mula sa kusina, "Good mornight," bati nito at napanguso ako bago naglakad papunta sa kaniya.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko rito habang pinapanood siyang magluto.

"Ang sarap kaya ng tulog mo, do you really expect me to interrupt your good sleep?" Tanong nito at napangiwi ako bago napa-upo sa isang high chair sa harap niya.

Hinintay lang naming maluto ang pagkain at kumain na ng hapunan at saka naman niya ako inihatid ng dorm pagkatapos.

Kinabukasan ay tumambay lang kami nila Faye at Marga sa library dahil may mga papeles kaming inasikaso.

Bandang alas otso nang mag message sa akin si kuya Haze, nagsasabi na wala raw siya sa university dahil may application na inaasikaso.

to: Alonzo Haziel

Okie! Ingats!!

from: Alonzo Haziel

anu gwa mo after class?

to: Alonzo Haziel

waley naman, uuwi na, whyket?

from: Alonzo Haziel

Let's see each other sa dorm later, bye!

Ibinaba ko ang cellphone ko sa lamesa at gumuhit ang maliit na ngiti sa aking nga labi.

"Oy! Oy! Alam ko 'yang mga ngiti na 'yan, Cassandra! Masama na 'yan, ha!" Saway sa akin ni Faye at napatawa ako bago ito hinampas sa braso, kinikilig.

"Ikaw ha, masyado ka nanamang kinikilig kay kuya Haze, nag-aalala ako sa 'yo." ani ni Marga at napanguso ako bago inayos ang buhok kong nagulo.

"Hindi naman sa... wala kaming tiwala kay kuya Haze kasi mukha naman talagang mabait 'yan. Tsaka... kaibigan yan ni kuya simula highschool, pero maganda na rin na mag-ingat ka at manigurado kung ano ba talaga kayong dalawa." Ani ni Faye at utay-utay akong napatango.

"Gets ko naman kayo, salamat na rin sa concern." Ani ko bago kunin ang mga papel na kakalabas lang sa printer.

Nagulat kami nang biglang dumating si Simon at Matt na halatang pagod na pagod.

"Oh? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko rito, parehas silang hinihingal, agad naupo si Matt sa tabi ni Faye habang si Simon sa tabi ko.

"Magpunas ka nga!" Ini-abot ko kay Simon ang tissue,

"Inutusan kami na magdala ng mga kahon sa building ng Leg Ma, grabe, pagod." sagot ni Simon at utay-utay akong tumango.

"Magpahinga nga kayong dalawa at pawis na pawis kayo." ani ni Faye at tumango lang ang dalawa habang patuloy kaming nag-aasikaso ng mga pini-print namin.

Ilang minuto ang nakalipas nang mahimasmasan ang dalawa,

"Busy kayo mamaya? Tara unli wings," Aya ni Simon, si Faye at Marga ay agad namang naka-oo.

Napanguso ako, "Ano kasi... uhm... magkikita kami ni kuya Haze mamaya." Sagot ko at napatulala silang apat sa akin.

Nagparte ang labi ni Simon bago tumango, "Ah sige... next time nalang tayo." Ani niya at umiling ako,

"Pwede naman kayong tumuloy mamaya kahit wala ako." Sagot ko at umismid si Matt.

"Sus, kailan ba kami lumabas na wala ka? May next time pa naman, tsaka magbabakasyon na rin 'no. Marami tayong time para mag unli wings." Sagot ni Matt at utay-utay akong tumango.

Bandang alas tres ng hapon ay nabakante na kaming lima kaya napagdesisyunan namin na umalis na ng university at itinuloy ang aya ni Simon na unli wings.

Alas sais na ng gabi nang maka-uwi kami. Agad akong nag banyo dahil masyado akong nabusog sa unli wings bago naligo at nagpalit ng damit pantulog.

Nagtutuyo ako ng buhok nang biglang mag message si kuya Haze.

from: Alonzo Haziel

bc kba? and2 ako sa lobi

to: Alonzo Haziel

oo nga pala! Omg!! Sorry nakalimot! Papunta na diyan!

Agad kong itinabi ang suklay ko bago lumabas ng bedroom, na-abutan ko si Faye na naka mud mask sa mukha kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Sa baba lang ako, puntahan ko lang si kuya Haze." Paalam ko rito,

"'Kay," sagot ni Faye habang sinasalamin ang sarili.

Pagkababa ko ng dorm ay agad akong dumiretso sa lobby at doon siya nakitang naglalaro sa cellphone.

"Hi," bati ko rito, agad niyang pinatay ang cellphone niya. "Hey, nag dinner kana?" Iyon agad ang bati niya.

Tumango ako bago naupo sa harap niya, "May sasabihin ka? Kinakabahan ako sa mga ganiyan mo, eh. Nadala na ako sa nangyari dati." Ani ko at naningkit ang mata niya na parang nag-iisip.

Then his lips formed a small 'o' shape, "Ah, HAHAHAH! Don't worry, hindi na mangyayari ulit yun." sagot niya at napatawa rin ako,

"So ano nga? What's up?" I asked him,

He slightly played with his phone, "Me and the guys are having a dinner this Friday and... they're bringing their girls, I want to bring you with me."

-----

A/N: bounce na talaga ako sa real life Alonzo Haziel guys, tsk, hanggang schoolmates nalang talaga GAHAHAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com