CHAPTER XVIII
Cass's POV
He slightly played with his phone, "Me and the guys are having a dinner this Friday and... they're bringing their girls, I want to bring you with me."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin makakasama namin mga girlfriend ng kaibigan niya!? Heck no! Nakakahiya!
"Luh, pass, ayaw ko!" Sagot ko at napakunot ang noo niya, "Why not?"
"Eh kasi... nakakahiya! Panigurado magaganda at elegante mga kasama ng kaibigan mo." Sagot ko at naningkit ang mga mata niya.
"Maganda ka naman ah, and you don't have to be elegant. You have your own style, and I know you can pull off whatever you plan to wear." He answered and I pouted.
Napakamot ako sa ulo ko, "Pero ano... nakakahiya pa rin!" Turan ko at napatawa siya nang bahagya,
"Bakit naman? Sila lang yun, walang special sa kanila kaya 'wag ka mahiya sa mga yun." sagot niya at napabuntong hininga ako.
"Kasama nila mga girlfriend nila. Bakit mo pati ako dadalhin dun? Ano ba tayo?"
Napakagat ako sa labi ko bago napapikit nang mariin.
Shit! Wrong move!
Napakunot ang noo niya, "Uh... nagliligawan?" Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
"Hep! Hep! Hindi ka nagtanong kung pwede kang manligaw!" Ani ko na bahagyang nagpa-panic.
Napatawa siya bago may dinukot sa bulsa niya.
"Here," napatawa ako nang binuksan niya ang candy na mukhang singsing.
"Can I court you? Cassandra?" He asked while holding the candy in front of me.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Shaks! Seryoso ba siya!?
"Luluhod pa ba ako?" Tatayo na sana siya nang agad ko siyang pinigilan.
"Gaga! Hindi na 'no! Oo na! Payag na ako! Mapilit ka, eh!" Ani ko at napatawa siya bago kinuha ang kamay ko at inilagay sa daliri ko ang singsing.
"It's settled then. I'll pick you up sa Friday ng 7pm." My eyes grew wide,
"Hoy! Hindi pa ako pumapayag diyan!" Sita ko at napatawa siya,
"Wala, wala! Pumayag kana, para ma-confirm ko na rin at para mang-inggit." ani niya bago tumayo,
Napanguso, "Desisyon ang puta." bulong ko at narinig ko siyang humagikhik bago ko naramdaman ang kamay niya sa braso ko at hinigit ako patayo,
"Tara na, para makapagpahinga kana." ani niya at naglakad na kami palabas ng lobby.
"Guys, tulong nga, makikipag-dinner kami ni kuya Haze with congress and their girls mamaya. Wala pa akong isusuot." Sabay-sabay napalingon sa akin sila Faye, Marga, Simon at Matt.
"Eh!? Seryoso kaba!? Bakit ngayon kalang nagsabi!?" Hagas na hagas ang boses ni Faye.
Napakamot ako sa batok, "Nakalimot ako, nalibang ako, eh. Tsaka akala ko maka-cram ko yung isusuot ko." Pag-amin ko at napahagalpak ng tawa si Matt at Simon habang napasapo naman sa noo si Faye.
"Anong klaseng dinner daw ba? Formal ba? Anong attire raw?" tanong ni Faye at napanguso ako bago binasa ang reply ni kuya Haze.
"Sabi niya 'kahit ano na 'yan, maganda ka naman either way' ayun, yun ang sabi niya." Sagot ko at napatakip ng mukha si Faye habang tumatawa samantalang humagalpak naman ng tawa ang tatlo.
"Ang harot! Ang harot!" Panloloko ni Matt
"Sabihin mo, hubad ka nalang dadating dun." ani ni Simon at napahagalpak ako ng tawa bago nag-type sa cellphone nang hindi ito pinag-iisipan.
to: Alonzo Haziel
wharif hubad nalang ako? HAHAHAHAHAH
Napahampas ako kay Simon habang humagalpak ng tawa, "Ang gago mo! Buset ka!" Ani ko bago napasandal sa balikat niya habang humahagikhik.
Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong tiningnan,
from: Alonzo Haziel
try mo, hindi na kita dadalhin dun. Only for my eyes.
Nabulunan ako ng laway sa nabasa ko. "Gago!" Napasigaw ako at agad lumapit ang apat sa akin para makibasa.
"Ayan, ayan, harot pa, harot pa." Napakamot ako sa ulo sa sinabi ni Simon.
to: Alonzo Haziel
UY! Joke lang ih, parang timang!
Nagreply ng emoji si kuya Haze na nang-iirap kaya napatawa ako.
"What time raw ba kayo? Para makapaghanap pa tayo." Tanong ni Faye,
"7pm daw eh," sagot ko,
"Anong oras naba?" Napatingin silang lahat sa orasan,
"Gaga ka! 3:49 na! Baka wala kang mahanap na damit! Napaka-choosy mo pa man din sa isusuot!" Turan ni Marga,
"Tapusin nalang muna natin 'tong pag so-sort tapos umuwi na tayo." ani ni Simon at binilisan na namin ang pag-so-sort ng mga papeles.
Lampas 4pm na nang maka-uwi kami. Si Marga at Faye ay agad dumiretso sa bedroom habang si Simon at Matt ay sa kusina dumiretso.
"Mag black ka nalang, you can never go wrong with black." Ani ni Faye habang hinahalungkat ang damitan ko.
"Short dress lang, 'wag kang mag over dress since hindi natin alam ang isusuot nila. Simple but elegant ka nalang." Ani ni Marga habang naghahalungkat din.
Naupo ako sa kama ko habang pinapanood ang dalawa. Sa totoo lang ay maayos naman akong manamit. Iyon nga lang ay medyo praning ako ngayon at hindi alam kung ano ang dapat isuot.
Kung mag ma-mall lang kami ni kuya Haze na kaming dalawa lang ay siguradong makakapili ako ng damit mag-isa.
Pero dinner kasi ito, eh. Kasama mga kaibigan niya na kasama mga girlfriends nila. Siyempre ayaw ko namang magmukhang kawawa.
"Naiintindihan na kita kapag sinasabi mo na wala kang damit kahit ang dami-dami mong damit. Wala akong mapili na pang-dinner! Lahat pang galaan lang, eh!" Ani ni Marga at napatawa ako, napapameywang si Faye habang nakaharap sa akin.
"Alam mo... manghiram ka nalang ng damit sa 'kin." Ani niya at nanlaki ang mata ko,
"Hindi 'yan kasya sa 'kin!" Ani ko at umiling si Faye bago pumunta sa damitan niya.
"Yung may mga tali, kasya yun sa 'yo!" Ani niya bago binuksan ang damitan niya.
"Ito! Backless! Maganda 'to!" Ani niya habang hawak ang isang black, silk dress.
Umiling ako, "Sleeveless, makikita ang braso ko." Ani ko at napanguso ako,
Naghanap silang dalawa sa damitan ni Faye, "Ito, may sleeves," ani ni Marga at umiling ako,
"Pass, sikip sa braso ko 'yan." Ani ko at napanguso si Marga.
Ilang dress din ang ipinakita nila, maski sa damitan ni Marga ay naka-abot ka. Sinubukan din namin mag layer pero hindi naman mga bagay.
"Ito ba?" Napalingon kami kay Simon sa pintuan ng bedroom, ngumuguya habang hawak-hawak ang isang dress na black, fitted at may sleeves, naka-hanger pa at galing sa sampayan.
"Stretachable siya, gusot pa nga lang." Ani nito habang pinagmamasdan ang damit ko.
"Ayan! Ayan nalang! Paplantsahin ko! Maligo kana Cssandra!" Itinulak ako ni Faye,
Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang 5:25 na pala. Agad kong kinuha ang towel ko at naligo.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong hinigit ni Faye at Marga sa kwarto. Habang tinutuyo ni Marga ang buhok ko ay inaayusan naman ako ni Faye ng mukha.
"Gaga ka, maalam naman ako, eh." Ani ko at umiling si Faye, "Diyan ka lang, chill ka lang diyan." ani niya at napanguso ako.
Ipinasuot na nila sa akin ang damit bago inayusan ng buhok.
"Matagal pa ba 'yan?--"
"'Wag nga kayong atat!" Sigaw ni Faye kila Simon na nasa may pintuan.
Quarter to 7 nang matapos akong ayusan, ipinagsuot pa ako ni Simon ng sapatos dahil nahihirapan akong tumungo.
"Kita ang bilbil ko rito, eh." Ani ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Honestly, walang may pake. If you're worrying na kuya Haze will notice that, he won't." ani ni Simon at hindi ko alam kung nakakapanatag ba yung sinabi niya o hindi.
"You look beautiful, hindi ka magmumukhang kawawa sa tabi ng mga girlfriend nila kuya." ani ni Faye at napatawa ako,
"Bwiset na 'to, lalo tuloy ako nag overthink." ani ko at napatawa si Faye,
"Basta, sabihin mo sa akin kung sino ang kasama ni kuya, ha? Wala kasi akong balita sa love life niya." Ani ni Faye at napatawa ako bago tumango.
Napalingon kami sa pinto nang may kumatok dito, "Ikaw na magbukas," utos ni Simon kay Matt,
Nang buksan ni Matt ang pinto ay agad kong nakita si kuya Haze na nakasilip. Naka black, half zip long sleeve ito at black pants.
"Hi," bakas sa boses nito ang hiya,
Itinulak ako ni Marga nang bahagya kaya muntikan pa akong matisod, "Ingat, have fun." Ani ni Simon habang busy sa cellphone niya.
Sinalubong ko si kuya Haze ng ngiti, "Hi!" Bati ko sa kaniya,
"Ihahatid ko siya mamaya." Ani ni kuya Haze at tumango lang sila Faye at Marga,
"Have fun po," ani ni Matt bago isara ang pintuan.
"Ang pogi mo-"
"You look gorgeous."
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "Sus, salamat." Ani ko at napatawa siya bago inilahad ang braso,
"Let's go?" Aya niya at tumango ako kumapit sa kaniyang braso.
"You look tensed, why?" He asked while driving, taking few glances at me.
I let out a sigh, "Nothing, just... scared and shy." I replied and he hummed.
"Don't be, I won't let anything bad happen." He replied and somehow... it made me feel less tensed.
We arrived in front of a luxury restaurant, the moment we entered the place, someone immediately assisted us to a room.
Nang pumasok kami sa loob ng isang private room ay nasa loob na ang iba niyang mga kaibigan.
"Ey! Alonzo you're on time!" Agad siyang binati ni kuya Shawn,
"Musta pre?" Nakipag-apir naman sa kaniya si kuya Lorenzo na may kahawak-kamay na babae.
Shit! Ang ganda niya! Ang sexy! Ang flawless!
"You're with someone..." Kuya Howard flashed a slight smirk,
Napatungo ako habang hawak-hawak ang purse ko. Bahagya akong napa-igtad nang maramdaman ang kamay ni kuya Haze sa balikat ko.
"Of course, guys, I'm with Cassandra. And I'm courting her." Umalingawngaw ang hiyawan sa loob ng kwarto,
"Iba ka talaga, Alonzo!" sigaw ni kuya Lucas na nasa gilid, may inaakbayang babae. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at nanatiling nakatungo.
Naramdaman kong pumisil si kuya sa balikat ko, "Upo kana," malambing na turan ni kuya Haze bago ako inalalayan papuntang lamesa na nasa gitna ng silid.
Ipinaghigit niya ako ng bangko, "Salamat," nahihiya kong turan, tinabihan niya ako, "Are you good? Need anything?" He asked and I shrugged.
"Saks lang," bulong ko at tumango siya,
Nanatili siya sa tabi ko nang ilang segundo. Nag-ikot ako ng tingin at nakita na nakakalat ang mga kaibigan niya. "Bakit hindi mo lapitan mga kaibigan mo?" Bulong ko ulit dito,
Napakunot ang noo niya, "I want to be with you." he shortly answered,
I felt my cheeks heat up and I playfully hit him on his arms. "Bolero," ani ko bago kinuha ang cellphone ko.
Us two got silent for few minutes until all of his friends arrived.
"Foods will be served in few minutes. I suggest to take our seats." Napalingon kami ni kuya Haze kay kuya Edward nang magsalita ito.
"Kinakabahan kapa ba?" Bulong sa akin ni kuya Haze nang naupo na ang iba.
"Oh! Cass you're here!!" Bati sa akin ni ate Sav, huli nga pala silang dumating.
"Hello, ang ganda ng dress mo!" Bati ko rito, naupo sila sa tabi namin ni kuya Haze.
"Ikaw ha, hindi na ako nakakabalita sa inyo. Nanggugulat nalang kayo ni Alonzo." Ani niya at napatawa kami ni kuya Haze.
"Courting palang," bulong ni kuya Haze at nagparte ang labi ni ate Sav, "Ah, gets gets." Ani niya, sunod-sunod na dumating ang mga pagkain. Hitsura palang takam na takam na ako.
"OMG! Lucas you didn't tell me naman na there will be a lot of foods! I should've went under fasting!" Nagkatinginan kami ni ate Sav nang pumalirit ang babaeng kasama ni kuya Lucas.
"It's fine, no worries, eat all you want." ani ni kuya Lucas at kami naman ni kuya Haze ang nagkatinginan.
"But I don't want to get fat, I don't want to have a belly na visible sa dress." Bumagsak ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ng babae.
Napatakip ako sa tiyan ko na nasa ilalim ng lamesa.
Pinapatamaan niya ba ako?
"Yeah, hindi kasi bagay sa 'yo yun, honestly, hindi ko alam kung anong bagay sa 'yo." Napalingon kami kay ate Sav na nasa tabi ko,
"What do you mean?" Tanong ng babae ni kuya Lucas sa nakaka-inis na boses.
Nagkibit balikat si ate Sav bago tumuhog ng isang potato ball, "I mean, kaya siguro ayaw mo ng may tiyan kasi pangit ka... kapag kita ang tiyan mo. Buti nalang ako, maganda kahit bloated." ani ni ate Sav at napatikom ako ng bibig.
Tinapik ako ni ate Sav sa kamay at nang magkatinginan kami ay parehas kaming napangisi.
"Enough, kumain na tayo." ani ni kuya Adrian sa ma-awtoridad na boses, agad akong inabutan ni kuya Haze ng pasta.
"Fave mo," he sounded so sure about it and it made me smile.
"Chicken?" Alok niya sa akin at tumango ako bago inilapag ang pinggan ng pasta at kumuha ng isang chicken.
"Steak? This is so good, you should try." ani niya at tumango ako,
"This is spring roll, pero para lang din siyang Shanghai, try it." ani niya at napatawa ako bago tumango,
"Ahm... pancit?" Alok niya at napatawa ako, "Mamaya naman, nakakahiya kaya," bulong ko sa kaniya at tumango siya bago inilapag ang pancit na inia-alok niya sa akin kanina.
"I'm surprised na 7 over 8 na tayo, Howard kailan ka ba kasi aamin?" Napa-angat kami ng tingin nang magsalita si kuya Lorenzo,
Napakunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Nagpahid si kuya Howard ng labi niya, "Shut up, it's too early for that." Sagot nito at napakunot ang noo ko. Gusto kong maki-chika at magtanong pero wala ako sa lugar para chumika na parang tropa-tropa lang kami.
"Too early my ass, you've been friends for how many years?--"
"Why don't we just ask Haze, diba? Haze, Cass, welcome to this stupid dinner with us." Putol ni kuya Howard kay kuya Shawn at medyo nagulat pa ako nang sa amin mapunta ang atensyon nila.
"Oo nga naman, Cass, welcome to this dinner kung saan...- I don't know, we just do this." ani ni kuya Lorenzo na parang pati siya ay naguluhan sa sinabi niya.
Natawa ako bago ngumiti, "Thank you po," Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko.
"We're glad you agreed to join us, we're happy na Haze and you finally sorted things out." ani ni kuya Edward at nahihiya akong tumawa bago sinilip si kuya Haze na mukhang nahihiya rin.
"You know Cass, Haze is our bunso kasi. He's the youngest in our group and its really a surprise for us when he--"
"You talk too much, Lorenzo. Why don't we talk about something else? Catch up with each other's lives? We're graduating, what's your plans?" Putol ni kuya Haze kay kuya Lorenzo, halatang naasar na.
Napatawa naman ako bago sumubo, napatawa sila kuya Xandro, Edward at Howard habang napa-iling naman ang iba.
"Me and Edward will be going to the same med school." ani ni kuya Xandro, sumubo ako ng pagkain habang nakikinig.
"Yes, sadly, nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Xandro." Turan ni kuya Edward at napatawa ako.
"What do you mean sawa? Eh, mahal na mahal mo nga ako, you're even asking me to be your investor sa itatayo mo na negosyo, stop saying nonsense, Edward." Sabat naman ni kuya Xandro at pare-parehas kaming napatawa.
"I had no choice--"
"Fucker! You had a choice! You had plenty of choices! Lucas, Adrian, Howard, there's literally seven of us for you to choose from!" Putol ni kuya Xandro, grabe ang cute nilang magbangayan.
"You could've chosen Lucas, he's business major. Baka mahal na mahal mo lang talaga si Xandro." Sabat naman ni kuya Lorenzo at nabalot ng kantyawan ang kwarto,
"Alam niyo kahit alukin ako ni Edward, I'll probably decline, I have so much on my plate. After I graduate, I'll manage our business and our resorts and hotels, hindi ko na ma-aasikaso 'yan." sagot ni kuya Lucas. Ay wow, si future Mr. CEO naman pala ito.
"Howard?" Tawag ni kuya Edward, nag-angat ng ulo si kuya Howard bago umiling,
"Pass, law school." Sagot ni kuya Howard, sumandal si kuya Edward sa bangko niya at naglipat ng tingin kay kuya Adrian,
"Adrian?--"
"Same reason as Howard." Sagot agad ni kuya Adrian na hindi manlang nag-aangat ng tingin.
"Shawn?" Napatawa si kuya Shawn,
He made a gesture with his fork, "Bro, I have a lot of responsibilities sa kumpanya. Why don't you ask Haze?" Sagot ni kuya Shawn,
Napalingon ako kay kuya Haze habang siya naman itong napa-angat ng tingin.
"Haze? Business? Interested?" tanong ni kuya Edward,
Naningkit ang mata ni kuya Haze, "I'll think about it--"
"You know Haze, he's always unsure and ends up not doing it. 'Wag mo na subukan." Putol ni kuya Shawn at napatawa silang lahat.
"Pangit mag desisyon sa buhay si Haze, nakakagago. Diba Cass?" Bahagyang nanlaki ang mata ko. Bakit ako nadamay?
"Po?" Nag-aalinlangan kong tanong,
"Huy, ano ba naman kayo, 'wag niyong dinadamay si Cass." Ani ni ate Sav at nahihiya akong tumawa,
"Why do you want to start a business anyways? You're attending med school, how will you handle it?" tanong ni kuya Xandro at bumuntong hininga si kuya Edward.
"I just want to and I know I can handle it. Besides, I feel pressured, you guys will be handling business after grad." Pag-amin ni kuya Edward at utay-utay akong napatango.
Understandable naman, baka kino-compare rin niya ang sarili niya sa mga kaibigan niya.
"Oh come on, don't be, kami lang 'to, oh." ani ni kuya Lucas at napatawa silang lahat.
"Kami lang 'to, si Lorenzo lang 'to, oh." Napatawa kaming lahat sa sinabi ni kuya Lorenzo.
"Si Lorenzo lang 'yan na may malaking palayan at hacienda na may mga puting baka at brown na kabayo." Dagdag ni kuya Shawn at mas lalong lumakas ang tawanan. Grabe naman yun, ganun kayaman si kuya Lorenzo? Haciendero naman pala siya, eh.
"Si Lorenzo lang 'to oh, yung anak sa labas." Napatikom ang bibig naming mga babae habang ang congress ay lalong lumakas ang tawanan.
"Ay weh?" Bulong ko kay kuya Haze, lumapit ito sa akin, "Oo, pero hindi na big deal kay Lorenzo yun." sagot niya at tumango ako,
"Si Lucas lang 'yan oh, may hotel, may resorts, si Lucas lang 'yan, Ed. 'Wag kang masindak, diyan." Biro ni kuya Lorenzo.
"Oo nga eh, tsaka si Adrian na sikat sa ibang bansa. Yung ilang hilera ang sasakyan sa bahay? Oo nga naman, sino ba kayo?" Ani ni kuya Edward, at bahagyang nahulog ang panga ko.
Grabe, ang yayaman pala talaga nila. Mukha lang silang mga gago pero grabe. Grabe.
Sunod-sunod nilang pinag-usapan ang mga kaganapan nila sa buhay at habang tumatagal ay meron akong napagtanto.
Grabe pala talaga, ang yayaman at ang tataas nila. Lumiliit ang tingin ko sa sarili ko rito. Walang-wala ako sa tabi ni kuya Haze. Walang-wala akong sinabi sa katayuan ni kuya Haze sa buhay. Parang hindi ko siya deserve. He's way out of my league.
Minutes passed and sila-sila lang ang nag-uusap. Paminsan-minsan ay nagbubulungan kami ni ate Sav pero ang ibang mga babae ay tahimik lang.
"Pero honestly speaking, what's your plan after grad? Lorenzo?" Kuya Edward asked, playing with his glass of champagne.
Kuya Lorenzo took a sip of his wine, "Work under our company as an engineer of course." he replied and they all nod,
"Will you be helping your dad sa politics?" Kuya Haze asked and I faced him, a bit confused.
Kuya Lorenzo shook his head, "Definitely not, they don't want me there." Sagot nito at napatango lang ako, nag chichismosa.
"How about your properties?" Kuya Adrian asked,
Kuya Lorenzo slowly nod his head, "I don't have concrete plans for those--"
"Don't sell them." Kuya Howard blurted out, "Kasi sayang, I mean... it was given for you for a reason but you can benefit from it in the future. They are under your names and no one else can take it from you kung balak nilang agawin sa 'yo. Plus, pwede rin pamana sa mga anak mo." Dagdag ni kuya Howard at napatawa silang lahat,
Pero nangibabaw ang lakas ng tawa ni kuya Lucas, "I almost said something I really shouldn't! Na-alala ko may mga kasama nga pala tayo." Ani nito bago sumulyap sa babaeng kasama ni kuya Lorenzo.
Medyo naintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya pati ako ay napatawa.
Napatingin kami kay kuya Edward na tumikhim, "But if you're considering to sell it, I'm interested." Napalingon sila kay kuya Edward,
"Ako rin," dagdag ni kuya Shawn.
"I'm with Howard though, don't sell the properties, sayang. Ikaw na rin ang nagsabi, anak ka rin naman ng tatay mo at dapat lang na magbayad siya sa ginawa niya." ani ni kuya Xandro at napatawa sila. Napakunot ang noo ko, parang hindi naman nagbibiro si kuya Xandro sa sinabi niya, parang medyo seryoso na yung tono ng boses niya.
Grabe namang mga usapan 'yan, mga lupa at pamana. Habang kaming magkakaibigan ay puro kagaguhan lang ang alam pag-usapan. Sila mga usapang pangmayaman.
Napabuntong hininga ako bago naglibot ng tingin sa table.
Yung mga kasama nilang babae ang gaganda, ang se-sexy, mga flawless. Si ate Sav na simple lang manamit sa univeristy ay ibang-iba ang hitsura ngayon.
Talagang may ganda silang itinatago habang ako, ito na yata yung best look ko. Ito na ba talaga 'to, Lord? Final answer na?
Gabing-gabi na nang matapos kami. Hindi ako gaanong tumutok sa oras kaya naman laking gulat ko nang mapagtanto na halos ala una na pala ng umaga.
Uminom pa kasi sila at nagpahulas din dahil nagtatalo sila kung magmamaneho ba sila nang lasing o hindi.
"Parang gusto ko ng milk tea..." ani ko habang nagbubukas ng pinto ng sasakyan si kuya Haze.
Napangiti siya bago tumango, "Let's get you milktea on the way home." He replied and I flashed a small smile before nodding.
Pagkapasok ng sasakyan ay tahimik lang kaming dalawa. Hanggang sa biglang humagikhik si kuya Haze.
"Sorry sorry, na-alala ko lang yung hindi masabi ni Lucas kanina " ani niya, may malawak na ngising nakaguhit sa kaniyang labi.
"Si Howard kasi eh, naka-abot sa usapang anak, alam na babaero si Lorenzo. Baka nga marami nang panganay yun." ani nito at bahagya akong napatawa, ganun ba talaga kababaero si kuya Lorenzo?
"Hindi nga namin alam kung saan niya naman nakilala yung kasama niya." Ani nito at napakunot ang noo ko.
"We've been doing this dinner for years and he always bring a different girl." Ani niya habang natatawa-tawa pa.
"Eh ikaw? Si Camille nadala mo na?" Seryoso yung tanong ko, mabilis niya akong nilingon bago nagbalik ng tingin sa kalsada.
"Pag-uusapan ba ulit natin 'to?" he sounded hesitant,
Nag-hum ako, "Gusto ko lang malaman," sagot ko naman, hindi naman ako magagalit sa magiging sagot niya.
Ilang segundo siyang natahimik, "I've brought her for few times..." he answered and I slowly nod.
"It must've feel nice to have someone pretty with you." I mumbled that he heard.
"What do you mean?" He sounded concerned, sparing me few glances.
"Wala lang, I feel... insecure, kasi... ang gaganda ng date na kasama nila. Ang gaganda ng mga babaeng kasama nila, tapos---"
"Pero walang tatalo sa 'yo." Napa-angat ako ng tingin sa kaniya,
Panakaw-nakaw siya ng tingin habang nakangisi,
HIndi ko na napigilan ang mapangiti, "Siraulo ka!"
"Totoo nga! You're the prettiest in my eyes." He insisted, I pursed my lips and look at the other way.
Parang sira 'to! Lord bigyan mo 'ko ng sign para hindi sunggaban ng halik 'to!
"So don't feel like that? Okay? Don't feel insecure to those girls." he added and I hummed,
Nagparte ang labi ko, "Pero hindi lang naman ako doon nai-insecure, eh. Ano... na-realize ko lang na... ang yayaman niyo pala talaga. Tapos ako ganito lang. Nakakahiya, hindi tayo bagay. Ang bagay sa 'yo yung mayaman na-- HUY!" Napa-irit ako nang bigla siyang pumreno.
Muntik na akong mauntog! Hindi naman, medyo OA, pero muntik an akong masubsob!
Natigil kami sa tabing kalsada, hinarap niya ako, "That's the most... I cant think of the word pero what you just said is so funny."
Imbes na maasar ako ay natawa ako sa hitsura niya.
Nahampas ko siya sa braso, "Totoo nga!! Tingnan mo naman, mayaman ka kuya Haze! Tapos ako...--"
"Ulila lang--"
"Siraulo!!" Nahampas ko nanaman siya sa hita,
"Ang gago mo!!" Nagtakip ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa inis.
"Biro lang, biro lang! Don't cry!" Lumapit siya at naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko para tanggalin ang kamay sa mukha ko.
"Eh kasi! Ikaw, eh! Nakaka-asar ka!!" Napa-ungot ako, narinig ko siyang humagikhik nang bahagya bago dahang-dahang tinanggal ang kamay ko sa kamukha ko.
"'Wag kang iiyak, I was just joking." Ani niya habang inaayos ang buhok ko,
"Plus, don't overthink like that, please? It really hurts me when you say those kind of things." He added and I pouted,
"I was just stating facts," I spat out and he chuckled.
"No, hindi totoo yung mga yun. What can I do to make you less worried? What can I do to make you feel better?" he asked, he sounded so genuine and worried and I felt so touched.
I pouted and shook my head, "I don't know..."
"Aww, come here," he pulled me for a hug and caress my head.
"Tell me what I can do, okay? Tell me what should I do to make you feel better." He softly said, I nod and snuggle to his chest.
Ilang segundo rin kaming nanatili sa ganong posisyon bago ako lumayo sa kaniya.
I pouted, "Milktea," I mumbled, he chuckled and nod.
"Yes, we will get you milktea." He baby talked and it made me chuckle.
Throughout the whole vacation, kuya Haze has been there for me. Lalo pa at madalas nasa labas ng bansa si Faye at Marga, si Matt at Simon naman ay busy sa kanilang mga bahay.
Nanatili ako sa dormitory buong bakasyon, paminsan-minsan ay nag ro-road trip kami ni kuya Haze at sa daan magpapalipas ng gabi.
Sa madaling salita, pinasaya niya ang bakasyon ko.
Yung dating bakasyon ko sa dorm na malungkot, binigyan niya ng something exciting ang buhay ko. Yung alam ko na bawat araw na dadating, na e-excite ako dahil sa kaniya.
Hanggang sa pagbili kong mga gamit sa pagpasok. Kasama ko siya at siya rin ang nagbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay na bibilhin ko.
Parang may puwang siyang pinunan sa pang-araw-araw kong buhay.
At sa mismong unang araw ng pasukan ay sinagot ko na siya. Sa sasakyan, habang umiiyak ako at na o-overwhelm sa lahat ng nangyayari.
"Can you please give me a hug?" I cried, he immediately move towards me to pull me into a hug.
"It's fine, sshh, iiyak mo lang 'yan." He softly said while rubbing my back.
"Ano ba naman 'yan! Day 1 palang, umiiyak na agad ako! Eh paano naman kasi! Ang dami ko agad kailangang asukasuhin! First day palang po! Kumalma naman kayo!" ani ko habang umiiyak sa balikat niya,
Ilang minuto kaming natahimik at tanging iyak ko lang ang tunog sa loob ng sasakyan.
I pulled away, "May balak pa man din akong sabihin sa 'yo..." ani ko habang nagpapahid ng luha.
"What is that?" He asked, removing few strands of hair from my face.
"Ihh! Ayaw ko, umiiyak ako right now, ang pangit." Sagot ko habang nakanguso at napatawa siya bago pinunasan ang luha ko,
"Walang pangit. Ano yun? Sabihin mo na," Turan niya, napanguso ako bago pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Ano kasi... aaahhh! Nalimutan ko na yung intro ko! Ano..." nahihiya ko siyang tiningnan sa mata,
"Ayaw ko na mawala 'to, gusto ko ganito na tayo." ani ko at napakunot ang noo niya,
"Ahhh!!" Napatakip ako sa mukha ko,
"Ano ba yan!" Pinaypayan ko ang sarili ko,
"Ano... gusto ko ganito na tayo. Gusto ko na i-level up, let's make it official!" His face lit up, napahagalpak siya ng tawa.
"Ang cute mo!" ani niya at napanguso ako,
"Ano!? Hindi ka ba masaya!? Ha!?" Inis kong turan dito, tinawanan lang ako!!
"What!? Of course I'm happy, silly! Who wouldn't be!? I can finally call you my girl! May label na!" Napawi ang lungkot at pag-aalala sa akin.
Nang makita ko kung gaano kalawak ang ngiti niya at kung gaano siya kasaya, mas lalo kong ganusto na makasama siya at mapasaya pa siya.
Nanibago ako nang halos walang araw na hindi niya ako sunduin. Noong nanliligaw siya ay magpapaalam siya na busy siya at hindi ako masusundo na naiintindihan ko naman.
Pero ngayon ay hapon-hapon niya akong sinusundo kahit alam kong may klase pa siya.
"Uy, boyfriend mo," siniko ako ni Faye pagkalabas namin ng building, gumuhit ang ngiti sa labi ko, nakaharap siya sa direksyon namin habang nakasandal sa sasakyan niya, nakangiti, nakapamulsa, suot-suot ang student pilot uniform niya habang naka-shades.
"Shaks, ang pogi!" Halos matumba si Faye sa akin at napatawa ako,
"Saan ka ba nakahanap niyan? Gusto ko rin!" Napatawa ako sa sinabi ni Faye,
"Gusto mo hati tayo?-"
"Ay pass, sayo na 'yan." Putol ni Faye at natawa kami pareho ni Marga,
"Hello," pagkalapit ko palang sa kaniya at agad niyang ini-abot sa akin ang bulaklak bago kinuha sa akin ang bag ko.
"Wow naman, para saan 'to?" Tanong ko at nagkibit-balikat siya,
"Just gift," he replied at napatawa ako bago inamoy ang bulaklak,
"By the way I also bought flowers for Faye and Marga," binuksan niya ang pinto ng sasakyan at kinuha ang dalawang piraso ng dilaw na bulaklak.
"Wow naman," sinenyasan ko sila Faye at Marga na lumapit,
"Ano po 'yan?" Pakipot na tanong ni Faye, natawa si kuya Haze, "Flowers, you two won't be empty handed." Ini-abot ni kuya Haze sa kanilang dalawa ang mga bulaklak.
"Ride home?" Alok niya at nauna-unang pumasok ang dalawa sa likod, napatawa kami ni kuya Haze bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
Inihatid niya kaming tatlo sa kwarto namin na nasa mas mataas na floor ngayon, nabago pa kasi ang room namin, eh.
Naunang pumasok ang dalawa, "Kiss?" Natawa ako sa sinabi niya, he leaned forward and I gave him a quick kiss on the cheeks.
"How's your day?" I asked and he hummed,
"Fine, but now I feel better." He replied and I playfully hit him on the chest.
When my phone suddenly buzzed, I immediately pulled out it from my pocket.
A text,
My smile dropped after reading the message.
I felt a tap on my nose, "Hey, you okay?" I looked up at kuya Haze and nod,
"Yeah, I'm fine," I flashed a fake smile,
He smiled, "Akala ko naman kung ano, eh. Kinabahan ako, acads ba?" Tanong niya at agad akong tumango, "Oo, acads lang, nothing to worry about."
--------
A/N: guys help! Mag re-retired na yata laptop ko! aaaaaaa btw, pa graduate na real life Haze ko AAAAAAA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com