CHAPTER XXIII
Cass's POV
"Uwing-uwi na ako," bulong ko bago sunod na tiningnan ang oras sa aking relo, muli kong tinanaw ang kaliwa't-kanang kalsada para makita kung paparating naba ang sasakyan ni Haze.
Tiningnan ko ang huling message nito sa akin bago pinaglaruan ang bato na nasapaanan ko. Ilang minuto ang nakalipas bago ko natanaw ang asul na kotse ni Haze.
Nang tumigil ito sa harapan ko ay agad kong binuksan ang pinto at hindi na siya hinintay pa na magbukas.
Napabuntong hininga ako, "Pagod, kailan ba matatapos mga seminar na 'to?" ani ko habang nakapikit at nakasandal sa bangko.
Narining kong natawa si Haze bago umandar ang sasakyan, "You must be hungry? Kain tayo?" Turan ni Haze, nagmulat ang mata ko bago gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko, agad akong napatango, "Yes please, gutom na talaga ako." ani ko at natawa ulit siya bago tumango.
Dumating kami sa isang mamahaling restaurant, napa-ayos naman tuloy ako ng aking hitsura dahil bahagya akong nahihiiya sa hitsura ko. Nakapantalon at polo lang ako, haggard na haggard din ako tingnan.
Nang maupo kami sa isang table ay agad namang nag-order si Haze habang busy ako sa paglibot ng tingin sa paligid.
"Do you prefer fish fillet or chicken?" My head shifted at his direction, a bit startled with his sudden question.
"Uh... ahm... uh--"
"We'll get both," he said to the waitress and I shyly smiled before scratching my brow to fidget.
Ibinalik na niya sa waitress ang menu bago ito nagbuntong hininga.
Gumuhit ang ngiti sa labi nito, "So... kamusta? Bukod sa pagod ka." tanong nito at napatawa ako,
"Well... medyo excited na ako, kaunting nalang, graduate na ako pero siyempre hindi pa yun ang tapos- hala! Ngayon na naisip ko na hindi pa rin talaga ako tapos mag-aral parang hindi na ako excited." ani ko at napatawa siya,
"Hey, it's fine, at least after this school year bakasyon tapos... aral ulit." sagot niya at napatawa ko,
"Hayst," napatungo ako, gusto kong sumobsob sa lamesa pero dahil fine dining ito ay nakakahiya naman.
"Magpahinga ka muna, the foods will take few minutes." turan nito at tumango ako,
Hindi man ako nakatulog pero kahit papaano ay napahinga ang mata at ang utak ko. Hindi kalaunan ay dumating na ang mga pagkain na in-order ni Haze. Nagulat ako sa dami nito pero mas natakam ako.
Ipinagkuha niya ako ng pasta at ng chicken fillet, ipinagsalin niya rin ako ng wine habang kinukuhaan ko naman siya ng video.
"Ang sweet naman," ani ko pagkababa ko ng cellphone,
Napakunot ang noo niya, "Lagi naman akong sweet sa 'yo, ah." ani niya at tumango ako,
"Oo nga, kaya nga ang sweet, eh." sagot ko bago sumubo, nakita kong ngumuso ito na ikinatawa ko, "Nagpapa-cute ka nanaman, alam na alam mo kung paano ako kunin." ani ko at napatawa siya, kuhang-kuha niya talaga ako sa mga ngiti niyang 'yan!
Tahimik lang kaming kumakain noong una, hanggang sa nagsimula siyang magkwento sa mga nangyayari sa kaniya.
"Damn, Christmas is around the corner, what's your plan?" I was a little stunned with his sudden question,
I put down my utensils and wipe the side of my lips, "Uh... what do you mean?" I asked,
"You know, what's your plan? Saan ka mag ce-celebrate?" tanong ulit nito, nagkibit balikat ako, "Wala, sa dorm lang, o-order lang ako ng pagkain." sagot ko at nakita kong kumunot ang noo niya,
"Really? Kami kasi we plan to celebrate Christmas sa New Zealand then New Year sa New York. Sumama ka kaya?--"
"Oh! 'Di na 'no! Nakakahiya--"
"Bakit ka mahihiya? Mom have been wanting to see you kaso nga lang nasa ibang bansa sila. This is the time you two can see each other again." Putol niya sa akin,
Ilang segundo akong natahimik at nag-isip ng isasagot, "Haze, that's your family trip. It's your time to spend time with your parents, makikisali paba ako?" sagot ko at nakita kong nakunot ang noo nito nang bahagya.
"But you're--"
"Haze, please? Christmas or Holiday is something that is not special for me. I appreciate your invitation pero... hindi kasi talaga ako masaya sa mga panahon na 'yan. Plus... I would be fine spending it alone." I cut him off, he pursed his lips and slowly nod before taking a bite out of his fish filet.
"I understand, but if you ever change your mind... we can always get another ticket." sagot nito at natawa ako,
"Bumibili pa kayo ng ticket? Eh sa inyo naman yung airline." Pabalang kong tanong at napatawa siya,
"For tax purposes only." sagot niya at natawa ako bago tumango.
Ilang minuto kaming natahimik habang kumakain, pasalamat ako dahil hindi naman bumigat ang pakiramdam sa paligid.
"Why don't you go to your house?" I froze on his suggestion, I lift my head and tilted my head while my brows furrowed.
I forced a laugh, "Sus, 'wag na, mas mararamdaman ko na mag-isa ako pag andoon ako." sagot ko bago kumain.
Pagkatapos nun ay hindi na ulit siya nagbanggit tungkol sa pasko kundi ay sa ibang bagay na lamang.
Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na siya, sinubukan kong silipin ang bill pero agad niyang itinago.
Pinandilaan ako nito, "Baka makihati kapa, next time mo nalang ako i-libre, gusto ko ng buong eggpie." sagot nito at natawa ako sa sudden craving nito. Minsan hindi ko maintindihan si Haze, parang nire-regla, eh.
Pagkahatid niya sa akin sa kwarto namin ay agad din akong naligo at nagpalit bago nag-asikaso ng report ko patungkol sa seminar kanina.
Busy ako sa pagtipa sa laptop ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang message ay natigilan ako habang nakatulala dito.
Message ng nanay ko, nangangamusta pero sa grades lang siya may pake. Pinapaalalahanan na rin ako na asikasuhin na ang mga papeles ko habang maaga pa.
Napabuntong hininga ako bago ipinatong sa lamesa ang cellphone ko, ilang segundo akong natulala sa kisame, tanging ugong lang ng aircon ang ingay sa buong kwarto.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naisipan kong ipaglutuo sila Faye at Marga. Maaga rin akong pumasok dahil may kailangan akong asikasuhin na papeles. Alas otso palang nang dumating ako at sobrang haba na agad ng pila.
Nasa kalahating oras na akong nag-hihintay sa pila nang marining ko sa ibang nakapila na kailangan daw ng brown envelope at nagka-ubusna na sa canteen.
"Putcha," napamura ako bago tumingin sa paligid para maghanap kung may mapapaki-usapan ba ako,
Sila Faye at Marga nasa klase, sila Matt at Simon nasa klase rin, si Allan naman ay paniguradong may iba ring pinipilahan, wala akong ma-abala.
"Bahala na," Umalis na ako ng pila at naglakad papalabas ng gate, ilang metro ang layo ko sa gate nang mag-ring ang cellphone ko.
Natgilan ako sa paglalakad at sinagot ang tawag ni Haze, "Hello? Bakit?" Iyan agad ang bungad ko sa kaniya na may halong pagkahagas.
[Good morning, bakit parang wala ka agad sa mood?] tanong nito at napasinghal ako bago nagpatuloy sa paglalakad,
"Eh kasi naman! Walang sinabi na kailangan namin ng brown envelope, nagkaubusan na sa canteen, ito ako ngayon, bibili sa labas!" Inis kong turan,
[What? Stay there, ibibili kita, ako na, pumila kana.] ani ni Haze, nakarinig pa ako ng mga kaluskos sa kabilang linya,
Napatigil ako sa paglalakad, "Sure kaba? Long kailangan ko," ani ko at nag-hum ito,
[Yes yes, ako na, bumalik kana sa pila mo.] sagot niya at gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Sige sige! Salamat!" ani ko bago pinatay ang tawag at nagtatakbo pabalik, buti naman at nakilala ako ng kasunod ko sa pila kanina at nakabalik ako sa pila.
Nasa sampung tao nalang ang nasa unahan ko nang dumating si Haze na dala-dala ang paper bag na may lamang brown envelope, "Wow ha, sa bookstore kapa talaga bumili." ani ko nang matanggap ang dala niya,
Napatawa ito, "Yun ang malapit sa amin, eh." sagot niya at napatawa ako, "Thank you, ha, umagang palang stress na stress na ako." ani ko at natawa siya, "Thank you lang? Walang kiss?" Ngumuso ito, narinig ko pang natawa ang nasa unahan ko kaya biglang napa-ayos si Haze. Napapaghalataan na nawawala ang angas niya.
"Sira ka, masyado ka namang PDA." ani ko at nakita ko itong umismid bago inayos ang kwelyo ng polo niya.
"Matagal paba 'yan? Mabigat ba 'yang dala mo?" Akmang kukunin niya ang backpack na dala ko nang ilayo ko ito sa kaniya,
"Ako na, kaya ko naman." sagot ko at umirap ito, "Kahit na, akin na, baka sumakit likod mo." PIlit niyang kinuha ang backpack na bitbiit ko bago ito isinakbat sa kabila niyang balikat.
May kinuha siya sa sarili niyang bag bago kinuha ang folder na dala ko at ibinigay sa akin ang mini electricfan.
"Wow ha! Saan galing 'to?" Gulat kong turan nang buhayin ang mini fan na ibinigay niya,
"Napasobra ng bili si Edward, ibinigay sa akin yung isa, sa 'yo nalang, you need it more, madali kang pawisan at initin." sagot nito at natawa ako bago sumandal sa braso niya.
"Hayst, gutom na ako." bulong ko, "Anong gusto mo? Bibili ako." Agad akong napalayo sa kaniya,
"Wag na, mamaya na, pagkatapos lang nito para gutom na gutom ako." sagot ko at napatawa siya bago umiling at isinandal ulit sa braso niya ang ulo ko.
Mag a-alas diyes na nang matapos ako, agad naman akong hinigit ni Haze papunta ng parking kung nasaan ang sasakyan niya at lumabas kami ng campus para kumain sa isang cafe dahil nag c-crave ako ng croissant at ibang pastries.
"Iiyak na ako, sobrang sarap niya!" Turan ko habang ngumunguya ng croissant na may chocolate fillings. Kanina ko pa nakikita ang mga ito habang nag sc-scroll ako sa phone habang nakapila.
Napatawa naman si Haze bago ako nito kinuhaan ng picture habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nagpalipas kami ng oras sa cafe kung saan nakatulog ako.
Pagsapit ng lunch ay kumain naman kami sa isang fastfood bago niya ako ibinalik sa campus para pumila sa kasunod.
Hindi pa iyon natapos ng isang araw. Kinabukasan ay tanghali ako nagising kaya naman nagmamadali akong umalis ng dorm. Pagkadating ko sa isang hall kung saan ako kukuha ng permit ay halos kabilang building ang pila. Mangiya-ngiyak na ako, pero tsinaga ko pa rin at pumila.
Ilang minuto palang ang lumilipas ay parami pa rin kami nang parami. Nakita ko pa si Allan na nasa bente katao ang pagitan namin.
"Bakit late ka?!" sigaw ko rito,
Nakita ko itong napatawa, "Late nagising, traffic pa! Aabutin tayo ng pasko rito!" sigaw niya pabalik at napatawa ako,
Mag ta-tatlong oras oras na ang nakakalipas, lampas na rin ang tanghalian pero papalapit na ako. Tanaw ko na ang counter at mukhang bumibilis na ang usad. Binuksan ko ang attache case na dala ko para i-check ang mga kailangan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hindi mahanap ang NSO ko. Napa-squat ako para tingnan kung nasa backpack ko ba ito pero imposible dahil wala naman akong folder dito para paglagyan nito.
"Hala! Hala! Hala!" Nagpa-panic ako nang tingnan ulit ito sa attache case ko.
Nararadaman ko na maluha-luha na ako. Hindi ako pwedeng umalis sa pila, paniguradong hindi na ako makakasingit pabalik katulad ng kahapon.
Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis. Naiwan ko yun, eh! Sa may maleta ko sa paanan sa kama. Hindi ko nadampot noong paalis na ako!
Agad kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone bago tinawagan si Haze. Tinutuktok ko ang sapatos ko sa sahig habang hinihintay na sagutin ni Haze ang tawag.
[Hell--]
"Hello? Haze? Busy kaba? Pwede ba na pakuha yung NSO ko sa dorm? Sa may maleta sa kama ko, nalimutan ko, eh! ASAP na please, paiyak na ako, malapit na kasi ako sa counter, please." Nanuyo ang lalamunan ko at anumang segundo ay maiiyak na ako. Kailangan na kailangan ko yung papel na yun.
[Hey, hey, kalma, kukunin ko na, mabilis lang ako, kalma lang? Okay? Ako bahala, 'wag ka umiyak, baka picture-an kayo sa pagkuha ng permit, sige ka, maga mata mo.] ani nito at napatawa ako bago nagpahid ng luha,
"Sige sige, bilisan mo lang, pero ingat." Paalala ko bago binaba ang tawag.
Limang tao nalang ang layo ko nang dumating si Haze. Nakahinga ako nang maluwag bago ito niyakap. "Thank you, mamatay na yata ako kanina." bulong ko rito bago kumalas sa yakap,
Ngumiti ito, "Sus, sabi ko naman sa 'yo, eh, I got it, diba? Kalma na, malapit kana, Hihintayin na kitang matapos." ani nito at tumango ako,
"Wala kabang klase?" tanong ko at ngumisi lang ito bago inayos ang blouse kong suot.
Quarter to 2PM na nang matapos ako, agad naman akong dinala ni Haze sa isang fast food para magtanghalian. Siguro siya ay gutom na rin kaya dali-dali kaming umalis pagkakuha ko ng permit.
Pabalik na kami ng campus nang tumigil kami sa 7/11 at ibinili niya ako ng isang bote ng Coke, Pringles at mga chocolate.
Napakunot ang noo ko, "Bakit? Anong meron?" taka kong tanong sa kaniya nang makabalik kami ng sasakyan.
"Na-alala ko lang yung date ngayon, baka kasi... meron ka ngayon, alam kong nakakatulong yung Coke sa 'yo kapag masakit ang puson mo." ani niya at hindi ko napigilan na gumuhit ang isang ngiti sa labi ko.
"Sus, sweet naman! Pero wala pa ako, pero bukas baka magsimula." sagot ko at nag-hum ito,
"Oh diba, tanda ko. Kaya ka pala iyakin ngayon, eh." ani nito at napakunot bigla ang noo ko, "Heh! Siraulo!" ani ko rito bago siya pabirong hinampas ng panyo sa braso.
Kinabukasan ay hapon na ako lumabas dahil medyo sumama ang pakiramdam ko. Outside the campus naman ang pipilahan ko pero at least naka-aircon na ngayon. Maggagabi na nang matapos ako sa inaasikaso ko.
Nag-miryenda rin ako sa isang food stall habang naglalakad para maghintay ng sasakyan. Ang balak ko naman talaga ay mag-commute pero biglang tumawag si Haze.
[Gabi na, ah, 6:30 na oh, hindi kapa nakakauwi?] Bakas sa boses nito ang pagkataranta,
"Late na kasi ako nakarating kanina kaya nasa pahuli na ako, okay lang naman, kaya ko naman umuwi." sagot ko rito,
[Cassandra you're in Carmona, it's rush hour, gagabihin ka kapag nag-bus ka. Susunduin na kita, pumunta ka muna sa isang safe establishment diyan.] seryosong turan nito, hindi na ako naka-apila pa at pumayag nalang sa pagsundo niya.
Pumunta muna ako sa isang pharmacy at doon siya hinintay. Alam ko namang malayo sa campus ang Carmona pero mag a-alas siyete na rin nang makarating siya.
Dumating ito nang naka-motor, "Nasa Poblacion lang ako kaya sinundo na kita." ani nito habang isinusuot sa akin ang helmet, napangisi ako nang bahagya, "Kaya nga sabi ko sa 'yo 'wag mo na akong sunduin, alam ko namang nag e-enjoy kayo ng mga kasama mo." ani ko rito at napasinghal ito.
"I wasn't really enjoying much, hindi rin ako sanay makipag-inom sa mga kaklase ko." sagot niya at napatango nalang ako, napakunot ang noo ko nang mapansin na may gasgas ang motor niya at may basag pang parte.
"Sakay na," ani nito pagkatapos isuot ang helment ko, inayos nito ang suot niyang relo na nahabol ko ng tingin at doon ko nakita ang duguan nitong siko at braso.
"Haze! Na-aksidente kaba?! May gasgas ka!" Napasigaw ako bago hinila ang braso nito para tingnan,
"Aray!--"
"Masakit?! Saan!? Baka may bali ka! 'Wag kana magmaneho, tatawag ako ng--"
"Cass, Cass, kalma!" Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat, "Okay lang, hindi ako nabangga or what, nag-slide lang yung motor, hindi ako napahampas kahit saan, hindi ako nabundol, nabangga, nagulungan ng sasakyan, nag-slide lang yung motor. Gasgas lang 'to, hindi rin masama yung pag-slide ko, okay lang ako." Malumanay nitong turan, napabuntong hininga ako bago napasapo sa dibdib ko.
"Sigurado ka? Baka nagsisinungaling ka lang. Sinasabi ko sa 'yo, Haze! Baka may bali ka! Or internal bleeding, delikado 'yan!" Napapatingin ang ibang dumadaan sa amin,
Hinawakan ako ni Haze sa pisnge, "Cass, okay nga lang, ipapagamot ko nalang sa drom, ipapa-check ko na rin kay Xandro, I'm fine, kalma. Tara na, umuwi na tayo." ani nito, bumuntong hininga ako bago umangkas sa motor niya.
Mahigpit ang pagkakayapos ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. Hindi naman ito mabilis at madalang din siya mag-overtake, sadyang praning lang ako.
Pagkadating namin sa lobby ay andoon na sila kuya Xandro, Lorenzo, Edward at Lucas na may dalang medicine kit.
"Anong nangyari sa 'yo? Nag-dive ka sa kalsada?" tanong ni kuya Xandro rito,
"Naka-inom 'yan kuya kaya ganiyan, nagmaneho nang lasing." ani ko bago pina-upo si Haze sa isang couch para asikasuhin nila kuya,
"Baka naman nabundol 'yan kaya ganiyan, kahit lasing nakakapagmaneho 'yan. Impossible na nag-slide lang 'yan." ani ni kuya Edward habang pinapanood na gamutin ni kuya Xandro si Haze.
"Diba! Sabi ko nga, eh! Baka nabangga talaga siya ayaw lang sabihin! Paano kung may bali siya, internal bleeding?!" Nataranta nanaman ako, ayaw kasing maniwala ni Haze!
"Ed, tinaranta mo nanaman 'yan. Napakalma ko na kanina 'yan, eh-- aray! Aray!" Napa-igtad si Haze mula sa bulak na idinadampi ni kuya Xandro sa sugat niya.
"Ang likot naman! Puputulin ko 'yang braso mo!" ani ni kuya Xandro at nagpigil ako ng tawa at napahilamos sa mukha,
"Cass pumunta kana sa dorm niyo, magpahinga kana." Malunay na turan ni Haze,
Umiling ako, "Ayaw kitang iwan." ani ko at nakita kong nagpigil ng ngiti si kuya Xandro,
"'Wag mo'ng iiwan si Haze, Cass, baka balian lalo ng buto ni Xandro." turan ni kuya Lucas at napatawa si kuya Lorenzo at Edward,
Napakamot ako sa ulo, hindi ba sila nag-aalala sa kaibigan nila o OA lang talaga ako?
"Hindi kasi nag-iingat, eh. Sa susunod mag-iingat kana kasi, mabilis ka yatang magpatakbo." Bilin ko rito,
Napasinghal si kuya Xandro, "Naku, sa sususunod niyan, matutuluyan na 'yan--" Hinampas ni kuya Lorenzo si kuya Xandro,
Napahilamos sa mukha si Haze, "Sige na Cass, I'll be fine, goodnight, sweetdreams." Malambing nitong turan,
"Walang kiss?" Pang-aasar ni kuya Lucas at pinagbantaan ito ni kuya Lorenzo ng hampas,
Napabuntong hininga ako, "Kulit mo naman, hinihintay ko lang na matapos yung paggamot--"
"Cass! Andito kana pala!" Napalingon kami sa may pinto ng lobby kung nasaan si Faye na nagtatakbo papunta sa akin.
"Hello po!" Bati nito kila kuya bago umangkla ang braso nito sa braso ko, "Tara na sa kwarto, asikasuhin natin yung para sa laboratory natin." ani nito bago ako akmang hihigitin paalis,
"Wait si Haze--"
"Sige na Faye, dalhin mo na si Cass sa kwarto mo." ani ni Haze at napanguso ako,
"Oh, dalhin na raw kita, ipinamimigay kana ni kuya, tara na!" Nagpadala na ako kay Faye palabas pero habol ko pa ng tanaw si Haze.
"Puro nalang pila, napakahirap mahalin ng course natin!" Pagrereklamo ni Faye habang naglalakad kami,
"Arte mo naman, hindi naman tayo pumila kanina, naghintay lang." ani ni Marga habang kumakain ng kwek-kwek.
Napatawa ako bago tumango, "Oo nga, tsaka naka-aircon naman tayo kanina 'no! Hindi katulad nung mga kinukuha sa campus." ani ko habang ngumunguya ng turon.
Dumidilim na ang langit at sa dami ng inasikaso namin ngayong araw ay inabot na kami ng gabi sa kalsada. May mga binili pa kami para sa lab work namin, mabagal pa maglakad si Faye at napaka-indecisive ko naman kaya natagal kami sa pagbili ng mga gamit namin.
"Alam niyo, dahil finally! Tapos na ang mga binibili at pinagkukuha natin at bukas ay makakapagsimula na tayo sa lab-work, deserve natin sumaya!" ani ni Faye at nakamot ako sa ulo,
"Actually! Tara, may alam akong noodle house na bagong bukas! Tapos manood na rin tayo ng movie!" Aya ni Marga at agad namang pumayag si Faye sa plano ni Marga kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama na rin.
Sumakay kami ng jeep para pumunta sa noodle house na sinasabi ni Marga. Noong una ay hindi pa ako gaanong interasado sa pupuntahan namin, pero nang makita ko ang mga pwedeng kainin ay nauna-una na akong bumili.
Tumagal kami ng mga 2 oras sa pagkain at ang papunta naman ng mall ay inabot ng kalahating oras. Mabuti nalang at na-abutan namin ang last showing ng movie na gustong naming tatlo. Mabuti nalang at hindi ako nakatulog sa panonood at natapos ko ang palabas na walang nakakaligtaan.
Halos 11pm na nang lumabas kami ng mall, sumakay kami ng jeep papunta sa terminal ng isa pang jeep papunta ng dorm pero naiwan na kami ng last trip.
"Lakarin kaya natin?" Nabaling ako ng lingon kay Faye, "Gaga kaba? Ang layo kaya natin sa dorm!" ani ko at napatawa ito,
"Tulog na si kuya, di ako makapagpasundo." ani ni Faye habang nakanguso na tumitipa sa cellphone niya.
Tiningnan ko ang active status ni Haze at nakita itong naka-offline na, ibig sabihin ay tulog na ito.
Ilang minuto kaming naghihintay dahil baka may tricycle na dumaan o taxi, kaso mag a-alas doze na kaya medyo imposible na.
Nagulat ako nang makita ang isang puting SUV na paparating at si Haze ang driver.
"Paano mo nalaman?" Taka kong tanong nang lumabas ito ng sasakyan, naka-pajama na ito at magulo ang buhok,
"Sinabi ni Xandro, may tweet raw si Faye na naghihintay kayo rito." ani nito habang inilalagay sa backseat ang mga pinamili namin.
Nagparte ang labi ko, "Seryoso ba? Tulog kana ba?" tanong ko rito, umiling ito bago ako ipinagbuksan ng pinto, "Sakto lang," sagot nito at napatawa ako nang bahagya bago sumakay ng sasakyan.
"Hindi na kita tinawagan kasi alam kong tulog kana." turan ko rito,
Umiling siya, "Okay lang, you should've called me para magpasundo, delikado na sa gabi, paanong kung napahamak kayong tatlo? Si Shawn ba, Faye?" Tinanaw nito si Faye sa rear mirror habang nagmamaneho,
"Ah... tulog na po, hindi na sumasagot sa tawag ko." sagot ni Faye sa backseat at nag-hum si Haze.
Mabilis ako nitong nilingon, "Next time, call me when you need help, okay?" he softly said before looking back at the road. I pursed my lips and slowly nod.
Sa mga sumunod na araw ay nagsimula ang laboratory works namin. Madalas na kaming nasa lab, madalas na rin ang pag-unan dahil sa papalapit na pasko. Madalas akong hatid-sundo ni Haze dahil umuulan sa umaga at hapon. Lagi rin ako nitong pinagdadala ng payong at pinapaalalahanan na uminom ng vitamins para iwas sakit.
"Kumakanta kaba, Allan?" tanong ni Simon habang tumutugtog ng gitara,
"Ah.. ano... depende." sagot ni Allan, "Depende sa dami ng alak na nainom niya! HAHHAAH!" Biro ni Matt at pati ako ay napatawa sa sinabi nito,
"Tutugtog kayo sa tree lighting, Si?" tanong ni Marga, napakunot ang noo ko at napalingon kay Marga,
"Tree lighting?" Kunot-noo kong tanong, tumango si Marga, "Oo, yearly yun ginagawa, diba?" sagot nito at nagparte ang labi ko.
"Ah... malapit na nga pala magpasko." turan ko at nag-hum si Simon,
"Saan ka magpapasko?" tanong nito at napasinghal ako, "Si Simon, parang sira, di na nasanay sa 'kin." turan ko bago sumubo nng fries.
"Sorry, nagtatanong lang, eh. Malay mo may balak ka pala ngayong pasko." Sarkastiko nitong turan at napatawa ako,
Pagdating ng gabi ng tree lighting ay si Haze ang kasama ko. Sa kasagsagan ng concert ng Music Club ay ibinigay niya sa 'kin ang isang bouquet at gift box na may mga lamang stationeries.
"Aww! Thank you! Wait I also have something for you!" I said as I placed his gifts down on a monoblock chair and get my gift for him from my tote bag.
"Charran!!" I handed him a black and white gift box with a ribbon.
A wide smile grew on his lips, "What's this?" he asked before opening the box, "See for yourself!" I excitedly said, mas excited pa yata ako kaysa sa kaniya,
When he opened the box, I saw his brows furrowed a bit before he finally take out a blue sweater.
"It's cute!" His smile grew wider, "I got you that shade of blue cause it matches you so well." I said and he smiled with his eyes,
"I got you another thing," he said before getting something from his wallet, my brows furrowed,
"Here! I made it!" he handed me a bracelet made with beads,
"Aww! Haze! This is so cute!!" I tried it on, "Ang ganda! Ang sweet naman!!" Masaya kong turan, he pulled me for a hug, a warm one to be exact.
"Grabe naman sa hug!" turan ko, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Isinayaw niya ang mga katawan namin, "Let's stay like this for few minutes,"
Hindi ko alam kung dahil ba sa malamig na panahon pero bawat araw na lumilipas ay palungkot ako nang palungkot. Nawawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay at parang napaka-boring ng buhay ko.
Masaya naman ako kapag kasama mga kaibigan ko o kapag kasama si Haze. Pero kapag mag-isa ako at nakakapagmuni-muni sa buhay ay saka ako tinatamaan ng lungkot.
Utay-utay na rin umuwi sila Simon at Matt sa mga kaniya-kniya nilang bahay. Si Marga naman ay nauna nang umalis dahil mag flight pa ito papuntang Japan.
"Mag-iingat ka rito, mag-enjoy ka rin! Papasalubungan kita, anong gusto mo?" tanong ni Faye habang nag-iimpake ng gamit niya, paalis na rin siya maya-maya.
Napatawa ako, "Snow," sagot ko at napahagalpak siya ng tawa, "Sige, ilalagay ko sa ice box." ani nito bago isinara ang luggage niya.
Nang umalis na ito ay napa-upo ako sa sofa at napabuntong hininga. Lumingon ako sa bintana at pinagmasdan ang lumulubog na araw.
Simula nanaman, paskong malamig na mag-isa. Sanay naman na ako, pero mabigat pa rin pala sa pakiramdam. Kahit ilang taon na akong ganito, nalulungkot pa rin ako.
Kinabuksan ay naisipan kong maglinis muna ng kwarto. Sa paglilinis ay doon ko nahalungkat ang mga Christmas decoration na binili ni Marga. Maglagay manlang daw ako para hindi gaanong malungkot ang pasko ko.
Alas dos na ng hapon nang tumigil ako sa paglilinis dahil nakaramdam ako ng gutom. Nag-almusal naman ako ng tinapay at may pailan-ilan na kinakain habang naglilinis.
Naghahalungkat palang ako ng kakainin nang may kumatok sa pinto. Napakunot ang noo ko, "Si Haze ba 'to?"
Hindi ako nagkamali dahil pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Haze na may dalang paper bag ng Jollibee at dire-diretsong pumasok ng kwarto.
"Alam kong hindi kapa kumakain, hindi kapa sumasagot sa messages ko." ani nito habang inihahanda ang mga pagkain sa lamesa.
Nang ma-alala ang cellphone ko ay napaharipas ako ng takbo sa kwarto at saka hinugot ang naka-charge kong cellphone.
"Sorry, sorry, nalibang ako sa paglilinis, eh. Nag miryenda naman ako kanina." turan ko habang binabasa mga messages niya, may mga missed calls pa ito.
"It's fine, pero still, nalilipasan ka ng gutom. Sit down na, I'll get us plates." sagot nito at tumango ako bago naupo habang siya naman ay kumuha ng pinggan.
"Akala ko pupunta kayong ibang bansa? Bakit andito kapa?" tanong ko habang ngumunguya ng spaghetti,
Napatawa ito, "Tinutulak mo naman ako paalis--"
"Uy hindi, ha! Kasi... 5 days nalang Christmas na, usually ang mga nagho-holidays sa ibang bansa maagang umaalis ng Pilipinas." Putol ko rito at napabungisngis siya bago tumango,
"Well... I wanted to spend more time with you. Sa 23 pa ako aalis," sagot niya at tumango ako,
"Hindi kaba ma stra-stranded dahil sa dami ng tao? Sabagay, kahit isiksik ka naman nila sa eroplano, kahit sa cockpit pwede kang umupo." Bawi ko agad sa tanong ko at napahagalpak siya ng tawa,
"Ikaw ba? Wala ka talagang balak?" tanong niya at umiling ako, "Saan naman ako pupunta? Gastos lang 'yan." sagot ko at nag-hum siya,
"Sa bahay niyo? Hindi mo manlang bibisitahin? Hindi mo ba nami-miss? I mean... ilang taon mo na ba talagang hindi binibisita yun?" Nag-angat ako ng tingin,
Napabuntong hininga ako bago uminom ng tubig, "Well... kagaya ng sinasabi ko sa lahat, matagal na panahon na. Grade 8? Grade 9? Iniwan na ako ng pamilya ko para pag-aralin yung ate ko sa ibang bansa. Ako... may... may kasambahay akong kasama, pero sa paglipas ng panahon, pinaalis ko na rin. At ayun... mag-isa na ako, hanggang sa nag-college na lagi na akong andito." sagot ko, kumawala ang isang mapait na tawa sa labi ko bago sumubo ng fries.
"Wala naman talaga akong naging masamang ala-ala sa bahay. Siguro... kapag andoon ako, na-aalala ko lang na... iniwan na ako ng pamilya ko." Dagdag ko bago uminom ng iced tea.
"What about the good memories? Wala ba?" Nang tumingin ako sa mga mata ni Haze ay animo'y kumikislap ang mga ito, nanlambot ang puso ko sa mga mata niya.
Bumuntong hininga ako, "Meron naman... kagaya ng... yung harapan ng bahay namin, damuhan yun, tapos... doon kami lagi naglalaro ni ate, doon din kami naglalagay ng tent tapos sasabihin namin na doon kami matutulog pero 8:30 palang pumapasok na kami kasi natatakot kaming kuhain ng mumu. Tapos..." napatawa ako sa na-alala,
"Yung kusina namin na pinaglalaruan din namin ni ate, kung ano-ano yung niluluto namin. Nagpre-pretend din kami na nasa restaurant kami. Ang ganda rin kasi ng kusina namin. May sarili kaming coffee bar, yung pantry namin laging puno, walang gutom sa bahay, kahit anong oras pwede kang kumain." Dagdag ko pa bago sumubo ng spaghetti, may malawak na ngiting nakaguhit sa labi ko.
"Alam mo ba, yung kwarto namin ni ate, magkatabi lang yun, sa gabi, mga... 9PM noong highschool na ako, lagi niya akong pinupuntahan sa gabi kasi... alam niyang nag-iiyak ako pagsapit ng 10pm, breakdown ba. Kaya lagi niya akong inaaya na manood ng movie o di naman kaya magtatawanan lang kami hanggang sa antukin ako at hindi na umiyak." Hindi ko namalayan na sa pagkekwento ko ay utay-utay nang umaagos ang mga luha sa pisnge ko.
Napasinghot ako at agad itong pinunasan, "Ikaw kasi, eh! Pina-alaala mo sa 'kin!" Pabiro ko siyang binato ng tissue,
Napatawa siya, "Nagtatanong lang naman ako," sagot niya at napatawa ako habang nagpupunas ng luha, "Sige na nga! Pupunta na ako, bukas agad! Baka kasi mawala ako sa mood." ani ko at nag-hum siya,
"Sige, sasamahan kita," turan niya at umiling ako, "'Wag na, ako nalang mag-isa. Ihatid mo nalang ako." sagot ko at bahagyang kumunot ang noo niya bago kumiling,
"Sure ka? What if may mumu--"
"Para kang sira! Kumain ka na nga lang!" Parehas kaming napahagalpak ng tawa,
Pagkatapos kumain ay tinulungan niya akong ilagay ang ilang decorations. Napahagalpak ako ng tawa dahil ang fake na halamang binili ni Faye ay ginawa niyang Christmas tree na kung ano-ano ang laman.
"Lahat mo na inilagay niyang maliban sa Christmas balls." ani ko habang pinapanood siyang magsabit ng orange, kamatis at kalamansi na naka-tape sa yarn sa Christmas tree.
"Colorful pa rin naman, fruitful pa!" Napahagalpak ako sa sinabi niya, "Literal na fruitful, eh!" ani ko at napahagalpak siya ng tawa.
Pagkatapos naming mag-decorate ay ipinaghanda ko siya ng miryenda bago kami nanonood ng movie hanggang sa dumilim at abutin siya ng hapunan. Nagluto ako ng hapunan namin para hindi na siya bumili. Hating gabi na siya nang umuwi dahil nanood pa kami ng part 2 and 3 ng palabas at nakipagkwentuhan pa siya sa 'kin.
Magtatanghalian na ako nang pumunta sa bahay namin. Inihatid ako ni Haze at pagdating ko doon ay sakto naman na andoon ang house keeper namin kaya bumili ako ng miryenda niya.
Pagpasok ko ng bahay ay parang may kung anong kumurot sa puso ko. Nakaka-miss din pala.
Unang bumungad sa akin ang picture naming pamilya. Grade 8 ako nito, mataba pa rin ako nito pero mas maliit kaysa sa ngayon.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para picture-an ito at ipakita kay Haze.
to: Alonzo Haziel
g8 me was such a slay!
Ibinalik ko sa lamesa ang picture bago naglakad-lakad sa loob. May mga balot at taklob ang mga gamit namin. May mga laman pa naman ang bahay, hindi kasi dinala ng mga magulang ko sa ibang bansa ang mga bagay-bagay, hindi rin nila ibinenta dahil nga andito ako noong umalis sila.
May mga dinala rin akong gamit sa dorm kagaya nalang ng TV na dinala pa namin gamit ang sasakyan ni kuya Shawn at sila pa ni kuya Edward ang nagpasok nito sa kwarto namin. Bakit nga ba hindi ko pa kilala si Haze ng mga panahon na yun?
Pagkatapos kong ikutin ang ibaba ng bahay ay pumunta na ako sa dati kong kwarto. Ito ang halos wala ng kalaman-laman. Yung katre kong kahoy, bed side table at lumang cabinet nalang ang andito.
Binuksan ko ang luma kong cabinet para halungkatin ang laman nito nang tumunog ang cellphone ko, nag-reply si Haze.
from: Alonzo Haziel
ndi nagbago itsura mo, nag-mature k lng,
to: Alonzo Haziel
at mas lalong gumanda
from: Alonzo Haziel
ofc!
Napatawa ako sa reply niya, inilapag ko sa sahig ang cellphone ko bago binuksan ang isnag kahon. Napahagalpak ako ng tawa sa laman nito. Agad kong dinampot ang phone ko at kinuhaan ng picture ang laman nito bago sinend kay Haze.
to: Alonzo Haziel
yung pink na teddy bear na may hawak na heart, bigay sakin yan ng crush ko noong elem
Mabilis niya itong nabasa,
from: Alonzo Haziel
gxto m blhan p kta ng buong zoo
Napahagalpak ako ng tawa sa reply niya bago itinabi ang kahon. Kasunod kong pinuntahan ang 3rd floor kung nasaan ang mini library namin at family area. Andito yung ibang aklat ni ate at aklat ko mula highschool at elementary. May mga laruan din dito na hindi ko na gaano nilalaro. Ilang minuto akong nanatili sa terrace para magpalamig bago bumaba.
Saktong tangalian na kaya um-order nalang ako ng pagkain para sa aming dalawa ng house keeper. Nakipag-kwentuhan din ako sa kaniya at nangamusta. Simula pagkabata ay house keeper na namin siya kaya kilala na niya ako. Ang laki-laki ko na raw at matagal na raw nang huli niya akong nakita.
Pinagpahinga ko rin muna siya at hindi agad pinabalik sa pagtatrabho dahil mainit. Pagsapit ng alas tres ay saka siya nagtrabaho ulit habang ako naman ay umalis na.
from: Alonzo Haziel
and2 kami sa cafe sa paglabas ng subd niyu, ttawid k lang, sunduin pba kta?
to: Alonzo Haziel
nope, no need na, punta nalang ako diyan, see you!
from: Alonzo Haziel
c u
Nilakad ko nalang ang palabas ng subdivision namin dahil walking distance naman ang bahay namin sa gate. Pagdating ko sa may side walk ay agad kong tinanaw ang cafe na halos nasa katapat ko lang. Doon ay nakita ko sila Haze, kuya Shawn at kuya Howard na naka-upo sa malapit sa glass wall ng cafe.
Isang hagikhik ang kumawala sa labi ko nang kumaway si Haze habang si kuya Shawn naman ay nagbirong sasakalin si Haze.
Hinintay ko lang na kumonti ang mga sasakyang dumadaan bago bumaba sa mismong kalsada mula sa sidewalk. Tumingin muna ako ng kaliwa habang tumatawid pero hindi ko agad napansin ang puting sasakyan sa kanan ko.
Nakaramdam nalang ako ng sakit sa tagiliran ko.
Ramdam ko ang pag-angat ng paa ko mula sa lupa at hindi na nabalanse pa ang sarili at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko.
Umingay bigla, may mga sasakyang bumosina. May mga nagsisigawan pero hindi ko sila magawang lingunan. Naka-unan ako sa braso ko at ang tanging nakikita ko nalang ay sila Haze na tumatakbo sa papunta sa gawi ko.
May mga sumisigaw, may mga nagsasalita, pero hindi ko na sila maintindihan.
Hindi ako makalagaw, masakit.
"Cass!!? Cass!" Nakita ko si Haze, bakas sa mukha niya ang gulat at takot.
"Can you hear me?! Cass!? Shawn, help!" Wala na akong maramdaman pero alam kong binuhat nila ako.
Gusto ko magsalita na okay lang, hindi nila kailangang magkagulo, pero hindi ko magawa.
Magulo na ang nangyayari, hindi na nagpro-proseso sa utak ko. Maraming tao, ang dami nilang nakapaligid sa amin.
Ipinasok ako nila Haze sa kotse, naka-unan ang ulo ko sa hita ng isa sa kanila. Bahagyang tumahimik, naririnig ko na yata yung sarili kong paghinga.
"Ano?! Ang tagal! Haze!" May sumisigaw,
"Ako na!" May nagbukas ng pinto, lumiwanag, narining ko ulit yung maingay. Gumalaw yung ulo ko at nawala yung inuunanan ko kanina.
"Cass? Hey, can you hear me? Cass? Sagot ka naman, kahit mata lang." Nakilala ko ang boses,
si Haze...
Gusto kong igalaw yung ulo ko, gusto ko siyang tingnan sa mata, kaso pakiramdam ko ay wala akong kahit ano na maigalaw sa katawan ko.
Kinakapos na yata ako ng paghinga. Kahit masakit, kahit mahirap, sinubukan kong bumunot ng isang malalim na hininga, "Cass?! Cass! Shawn, bilisan mo!! Stay with us, please... Cass..."
--------------
A/N: grade 10 palang ako kating-kati na akong isulat ang scene na 'to, grade 11 na ako mwhehehe, mag g-g12 uhuhuhu, pa-graduate na real life Haze ko mga mhiemasaur
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com