Anyone But You
Omega Minus, iyan ang nakasulat sa lab results ni Miguel noong 13-years old siya. Gaya ng karamihan, hindi siya nakaligtas sa ABO virus na naganap ilang daan taon na ang nakakalipas na bumago sa buhay ng lahat ng tao.Hindi iyon naging hadlang sa buhay ni Miguel dahil maayos siyang nakakapag-aral at nakakuha pa ng scholarship sa kabila ng sapat lamang na sine-sweldo ng kaniyang mga magulang. Ang pagiging pinakamababang uri ng Omega ay hindi makakahadlang kay Miguel para makipagsabayan sa iba.Pero dumating si Mikhael. Isang Apex Alpha-pinakamataas na uri sa ABO hierarchy virus. Doon pumihit ng direksyon ang buhay ni Miguel. Mula sa agawan ng units, alitan sa bar, nakikitulog sa dorm ng isa't-isa, hanggang sa mga bagay-bagay na hindi na nila mapipigilan pa. --------------First Filo Omegaverse I'll be writing. Please bear with me! And kung nakikita mo 'to, Chancy, hindi ko po dudungisan pangalan ng UPLB huhu, fiction-fiction lang tayo rito.…



















