Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

Kabanata 2
Ungol sa kwarto

GIO'S POV

Nakangiti ako buong oras habang pinapakilala ako ni Sir Gaston sa mga trabahador at ilang security guards na pinagkakatiwalaan niya talaga.

Halos hindi kami gumawa ng ibang bagay maghapon kundi ang ipakilala ako sa kanila at ipaliwanag ang mga gawain ko sa mansyon.

Tumatango lang ako buong oras at paminsan-minsan ay sumasagot sa kanilang mga tanong. Sandali kong nakalimutan ang pagkadiri ko sa natural na amoy ni Sir Gaston.

Hindi naman ito mabaho dahil mabango siya, ngunit may amoy lalaki na medyo naiibahan ako. Pero unti-unti, nasasanay na rin ako.

Nang pumunta kami sa rancho upang bisitahin ang mga kabayo na aalagaan ko, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mga hayop.

Nasa sampung kabayo ang nakatago sa kani-kanilang kuwadra, mga kulungan para hindi maglakad kung saan-saan.

Magaganda ang mga lahi nito at mukhang maayos na alaga. Pinakain pa nga ni Sir Gaston ang mga kabayo, na kahit na wala pang damit ay nakasuot na ng salakot, tila sanay na siya sa ganitong gawain.

Bagaman halata na mayaman sila at kayang bumili ng kahit anong gusto nila, hindi maarte at tila batak din sa trabahong ganito itong si boss.

"Saan nga pala 'yung dating groom niyo, Sir Gaston?" tanong ko habang tinutulungan siyang magpakain ng ilang kabayo.

Groom ang tawag sa mga nag-aalaga ng kabayo ayon sa head personnel dito sa rancho, si Boss Liam. Brusko at matambok ang puwet nito — kung naging babae lang siguro siya, sigurado akong magugustuhan ko siya kaniig gabi-gabi.

Nagulat ako nang unti-unting tumayo ang burat ko sa pantalon ko dahil tumakbo sa isip ko ang malaking puwet ni Boss Liam habang tinitira ko siya.

Bigla akong tinablan ng libog. Tang ina! Ano'ng kabaklaan 'to, Gio?!

Mabilis kong inayos ang pantalon ko at pinagalitan ang sarili. Sandali akong kinilabutan at nadiri sa sarili ko dahil sa naisip ko.

Napansin ni Sir Gaston ang ginawa ko pero sinulyapan niya lang ako saka nagpagpag ng kamay. Palabas na kami ng rancho at pabalik na sa mansyon.

Hindi naman kalayuan ang rancho sa mansyon kaya't naglakad lang rin kami.

Nakatambay sa labas ng tarangkahan ng rancho si Boss Liam at nang matanaw ko siya, umigting ang panga ko. Naguilty ako bigla dahil sa kababuyan na inisip ko kanina.

Hindi ko matanggap na kahit sa isip ko lang iyon.

Ngumiti siya sa akin at yumuko nang bahagya nang makalabas kami. Nakasuot siya ng kulay itim na polo na mahaba ang manggas at lumang pantalon, ngunit kahit ganoon, kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan.

Tangina. Bakit naging lalaki pa 'to?

"Kanina ka pa Sir Gaston nang Sir Gaston. Tawagin mo nalang akong Gaston."

"Sige po, Gaston."

"Yan, isa pa. Wag ka na mag-'po'," dagdag niya saka inakbayan ako.

Pilit na ngiti lang ang iginanti ko. "S-sige... G-Gaston."

"Yan!" masayang bulalas niya saka kami tumuloy maglakad.

Mainit ang panahon kaya't nakangiwi ako habang nararamdaman ang bawat lapat ng init sa aking balat. Tagaktak na ang pawis ko.

"Sa tanong mo kanina, umalis na 'yung dating groom namin dahil lumipat na sa Maynila. Eh kulang kami sa groom kaya kami nag-hiring." Nilingon niya ako, at iyon ang dahilan kaya naamoy ko ang hininga niya. Hindi mabaho, amoy mouthwash pa nga. Malinisin pala 'to!

Tumango lang ako ngunit hindi na umimik.

"Potek! Sakit na nang pantog ko! Hindi na 'to aabot sa banyo!" Maya-maya ay natatarantang nagbukas si Sir Gaston ng butones ng pantalon at ibinaba ang zipper niyon.

Iihi pa yata sa harap ko itong boss ko! May pagkabalahura rin, ampota.

"A-ah, tatalikod ba ako, G-Gaston?" naiilang kong sabi. Hindi ko naman kasi alam kung paano makitungo ang mga mayayaman sa ganitong bagay. Sa amin sa baryo, kahit sabay-sabay pa kaming tumae ay ayos lang. Pero hindi ko alam kung paano sa mga mayayaman.

"Hindi na kailangan. Lalaki na rin naman." Ngumiti siya saka inilabas ang tite niya at sumirit ng ihi doon.

Napalingon ako sa burat niya. Malaki iyon at may katabaan. May mga ugat din at maging ang ulo noon ay malaki rin.

Normal lang sa akin ang tumingin sa tarub ng iba dahil lalaki ako at wala akong atraksyon sa pribadong parte ng lalake. Bukod doon, sinusuri ko ang burat ng iba para mas tumaas ang kompiyansa ko sa sarili kapag napag-aalaman kong mas malaki at mas mataba ang sa akin.

"Laki niyan, Gaston, ah?" nakangising inginuso ko ang pagkalalaki niya.

Ngumisi lang siya saka kumindat. "Diba? Hibang na hibang ang mga babae dito," sabay parang sinalsal niya pa iyon na ikinatawa naming pareho.

Iiling-iling akong tumawa. "Siya nga pala, hindi ako kumportable pag tinatawag ko kayong Gaston."

Napangiwi ako habang pinipigilang mag-po.

"Ganun ba?" nagpagpag siya ng kanyang pagkalalaki saka muling ibinalik sa pantalon at isinara. "Hmm... Boss G nalang kaya?"

Umaliwalas ang mukha ko. "Sige, Boss G!" parang nabunutan ako ng tinik.

Para kasing hindi ko siya nirerespeto pag Gaston lang, at kapag Boss Gaston naman, parang masyadong mahaba. Okay na okay itong Boss G.

Sabay na kaming pumasok sa mansyon pagkatapos. Nakakatuwa dahil mayroon silang maraming kwarto sa mansyon at doon niya pinapatulog ang mga trabahador niya sa mga bakanteng kwarto.

Nagligpit ako ng gamit ko sa bagong kwarto ko kalaunan at nag-ayos ng pwesto ng kama at maliit na mesa. Ayos na ayos ang kwarto, mukhang mamahaling apartment lang ang datingan.

Marami na ring trabahador ang pumasok sa kanilang mga kwarto kaya bahagyang umingay ang paligid.

Sina Boss G at ang mga anak nitong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita, naroon sila sa ikalawang palapag ng mansyon natutulog habang kami mga trabahador ay dito sa baba. Kasya naman kami dahil masyadong malawak ang mansyon para sa lahat.

Astig na astig dahil mukhang hindi pinapabayaan ni Boss G ang mga trabahador niya.

May ilan-ilan din akong nakitang magagandang kasambahay na siyang nagpabuhay sa laman ko. Alam ko sa sarili kong may girlfriend na ako, kaya naman pinipigil ko ang sarili kong pagnanasa sa mga babae na iyon.

Nasa kaliwang bahagi ng mansyon ang kwarto ng mga babae habang nasa kanan ang mga lalaki.

Nag-aayos ako ng mga damit kong inilalagay sa aparador nang may kumatok. Tinungo ko iyon saka binuksan.

"Hi! Ikaw 'yung bago, diba?" nakangiti itong lalaking moreno na may pagkasingkit. Mas matangkad ako sa kanya at mas malaki ang katawan, ngunit halatang batak siya magtrabaho dahil sa kanyang magandang katawan. Nakasando siya ng puti at nakasuot ng short. Inilahad niya ang kamay. "Wade, pare."

Nakipagkamay ako. "Gio, pare."

Nang nagpang-abot ang kamay namin, pinisil niya iyon kaya naman naibahan ako. Tinanggal ko agad ang kamay ko saka ngumiti nang pilit.

"Tsk tsk. Baguhan nga," tumawa lang ito sa ginawa ko. Sunod, sinuri niya ang loob ng kwarto ko. Saka tumingin nang makahulugan. "Tama nga 'yung bulong-bulungan na mag-isa ka nga lang talaga sa isang kwarto."

Nangunot ang noo ko at pansamantalang nakuha ng atensyon ko ang sinabi niya. "Bakit? Hindi ba kayo mag-isa sa kwarto niyo?"

Ngumiti siya nang pilit saka namulsa. Bago siya umiling. "Mukhang may bagong favorite si boss."

Mas lalo akong naguluhan. "Hindi kita maintindihan, pare."

"Wala, haha, wag mo akong intindihin. Wala lang akong maisip na sasabihin." Ngumiwi ito saka tinapik ako sa balikat. "Sige, pre, alis na ako. Kung may kailangan ka, dito lang ako sa room C-4."

Tumango ako at ngumiti nang pilit. Hindi ko gusto 'yung pambibitin niya. Tumango siya saka naglakad palayo.

Umiling-iling akong tinungo ang kwarto ko at itinuloy ang ginagawa ko. Hating-gabi na nang magising ako dahil punong-puno na ang pantog ko. Kinailangan kong lumabas ng kwarto at pumunta sa CR ng mga lalaki upang magpalabas.

Paglabas ko, madilim ang pasilyo. Naglakad ako habang nakahawak ang kaliwang kamay sa pader upang hindi matumba. Nakabukas naman ang ilaw sa sala at ganoon din sa palikuran, kaya may kaunting liwanag sa pasilyo.

Nagmamadali akong maglakad dahil halos umaagos na ang ihi ko.

Nang mapadaan ako sa isang kwarto, natigilan ako ng bahagya nang may marinig akong mga tunog mula sa loob. Sandali akong tumigil sa paglakad upang pakinggan ang paligid.

Nang mapagtanto ko ang tunog, napabusangot ako.

May umuungol na lalaki. Mali, hindi lang iisang lalaki — dalawang boses ang naririnig ko.

Tangina! May mga bakla sa mansyon! Ito ang ayaw kong makasama. Ang mga bakla kasi ay walang pakialam sa sekswalidad naming mga lalaki!

Iiling-iling akong pumunta ng banyo at nag-isip kung sino ang mga baklang iyon. Gayunpaman sinita ko ang sarili at pinaalalahanan na kailangan kong magpigil sa sarili at mag-pokus sa aking trabaho.

Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin mapanatag ang loob ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com