Chapter 25: Attacked
XYRA
Nagising ako pero wala na si Clauss sa tabi ko. Pagtingin ko sa relo, alas-sais pa lang ng umaga. Ang aga naman niyang magising? Inayos ko ang sarili bago lumabas sa tent. Busy sa pagluluto sina Akira at Selene. Si Clauss naman, nakaupo sa isang troso na halatang malalim ang iniisip. Si Xavier at Troy ay tahimik lang sa isang tabi.
Nakakabaliw ang mga itsura nila. Napakaseryoso ng mga mukha nila. Ganito ba talaga ang mga lalaki? I sighed. Napansin ako ni Akira kaya bumati siya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Clauss. "Good morning," nakangiting wika ko.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. "Morning." Napakunot-noo ako pero saglit lang. Parang may kakaiba sa kanya.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ko. Kumunot-noo siya sa 'kin at umiling. "Wala naman," mahinang sagot niya. I sighed. Wala ba talaga? Bakit pakiramdam ko may itinatago siya sa 'kin?
"Saan ka pala nakatira? May kamag-anak ka pa?" naisip kong itanong.
"Malayo rito. May lola't lolo pa ako pero hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila," sagot niya. Napatango ako. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon. Tinawag na kami nina Akira upang kumain. Napilitan kaming tumayo para kumain. Sana si Felicity na talaga ang hinahanap namin para maging maayos na lahat.
CLAUSS
Nagbago ang isip ko na kunin kay Xyra ang mga magical rings dahil sa huli niyang sinabi sa akin kagabi. Nagkunwari akong tulog dahil ayaw ko siyang sagutin. She said that she would always believe in me. I'm happy, but at the same time it's making me sad. She must not trust me. Hindi ko alam kung tama na maging kami ni Xyra. Alam ko na masasaktan ko lang siya pero bakit itinuloy ko pa rin? What the hell was wrong with me? Lalo siyang mapapahamak sa ginagawa ko.
Ang problema pa, nasa kanya ang mga magical rings. Hindi ko magawang kunin sa kanya 'yon. Ayaw kong umiyak siya. Pero tama ba ang desisyon ko? Kailangan ko na bang itigil ang relasyon namin? Masasaktan siya ngayon pero tiyak na mas masasaktan siya kung bigla akong aalis. Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko siyang pakawalan dahil pakiramdam ko hindi ko kaya.
"May problema ba, Clauss?" nag-aalalang tanong ni Xyra. Napansin ko na hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko. Nakatitig lang ako sa pagkaing nasa harap ko. Tumingin ako sa kanya at umiling. Pilit akong ngumiti. Sinimulan ko na ang pagkain.
Hindi ba pwedeng bumalik na lang ako sa dati? Walang itinuturing na kaibigan at walang pakialam sa iba kahit may masaktan pa. The hell with me! Bakit ba kailangan ko pa siyang makilala? Niloloko ko lang siya sa ginagawa ko.
XYRA
Natapos na kaming kumain. Inayos na namin ang mga gamit para tumuloy na sa baryo na tinitirhan ni Felicity. Itinuro ni Troy sa 'min ang daan. Kasabay niya si Xavier na halatang gusto nang makita si Felicity. Kasabay ko si Clauss. Kanina muntik na akong magselos dahil napansin kong magkausap sila ni Selene. Tila seryoso ang pinag-uusapan nila.
Sina Akira at Selene naman, mahinang nagtatalo. Hindi ko pa natatanong si Akira kung bakit madalas silang nag-aaway ni Selene. Naiintriga ako sa kanila. Paglabas namin sa kagubatan, tumigil kami sa isang mataas na lugar kung saan tanaw na tanaw ang bahay ni Felicity at ang buong baryo. May kalakihan ang bahay at may attic ito.
"That's her house," sabi ni Troy habang itinuturo ang bahay ni Felicity.
"Nandiyan ba siya? Hindi kaya may pasok siya?" tanong ko kay Troy. Martes ngayon kaya baka may pasok siya. Napakamot sa ulo si Troy na tila may naalala.
"May pasok nga pala siya pero sa ikatlong baryo pa ang paaralan niya," sabi ni Troy.
"Mabuti pa siguro maghintay na lang tayo sa pagbalik niya," sabi naman ni Xavier. Sumang-ayon kami at naghintay. Matatagalan pa ang pagbabalik ni Felicity dahil nasa paaralan siya. Makikita mula sa kinatatayuan namin ang mga galaw sa buong baryo, ang mga tao na masayang nagkukwentuhan at naglalakad sa kalye.
"Paano natin malalaman na siya nga ang heaven power user?" I asked, out of the blue.
Nag-isip ang mga kasama ko. Si Xavier naman ay parang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Natatae ba siya? Gusto kong matawa sa naisip ko. Baka excited lang siyang makita si Felicity?
"We will force her to release her power to confirm it," seryosong sabi ni Clauss. Nahampas ko siya habang nanlalaki ang mga mata. Huwag niyang sabihin na gagawin niya kay Felicity ang ginawa niya sa 'kin dati! Papanain ba niya ng apoy si Felicity? Natawa siya sa ekspresiyon ng mukha ko at sinabing nagbibiro lang siya. Napailing ako sa kanya.
"Maglilibot muna ako sa baryo," seryosong sabi ni Clauss.
"Pwedeng sumama ako?" nag-aalangang sabi ko. Umiling siya at sinabing huwag na. Nagpaawa ako sa kanya pero hindi ko siya napilit na isama ako. Humingi siya ng litrato ni Felicity kay Troy dahil baka makasalubong niya. Astig si Troy dahil mayroon siyang itinatagong larawan ni Felicity. Sumulyap din ako sa larawan. Maputi siya at maganda.
Umalis na si Clauss at iniwan niya ang mga gamit sa 'min. Ang daya niya! Hindi niya ako sinama! Ilang oras ang nakalipas nang magpaalam na rin si Selene dahil may pupuntahan siya. Hindi sana siya papayagan ni Akira kung hindi lang sinabi ni Selene na maghahanap siya ng restroom. Pumayag si Akira pero sumama ito. Walang nagawa si Selene kundi magpasama kay Akira. Halatang naiinis si Selene kay Akira.
Naiwan kaming tatlo nina Troy. Tanghali na at nakaramdam na ako ng gutom. Nasaan ba si Clauss? Ang tagal naman niya. Inabutan ako ni Troy ng tinapay. Nahalata niyang gutom na ako.
"Hindi ako marunong magluto kaya pagtiyagaan mo na yan. Siguro makakabuti kung bumaba na tayo sa baryo. May karinderya naman doon," sabi niya. Pumayag ako. Iniwan namin ang mga gamit pero dinala ko ang backpack ko. Itinago ni Troy ang mga gamit sa loob ng isang maliit na ice igloo. Pumunta kami sa isang karinderya at doon kumain.
CLAUSS
I scanned Felicity's house. May kalayuan ako sa bahay niya. Napalingon ako sa isang pamilyar na bulto ng tao. Pilit kong inaninag ang mukha niya dahil baka nagkakamali ako ng tingin. Pero hindi talaga. It's Jigger, at may kasama pang dalawang lalaki. Nasa gitna siya ng mga kasama. Hindi sila nakasuot ng cloak ng mga Dark Wizards. Ordinaryong kasuotan lang ang suot nila. Nagtago ako para hindi nila ako mapansin.
Alam ba niya na pupunta kami rito? Sino ang target niya? Si Felicity o si Xyra? Pero hula ko, si Felicity ang ipinunta niya dahil sa bahay ni Felicity siya nakatingin. Alam ba niya na nasa pangangalaga ni Xyra ang mga magical rings? Sana hindi.
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa. Kung si Felicity ang pakay niya, hindi na ako mahihirapan na kunin ang heaven power user. Hindi ko muna kailangang umalis nang biglaan sa WMA. Si Jigger na ang bahalang magdala ng heaven power user sa DWA. Pero magiging problema kung target din niya si Xyra. Damn! Sana talaga hindi.
Alas-tres na ng hapon. Hindi ko na naramdaman ang gutom dahil sa pagmamanman sa lugar. Tahimik kong sinusundan sina Jigger para malaman kung ano ang pakay nila. Naglalakad sa kanto sina Jigger. Nakatago ako sa isang poste pero kinabahan ako dahil makakasalubong nila sina Xavier, Troy at Xyra na halatang naglilibot sa buong baryo! Sana hindi niya kilala si Xyra! Napansin ko rin sa 'di kalayuan na naglalakad na si Felicity patungo sa direksiyon nina Jigger. Kasunod siya nina Xyra.
Napamura ako dahil hindi pa nakikita ni Xavier si Felicity at mukhang makukuha na agad ni Jigger. Pero kung ako ang kukuha kay Felicity, ipapakita ko pa ba siya kay Xavier? Damn! Alam ko rin ang pakiramdam ng malayo sa kapatid. Napasabunot ako sa buhok. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?
XYRA
Naglibot kami sa baryo nina Troy at Xavier. May makakasalubong kaming tatlong matatangkad na lalaki. Kakaiba ang aura nila. Hindi ko maiwasang matakot sa kanila. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan. Nasa gitna ako nina Troy at Xavier.
Napatingin ako sa lalaking nasa gitna. He's looking at me, straight in the eye. Kinilabutan ako sa tingin niya. Nakakailang ang tingin niya sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko sa lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot na bumalot sa akin. Naramdaman ko rin ang pangangatog ng tuhod ko.
Praning na ba ako? Kulang ba ako sa tulog? Ipinilig ko ang ulo para alisin ang takot na nararamdaman. Napansin ko ang seryosong mukha nina Xavier at Troy pero hindi nila nililingon ang mga makakasalubong namin. Dumikit sila sa 'kin na tila gusto nila akong protektahan.
"I feel that something is wrong with them. Be alert," mahinang sambit ni Troy. Marahang tumango si Xavier. Nahigit ko ang paghinga dahil malapit na namin silang lampasan. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko kahit pinipilit kong kumalma.
Nang halos katabi na namin sila, naramdaman ko pa ang pagsulyap sa 'kin ng lalaking nasa gitna. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan silang makalampas. Pero tila gusto ko pa ring tumakbo para tuluyang makalayo sa kanila.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Troy at tinapik ako sa balikat. Tumango ako nang marahan pero hindi ako sigurado sa nararamdaman. Tumigil ako sa paglalakad kaya napakunot-noo sina Troy.
"Why?" takang tanong ni Xavier. Hindi ko siya sinagot. Dahan-dahan akong lumingon sa likod namin kaya napalingon din sila. Ramdam kong may hindi magandang mangyayari ngayon. Normal na naglalakad ang tatlong lalaki pero ang pinaka-nakaagaw sa pansin ko ay ang babaeng makakasalubong nila. Naka-school uniform siya at may yakap-yakap na mga libro habang nakatungong naglalakad. Pamilyar pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya.
"Si Felicity," mahinang sambit ni Troy. Nabigla ako. Kaya pala pamilyar siya. Siya pala ang babaeng nasa larawan. Napatingin ako sa reaksiyon ni Xavier. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang kay Felicity. Halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata niya. Halatang hindi niya alam ang gagawin sa oras na ito.
"Let's go," sabi ko. Kahit natatakot ako sa tatlong lalaki ay gusto kong lapitan si Felicity para matapos na ang misyon. Hinila ko sila para maglakad dahil ayaw nilang gumalaw sa kinatatayuan. Nag-aalinlangan silang pareho. Napailing ako. Napatigil kami sa paglalakad nang humarap sa 'min ang dalawang lalaking nasa gilid. Samantala, ang lalaking nasa gitna naman ay patuloy na naglakad patungo sa direksiyon ni Felicity.
Napakunot-noo ako. Ano'ng nangyayari? Maging sina Xavier at Troy ay naalerto rin. Naglabas ng sketch pad ang isang lalaki at nagsimulang magsulat doon. Mabilis na gumagalaw ang kamay niya. Nakahanda naman ang isa pang lalaki na nakatingin sa 'min. Humakbang ako pero agad na pinunit ng lalaki ang isang pahina ng sketch pad niya at ihinagis sa ere.
Lumabas sa pahina ang isang malaki at mabalahibong halimaw na may mapupula at nanlilisik na mata na agad sumugod patungo sa 'min. May mahahaba at matutulis itong mga kuko. Nakakatakot ang itsura nito na tila gusto kaming kaining buhay. Tumalon sina Xavier at Troy para umilag. Lumipad ako pero agad bumaba at tumuntong sa sementadong bakod. Hindi ako pwedeng makita ng mga ordinaryong tao habang lumilipad.
Napalingon ako kay Felicity nang marinig ko ang pagbagsak ng mga libro niya. Gulat at takot na takot siya. Napatakip sa nakaawang na bibig niya ang nanginginig niyang mga kamay. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin nina Troy at sa malaking halimaw. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Halatang hindi alam ang gagawin. Malapit na sa kinatatayuan niya ang lalaki. Sino ba siya? Ano'ng kailangan niya kay Felicity? Sino ba ang mga lalaking kaharap namin? Kalaban ba sila? Kasamahan ba sila ng mga Dark Wizards?
CLAUSS
Nagulat ako sa paglabas ng isang malaki at nakakapangilabot na halimaw mula sa isang papel. Hindi pa rin ako lumalabas sa pinagtataguan ko. Hindi ako makapagdesisyon kung makikialam ba ako sa laban nila. Magagalit si Jigger at tiyak na makakarating 'yon kay Enzo. Nasaan ba si Akira? Takot na takot si Felicity habang sumisigaw kay Jigger. "Huwag kang lalapit!"
Nanginginig ang boses ni Felicity habang sinasabi ang mga kataga. Umatras siya kahit nanginginig ang mga tuhod. Napaupo siya sa takot pero pinilit pa ring umurong. Napansin kong sumugod sa direksiyon ni Xyra ang halimaw at sinunggaban siya. Isang ice wall ang lumabas sa pagitan ng halimaw at ni Xyra. Tatakbo sana si Xavier patungo sa kinaroroonan ni Felicity pero hinarap siya ng lalaking may hawak na sketch pad at muling gumuhit.
Tatakbo rin sana si Troy kay Felicity pero biglang sumulpot sa harapan niya ang isa pang lalaki. Sinuntok siya nang malakas sa mukha kaya natumba siya sa kalye. Napahawak siya sa panga at sa labing dumudugo. Pinahid niya iyon.
Pinilit tumayo ni Felicity. Nakatakbo siya pero hindi pa rin maiwasang manginig sa takot. Biglang sumulpot si Akira sa isang kanto at hinila palayo si Felicity. Naglabas siya ng isang malaking earth wall para hindi makahabol si Jigger. Pero binutas lamang 'yon ng electromagnetic laser ni Jigger kaya walang kahirap-hirap na nakalampas siya sa earth wall.
Pinili kong lumabas at humabol sakanila. Nasira ng halimaw ang ice shield na ginawa ni Troy para kay Xyra.Sinugod agad nito si Xyra pero hindi ko pinansin. Alam kong kaya ni Xyra angsarili niya. Kailangan kong sumunod kay Jigger. I used my fire to speed up.Gusto kong malaman kung si Felicity ba talaga ang heaven power user. Kung hindisiya ang hinahanap namin, kailangan ko siyang iligtas para kay Xavier.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com